You are on page 1of 8

RESEARCH PAPER SA

EDUKASAYON SA
PAGPAPAKATAO
ANG PAG-INOM NG MGA KABATAAN NG ALAK

JAY-AR 0. BANIQUED
10 - BANABA
2018 - 2019
ANG PAG-INOM NG MGA KABATAAN
NG ALAK

Isinumite ni:
Jay-ar O. Baniqued
10 – Banaba

Isinumite Kay:
Leah Landayan
EsP Teacher

Muñoz National High School – Main


2018 - 2019
Science City of Muñoz, Nueva Ecija
II. Panimula
A. Pagpapakilala ng Paksa
Ang alcohol ang nakakalasing na sangkap ng serbesa at alak. Ito ay nagagawa sa pamamagitan
ng pagpapaalsa, ang proseso ng paggawa ng lcoholikong inumin. Kapag ang asukal na galing sa
prutas o butil ng bigas ay sinamahan ng pampaalsa at tubig, ang kakalabasan nito ay alcohol. Ang
alak ay isang gamot at tulad ng lahat ng gamot, ito ay may epekto sa katawan at isip ng tao. Dahil
sa alak, pakiramdam ng ibang tao na sila ay nabubuhayan at nagigising. Ngunit ang katotohanan
ito ay nakakapagpatamlay, at pinababagal nito ang paggalaw ng ating central nervous system. Ang
maliit na halaga ng alcohol ay nakakaapekto sa kaayusan at desisyon ng tao. Ang pag-inom ng
maraming alcohol ay nakamamatay. Ito ay nawawala sa katawan ngunit nag-iiwan ng lason na
nagsasanhi ng mas malalang problema sa kalusugan. Sa loob ng 20 minuto ng pagpasok nito sa
tiyan, may 10% ng alcohol ang nasisipsip ng daluyan ng dugo. Halos 5% ng alcohol ang naiiwan
sa katawan na nagiging ihi, pawis, at hininga. Ang pag-inom ng alak ay hindi nakakadagdag ng
timbang, iyan ay napatunayan na ng napakaraming pag-aaral. Ang alcohol ay salik sa pagtaas ng
bilang ng krimen tulad ng 68% ng pagpatay sa kapwa tao, 62% ng pambubugbog, 54% ng
pagtatangkang pagpapakamatay, 48% ng pagnanakaw at 44% ng panloloob.

Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ang pag-inom natin sa alak? Una sa lahat, anong
ibig-sabihin ng “sobra”? Sinong makakapagsabi kung sobra na ba ang alak na iniinom ng isang
tao? Bagamat iba’t iba ang dami ng alak sa kailangan sa iba’t ibang tao upang malasing, maaaring
magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit
katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7
bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o brandy na may 40%
alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot
sa isang linggo.

B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu

Dito sa ating lugar ay patuloy ang pag-sikat ng salitang “alak”. Marami ang nahuhumaling at
natututong uminom ng alak sa kabila ng mga masamang epekto nito sa ating buhay. Hindi lamang
matatanda kundi pati mga kabataan ay nabibiktima nito. Maraming mga kabataan ang naaaksidente
at namamatay dito. Ang alcoholic drinks, o alak ay isang inumin na may sangkap na alcohol.
Karaniwan itong iniinom kapag may espesyal na okasyon o salu-salo, ngunit pwede pa rin kahit
na walang okasyon. Ika nga ng iba ay pangpalipas ng oras.

Ang pagkalunod sa alak ay isa rin sa mga malulubhang karamdaman ng tao na kahit
painumin man ng mga paalala o babala ay hinahanap pa rin ng kaluluwa. Isang katunayan na kahit
gumastos pa nang malaki ang mga tao sa pagbili ng alak, basta lang matugunan ang
pangangailangan ng kanilang lalamunan.

III. Mga Argumento sa Isyu


A. Buod ng mga Argumento

Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng alkoholismo ang isang tao.Hindi ito base lang sa
pag inom ng tao kundi pati ang gaano karami at gaano kadalas ang pag inom.Ang pagkakaroon ng
alkoholismo ay mapanganib sa paligirang panlipunan, kalusugang pang emosyonal, kalagayang
henetika.

