You are on page 1of 18

1

KABANATA 1

EPEKTO NANG SOBRANG PAG-INOM NG ALAK SA KATAWAN NG TAO

INTRODUKSIYON

RASYONAL NA PAG-AARAL

Sa paglipas ng panahon , unti-unting tumataas ang bilang ng mga pilipinong

nahuhumaling at natututong uminom ng alak sa kabila ng mga masasamang epekto nito sa

katawan . Hindi lang matatanda kundi pati mga kabataan ay nabibiktima nito .

Ayon sa “Family Health News Journal”, ang isa sa mga dahilan ng pag-inom ng

alak ay upang makatakas sa poblema . Nabanggit din sa dyornal na ang alak ay

nagpapagaan ng loob at nakakabawas sa mga hinanakit dahil malayang mapapalabas ang

masasamang loob kapag lasing .

Subalit ang pag-inom naman nito ng sobra ay nagdudulot ng masamang epekto sa

katawan ng taong umiinom nito gaya ng pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ,

pagkasira ng ibang organs ng katawan gaya ng puso , utak at atay.

Ayon nina Meiks Heith et,al. (1984) , ang alak ay isang depressant na nakapaloob

sa beer , wine , whiskey at iba pang inumin .

Ayon naman sa “Macmillan English Dictionary”, ang alak ay isang inumin gaya

ng wine at beer na nakakalasing .

Samakatuwid , ang alak ay isang inumin na nakakalasing ng isang tao at dahilan

upang mawala sa katinoan ang isang tao at magdadala sa kanila sa kapahamakan at mag-

uudyok para gumawa ng kimen . Ang inuming ito ay kadalasang ginagamit kapag may

okasyon at minsan ay pampalipas oras ng mga taong may dinadalang poblema . Ito din ang
2

magiging dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit na maaaring maging sanhi ng

pagkamatay ng mga taong umiinom ng beer at alak .

Ayon sa Senate Bill 2626 o Anti- Underage Drinking Act na inihain ni Senator

Ramon Bong Revilla Jr.,. ang menor de edad na umiinom ng alak at bumibili nito ay

paurusahan . Ang parusang haharapin nila ay magbigay ng community service at

ipapaliwanag din sa mga ito ang mga negatibong idinudulot ng pag-inom ng alak . Para

naman sa mga nagbebenta ng alak , ang mahuhuling nagbebenta sa mga kabataan ay

pagmumultahin ng mula PHP 10 ,000.00 sa unang paglabag at PHP 50 ,000.00 sa mga

susunod na paglabag (http://www.philstar.com/bansa/649318/menor-de-edadna-umiinom-

bumibili-ng-alak-parurusahan ) .

Ang batas na ito ay inihain ng senator para sa ganoon ay mabawas-bawasan ang

bilang ng mga kabataang umiinom ng alak sa muang edad palamang , ang batas ding ito ay

naglalayun upang ilayo sa mga aksidente ang mga kabataan at makaiwas sa mga sakit na

makukuha sa pag-inom ng alak .

BALANGKAS TEORITIKAL – KONSEPTWAL NG PAG-AARAL

Nararapat ipabatid sa mga mambabasa , magulang at lalong-lalo na sa mga kabataan

, ang pag-aaral na ito na ginawa ng mananaliksik upang magkaroon ng kaalaman tungkol

sa alak at kung ano-ano ang epekto nito sa katawan ng tao at nang saganoon ay mas

maagang maiiwasan at matigil ang pagkonsumo nito .

Ang alak ay tinuturing bilang isang druga dahil nagagawa nitong lasonin ang utak

ng tao . Katulad ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot , hindi din madali

sa mga taong umiinom ng alak na iwasan ang pagkahumaling nito at pagtigil ng

pagkonsumo nito .
3

Ayon nina Berger et,al. (1983), ang alak ay tumutukoy sa inumin na nakakasama

sa katawan ng tao at nagdudulot ng pagbabago sa isipan at katawan ng tao .

Ayon kay Richard Zarco , ang pag-inom ng alak ay isa sa mga kinahuhumalingan

ng mga Pilipino . Ang pag-inom ng alak ay kadalasang ginagawa ng mga tao tuwing may

okasyon gaya ng party at minsan naman ay ginagawang pampalipas oras sa tuwing may

problema .

