You are on page 1of 34

PANIMULANG

PANALANGIN
SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU-SANTO IISANG
DIYOS. AMEN.

PANGINOON, TUNAY NA PINAGMULAN NG LIWANAG AT


KARUNUNGAN, PAGKALOOBAN MO AKO NG MATALAS NA
PANGUNAWA, NG KAKAYAHAN MAGSAULO NG MGA ARALIN AT
UNAWAIN ANG MGA ITO NG WASTO AT TAMA. PAGKALOOBAN MO
AKO NG BIYAYANG MAGING MAAYOS ANG AKING MGA
PALIWANAG AT NG KAKAYAHANG IPAHAYAG ANG AKING SARILI
NANG LUBOS AT MALIWANAG. SAMAHAN MO PO AKO SA SIMULA
NG AKING PAG-AARAL, GABAYAN MO ANG PAG-UNLAD HANGGANG
SA ITO AY MATAPOS. AMEN.

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU-SANTO IISANG


DIYOS. AMEN.
PANININDIGAN NG
TAO SA PAGMAMAHAL
NIYA SA BUHAY
BILANG KALOOB NG
DIYOS
By: Leo Delfino
ANG BUHAY AY SAGRADO KUNG KAYA’T KINAKAILANGAN ITONG
MAHALIN AT ALAGAAN. ANG PAGMAMAHAL AT PANGANGALAGA SA
BUHAY AY INDIKASYON NA KINIKILALA NATIN ANG KADAKILAAN AT
KAPANGYARIHAN NG DIYOS NG MAYKAPAL NA SIYANG
TAGAPAGBIGAY NG BUHAY. BUKOD PA RITO, MAHALAGA RIN ANG
PANININDIGAN AT MORAL NA PAGPAPASIYA UPANG
MAPANGALAGAAN ANG KASAGRADUHAN NG BUHAY. SA PAGBUO NG
MORAL NA PAGPAPASIYA AT PANININDIGAN, KINAKAILANGANG
ISAALANG-ALANG ANG LIKAS NA BATAS MORAL BILANG UNIBERSAL
NA PAMANTAYAN. MAGSISILBING GABAY SA IYO ANG ARALING ITO
UPANG HIGIT PANG MALINANG ANG IYONG MGA KASANAYAN
KAUGNAY NG KRITIKAL NA PAGSUSURI, BUKAS NA KALOOBAN, AT
MATIBAY NA PANININDIGAN SA IYONG PAGSASABUHAY NG
PAGGALANG AT PAGMAMAHAL SA BUHAY NA KALOOB NG DIYOS.
Basahin narin.

DROGA... IWASAN!

Ngunit bakit ay nagkaganito?


Nalulong sa droga at
Kabataan! Dapat tayo’y masamang bisyo?
manindigan… Isip at katawan ay pinapatay
Sa ating mga kamay at mo!
nakasalalay, Bago’y nagtanong nasaan
Pag-unlad, pagsulong ng panagako mo?
mga mamamayan. Ah!... di pa huli ang lahat para
Mabuting halimbawa ng sa’yo
pamayanan. Droga ay hindi sagot sa

problema mo!
Sa tulong ng Diyos at sarili mo,
Ay madali mong maiiwasan ito.

Basahin narin.

DROGA... IWASAN!

Maraming dapat na
pagkakaabalahan, Hawak kama’y, magsama-
Pagtatanim ng puno, samang abutin!
sadyang kay kay inam. Mga pangarap tungo sa
Mahalaga rin larong tagumpay natin!
pampalakasan, Kabataan ating pagkaisipin,
Mga problema ay iyong Magagandang aral ay pag-
malilimutan. ibayuhin.

