You are on page 1of 9

http://diaryobomba.

com/special-report/masamang-epekto-nang-pag-inom-ng-alak/

Sinasabing nakabubuti rin sa katawan ang katamtamang pag-inom ng alak dahil


maraming sakit na posibleng maramdaman ng katawan ang napipigilan nito.

Subalit kapag labis na sa itinakdang dami ng alkohol sa katawan, posibleng hindi na


maganda ang epekto nang pag-inom ng alak.

Ayon sa mga manggagamit, ang labis na pag-iinom ng alak ay nagdudulot ng hindi


magandang epekto sa ating katawan at maging sa ating isipan. Ito ay posibleng mauwi
sa mild hanggang life threatening na sakit gaya ng mga sumusunod

Emphysema. Ang baga o lungs ay nangangailangan maging elastic at flexible upang


tayo ay makahinga ng maayos. Ngunit ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng
pagkasira ng ating lungs na magbibigay-dahilan upang masira ang pagiging elastic nito.
Ito ay posibleng maging sanhi ng emphysema na kung saan tayo ay nahihirapan
huminga. Ayon sa tala ng PDRHealth, ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi sa
lahat ng kaso ng emphysema.

Lung Cancer. Ang labis na paninigarilyo ang pangunahing dahilan ng lung cancer,
kasama na rito ang mga first-hand smoker at second-hand smoker. Ang mga
second-hand smoke ay maaaring magtagal pa ng ilang oras loob sa isang kwarto kahit
ang wala na doon ang smoker.

Erectile dysfunction. Maaa-ring magkaroon ng erectile dysfunction ang isang lalaki


kung siya ay malakas manigarilyo at uminom ng alak, Upang makamit ang tamang
erection, nararapat din na maayos ang daloy ng dugo patungo sa kanyang penis.

Kulubot sa noo at mukha. Ang ating balat o skin ay binubuo ng mga elastin at collagen
fiber. Ang nicotine at iba pang harmful chemicals ay nakakasira ng collagen at elastin
na nagdudulot upang magkaroon ng premature wrinkling. ito ay maaaring
makaapekto sa ating katawan pati na rin sa ating mukha at braso

High Blood Pressure o pagtaas ng presyon. Ang madalas na pag-inom at pani-nigarilyo


ay maaaring maging sanhi upang magkaroon tayo ng high blood pressure. Kapag ito
ay hindi naagapan posibleng ito ay mauwi sa mas malalang sakit gaya ng atake sa puso,
pagkasira ng kidney, stroke, vision lost at congestive heart failure.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga nabanggit na sakit, dapat na iwasan ang
sobrang pag-inom ng alak.

Ang pangunahing dahilan nang pagtataas ng pamahalaan ng presyo ng buwis sa alak


ay upang hindi na makabili ang marami subalit tila balewala ito sa mga lulong na.
Bukod sa mga sakit na posibleng idulot ng sobrang pag-inom ng alak, malaki rin ang
posibilidad na may iba pang problemang kaakibat ito.

UMAAKIT NG DISGRASYA

Kapag ang isang tao ay lasing o pinasukan na ng sobrang alkohol ang katawan at utak,
malaki ang epekto nito sa kanyang kakayahang magdesisyon. Kaya naman
nagkakagawa ng pagkakamali na kapag nawala ang kalasi-ngan ay malaki ang pagsisisi.

Isang halimbawa ay ang kakayahang magmaneho kung kaya’t nagkakaroon ng


disgrasya na pangunahing sanhi ng aksidente at kamatayan sa Pilipinas.

Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring magbigay-daan sa aksidente.
Importante rin, ang kalasi-ngan ay maaaring magdulot sa high-risk sexual behavior
dahil inaalis nito ay hiya o inhibisyon sa mga tao.

Habang lasing, sira rin ang kakahayan na balansehin ang katawan. Maaaring matumba,
madapa, matapilok, o makaranas ng iba’t ibang aksidente habang lasing.