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng mananaliksik , ang pag-inom ng konti

ay nakakatulong sa tao para marelax at mabawasan ang stress . Subalit ang pag-inom ng

sobra ay hindi na makatarungan lalong-lalo na kapag ginagawa na itong bisyo dahil sinisira

nito ang katawan ng tao at nagdudulot ng iba’t-ibang sakit .

Sa panahon ngayon , unti-unting tumataas ang bilang ng mga kabataan na

naimpluwensyahan ng alak . Kadalasang biktima nito ay nasa 18 na taong gulang pababa .

Ayon kay Joselito Platon (1989) , ang pinaka-kaaniwang dahilan kung bakit ang

mga kabataan ay umiinom ay upang maikubli ang kanilang mga kahinaan at panliliit sa

haap ng iba . Lumabas din na isa itong paraan ng paghihigante sa kanilang mga magulang

at sa iba pang tao na may lihim nang sama ng loob .

Ayon sa inihain ni Tan ang House Bill (HB) NO.258 o “Anti-Underage Drinking

Act of 2013” na nagbabawal sa mga menor de edad na bentahan ng alak at papapasukin sa

mga establisimyento gaya ng beer house , videoke bars at night clubs . Ang mga

mapapatunayang nagbebenta ng alak o lumabag sa batas ay maaaring makulong hanggang

tatlong buwan at pamumultahin ng hindi bababa sa PHP 10,000.00

(http://www.gmanetwok.com/news/story/324473/news/ulatfilipino) .
4

Sa pamamagitan ng batas na inihain ni Tan , nakakatulong ito upang mabawas-

bawasan ang mga kabataan na umiinom ng alak , mga taong nagbebenta ng mga alak sa

mga kabataan at pagpasok sa mga establisiymento na hindi angkop sa kanila .

ANG SULIRANIN

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sinisikap ng mananaliksik na mapatunayan ang pag-aaral na ito at masasagot ang

sumusunod na katanungan :

1. Anu-ano ang sangkap na bumubuo ng alak ?

2. Anu-ano ang dahilan kung bakit maraming mga kabataan na umiinom ng alak ?

3. Anu-ano ang epekto nang sobrang pag-inom ng alak sa katawan ng tao ?

4. Paano masosolusyunan para matigil ang pagkonsumo ng alak ?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito na tungkol sa epekto nang sobang pag-inom ng alak sa katawan ng

tao ay ginawa ng mananalaysay upang ipabatid sa mga mambabasa ang tungkol sa alak at

kung ano-ano ang masasamang maidududlot ng alak sa katawan ng tao at ano ang solusyon

para maiwasan o matigil ang pagkonsumo ng sobrang alak . Inaasahan ng mananaliksik na

maging makabuluhan ang pag-aaral na ito .


5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mananaliksik ay naniniwala na sa kanyang pag-aaral ay makakatulong sa mga

mambabasa na makakuha ng impormasyon tungkol tungkol sa epekto nang sobrang pag-

inom ng alak sa katawan ng tao na inilalahad sap ag-aaral .

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang magbigay impormasyon sa mga

kabataan , magulang , mamamayan at sa mga mambabasa tungkol sa mga sangkap na

bumubuo ng alak , kung ano ang masasamang maidudulot nang pag-inom nang sobrang

alak at paano masosolusyunan na matigil ang pagkonsumo ng alak .

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay isang qualitative reseach na ginagamit ang pagsusuring

nilalaman . Sinusuri ang epekto nang sobrang pag-inom ng alak sa katawan ng tao .

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang mananaliksik ay nangalap ng mga sanggunian sa pampublikong silid-aklatan

ng mandaue at gumagamit din ng mga elektonikong kagamitan tulad ng kompyuter para

makakuha ng iba’t-ibang ideya para sa ginagawang pag-aaral mula sa internet .

PAGLIKOM AT PINAGMULAN NG DATOS

Ang mananalaysay ay nagpursiging magbasa ng mga aklat upang matuklasan ang

mga sagot sa katanungan tungkol sa pag-aaral ng epekto nang sobrang pag-inom ng alak

sa katawan ng tao .
6

Ayon sa aklat na “The World book of Encylopedia”, ang alak ay nabubuo sa

pamamagitan ng prosesong fermentation mula sa mga gulay , prutas at grains na

ginagamitan ng yeast o bakterya para ang asukal nitoay maging alak .