KASABAY NG MODERNISASYON AT PATULOY NA PAG-USBONG NG


MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AY ANG UNTI-UNTING PAGBABAGO NG
ATING KONSEPTO NG MORALIDAD. ANG MGA GAWAING NOON AY
KINOKONDENA, NGAYON AY TILA TINATANGGAP NA NG LIPUNAN.
NAKADARAGDAG DIN ANG IMPLUWENSIYA NG MEDIA SA PAGBUO NG
MGA TAO NG MABUTI AT MATALINONG DESISYON UKOL SA MGA
NAPAPANAHONG ISYUNG MORAL SA KASALUKUYAN. KUNG KAYA’T
MARAMI SA ATIN AY PADALOS DALOS NA SA PAGBUO NG MGA
OPINYON NANG HINDI MAN LAMANG TINITIMBANG ANG BAWAT
PANIG, ARGUMENTO, AT BATAYAN SA PAGLIKHA NG POSISYON UKOL
SA MGA ISYUNG MORAL NA KINAKAHARAP NATIN SA LIPUNAN.
UPANG MABIGYAN-LINAW KUNG PAANO DAPAT HARAPIN ANG
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG MORAL, MAKAKATULONG ANG
PAGBABALIK-TANAW SA KASAGRADUHAN O KABANALAN NG
BUHAY NA IPINAGKALOOB NG DIYOS SA TAO BILANG ESPESYAL
AT NATATANGI SA LAHAT NG MGA NILALANG. AYON KAY
JOSEPH DE TORRE SA KANIYANG AKLAT NA PINAMAGATANG,
“PERSPECTIVE: CURRENT ISSUES IN VALUES EDUCATION,”
“ANG BUHAY NG TAO AY MAITUTURING NA PANGUNAHING
PAGPAPAHALAGA. ANG ISANG TAO AY HINDI MAAARING
GUMAWA AT MAG-AMBAG SA LIPUNAN KUNG WALA SIYANG
BUHAY. SIYA AY DAPAT UNANG ISILANG UPANG MAPAUNLAD
ANG KANIYANG SARILI AT MAKAPAGLINGKOD SA KAPWA,
PAMAYANAN, AT BANSA.
KAYA KINAKAILANGAN ISILANG AT MABUHAY SOYA.” MULA
SITO, MAHIHINUHA NA SA PAMAMAGITAN NG BUHAY NA
ATING TAGLAY, MAGAGAWA NATING GAMPANAN ANG ATING
TUNGKULIN SA PANGANGALAGA, PAG-IINGAT, AT
PAGPAPALAGO NG ATING SARILING BUHAY AT NG BUHAY NG
ATING KAPWA. SAMAKATWID, WALA TAYONG KARAPATANG
SIRAIN O KITILIN ANG BUHAY NATIN PATI NA ANG BUHAY NG
IBA. ANG KALAYAANG KAAKIBAT NG ATING BUHAY AY
MARAPAT NA NAKATUON LAMANG SA ATING PAGUTGON SA
BANAL NA LAYUNING MAPABUTI ANG LAHAT NG NILIKHA.
PAGMAMAHAL SA
BUHAY BILANG
KALOOB NG DIYOS
KUNG IKAW ANG TATANUNGIN, ALIN SA MGA REGALONG NATANGGAP MO
MULA SA PAGKABATA ANG PINAKAPINAHAHALAGAHAN MO? MARAHIL
ANG UNA MONG ISASAGOT AY MATERYAL NA BAGAY NA MATAGAL MONG
INASAM NA MAKUHA GAYA NG MAGANDANG LARUAN, DAMIT, SAPATOS, O
HINDI KAYA MAMAHALING GADGET. NGUNIT, KUNG PAG-IISIPAN MONG
MABUTI, WALA NI ISA SA MGA BAGAY NA NABANGGIT ANG MAKAHIHIGPIT
SA REGALONG NATANGGAP MO NOONG IKAW AY ISINILANG SA MUNDO—
ANG IYONG BUHAY.
ITO ANG PINAKASAGRADO SA LAHAT, KUNG KAYA’T SA EDAD MO NGAYON,
MAHALAGANG MAPALALIM ANG IYONG PAG-UNAWA SA IBA’T IBANG MGA
PANANAW TUNGKOL SA MGA ISYU HINGGIL SA BUHAY UPANG MAKABUO
KA NG PAGPAPASIYANG PAPANIG SA KABUTIHAN ANO MAN ANG
SITWASYONG KINAHAHARAP MO. MAKATUTULONG DIN ANG
PAGSASABUHAY MO NG ANIM NA PANGUNAHING PAGPAPAHALAGANG
MORAL O CORE MORAL VALUES SA IYONG PAGTAMO NG SARILING
KAGANAPAN BILANG ISANG KATANGI-TANGING NILIKHA NG DIYOS.
KABILANG SA MGA PAGPAPAHALAGANG MORAL NA ITO ANG MGA
SUMUSUNOD:
1 Pagmamahal sa Diyos