NAKAKASIRA NG PAMILYA, BUHAY

Disgraya nga ang hatid ng sobrang pag-inom ng alak kaya’t maituturing ding disgraya
sa ngalan ng pamilya at buhay ng manginginom.

Sa paglalasing lalo na kapag naging adik na sa alak, nauubos ang panahon sa


pag-iinom sa halip na sa pag-aaral, trabaho o kapaki-pakinabang na gawain na hindi
lang sarili ang makakakuha ng benepisyo subalit maging ang pamilya at lipunan.

Kaya naman, dapat ay hindi magpaalipin sa alak. Walang masama kung uminom
subalit dapat ay katamtaman lang tulad nang pag-inom ng isang boteng beer o isang
basong alak sa loob ng isang araw.

Subalit kapag sobra na at nauuwi na sa pagiging adik sa alak o alcoholic na ang


pag-inom nararapat lang na kumonsulta na sa manggagamot. Hindi dapat
mag-atubiling humingi ng tulong sa doktor sapagkat malaki ang maitutulong nito
upang mapigilang maging sugapa sa alak.

Maisip sana ng taong palainom ng alak na hindi lang buhay niya ang kanyang sinisira
sa sobrang pag-inom ng alak subalit maging ang buhay ng kanyang pamilya at mga
kaanak na nasasangkot sa kanyang maling desisyon kapag nasa impluwensiya na ng
alak.
http://diaryobomba.com/special-report/mabuting-dulot-nang-pag-inom-ng-alak/

HANGGANG ngayon, hati pa rin ang opinyon ng nakararami maging ng mga doktor
kaugnay sa kabutihan o masamang dulot ng alak sa katawan ng tao.

Subalit marami ang nagsasabi na napatunayan sa pag-aaral na ang katamtamang


pag-inom ng alak ay may ibinibigay na proteksiyon para maiwasang magkasakit sa
puso. Sinasabi pa na ang red wine ay mga karagdagang benepisyo katulad ng pagbaba
para hindi magkaroon ng blood clot at mahusay ding antioxidant.

May taglay na kabutihan sa kalusugan ang pag-inom ng alak.

Maaaring ang isang linggong pagtratrabaho ay hindi makagaganda sa pangangatawan


at kaisipan ng isang tao subalit ang katamtamang pag-inom ng alak ay may mabuting
dulot sa katawan.

Pero dapat tandaan na ang pag-inom ng alak ay dapat ibase sa pangangatawan at


kalusugan ng isang indibidwal.

Sinabi ng Dietary Guidelines for Americans, ang katamtamang pag-inom ng alak ay


nangangahulugang isang baso sa isang araw para sa mga babae habang dalawa
naman bawat araw para sa mga lalaki.

Natural, kapag sumobra sa nakatakdang dami ay hindi na makagaganda sa katawan.


Kaya nga dapat malaman ang mga benepisyo ng katamtamang pag-inom ng alak.

Mga Benepisyo nang pag-inom ng alak.

1. Napapababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng pagbabara sa daanang ugat ng puso.

Sa pag-aaral ng School of Public Health sa Harvard University, napatunayang ang


katamtamang pag-inom ng alak ay nagpapataas ng antas ng “High-density lipoprotein
(HDL) o “good cholesterol” at antas ng HDL na may kahalong mas angat na
proteksyon laban sa sakit sa puso. Ang katamtamang pag-inom ng alak ay nauugnay
sa nakatutulong na mga pagbabago mula sa mas maayos na daloy ng dugo upang
maiwasan ang pagbubuo-buo na nagiging bara sa mga daluyang ugat. Ang
pagbabagong dulot ng katamtamang pag-inom ng alak ay posibleng pumigil sa
pagkakaroon ng maliliit na buong dugo na posibleng makabara sa mga ugat ng puso,
leeg, at utak na siyang pangunahin dahilan nang pagkakaroon ng atake sa puso at
maging ng tinatawag na “stroke.” Kapwa dumaranas ang mga babae’t lalaki ng ga-
nitong sakit o sa madaling salita ay walang pinipili ang sakit sa puso.