Ang alkoholismo ay isang malalang kondisyon ng isang taong manginginom ng alak. Ang
tawag sa taong ito ay alkoholiko o ang taong wala ng ibang hinahanap kundi ang uminom ng
uminom ng alak hanggang sa malasing. Kapag hindi siya nakainom, manginginig ang buong
katawan, hinahanap-hanap ito at halos mamamatay. Kaya talagang kailangan niya ang alak sa
bawat araw,oras o minutong lumilipas.

Masama ang epekto ng alkoholismo sa personal na buhay, pamilya at sa lipunan. Masama


din ang dulot nito sa pisikal at mental na kalusugan, emosyonal at espiritual. Sa kalaunan,
maagang magkakasakit ang isang taong alkoholiko at mamamatay ito ng maaga.

B. Mga Impormasyong Sumusuporta sa mga Argumento

Una sa dahilan ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay impluwensya ng kanilang mga


kaibigan. Sa dami ng ating nakakasalamuha sa araw-araw, marami tayong nagiging mga kaibigan.
Ilan sa mga ito ay tumutulong sa atin sa oras ng pangangailangan ngunit ang ilan naman ay
nagiging dahilan kung bakit maraming kabataan ang natututong uminom. Peer pressure ang tawag
dito, kung ang mga kabarkada ng isang kabataan na mahilig uminom ng alak, siguradong
mahahawa siya at maiimpluwensiyahan siya nito.

Ikaalawa, maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon. Dahil parte ng
kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng mga bagong bagay. Ito ay
tinanatawag na kuryusidad, at dahil sila ay hindi pa gaanong mulat sa mga makamundong bagay,
hindi nila alam kung paano hawakan ang ganitong bagay. Sa usaping ito, ako mismo ay naranasan
na rin ito. Hindi masama ang maging matanong ngunit dapat disiplinahin natin ang ating sarili.

Ikatlo, bunga ng pagkabagot at walang magawa sa buhay natutukso na ring uminom ang
mga kabataan. Hindi ba’t isang napakababaw na dahilan ito para matukso tayong uminom? Kung
iisipin natin, maraming bagay ang maaari nating gawin at pagtuunan ng pansin. Ika nga ng mga
nakakatanda “Kung ayaw maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.” Hindi sapat na
dahilan ang pagkabagot para uminom tayo at malulong sa masamang bisyo na ito.

Ang pangwalo ay may problema o suliranin na pinagdaraanan ang isang kabataan kaya
mas gugustuhin niyang uminom na lamang upang makalimutan niya

ito kahit panandalian lamang. Isa ito sa mga pangunahing rason sa pag-inom ng alak ngunit hindi
ba nila naiisip na kahit magpakalasing pa sila ay matatakasan nila problema? Hindi ba’t hindi
naman! Pagkagising sa umaga, haharapin mo na naman ang iyong problema at kasabay nito ang
pagsakit ng ulo na tinatawag na hang over.

At ang huli ay pag-inom tuwing may okasyon o pagdiriwang sa isang pamilya at mag-
anak. Nainom lamang kapag may okasyon? Ilang okasyon ba ang nadaan sa loob ng isang taon?
Hindi ba’t aabot din iyon sa sampu at kapag nasanay ang ating katawan sa pag-inom ng alak ay
hahanap-hanapin na ito na nagiging dahilan ng alkoholismo.

