You are on page 1of 11

ACLC College of Iriga, Inc.

San Miguel, Iriga City

Panimula o Introduksiyon

Ang binurong butil, katas ng prutas at pulut-pukyutan (honey) ay

ginagamit para makagawa ng alcohol (ethyl alcohol o ethanol) sa loob ng

ilang libong taon. Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit naglaon

at inabuso na nila ito at naging alkoholismo. Ito ay ang pinakamalalang uri

ng pag-abuso ng alak. Ito ay ang kawalan ng kakayahang ilagay sa tama

ang paginom ng mga nakalalangong inumin.

Ang pag-abuso sa alak ay isang masalimuot na problema, kabilang

na rito ang mapanganib na pag-inom, nakakapinsalang pag inom, at

pagkasugapa. Ang mapanganib na pag-inom, gaya ng pakahulugan dito ng

World Health Organization, ay “regular na pag inom ng alak na maaaring

magdulot ng pinsala,” sa katawan, isip, o lipunan. Kasali rito ang pag inom

nang higit sa limitasyong inererekomenda ng mga awtoridad sa kalusugan

o isinasaad ng batas. Ang nakapipinsalang pag-inom ay nag sasangkot ng

pag-inom na nagdudulot na nang pinsala sa katawan o isip pero hindi pa

humahantong sa pagkasugapa. Ahg pagkasugapa ay inilalarawan bilang

“kawalan ng kakayahan na magpigil sa pag-inom.” Ang isang taong sugapa

sa alak ay may matinding pagkauhaw rito, umiinom parin sa kabila ng mga

problemang idinudulot nito, at nakararanas ng di kaayaayang mga sintomas

kapag hindi nakainom.

Anuman ang edad mo, kasarian, o lahi, hindi ka ligtas sa ibinubunga

ng mapanganib na pag inom. Isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay

1
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

ang pag-inom ng alak. Nagiging bisyo ito para sa karamihan. Hindi lamang

ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor de edad

at kahit ang mga kababaihan. Iba’t iba ang kanilang dahilan kung bakit sila

umiinom ng alak, pwedeng kapag may okasyon o pag sila ay may

problema. Maari rin na dahil ito sa kagustuhan nilang makadiskubre ng mga

bagong bagay. Dito nagsisimula na maging bisyo na nila ang pag inom.

Kaya’t nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataan ang uminom ng

alak.

Ayon sa pag-susuri ng Unibersidad ng Pilipinas, tinatayang 2.3%

ang bahagdan ng gastos ng mga Pilipino sa pag inom pa lamang ng alak.

Kinakalkulang 5.3 million o 60% ng mga kabataan ang umiinom, 4.2 sa

kalalakihan at 1.1 sa kababaihan. Tinatayang 1.25 bilyong litro o 3.9 bilyong

bote ang nauubos sa loob lamang ng 24 oras. Itinuturing na malaking

impluwensya ang alak sa buhay ng kabataan.

Ang bawat dahilan ay may epekto. Maliit man o malaki. Kaunti man

o madami ang naapektuhan. Ang pag inom ng alak ay isang suliranin ng

kabataan at hindi maiiwasan na maging ang mga estudyante ay malulong

rito. Datapwat, layon ng pananaliksik na ito na malaman ang pinaka epekto

ng alak at kung paano maiimulat ang mga kabataan ukol rito.

2
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumalakay sa epekto ng alak sa

mga mag-aaral ng Baitang 12 sa taong 2019

Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay nagnanais na sumagot sa

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong detalye ng mga mag-aaral ng baitang 12 ng

ACLC College Iriga ng panurang taon 2019 sa aspetong:

a. Edad

b. Kasarian

c. Seksiyon

2. Ano-ano ang maaaring epekto ng pag-inom ng alak sa mga mag-aaral?

3. Ano ang mga posibleng rekomendasyon o solusyon sa negatibong

epekto ng pag-inom ng alak?

3
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa epekto

ng alak sa mga mag-aaral ng baitang 12.

1. Mayroong pagkakaiba-iba sa demograpikong detalye ng mga

mag-aaral ng baitang 12 ng ACLC College of Iriga sa aspeto ng:

a. Edad

b. Kasarian

c. Seksiyon

2. Mayroong mga epekto ang pag-inom ng alak sa mga mag-aaral.

3. Mayroong posibleng rekomendasyon o solusyon sa negatibong

epekto na dulot nito.

4.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa epekto

ng alak sa mga mag-aaral ng baitang 12 ng ACLC College of Iriga.

Ang mga Sumusunod ay nabigyan ng benepisyo sa pag-aaral na ito:

Mag-aaral. Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang

malaman ang epekto ng alak at mabigyan ng sulosyon ang negatibong

epekto nito.

4
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang

na malaman ang mga salik ng pagkalulong sa alak at upang magabayan

ang kanilang mga anak.

Mga Guro. Ang pag aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang mabigyan

nila ng sapat na kaalaman ang kanilang mga estudyante.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay

sa mga susunod pang pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaq sa pag-aaral ng mga epekto

ng alak sa mga mag-aaral ng baitang 12 ng ACLC College of Iriga.

Nakapaloob dito ang mga datos na nakalap sa mga napiling respondent.

Ang mga respondent ay nilimita lamang sa baitang 12 ng ACLC

College of Iriga. Walang tiyak na pagpili ang pagkuha ng respondente.

