You are on page 1of 2

Brooke C.

Paquiabas Reaksyon Paper


11- St. Possidius of Calama

“Alcohol Reality Check”

Ayon sa aking nabasa, ang alak ay alinman sa mabuti o masama para sa ating katawan.
Hindi naman masama ang alkohol kapag hindi inaabuso, ngunit kapag nagiging bisyo na ang
pag-inom nito, dito na maaring makuha ang malaking panganib na maari mong makuha gaya
ng mga posibleng sakit na dulot nito. Nakakalasing ito at may iba’t ibang antas ng tapang o
dami ng alkohol, na siyang nagbibigay ng pakiramdam ng kalasingan sa isang tao. Bukod pa
sa alak, maidudugtong rin natin ito sa ating realidad kung saan kapag inaabuso na ang
kabutihan ng isang tao, nakakasira ito sa kanya sapagkat siya’y tao lang din kaya maaari itong
ikababago sa kanya.

Hindi natin matatanggihan ang katotohanan na ang alak ay nakapagbibigay sa atin ng


pansamantalang kaligayahan. Ito kasi ang konsepto ng karamihan kung saan kahit na gaano pa
ito ka mali basta’t ang mahalaga ay nasisiyahan sila sa kanilang ginagawa wala na silang iba
pang isinaalang-alang kung saan dito rin sila nagkakamali.
Bago ka magsimulang gumawa ng mga desisyon, dapat nauunawaan mo ang mga
kahihinatnan ng iyong mga aksyon at yaong mga naapektuhan nito gaya ng iyong pamilya,
kaibigan at mga taong nagmamahal sayo. Buksan natin ang ating mga isipan at mag-isip ng di
naayon sa karaniwan, ugnayin natin ang alak sa ating buhay. Ang alak ay isang uri ng inumin
na gawa sa alkohol kung saan nag bibigay ito ng pansamantalang kasiyahan; gaya ng mga
nakapaligid sa atin, mayroon talagang mga bagay at tao na hindi sinadyang magtatagal sa ating
buhay sapagkat ang tangi lamang nilang layunin ay turuan tayo ng leksyon kaya dapat matuto
tayong magpatuloy ng ating buhay na wala sila, inaasahan ang darating pang mga masasayang
araw.

Ang artikulong "Alcohol Reality Check" ni Samantha Rideout ay pangkalahatang


nagpapakita ng malakas at nababatay na impormasyon na nagbibigay ng mga pinagkukunan at
mga pagsipi. Bagama't hindi ito gaanong nagpaliwanag ng mga isinulat nito, ang mga
ebidensiya na ipinakita ay sapat na upang buksan ang aking mga mata na kahit na ang alak ay
may mga benepisyo para sa katawan, ito pa rin ay negatibong nakakaapekto ng ating katawan.
Kung gayon, ang alak ay hindi mabuti o masama at dapat lamang gawin sa katamtaman.

You might also like