C. Mga Ebidensiya Para sa mga Argumento


Ang sobrang pag-inom ay nakakaapekto rin sa utak ng mga kabataan. Kapag sobra-sobra at naging
palagian ang pag-inom ng alak, apektado rin ang kanilang utak. Nababawasan ng sobrang pag-
inom ang kaalertuhan ng ating pag-iisip at nagiging mapurol. Ang sobrang pag-inom ng alak ay
nakasisira sa personalidad. Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung siya ay manginginom.Marami
sa mga manginginom ay kulang sa nutrisiyon kaya nagiging resulta nito ay malnutrisiyon. Sa
aking nakikita ko ngayon sa aking paligid ay may mga estudyanteng ayaw making dahil natutulog
sa klase, walang pokus sap ag-aaral. May mga naranasan narin akong ganito dahil minsan sa aking
mga kamag-aral ganito ang kanilang mga inaasal. Kung tatanungin sila ng aming guro kung bakit
natutulog sa klase ay dahil daw sila ay napuyat. Hindi naman na sinasabi sa mga guro naming na
sila ay uminom at pati narin sa aming kamag-aral niya. Kundi ay naririnig ko kapag sila
nagkwekwento kung bakit sila napuyat. Mahalagang mapag-aralan ang mga suliranin sa ating
lipunan nang sa gayon ay magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano-ano ang mga nagaganap sa
ating kapaligiran. Ang mga ideya at impormasyong nakalap ay nagsisilbing gabay upang
maiwasan ang ganitong suliranin.

IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu


A. Unang Punto ng Iyong Posisyon
1. Opinyon sa Unang Punto
Ang alak ba ay nakakabuti sa katawan ng isang tao?
2. Mga Ebidensiya

Ito ay nakadipende, mabuti rin ito sa ating katawan dahil kailangan din ng ating katawan ang
alcohol. Pero kung ito ay ating aabusuhin ay ibat-ibang problema ang ating haharapin. Minsang
lang dapat ang pag-inom ng alak. Kung tayo ay mayroong problema ay hindi sagot ang alak sa
ating mga problema. Nagtanong-tanong ako sa ibang tao kung bakit sila umiinoy at ang kanilang
sagot ay upang sumaya at makalimutan ang kanilang problema. Ang labis na pag-inom ng alak ay
magdudulot ng mga sakit ayon ito sa doctor.

B. Ikalawang Punto sa Iyong Posisyon


1. Opinyon sa Ikalawang Punto
Dapat bang ipagbawal sa mga menorde-edad?
2. Mga Ebidensiya

Sa aking palagay ay dapat ipagbawal ang pagbebenta ng alak sa mga menorde-edad dahil ang
alak ay pang matanda lamang. Masresponsable ang matatanda sap ag-inom ng alak. Kung
menorde-edad ay hindi pa nila kaya ang kanilang sarili. Kailangan nang ipagbawal ang pag-
bebenta ng alak sa mga bata dahil sa aking sariling karanasan kahit may batas na patungkol rito
kailangan parin itong pag tuunan ng pansin dahil nakakakita parin ako ng mga estudyanteng
bumibili at umiinom ng alak.

C. Ikatlong Punto sa Iyong Posisyon


1. Opinyon sa Ikalawang Punto
Ang magulang ba ang dapat panagutin kapag nahuli ang anak na umiinom ng alak?
2. Mga Ebidensiya

Sa aking pananaw ang magulang dapat ang panagutin kapag nahuli ang anak na umiinom ng
alak dahil isa lamang ito sa nagging dahilan na nagkulang sila ng atensyon sa kanilang mga anak
o nagging pabaya silang magulang. Sa aking karanasan sinasabi ko na kailangan na talagang
magulang ang panagutin dahil napapasama na ang mga anak nila minsan sa mga gulo at hindi nila
alam na umiinom na pala ito, siguro oras na upang malaman nila ang ginagawa ng kanilang mga
anak at mapag-tuunan ito ng sapat na atensyon.

IV. Konklusyon
A. Buod ng Posisyon

Ang pag-inom ng alak ng mga kabataan ay walang maidudulot na mabuti sa ating kalusugan
at buhay. Ito lang ay magdudulot ng mas marami pang problema sa mga kabataang umiinom ng
alak at sa kanilang pamilya. At kailangan nang itigil ang pagka-adik ng mga kabataan sa alcohol
lalo na ang mga menor-de-edad na dahil dito ay napapasangkot sila sa iba’t-ibang klase ng gulo
tulad ng patayan, gang wars, at pagsuway sa mga magulang kadahilanan nalamang ng pagkawala
ng kontrol sa sarili kapag nalalasing ka.

V. Sanggunian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo
https://brainly.ph/question/1339739

You might also like