Pagmamahal sa
2 katotohanan

3 paggalang sa buhay

4 Paggalang sa may
awtoridad

5 Paggalang sa sekswalidad
ng tao

3 Mapanagutang pamamahala ng
mga materyal na bagay
MGA ISYUNG MAY
KINALAMAN SA
BUHAY
BILANG ISANG TAO NA BINIYAYAAN NG DIYOS NG ISIP AT KILOS-LOOB NA
NAGPAPABUKOD-TANGI SA IYO AT NAGPAPATIBAY SA IYONG PAGIGING
KAWANGIS NG DIYOS, INAASAHAN NA GAGAMITIN MO ANG MGA KALOOB NA
ITO SA PAGBUO AT PAGGAWA NG MABUTI AT MATALINONG POSISYON SA
HARAP NG KABI-KABILANG ISYUNG UMIIRAL SA LUPINAN SA KASALUKUYAN.
SA PAMAMAGITAN NG MAPANAGUTANG PAGGAMIT MO NG IYONG ISIP AT
KILOS-LOOB, MAHAHASA MO ANG IYONG KAKAYAHANG TUKUYIN KUNG ANO
ANG TAMA AT KUNG SAAN KA DAPAT MANINDIGAN. ILAN SA MGA HALIMBAWA
NG MGA ISYUNG MAY KINALAMAN SA BUHAY NA DAPAT MONG HARAPIN
BILANG PANININDIGAN SA IYONG PAGMAMAHAL SA BUHAY BILANG KALOOB
NG DIYOS AY ANG MGA SUMUSUNOD:
1. PAGGAMIT NG
IPINAGBABAWAL NA
GAMOT

ang pagkagumon sa droga ay tumutukoy sa isang estadong


sikiko o psychic o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na
gamot, na nagyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa
tuloy tuloy na pagkakataon, ayon kay Ramon Agapay. Isa ito sa
mga matitinding dagok na kinakaharap ng ating lipunan. Ang
epekto nito ay nakasasama sa katawan ng tao at nagiging sanhi
ng mga karumal-dumal na krimen. Sa kabila ng mga ito,
humahantong pa rin ang ilan sa mga kabataan sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.
1. PAGGAMIT NG
IPINAGBABAWAL NA
GAMOT

Ito ay maaaring bunga ng kanilang marupok na paninindigan at


masidhing pagnanais na mapabilang sa isang samahan o
barkada. Maaari ding dahil ito sa pagkakaroon ng kuryosidad
kung ano ang pakiramdam matapos anag paggamit ng droga,
pag-iwas sa kinakaharap na suliranin, o pagrerebelde bunsod ng
kawalan ng atensyon mula sa sariling pamilya.
1. PAGGAMIT NG
IPINAGBABAWAL NA
GAMOT