1. Nagpapahaba ng buhay.
Ang pag-inom ng alak paminsan-minsan ay posibleng makadagdag ng ilang taon pa sa
buhay ng tao. Sa pag-aaaral ng Catholic University of Campobasso, naiulat na ang
pag-inom ng mas mababa sa dalawa hanggang apat na baso sa isang araw ng mga
lalaki at babae ay posibleng makabawas ng 18 porsiyento ng panganib sa pagkamatay.
Sinabi ni Dr. Giovanni de Gaetano, ng Catholic University, ang konting alak lalo na
kapag hapunan ang siyang tamang paraan nang pag-inom. Ayon pa kay de Gaetano,
isa pang may-akda ng pag-aaral, bahagi ng Mediterranean diet, kung saan
tamang-tama lang ang dami ng alak na bahagi to ng hapunan o tanghalian subalit ang
ibang bahagi ng araw ay wala nang iniinom na alak o alcohol.

1. Pinapataas ang libido.

Kabaligtaran ng mga matatandang paniniwala, napag-aralan sa bagong pagsusuri na


ang katamtamang pag-inom ng alak at posibleng makapigil sa hindi pagtigas ng ari at
maagang paglalabas ng libog na tulad ng paginom ng red wine na malaki ang
benepisyo lalo na ng mga may sakit sa puso. Sa pag-aaral noong 2009 na nailathala sa
Journal of Sexual Medicine, nakita ng mga mananaliksik na nabawasan ng 25
hanggang 30 porsiyento ang hindi madalas na pagtayo ng ari ng mga manginginom.
Ayon sa lead researcher na si Kew Kim Chew, isang epidemiologist sa University of
West Australia na nagsagawa ng pananaliksik sa 1,770 kalalakihan sa Australia,
pinapayuhan niya at kanyang mga kasamahan ang mga kalalakihan na huwag ubusin
ang laman ng bote at sa halip ay katamtaman lang ang inumin dahil may koneksyon
ang labis na pag-inom ng alak sa pagkabaog.

1. Nakatutulong sa pagpigil ng sipon.

NAPATUNAYAN ng Department of Psychology sa Carnegie Mellon University na


marami ang nagkakaroon ng sipon dahil sa paninigarilyo subalit ang katamtamang
pag-inom ng alak ay nakababawasa naman sa pagkakaroon ng sipon lalo na sa mga
hindi naninigarilyo. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa noong 1993 sa 391 matatanda.
Noong 2002, ayon sa New York Times, nakita ng mga mananaliksik na ang pag-inom
ng walo hanggang 14 na baso ng alak sa isang linggo, lalo na ang red wine, ay
nagbabawas ng 60 porsiyento ng panganib ng pagkakaroon ng sipon. Naniniwala ang
mga siyentipiko na posibleng may kinalaman ang anti-oxidant properties ng alak sa
paglaban sa sipon.

1. Pinipigilang maging sinto-sinto.

Sa pag-aaral na ginawa ng Journal of Neuropsychiatric Disease and Treatment ang


katamtamang pag-inom ng alak ay nakababawas ng 23 porsiyento sa pagkakaroon ng
problema sa pag-iisip o Alzheimer’s disease at iba pang uri tulad ng dementia o
pagkabaliw. Sinabi ni Edward Neafsey, PhD, ang konting alak ay posibleng
makapagpataas sa produksyon ng brain cells at pinatatatag ang utak laban sa “stress”
at mas pinatatatag ang iba pang bahagi ng utak upang mapaglabanan ang
pagkakaroon ng sakit sa utak na dahilan ng sakit na pagkabaliw. Kaya nga ipinapayo ni
Neafsey sa mga hindi marunong uminom ng alak na huwag nang mag-aral pang
uminom o huwag uminom ng anumang uri ng nakalalasing na likido. Subalit idiniin
nito na ang katamtamang pag-inom ng alak — kung totoong katamtaman— ay
makabubuti sa katawan.