Ang alak ay inumin na nakakalasing , ang taong umiinom nito ay naapektuhan ang

central nervous system (Brain at Spinal cord) na nagkokontrol sa lahat ng bahagi ng

katawan .Mababago ang emosyon , pang-unawa , paningin at pandinig ng taong nakainom

nito . Ang pag-inom ng konti nito ay nakakatulong sa tao para marelaxat mabawasan ang

stress . Subalit ang pag-inom naman nito ng sobra at ginagawa ng bisyo ay nagdudulot ng

masamang epekto sa katawan ng taong umiinom nito gaya ng pagkakaroon ng mataas na

presyon ng dugo at nasisira ang ibang organs ng katawan gaya ng puso , utak at atay

(http://tl.answers.com/Q/Ano-ang-alak).

Ayon kay Platon (1989) na binanggit nina Meiks Heith et,al. (1984) sa aklat na

“Health Focus On You” , ang alcohol ay may tatlong uri : ang Ethanol , Methanol at

Isopopyl . Ang ethanol ay nilikha sa pamamagitan ng mga reaksyon ng lebadura (yeast) o

carbohydrates . Ang methanol naman ay gawa sa kahoy ,ito ay nakakalason at kahit na ang

usok lamang nito ay mapanganib na . Samantalang ang isopropyl naman ay karaniwang

matatagpuan sa mga rubbing alohol na ginagamit sa paglilinis .

Sa henerasyon ngayon , maraming mga kabataan ang umiinom ng alak sa murang

edad pa lamang .

Ayon sa pag-aaral ng Unibersidadng Pilipinas , aabot sa 5.3 milyong kabataang

Pilipino ang umiinom ng alak . Ito’y sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa batas ng

pagbebenta ng alak at anumang nakakalasing na inumin sa mga menor de edad . Subalit sa


7

isang bansa tila na parte na ng halos lahat ng okasyon ang pakikihalubilo sa pamamagitan

ng pag-inom at pagtoma , may ilan natila nasosobrahan

(http://www.gmanetwork.com/news/story/538793/newstv/brigada/isyu-ng-pagkalulong-

ng-kabataan-sa-alak-sisiyasatin-ang-brigada#sthash.f0nJGw09.dpuf).

Noong 2001 ang College of Public Health ng University of the Philippines , Manila

at Department of Health ay gumawa ng sabay na pag-aaral ukol sa paglalasing . Ayon dito

38.9% ng sample population na 10,240 na mga Pilipino na edad 13 pataas ay manginginom

. Sa pigurang ito , higit sa kalahati ay “light drinkers” , ibig sabihin kulang sa apat na

“drink” ang iniinom nila sa isang araw . Limang porsyento lamang ng sample population

ang maitutuing na “heavy drinkers” , o yung nakakakonsumo ng higit 12 drinks sa isang

araw . (Ang isang “drink” ay katumbas ng isang basong beer o isang tagay ng alak) .

Problema rin na sa lipunang pilipino , tinuturing sukatan ng pagkalalaki ang lakas sa pag-

inom (http://health.wikipilipinas.org/index.php/-alkoholismo).

Ayon sa pagsusuri ng Unibersidad ng Pilipinas , tinatayang 2.3%ang kabuuang ginastos ng

mga Pilipino para sa alak lamang . Sinasabing 5.3 milyon o 60% ng mga kabataan ang

umiinom , 4.2 sa mga kalalakihan at 1.1 naman sa mga kababaihan . Tinatayang 1.25

bilyong litro o 3.9 bilyong bote ng alak ang nauubos sa loob lamang ng 24 oras . Sinasabi

ring ang alak ang puno’t dulo ng mga aksidente , gulo , kiminalidad at iba pang mga di

kanais-nais na pangyayaring gumigimbal sa mapayapang lipunan

(http://documents.tips/documents/pag-inom-ng-alak.html).

Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan na sa ngayon ay

mahirap supilin . Maraming mga kabataan ang natututong uminom ng alak dahil sa

hayagang pagkonsumo nito . May mga iba’t-ibang dahilan o rason kung bakit maraming
8

mga kabataan ang naimpluwensyahan ng alak o kung bakit sila umiinom ng alak gayong

nakakasama ito at nakakasira ng buhay .