Para sa isang taong ginagamit nang mapanagutan ang kaniyang


isip at kilos-loob, hindi makatwiran ang paggamit ng
ipinagbabawal na gamot bilang solusyon sa ano mang problema
sapagkat wala itong idudulot na mabuti. Sa halip, maaari pa
nitong sirain ang kalusugan, pag-iisip, pag-aaral o
pagtratrabaho, ugnayan sa kapwa, at higit sa lahat, ang buhay ng
isang tao, maaari itong maging sanhi ng kawalan ng direksyon
sa buhay at paghina ng kakayahang magpasiya nang tama at
piliin ang mabuti.
1. PAGGAMIT NG
IPINAGBABAWAL NA
GAMOT

Dito na nagsisimula ang paggawa ng masama ng isang tao gaya


ng pagnanakaw o pagkitil ng buhay bunsod ng maling pag-iisip,
na siyang labag sa pagpapahalaga sa buhay na ipinagkaloob ng
Diyos. Kung kaya’t bilang nagdadalaga o nagbibinata,
mahalagang matuto ka na habang maaga na manindigan laban
sa mga pwersang maaaring makaimpluwensiya sa iyo upang
hindi ka mapabilang sa mga gumagamit ng droga o ano mang
ipinagbabawal na gamot.
2. ALKOHOLISMO

sa kabila ng mga paalala matapos ang ano mang


patalastas ng alak gaya ng, “Drink responsibly,” may ilan
pa rin sa atin ang hindi magawang limitahan ang kanilang
pag-inom hanggang sa masobrahan na ang alak na
kanilang kinokonsumo. Ang tawag sa labis at tuloy-tuloy
na pagkansumong ito ng alak ay alkoholismo. Dahil sa
kalasingan o labis na alkohol sa katawan, hindi na
nararamdaman ng mga taong nasobrahan sa pag-inom
ang epekto ng alak sa kanilang sariling katawan gaya ng
pagbabago ng ugali, kawalan ng pokus, paglakas ng loob,
at pagiging mainitin ang ulo na siyang nagiging mitsa ng
away o hindi pagkakaintindihan.
2. ALKOHOLISMO

Dahil sa mga epektong nabanggit, nababawasan ang


kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipagkapwa
ng mga nagugumon sa alkohol. Masasabing naaapektuhan
ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao
sa pagkakataong ito, na nagiging dahilan kung bakit
nakagagawa siya ng mga hindi inaasahang bagay tulad ng
pakikipag-away sa kapwa. Gayunpaman, hindi ito sapat na
dahilan para maabswelto siya sa ano mang krimen na maaari
niyang magawa sa ilalim ng impluwensya ng alak sapagkat
mayroon siyang pananagutan sa lahat ng kaniyang mga kilos
lalo na sa pagkontrol niya sa kaniyang pag-inom.
2. ALKOHOLISMO

Ang labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot din matinding


sakit ng ulo o hangover na maaaring makaapekto sa
pagtratrabaho, pagkilos, at pakikitungo ng isang tao sa
kaniyang kapwa. Apektado rin ang kalusugan ng sino mang
gumon sa alak sa dahil maraming sakit gaya ng cancer at
sakit sa atay at kidney ang kaugnay ng labis na pagkonsumo
nito. Kapag hindi binigyang-pansin ang mga sakit tulad ng
mga nabanggit, maaaring magdulot ang mga ito ng
komplikasyon na maaaring maging dahilan ng maagang
pagkamatay.
2. ALKOHOLISMO