1. Binabawasan ang panganib ng bato sa apdo

Ang pag-inom ng dalawang baso ng alak sa isang araw ay makababawas sa panganib


ng pagkakaroon ng bato sa apdo ng halos 33 porsiyento, ayon sa mga mananaliksik ng
University of East Anglia. Nakita sa pag-aaral na ang mga nakakaubos ng dalawang
baso ng alak sa isang araw ay nagkakaroon ng malakas na panlaban sa pagkakaroon
ng bato sa apdo. Iginiit ng mga mananaliksik na nakita nila sa kanilang pag-aaral na
malaki ang benepisyong dulot ng katamtamang pag-inom ng alak dahil malaki ang
bawas nito sa mga sakit na dapat sumakatawan ng taong tama lang ang dami ng
naiinom na alak.

1. Bawas sa pagkakaroon ng diabetes

Sa resulta ng pag-aaral sa Holland, ipinakikita na ang malulusog na tao lalo na


matatanda ay umiinom ng isa hanggang dalawang baso ng alak kaya naman,
nababawasan ang posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes. Ito ay kumpara
sa mga taong hindi umiinom ng alak kahit kailan. Sinabi sa pahayag, ang resulta ng
pag-aaral na nagpapakita ng katamtamang pag-inom ng alak ay pagkakaroon ng
malusog na buhay kung kaya’t nababawasan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes.
https://www.philstar.com/bansa/2011/01/20/649318/menor-de-edad-na-umiinom-bumibili-ng-alak-p
arurusahan

Menor de edad na umiinom, bumibili ng alak parurusahan

MANILA, Philippines - Babala sa mga kabataan na sumusubok nang uminom ng alak!

Inihain na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong parusahan ang mga


menor de edad na mahuhuling umiinom at nakakalusot na bumili ng alak kahit
ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta nito sa wala pang 18 taong gulang.

Sa Senate Bill 2626 o Anti-Underage Drinking Act na inihain ni Senator Ramon Bong
Revilla Jr., sinabi nito na nakakabahala na ang napakaluwag na monitoring at
pagpapatupad ng batas kaya marami pa ring mga teenagers ang nakakabili ng alak sa
mga grocery at convenience stores.

Sinabi ni Revilla na kahit pa itinakda sa 18 taon gulang ang legal drinking age,
kapuna-puna na marami ng kabataan sa Pilipinas ang umiinom ng alak.

Ayon kay Revilla, ang maagang pagkalulong sa alak ay nagiging daan upang matutong
gumawa ng ibang krimen ang mga kabataan kung saan maaari rin silang nalululong sa
sex at drugs.

Kung magiging ganap na batas ang panukala, ang mga kabataan o menor de edad na
mahuhuli ay aatasan na magbigay ng community service at ipapaliwanag din sa mga
ito ang negatibong idinudulot ng pag-inom ng alcohol.

Ang mga establishments naman na mahuhuling nagbebenta ng alak sa mga kabataan


ay pagmumultahin ng mula P10,000 sa unang paglabag at P50,000 sa mga susunod na
paglabag.

Kabilang sa mga ituturing na alcohol ang whisky, brandy, rum gin tequila, at vodka, at
mga kahalintulad na inumin. Kabilang din ang mga malt beverages, mixed o
fermented liquors, kasama ang tuba, basi, tapuy at lambanog.
https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/ipakipag-usap-sa-anak-tungkol-alak/

“Anim na taon lang ang anak naming babae nang kausapin namin siya tungkol sa alak.
Nagulat kami kasi mas marami pala siyang alam tungkol dito kaysa sa iniisip
namin.”—Alexander.

Ang dapat mong malaman


Mahalagang kausapin ang iyong mga anak tungkol sa alak. Huwag mo nang
hintaying magtin-edyer sila. “Sana kinausap na namin ang anak namin tungkol sa
tamang pag-inom ng alak noong maliit pa siya,” ang sabi ni Khamit, na taga-Russia.
“Huli na nang malaman ko kung gaano kahalaga ’yon. Umiinom na pala siya ng alak
mula pa noong 13 anyos siya.”