Ang nagiging rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay ang impluwensya ng

kanilang mga kabarkada kaya sila natututong uminom . Peer Pressure ang tawag dito , kung

ang mga kabarkada ng isang kabataan ay mahilig uminom ng alak , siguradong mahahawa

siya at maiimpluwensiyahan siya rito .

Pangalawa , ang pamilya ay mayroong malaking bahagi na ginagampanan sa buhay

ng isang kabataan . Sila ay nagiging modelo sa paglaki ng kanilang mga anak . Nagre-

reflect ang ugali at gawi ng isang kabataan batay narin sa nakikita nito sa loob ng kanilang

tahanan . Isa sa mga rason sa mga kabataan kung bakit natututong umiinom ay dahil

nakikita itong ginagawa sa loob ng kanilang tahanan .

Pangatlo , maraming bagay ang gusting subukan ang mga kabataan ngayon . Ito ay

tinatawag na kuyusidad . Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay sumasabay sa uso .

Pang-apat , isa sa mga karaniwang dahilan ng mga kabataan sa pag-inom ng alak

ay ang problema o suliranin na pinagdaraanan nila , kaya mas gugustuhin nilang uminom

na lamang upang makalimutan niya ito kahit panandalian lamang .

Pang-lima , mga napapanuod sa isang patalastas , sa diyaryo at maaaring sa mga

kalsada sa tuwing sila ay naglalakad .Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit

naiimpluwensyahan sa alak ang mga kabataan

(hhtp://www.scibd.com/doc/48731264/pamanahong-papel-rason-ng-mga-kabataan-sa-

paginom-ng-alak).
9

Ang pag-inom ng alak ay isang napakaraniwang karanasan para sa mga Pilipino .

Mapababae o lalake , bata o matanda , halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alcohol

. Hindi naman masama ang uminom ng konti pero kung sumobra na , hindi na yan pwede

dahil ang sobrang pag-inom ng alak ay nagdudulot ng masamang epekto sa katawan na

maaaring maging sanhi ng maagang pagkamatay .

Sinasabi sa ulat ng World Health Organization (WHO), na ang sobrang pag-inom

ng alak ay nagdudulot ng apat na porsyento ng pagkamatay sa buong mundo . Mas Malaki

umano ang pinsala nito kumpara sa mga sakit na tulad ng AIDS o tuberculosis . Ang

alcoholism o ang tuluyang pagkalango sa alcohol ay makapagdudulot ng iba’t-ibang uri ng

sakit (http://www.ritemed.com.ph/aticles/epekto-ng-labis-na-pag-inom-ng-alak).

Narito ang ilan sa mga karamdaman na maaaring makuha mula sa sobrang pag-

inom ng alak :

1. Anemia – Ang sobrang alak sa maaaring makaapekto sa dugo . At kung ito ay

magpapatuloy,maaaring humantong ito sa sakit na anemia . bumababakasi ang lebel

ng oxygen sa dugo kung madalas na umiinom ng alak at dito nagsisimula ang sakit

anemia . kaugnay ng sakit na ito , maaaring maranasan ang madalas na pagkahilo ,

hirap sa paghinga at madaling pagkapagod .

2. Cancer – Ang madalas din na pag-inom ng alak ay maaaing maugnay sa

pagkakaoon ng kanser ayon sa pag-aaral ng dalubhasa . Dahil ito sa kemikal na

Acetaldehyde na isang carcinogen na nakukuha kapag umiinom ng alak . Ang mga

bahaging nanganganib na pagsimulan ng kanser ay sa bibig , lalamunan , atay ,

bituka , suso , at sa tumbong .


10

3. Cardiovascular disease – Mas tumataas din ang panganib ng pagkakaroon ng sakit

sa daluyan ng dugo (cardiovascular) dahil sa madalas nap ag-inom ng alak

.Kabilang sa mga sakit na tinutukoy dito ay stroke at atake sa puso na parehong

nakakamatay . Naaapektuhan kasi ng alak ang mga platelets sa dugo na kung

magpapatuloy ay maaaring humantong sa pamumuo ng dugo sa isang bahagi ng

ugat na daluyan . Nanghihina rin ang mga kalamnan ng puso kung mapapasobra

ang alak sa dugo .