Upang maiwasan ang mga ito, kinakailangan nating isabuhay


ang pagpapahalaga sa ating kalusugan bilang pagpapamalas
ng ating pagmamahal sa buhay na kaloob ng Diyos. Kung
babalikan ang mga kwento sa Bibliya, mahihinuha na ang
alak ay hindi naman masamang inumin sapagkat isa lamang
itong pangkaraniwang sangkap sa mga pagtitipon.
Gayunpaman, kinakailangan ang kamalayan at disiplina sa
pag-inom nito upang maiwasan ang labis na pagkonsumo
nito dahil ang lahat ng bagay na sobra ay nakasisira kung
susuriin sa alin mang anggulo.
3. ABORSIYON

ito ay tumutukoy sa pagpapalaglag o pag-alis ng isang fetus


o hindi pa husto sa buwang sanggol mula sa sinapupunan ng
ina. Bagama’t fetus pa lamabg o hindi pa husto sa buwan
ang sanggol na ito, nagtataglay na ito ng mga kapakanang
moral at mga legal na karapatan na dapat pangalagaan. Kaya
naman maituturing na isang konkretong paglabag sa
kasagraduhan ng buhay ang aborsiyon dahil ito ay pagkitil sa
buhay ng isang bata na pagkakait sa kaniya ng karapatang
mabuhay.
3. ABORSIYON

Dahil ang aborsiyon ay isang gawaing kinikwentsyon ang


pagiging moral at legal, kabilang ito sa mga malalaking
isyung pinagtutuunan ng pansin sa lipunan. Kung kaya’t
nagkaroon ang publiko ng dalawang magkasalungat na
posisyon ukol dito. Ang unang posisyon ay tinatawag na pro-
life. Itinataguyod nito na ang pagpapalaglag sa isang sanggol
ay maituturing na pagpatay sapagkat mula sa sandali ng
paglilihi ng ina, matatawag na bilang tao ang sanggol. Kung
kaya’t sa pagkakataong ito, ang pagpapalaglag ay
masasabing paglabag sa pamantayang moral at sa batas
positibo.
3. ABORSIYON

Isinusulong din ng pro-life ang pagharap ng babae sa


kahihinatnan ng kaniyang pagbubuntis kahit pa ito man
ay resulta ng kaniyang sariling kapabayaan. Kung may
asawa man siya at hindi nila gustong magkaanak,
tungkulin niyang iwasan ang pagbubuntis. Bilang
karagdagan, nasasaad din sa posisyong ito na maaaring
gamiting ng mga tao ang aborisyon bilang regular na
paraan upang hindi ituloy ang pabubuntis kung sakaling
ituturing ang gawaing ito bilang katanggap-tanggap sa
lipunan.
3. ABORSIYON

Ayon den sa pro-life, ang bawat sanggol na ipinalalaglag


ay mayroong mahusay na potensiyal, maaaring lumaki, at
maging kapaki-pakinabang sa lipunan maging sa buong
mundo. Dagdag pa rito, hindi iniendorso ng maraming mga
relihiyon ang pagpapalaglag o ano mang paraan ng birth
control sa kadahilanang mayroon silang paniniwala na
isinasagawa ang pakikipagtalik para sa layunin ng
pagpaparami o procreation. Kung kaya’t itinuturing na mga
anak ng Diyos ang lahat ng batang nabubuhay sa mundo.
Samakatwid, masama ang pagkitil sa buhay ng sino mang
anak ng Diyos.
3. ABORSIYON

Ang ikalawang posisyon naman ukol sa aborsiyon ay


tinatwag na pro-choice. Itinataguyod nito na dapat na
mahalin at alagaan ang bawat batang isinisilang sa
mundo. Kung kaya’t mahalaga ang tamang pagplaplano
ng mga magulang sa pagkakakroon ng anak upang
mabigyan nila ng mas magandang buhay ang mga bata
at masuportahan sila sa pisikal, emosyonal, at
pinansiyal na aspekto.
3. ABORSIYON

Ayon din sa pro-choice, ang pagpapalaglag sa isang fetus


at hindi maituturing na pagpatay dahil ito ay hindi pa ganap
na tao kung kaya’t wala pa itong kakayahanag mabuhay sa
labas ng sinapupunan ng ina at umaasa lamang ito sa
sariling ina para mabuhay. Kaya naman, ang katawan ng ina
ang siyang dapat bigyan ng priyoridad sa nao mang
sitwasyon. Ang ina ang siyang may karapatang magpasiya at
kalayaang gawin kung ano sa tingin niya ang nararapat para
sa kaniyang katawan maging ang mga pangangailangan nito
at ng kaniyang pangkalahatang kalusugan.
3. ABORSIYON

