You are on page 1of 20

Alkoholismo

Ang alkoholismo ay isang salitang may


iba't ibang kahulugan ngunit
magkakasalungat na kahulugan. Sa
karaniwan at pangkasaysayan na
paggamit, binabanggit ang alkoholismo
bilang kahit anong kalagayang nagresulta
sa patuloy na pag-inom ng mga inuming
alkoholiko sa kabila ng mga problema sa
kalusugan at negatibong kahihinatnan nito
sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang
alkoholismo bilang isang sakit na
nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng
alak at iba pang inuming nakalalasing sa
kabila ng mga negatibong kahihinatnan
nito. Maaari ring banggitin ang
alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-
inom o pagpilit na makainom ng alak, at
maging sa kawalan ng abilidad na
makilala ang mga negatibong epekto ng
sobrang pag-inom ng alak.
Larawang pinamagatang King Alcohol and his Prime Minister, nilikha noong bandang 1820

William Hogarth: Gin Lane

Habang kailangan ang pag-inom ng alak


upang magkaroon ng alkoholismo, hindi
nangangahulugang magkakaroon ang
isang tao ng alkoholismo base lamang sa
pag-inom ng alak. Iba-iba ang epekto ng
alak—at ang pagkakaroon ng alkoholismo
—sa bawat tao, lalo na sa mga aspeto ng
kung gaano karami at gaano kadalas
uminom ng alak. Dagdag pa rito, hindi pa
man alam ng mga mananaliksik ang mga
mekanismo sa katawan ng tao na mag-
uugnay sa pagkakaroon ng alkoholismo,
ilang mapapanganib na katungkulan ang
nakilala na gaya ng paligirang panlipunan
(social environment), kalusugang pang-
emosyonal (emotional health), at
kalagayang henetika (genetic
predisposition).
Mga kahulugan
Sinasabing unang ginamit ang salitang
"alkoholismo" noong taong 1852 upang
mailarawan ang "sakit na dulot ng sobrang
pag-inom ng alak".[1] Naging kilala sa
Estados Unidos ang salitang "alkoholismo"
nang naitatag ang "Alcoholics
Anonymous", isang grupo ng mga
alkoholikong nais gumaling mula sa
kanilang kalagayan sa pamamagitan ng
pakikipagtipon sa mga kapwa alkoholiko,
noong 1939.[2]

Malaki ang pagkakaiba ng mga kahulugan


ng alkoholismo sa pagitan ng komunidad
ng medisina, mga programa ng
panggagamot, at ng pangkalahatang
publiko. Isinasalaysay ng Journal of the
American Medical Association ang
alkoholismo bilang isang "pangunahing
sakit na mahirap lunasan na itinangi sa
pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa
pag-inom ng alak, pagiging maligalig na
makainom ng alak, pag-inom ng alak sa
kabila ng mga negatibong kahihinatnan, at
pamamaluktot ng pag-iisip."[3]

Binibigyang-kahulugan naman ng "DSM-IV"


(ang pamantayan sa dayagnostiko ng
sikiyatriya at sikolohiya) ang "pang-aabuso
sa alkohol" (alcohol abuse) bilang paulit-
ulit na paggamit nito sa kabila ng mga
mapanganib na epekto. Dagdag pa rito
ang "pag-uumasa sa alkohol" (alcohol
dependence) na inilarawan bilang pang-
aabuso sa alkohol na may dagdag na
"pagpaparaanan ng droga" (drug tolerance,
o ang pamamanhid ng katawan sa
karaniwang dosis ng gamot na nagiging
sanhi ng mahigitang pag-inom nito),
"abstinensya" (withdrawal), at ang di-
makontrol na damdaming makainom ng
alak.[4]

Itinuturing bilang pundasyon ng


modernong teyorya ng alkoholismo ang
pag-aaral ng siyentipikong si Elvin Morton
Jellinek noong 1960. Sa kanyang
pagsasaliksik, idiniin ni Jellinek na ang
dapat ituring na maysakit ang mga
alkoholiko.[5] Samantala, sumasalungat
naman ang propesor ng pilosopiya na si
Herbert Fingarette ukol sa pagkilala sa
alkoholismo bilang isang sakit, na sa halip
ay ginagamit ang katagang "heavy
drinking" (sobrang pag-inom) bilang
paglarawan sa mga negatibong epekto ng
pag-inom ng alak.[6]

Epidemiyolohiya
Itinuturing na malaking problema sa
kalusugan ng publiko ang sobrang
pagkonsumo ng alak at droga. Ayon sa
American Psychiatric Association,
pinakamadalas abusuhin ng mga
pasyenteng nagpapalunas ang alak.[7]
Samantala sa United Kingdom, itinala na
mahigit sa 2.8 milyon ang bilang ng mga
"mapang-asang manginginom" (dependent
drinkers) noong 2001.[8] Inestima naman
ng World Health Organization na 140
milyong katao sa buong mundo ang may
pag-uumasa sa alkohol.[9] Walang
kongkretong datos sa kasalukuyan sa
bilang ng mga mapang-asang
manginginom sa Pilipinas. Sinasabing
dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga
Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit.
Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang
epekto ng alkoholismo sa pamilya at
komunidad.[10]

Pagkilala at dayagnosis
Iba't ibang kagamitan ang kasalukuyang
ginagamit para sa mga nais magsagawa
ng iskrining para sa alkoholismo. Mahirap
makilala ang alkoholismo dahil wala pa
ring tiyak na pagkakaiba sa
pangangatawan ng isang taong madalas
umiinom ng alak kumpara sa isang taong
may alkoholismo. Dahil dito, may
kinalaman ang pagkilala sa nagawang
pagkasira sa buhay ng manginginom nang
dahil sa sobrang pag-inom ng alak
kumpara sa inaakalang benepisyo na
nakukuha niya dahil dito.

