You are on page 1of 3

ALKOHOLISMO

I. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa


paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa kabila
ng mga negatibong kahihinatnan nito.

II. Ang alkoholismo ay isang salitang ginamit upang ilarawan ang


napakaseryosong problema ng isang tao anyo sa pag-inom, na
nagdudulot ng pinsala sa kanyang kalusugan. Inilalarawan ang adiksyon
na ito bilang madalas at hindi mapigilan, na pagnanais na uminom ng
alkohol.

A. Masama rin ang epekto ng adiksyon na ito sa relasyon ng


manginginom sa tao sa paligid niya. Dahil kasi sa adiksyon sa pag-inom
ay maaring mawala ang tiwala ng pamilya sa kanya, magkaroon ng
pang-aabuso, kapabayaan sa pamilya, at pinansyal na problema.

B. Ang pagkonsumo ng alkohol ay nakakaapekto sa komunikasyon, at


maaaring makaapekto sa anyo at paggana ng utak. Kaya ang taong
may adiksyon sa alak ay maaring magbago ang ugali, makaranas ng
mood swings, at magkaroon ng hindi magandang koordinasyon sa
pagkilos.

A. BUOD NA ARGUMENTO
Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't ibang kahulugan ngunit
magkakasalungat na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na
paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang
nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa
kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito
sa lipunan.

B. MGA IMPORMASYONG SUMUSUPORTA SA ALKOHILISMO


• Ang alkoholismo ay ang pag-inom ng alak na nagdudulot ng hindi maganda sa
katawan ng isang tao dahil sa sobra-sobrang pag-inom nito.

• Ito ay ang pagkalulong sa alak na maaring magdulot ng progresibo at


pangmatagalang sakit na hindi na kayang kontrolin ang sarili ng isang tao ang
kanyang pagnanais na uminom ng alak kahit alam niya na maari itong makaapekto sa
kanyang kalusugan, pamumuhay, kalusugan, trabaho, relasyon sa ibang tao at higit
sa lahat ay ang pag-iisip.

• Ito ay may koneksyon sa mga ilang salik kagaya ng pag-iisip, genetiko,


pakikisalamuha sa ibang tao at gayundin sa kapaligiran
C.Maraming mga isyu tungkol sa alkoholismo. Mayroon ba talagang mga ebidensya
para sa mga argumento tungkol sa isyung alkoholismo? Alamin natin.

Ano nga ba alkoholismo?

Ito ang kalagayan ng isa na lango sa inuming alkohol at nagiging dependent dito
anupat naaapektuhan na ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isa gaya ng
hanapbuhay, nakasisira ng kalusugan at ng uganayang-pampamilya.

Ibig bang sabihin nito ay mali ang uminom?

Hindi naman. Ang totoo, ang katamtamang pag-inom ay nakabubuti sa kalusugan at


nakapagpapasaya ng puso ng tao. Si Jesus mismo ay umiinom. Paano natin iyon
nasabi? Ayon sa ulat, ginawa niyang de-kaliibreng alak ang ilang galon ng tubig para
sa isang kasalan. Iyon ang unang himala ni Jesus na naitala. Noong gabi ng kaniyang
huling hapunan, ginamit niya mismo ang alak bilang simbolo ng "bagong tipan" na
dapat inumin ng kaniyang mga piniling pinahiran.

Sa tingin mo, hindi ba uminom ng alak si Jesus sa dalawang pagkakataon na iyon?


Tiyak na nasiyahan siya sa lasa ng alak.

Para sa isang hindi tumatanggap na siya ay isa ng alkoholiko, ano ba ang checklist ng
pagsusuri sa sarili?

1. Kailangan mo bang uminom ng kahit "kaunti" upang makatulog sa gabi o


mapakalma?

2. Unti- unti na bang tumataas ang dami ng alak na nakapagpapalasing sa iyon?

3. Sinasabihan ka na ba ng iba na tigilan mo na ang pag-inom? at na dahilan ito ng


pag-aawayan ng kapamilya mo?

1.Ang pag inom ng alak ay hindi kailangan gawing libangan. Ito ay lihitimong maging
sanhi ng pagbagsak ng iyong katawan, kaya ang iniiwasan itong gawing libangan o
gawing solusyon kapag ikaw ay may problema. Maraming pwedeng mawala kung
hindi ito iiwasan. Sa pag dami ng kasong nagiging epekto sa tao ng alak ay ang pag
dami rin ng mga biktimang nagkakaroon ng takot o pangamba sa mga taong
gumagamit neto, kaya hindi sapat na gamitin ito upang maging katuwaan o kaaya
aya sa iba.

2.Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng panahon inabuso
nila ito at nagging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta ng paulit-ulit na pag-inom
ng alak at iba pang inuming nakakalasing. Itinatangi sa pamamagitang ng kawalan ng
control sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig at pamamaluktot ng kaisipan. Ang
pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan na sa ngayon ay
mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng alak dahil sa
hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa pauli-ulit ng pag-inom nito, unti-unting
nasasanya ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot nito.” Upang
makalimutan ang problema”, ang lagging bukambibig ng mga taong regular na
kumokonsumo ng alak. Ang alkoholismo ay isang salitang ngunit magkaksalungat na
kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabangit ang
alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng
mga inuming alkoholiko sa kabila nga mga problema sa kalusugan at negatibong
kahihinatnan nito sa lipunan.

3.Maraming naiimbentong mga teknolohiya kasama na rito ang mga nakakalasing na


inumin. Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating lahat. Ang isa sa mga hilig
ng kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak. Hindi lamang ang mga matatanda ang
umiinom ngayon maging ang mga menor de edad at kahit ag mga kababaihan. Iba’t
iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag
sila ay may problema. At ito ay nagiging bisyo na nila kaya’t nagiging pangkaraniwan
na para sa mga kabataang umiinpm ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit
maraming nahihilig na uminom nito. Napakaraming naapektuhan dahil ditto. Isa
itong lason na sumusira sa buhay ng maraming Pilipino. Mapababae man o lalake,
bata man o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alak.

You might also like