Nasasaad din sa pro-choice na ang mga sanggol na


bunga ng mga kaso tulad ng rape o incest at
nahaharap sa mataas na panganib dulot ng
kapabayaan o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina
dahil sila ay nagiging tagapagpaalala ng trauma na
naranasan ng kanilang mga ina ayon sa ilang
pananaliksik
3. ABORSIYON

Bilang karagdagan, ipinahayag din ng pro-choice


na kung sakali mang ituloy ng isang ina ang
kaniyang pagbubuntis at mapagpasiyahan niyang
dalhin sa bahay-ampunan ang sanggol pagkatapos
niyang maisilang ito, maaaring hindi ito mabigyan ng
sapat na pangangalaga sapagkat maraming bahay-
ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng
mga pangunahing pangangailangan ng mga bata.
3. ABORSIYON

Binigyang-diin din ng pro-choice na sa


pangkalahataan, maituturing na ligtas na
pamamaraan ang aborsiyon. Ayon pa sa estdistika,
ang mga aborsiyon na isinagawa bago ang ika-21 na
linggo ng pagbubuntis na nagresulta ng mga
pangunahing komplikasyon gaya ng pagdurugo o
impleksiyon ay mas mababa pa sa 1%. Kung
mananatiling ilegal ang aborsiyon, darami lamang
ang mga kababaihang palihim na sasailalim sa
prosesong ito na siyang maaaaring maglagay sa
kanila sa kapahamakan o sa bingit ng kamatayan.
3. ABORSIYON

Makatutulong sa pagbuo ng posisyon hingil sa


aborsiyon ang pag-unawa sa dalawang uri nito. Ang unang
uri ng abosiyon at tinatawag na hindi sinasadyang
pagkalaglag o miscarriage. Tumutukoy ito sa pagkawala nf
sanggol bago ang ika-20 linggo o ikalimang buwan ng
pagbubuntis. Dulot ito ng natural na mga pangyayari at
hindi ginamitan ng ano mang medikal o artipisyal na
pamamaraan. Ang ikalawang uri naman ng aborsiyon ay
tinatawag na pagpapalaglag o induced abortion. Tumutukoy
ito sa pagwawakas ng pagbubuntis at pag-alis ng sanggol
sa sinapupunan ng ina sa pamamagitan ng pag-opera o
pagpapainom ng mga gamot.
3. ABORSIYON

Ang prinsipyo ng double effect ay maaaring


gamiting batayan sa isang sitwasyon kung kailan
kinakailangang isagawa ang aborsiyon. Halimbawam
ang inang nagbubuntis ay mag malubhang karamdaman
at pagluluwal sa sanggol at maaaring madulot ng
panganib o kamatayan sa kaniya. Sa pamamagitan ng
Prinsipyo ng double effect, maaaring pumili ng isang
kilos na magdudulot ng masamang epekto kung
matutungunan ang mga sumusunod na kondisyon.
A B C D

ANG KINAKAILANGA
MASAMANG N ANG
ANG LAYUNIN EPEKTO AY ANG MABUTING PAGKAKAROON
NG KILOS AY HINDI DAPAT LAYUNIN AY NG MABIGAT
NARARAPAT NA DIREKTANG HINDI DAPAT AT
MABUTI. NILAYON MAKUHA SA MAKATWIRANG
NGUNIT BUNGA PAMAMAGITAN DAHILAN
LAMANG NG NG MASAMANG UPANG MAGING
NAUNANG PAMAMARAAN KATANGGAP-
KILOS NA MAY TANGGAP ANG
LAYUNING MASAMANG
MABUTI EPEKTO.

You might also like