Bakit ito mahalaga?

Puwedeng makaimpluwensiya ang mga kaklase, advertisement, at TV sa


pananaw ng anak mo tungkol sa alak.


Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention, 11 porsiyento ng


nakokonsumong alak sa United States ay iniinom ng mga kabataang wala pa
sa tamang edad.

Kaya naman pinapayuhan ng mga health official ang mga magulang na ituro sa mga
anak nila, habang bata pa ang mga ito, ang mga panganib ng pag-inom ng alak. Paano
mo iyon gagawin?

Ang puwede mong gawin


Paghandaan ang puwedeng itanong ng anak mo. Mausisa ang mga bata, at mas
nagiging mausisa sila habang lumalaki. Kaya magandang paghandaan mo ang
isasagot mo. Halimbawa:

Kung gustong malaman ng iyong anak ang lasa ng inuming de-alkohol,


puwede mong sabihin na ang alak ay parang maasim na fruit juice at ang beer
naman ay mapait.

Kung gusto ng anak mong tumikim ng alak, puwede mong sabihin na hindi ito
para sa mga bata. Sabihin mo ang mga epekto nito: Nakakapagparelaks ang
alak, pero kapag sobra, puwede kang mahilo, makagawa ng nakakahiyang
bagay, o makapagsalita ng isang bagay na pagsisisihan mo.—Kawikaan
23:29-35.

Pag-aralan ang tungkol dito. Sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat matalino ay gagawi
nang may kaalaman.” (Kawikaan 13:16) Alamin ang mga epekto ng pag-inom ng alak
at ang mga batas at restriksiyon sa bansa ninyo tungkol dito. Kapag ginawa mo ito,
mas matutulungan mo ang anak mo.

Magkusang kausapin ang anak mo tungkol dito. “Puwedeng malito ang mga
kabataan pagdating sa pag-inom ng alak,” ang sabi ni Mark, isang ama sa Britain.
“Tinanong ko ang anak ko na walong taóng gulang kung tama o mali ang uminom ng
alak. Kinausap ko siya na parang nagkukuwentuhan lang kami, at nakatulong ’yon
para malaya niyang masabi ang iniisip niya.”

Mas tatatak sa isip ng iyong anak ang sinasabi mo kung maraming beses ninyo itong
pag-uusapan. Depende sa edad ng anak mo, banggitin din ang tungkol sa alak kapag
pinag-uusapan ninyo ang iba pang mahahalagang bagay, gaya ng pag-iingat sa
lansangan at ang tungkol sa sex.

Magpakita ng magandang halimbawa. Ang mga bata ay parang


sponge—“nasisipsip” nila, o nagagaya, ang nakikita nila sa paligid—at ipinapakita ng
pananaliksik na mga magulang ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanila. Ibig
sabihin, kapag umiinom ka ng alak para kumalma o makayanan ang stress, iisipin ng
anak mo na alak ang sagot sa mga problema. Kaya magpakita ka ng magandang
halimbawa pagdating sa pag-inom ng alak.
Matututo ang iyong anak sa halimbawa mo pagdating sa pag-inom ng alak

Ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa alak


Galing kay Jehova ang “alak na nagpapasaya sa puso ng taong mortal.” (Awit 104:14,
15) Hindi masama ang alak; regalo ito ng Diyos.

“Ang alak ay manunuya, ang nakalalangong inumin ay magulo, at ang sinumang


naliligaw dahil dito ay hindi marunong.” (Kawikaan 20:1) Kaya dapat maging
maingat sa pag-inom ng alak.

“Ang mga lasenggo [ay hindi] magmamana ng kaharian ng Diyos.” (1 Corinto 6:10)
Hindi kinokondena ng Diyos ang pag-inom ng alak, kundi ang paglalasing.

You might also like