4. Pagkasira ng Atay (Cirrhosis) – Ang pinakakilalang masamang epekto ng alak sa

kalusugan ay ang pagkasira ng laman ng atay o cirrhosis . Sinisipsip kasi ng atay

ang sobang alak sa dugo na siya namang lumalason dito at humahantong sa

pagkasira ng mga laman nito . Ang malalang kondisyon ng cirrhosis ay hindi na

malulunasan pa ng mga gamot . Kakailanganing mapalitan ang nasirang atay sa

pamamagitan ng transplantasyon .

5. Pagkalimot (Dementia) – Ang talas ng pag-iisip ay natural na nababawasan sa

pagtanda ng bawat tao . Ngunit sa taong madalas na umiinom ng alak , doble o

triple ang bilis ng pagkasira ng mga cells sa utak kaya’t mapapaaga ang kanilang

pagiging malilimutin .

6. Nerve Damage – Apektado din ang sobrang alak ang mga nerves sa ilang bahagi

ng katawan . Tinatawag na alcoholic neuropathy ang kondisyon ng pagkasirang ito.

Dahil dito , maaring dumanas ng pamamanhid sa ilang bahagi ng katawan

constipation o pagtitibi , at maging panghihina ng ari ng lalaki o erectile

dysfunction .

7. Gout – Ang gout ay isang hindi komportableng karamdaman na nagdudulot ng

matinding pananakit sa mga kasukasuan . Ito ay dahil sa pamumuo ng uric acid


11

crystal sa mga kasukasuan . Ang sakit na ito ay kadalasang namamana o hereditary,

ngunit napatunayan ng mga eksperto na maaaring mas tumindi ang kondisyon kung

madalas na umiinom ng alak .

8. Altrapresyon – Tinatawag na altrapresyon o high blood pressure ang kondisyon ng

pagpataas ng presyon ng dugo . At isa sa mga kilalang nakakapagpataas nito ay ang

pag-inom ng alak . Dapat alalahanin na mataas ang panganib ng stroke at atake sa

puso kung madalas na umiinom ng alak .

9. Impeksyon sa katawan – Isa rin sa masasamang epekto ng alak sa katawan ay ang

pagpapahina nito sa resistensya ng katawan laban sa mga mikrobyong nagdudulot

ng mga sakit . Mas mataas ang panganib ng pagkakahawa sa mga sakit kung

madalas na umiinom ng alak .

10. Pagkasira ng Pancreas (Pancreatitis) – Hindi lamang ang tiyan (stomach) at atay

(liver) ang apektado ng tuloy-tuloy nap ag-inom ng alak . Maging ang lapay o

pancreas ay nanghihina rin ng pagkakaroon ng alcohol sa katawan . Kung masisira

ang pancreas maaaring dumanas ng madalasna pananakit ng tiyan at pagtatae

(http://kalusugan.ph/mga-sakit-na-makukuha-sa-sobrang-pag-inom-ng-alak).

Bukod sa mga nabanggit na problemang dulot nito sa kalusugan , nakapagdudulot

din ito ng mga problemang pang-ekonomiya at psychosocial . Ang alcohol ay salik sa

pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa tulad ng 68% ng pagpatay sa kapwa tao , 62% ng

pambubugbog , 54% ng pagtatangkang pagpapakamatay , 48% ng pagnanakaw at 44% ng

panloob .

Ayon kay Panganiban , ang pagtigil sa pang-aabuso ng alcohol ay talaga namang

nakasalalay sa personal na desisyon at paninindigan ng pasyente . Kailangang harapin ng


12

alcoholicna tunay siyang may problema at aito ay isang problema na hindi niya kayang

hawakang mag-isa . Kailangan din ang suporta ng mga kapamilya’t kaibigan , lalo na ang

moral support sa pagpapagaling ng pasyente . Maaari ding sumama sa isang support group,

tulad ng Philippine General Hospital (PGH) , para gumaling kabalikat ang ibang mga

alcoholic. Isang opsiyon din ang pagpasok sa isang rehabilitation center na opisyal na

kinikilala at akreditado ng Department of Health

(http://health.wikipilipinas.org/index.php/-alcoholismo) .