Ilan sa mga ginagamit bilang pagsusulit at


iskrining upang malaman ang antas ng
alkoholismo ng isang tao ay ang "CAGE
Questionnaire" at ang "Michigan Alcohol
Screening Test".[11][12]

Epekto sa lipunan
Iniuugnay ang madalas na pagkakalulong
sa alak sa ilang mga problema sa sarili at
sa lipunan, kabilang na rito ang pang-
aabusong sekswal at sa droga,
pagpapakamatay, mga kaguluhan, at ilang
krimen.[10]

Tingnan din
Dipsomanya
Adiksiyon

Mga sanggunian
1. Alcohol, Online Etymology Dictionary (htt
p://www.etymonline.com/index.php?term=
alcohol)

2. Alcoholics Anonymous. "The Big Book Self


Test" (http://www.intoaction.us/SelfTest.ht
ml) . intoaction.us. Nakuha noong 22
Marso 2008.
3. American Medical Association (26 Agosto
1992). "The definition of alcoholism. The
Joint Committee of the National Council on
Alcoholism and Drug Dependence and the
American Society of Addiction Medicine to
Study the Definition and Criteria for the
Diagnosis of Alcoholism" (http://jama.ama-
assn.org/cgi/content/abstract/268/8/101
2) . The Journal of the American Medical
Association, Tomo 268 Blg. 8. Nakuha
noong 22 Marso 2008.

4. VandeBos, Gary R. (2007). APA Dictionary


of Psychology (sa wikang Ingles) (ika-1st
ed. (na) edisyon). Washington, D.C.:
American Psychology Association. {{cite
book}}: may ekstrang text sa |edition=
(tulong)
5. "OCTOBER 22 DEATHS" (http://www.todayin
sci.com/10/10_22.htm) . todayinsci.com.
Nakuha noong 22 Marso 2008.
6. Fingarette, Herbert. "The Perils of Powell: In
Search of a Factual Foundation for the
"Disease Concept of Alcoholism" ". Sa Edith
Lisansky
Gomberg (pat.). Current Issues in
Alcohol/Drug Studies (http://books.google.
com.ph/books?id=fjyJ3QWJgPQC&printsec
=frontcover&hl=en#PPA3,M1) (sa wikang
Ingles) (ika-1st ed. (na) edisyon). Haworth
Press. pa. p.1. ISBN 0866569650. Nakuha
noong 22 Marso 2008. {{cite book}}:
May mga blangkong unknown parameters
ang cite: |1= at |origmonth= (tulong);
line feed character sa |editor= sa
posisyon 15 (tulong); may ekstrang text sa
|edition= (tulong); may ekstrang text sa
|pages= (tulong)
7. Gabbard, Glen O. Treatments of Psychiatric
Disorders (sa wikang Ingles) (ika-3rd
ed. (na) edisyon). American Psychiatric
Publications, Inc. ISBN 0880489103.
{{cite book}}: Binalewala ang
unknown parameter na |origmonth=
(tulong); Kailangan ng |access-date=
ang |url= (tulong); may ekstrang text sa
|edition= (tulong)
8. Cabinet Office Strategy Unit (United
Kingdom). Alcohol misuse: How much does
it cost? (https://web.archive.org/web/2006
1102085849/http://www.strategy.gov.uk/do
wnloads/files/econ.pdf) (PDF). pa. p.8.
Tinago mula sa orihinal (http://www.strateg
y.gov.uk/downloads/files/econ.pdf) (PDF)
noong 2 Nobiyembre 2006. Nakuha noong
22 Marso 2008. {{cite book}}:
Binalewala ang unknown parameter na
|origmonth= (tulong); Pakitingnan ang
mga petsa sa: |archive-date= (tulong);
may ekstrang text sa |page= (tulong)
9. Gro Harlem Brundtland (19 Pebrero 2001).
"WHO European Ministerial Conference on
Young People and Alcohol" (http://www.wh
o.int/director-general/speeches/2001/engli
sh/20010219_youngpeoplealcohol.en.htm
l) . World Health Organization. Nakuha
noong 22 Marso 2008.
10. Joyce Valbuena (2001). "Alcohol and
Media: The Situation in the Philippines" (htt
ps://web.archive.org/web/2008032209032
9/http://www.ias.org.uk/resources/publicat
ions/theglobe/globe200103-04/gl200103-0
4_p12.html) . Insitute of Alcohol Studies.
Tinago mula sa orihinal (http://www.ias.or
g.uk/resources/publications/theglobe/glob
e200103-04/gl200103-04_p12.html)
noong 2008-03-22. Nakuha noong 2008-03-
22.

11. "CAGE Questionnaire" (https://web.archive.


org/web/20070628192545/http://www.life
wisewa.com/pdfs/012695.pdf) (PDF).
Tinago mula sa orihinal (http://www.lifewis
ewa.com/pdfs/012695.pdf) (PDF) noong
2007-06-28. Nakuha noong 2008-03-22.
12. "Michigan Alcohol Screening Test (MAST)"
(https://web.archive.org/web/2006090612
3532/http://www.ncadd-sfv.org/symptoms/
mast_test.html) . Tinago mula sa orihinal
(http://www.ncadd-sfv.org/symptoms/mast
_test.html) noong 2006-09-06. Nakuha
noong 2008-03-22.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Alkoholismo&oldid=1985551"

Huling pagbabago: 04:10, 23 Nobyembre 2022. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like