Teoryang Sanligan ng Pag-aaral

Ayon kay Howard T. Blane na director ng Research Institute on

Alcoholism (RIA) At propesor ng sikolohiya sa State University of New York

sa Bufallo, ang Psychological Theories of Drinking and Alcoholism ay isang

mahalagang kaganapan. Sampung taon ang nakalipas, walang

pangkaisipang teorya ng Alkoholismo ay isang pagputok ng isa o ibang uri

ng pagkatao o salungatan ng sikolohikal. Ang dami ng ito ay nagtatanghal

ng iba’t ibang mapagkukunan ng pagganyak na uminom.

5
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Ang mga editor na si Blane at Leonard ay nagtataglay ng siyam na

mga katawan ng sikolohikal na teorya at pananaliksik tungkol sa pag-inom

at alkoholismo sa dalawang seksyon: Mga tradisyunal na pamamaraan at

kamakailang mga Modelong Teoretikal. Ang mga kabanata ay hindi

nakikitungo sa katumbas na mga uri ng mga teorya; naiiba ang teorya hindi

lamang sa kanilang saklaw kundi sa kanilang antas ng pag-aaral. Nag-

organisa sila ng higit na natatanging mga lugar ng sikolohikal na kaalaman

na naaangkop sa mga kabanata.

Ang mga kontribyutor ay nag bibigay ng pansin hindi lamang sa

teorya at datos kundi pati sa mga klinikal na aplikasyon ng mga teorya. Sa

halos lahat ng mga kaso, ang mga kabanata ay nagsisilbing

pinakamahusay na magagamit na mga survey ng mga paksa.

Batay sa modelo ni Hull na Self-awareness, ito ay nagpapanatili na

ang alkohol ay gumagambala sa mga proseso ng pag iisip na may mataas

na order na may kaugnayan sa pag-eencode tungkol sa sarili. “Dahil sa

kasiya-siya sa sarili kung minsan ay masakit (halimbawa pagsunod sa mga

personal na pagkabigo), iminungkahi ni Hull ang kahalagahan ng pag-inom

na pinasigla ng isang pagnanais na maiwasan ang pagkilala sa sarili. Ang

kabanatang ito ay nagtatanghal ng isang serye ng mga makabagong pag-

aaral na nagpapahiwatig ng alkohol ay binabawasan ang pagsangguni sa

sarili.

Nasa sunod na pahina ang teoryang sanligan

6
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Psychological Theory of
Drinking and
Alcoholism

Epekto ng Alak sa mga Mag-aaral


ng Baitang 12 ng ACLC College
of Iriga

Siyam na katawan ng
sikolohikal na Self-Awareness
Theory
Teorya

7
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Balangkas ng Konseptwal

Ang input ay epekto ng alak sa mga mag-aaral ng baitang 12 ng

ACLC College of Iriga. Ang mga respondente ay ang mga piling mag-aaral

sa bawat seksyon ng ACLC College of Iriga.

Ang proseso ng pag-aaral ay deskriptibong pamamaraan gamit ang

talatanungan. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng random selection o

walang tiyak na pagpili sa pagkalap ng impormasyon.

Ang output ay ang mga posibleng rekomendasyon o solusyon upang

maiwasan ang pagkalulong sa alak.

Nasa sunod na pahina ang balangkas ng konseptwal.

8
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Input Proseso Output

Deskriptibong
Pamamaraan
Mga posibleng
Epekto ng Alak sa  Talatanungan rekomendasyon o
mga Mag-aaral ng
Walang tiyak na solusyon upang
Baitang 12 ng ACLC
pagpili o random maiwasan ang
College of Iriga
selection pagkalulong sa alak

 Porsyento

Feedback

Figyur 2

Balangkas ng Konsepwal

9
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Asampsyon o Haypotesis

Ang pag-aaral na ito ay base sa mga sumusunod na

pagpapalagay:

𝐻0 : Mayroong masamang epekto ang pagkalulong ng alak sa mga mag-

aaral ng baitang 12.

𝐻1 : Walng masamang epekto ang pagkalulong ng alak sa mga mag-

aaral ng baitang 12.

Katuturan ng Pag-aaral

Alkoholismo-ay salitang may iba’t ibang kahulugan. Sa karaniwan at

pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit

anong kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming

alkoholiko.

World Health Organization- (Pandaigdigang Organisasyon sa

Kalusugan) ay isang natatanging sangay ng mga nagkakaisang Bansa

na gumanap bilang isang katuwang na kapangyarihang sa

pandaigdigang pampublikong kalusugan.

10
ACLC College of Iriga, Inc.
San Miguel, Iriga City

Mga Tala

https://www.scribd.com/doc/48731264/-panahunang-papel-rason-ug-mga-
kabataan-sa-pag-inom-ng.alak.html?m=1
(pamanahunang papel/ rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak)

http://mombebang.blogsppot.com/2008/03/bakit-mahilig-uminom-ang-mga-
kabataan.html?m=1
(bakit mahilig uminom ang mga kabataan?)

https://localrehab.net/alkoholismo/
(ano ang alkoholismo?)

https://wol.jw.ong/+1/wol/d/r27/lp-tg/102005722
(pag-abuso sa alak at ang kalusugan)

11

You might also like