Ayon naman nina Richmond et,al. (2000) , ang Alcoholic Anonymous (AA) ay

isang oraganisasyon na tumutulong sa mga manginginom ng alak na tumigil sa

pagkonsumo nito . Ang mga tagapagtaguyod nito ay isang taong matagal nang huminto sap

ag-inom na makakapagbigay sa mga indibidwal na suporta at gabay . Para makasapi sa AA

, isa lang ang kailangan ng tao : ang pagnanais na tumigil sa pag-inom . Bilang kasapi,

regular na nakikipagpulong kasama ang iba na tumigil sa pag-inom , Ang AA ay hindi

naniningil ng pera , hindi ito sumusoporta o kumakalaban sa anumang adhikain , at walang

kaugnayan sa anumang grupong pangrelihiyon o pampulitika .

PAGSUSURING NILALAMAN

Ang mananaliksik ay nakagawa ng pagtuklas tungkol sa epekto nang sobrang pag-

inom ng alak sa katawan ng tao , mga sangkap na bumubuo ng alak , mga dahilan ng

pagtaas ng bilang ng mga kabataang umiinom ng alak at nga solusyon para matigil ang

pagkonsumo ng alak .
13

Ang alak ay nilikha mula sa prutas o gulay na tinatawag na fermented . Ang beer ,

alak at iba pang inuming may alcohol ay isa sa mga malawakang inuming kinukunsumo sa

maraming bansa sa mundo .

Ang alak ay kilala bilang isang sikat na inumin sa tuwing may okasyon . Ito ay

inuming nakakalasing kapag ininom ng sobra at nagpapawala ng control sa sarili sa mga

taong nakainim ng marami nito .

Ang pagkonsumo ng sobrang alak ay nakakasama sa kalusugan ng tao . Sinisira

nito ang iba’t-ibang organ ng katawan ,lalong-lalo na ang central nervous system na siyang

nagkokontrol sa lahat ng bahagi ng katawan . Ang alcohol sa katawan ay nakakaapekto sa

kakayahang magdesisyon . Dahil dito maraming mga katangahan ang maaaring magawa

habang lasing , kagaya ng pagmamaneho habang lasing , na isang pangunahing sanhi ng

aksidente at kamatayan sa pilipinas . Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring

magbigay daan sa aksidente at paggawa ng krimen kagaya ng panggagahasa ng mga batang

babae at iba pa .

Batay sa ginagawang pag-aaral ng WHO , sinabi ni Quezon Rep. Angelina Tan , na

kadalasang nasa edad 13 hanggang 18 ng mga kabataang nagsisimulang umiinom ng alak.

Ayon sa aking mga nakalap na impormasyon sa libro at internet , ang kadalasang

dahilan ng pag-inom ng mga kabataan ng alak ay dahil sa sa problema o suliranin na

dinadala ng mga kabataan , impluwensya ng mga barkada , kuryusidad , mga

advertisement sa tv na may kasangkot sa alak , mga kasapi ng pamilya na umiinom ng alak

at ang mga taong nakikita o nadadaanan ng mga kabataan sa mga pampublikong lugar na
14

umiinom ng alak . Ito ang mga isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang

nahuhumaling at natututong uminom ng alak sa murang edad pa lamang .

May mga paraan upang matigil ang alcohol addiction at upang mabawas-bawasan

ang bilang ng mga taong nalulong sa alak laong-lalo na ang mga kabataan . Nasabi nga ni

Panganiban ,na nasa personal na desisyon nakasalalay ang pagtigil ng pagkonsumo ng

alak. Kung ang tao ay desididong gumaling sa pagkalulong ng alak gagawin nya lahat para

maiwasan ang ito at pipilitin nya ang kanyang sarili na hindi mahuhumaling sa alak . Ayon

nga naman sa kasabihan , “kung gusto maraming paraan , kung ayaw maraming dahilan”.

Kailangan din ng suporta at gabay ng pamilya at kaibigan para magkaroon ng lakas na loob

at inspirasyon sa pagpapagaling . Kailangan ng mga kabataan ang tulong , attensyon at

moral support ng mga magulang upang upang gabayan sila sa tamang landas . Ang

pagpasok sa mga rehabilitation center ay nakakatulong upang mapagaling ang mga taong

lulong sa alak .
15

ALIPOON NG MGA KATAWAGAN

Alcoholic – Isa ito sa katangian ng isang tao na patuloy ang pagkonsumo ng alak sa kabila

ng negatibong epekto nito .

Alcoholic beverage – Isang inumin na naglalaman ng ethanol (isang uri ng alak)

karaniwang tinatawag na alak .

Alcoholic neuropathy – Ang pagkasira ng mga nerves sa ilang bahagi ng katawan .

Altrapresyon – Ay ang labis na pagtaas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat .

Anemia – Ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na mga pulang selula ng dugo o hemoglobin

sa dugo .

Carbohydrates – Isang molekyul na binubuo ng carbon , hydrogen , at oxygen atoms na

may isang tipikal hydrogen – to – oxygen na may ratio ng 2:1 bilang matatagpuan sa tubig.

Central Nervous System (CNS) – Organ system na nagpoproseso at nagpapadala ng

senyales (signal) sa iba’t-ibang parte ng katawan .

Ethanol – Tinatawag ito minsang grain alcohol dahil gawa ito sa masa ng dinikdik na mais

, rye , barley , trigo at iba pang halamang butil .

Fermentation – Ito ay tinatawag na pagbuburo na ang ibig sabihin ay proseso ng paggamit

ng isang selula (sihay) ng asukal para sa enerhiya na hindi gumagamit ng oksiheno sa loob

ng iisang panahon .
16

Guot – Isang hindi komportableng karamdaman na nagdudulot ng matinding pananakit sa

mga kasukasuan .

Heart Diseases (HD) – Isang pangkalahatang katawan sa anumang karamdamang may

pangunahing kaugnayan sa puso .

Isopropyl – Uri ng alcohol na karaniwang matatagpuan sa mga rubbing alcohol na

ginagamit sa paglilinis .

Liver Cirrhosis – Isang ui ng sakit na nakukuha sa patuloy na pagkonsumo ng alak .

Humantong ito sa pagkawala ng gamit ng atay na nagiging dahilan ng maagang kamatayan.

Methanol – Tinatawag na denatured alcohol , isang ethyl alcohol ay nagtataglay ng

methanol at nakakalason .

Pancreatitis – Ang tawag sa pamamaga ng pancreas o lapay kung tawagin sa atin sa

Pilipino .

Peer Pressure – Tumutukoy sa impluwensya ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao

upang baguhin ang kanyang pag-uugali upang tumalima sa grupo na kaugalian .

Yeast – Tinatawag na pampaalsa o di kaya ay lebadura na isang organismong

nakapagbuburo .
17

BIBLIOGRAPIYA

A. Aklat

Berger , Molly et,al. (1983) HBJ Health

Heith , Meiks et,al. (1984) Health Focus On You

Richmond , Julius B. (2000) You and Your Health

Platon , (1989) Edukasyong Pagpapahalaga : Matuto at Mabuhay Kasama ang

Kapwa

Zarco , Richard (2001) Physical Education and Health

Macmillan English Dictionay (1675) p. 33

The World Book Encyclopedia V. 1 (1985) p. 319

B. Journal

“Family Health News Journal” 3.3 (1997)

C. Internet

http://www.philstar.com/bansa/649318/menor-de-edadna-umiinom-bumibili-ng-

alak-parurusahan

http://www.gmanetwok.com/news/story/324473/news/ulatfilipino

http://tl.answers.com/Q/Ano-ang-alak

http://www.gmanetwork.com/news/story/538793/newstv/brigada/isyu-ng-

pagkalulong-ng-kabataan-sa-alak-sisiyasatin-ang-brigada#sthash.f0nJGw09.dpuf

http://health.wikipilipinas.org/index.php/-alkoholismo

http://documents.tips/documents/pag-inom-ng-alak.html

hhtp://www.scibd.com/doc/48731264/pamanahong-papel-rason-ng-mga-

kabataan-sa-paginom-ng-alak

http://www.ritemed.com.ph/aticles/epekto-ng-labis-na-pag-inom-ng-alak
18

http://kalusugan.ph/mga-sakit-na-makukuha-sa-sobrang-pag-inom-ng-alak

You might also like