You are on page 1of 7

Corinthian School

MZN Bldg. II Gen T. De Leon


Valenzuela City
October 03, 2019

Gng. Edelita A. Dela Cruz


Ikalawang Punong Guro
Corinthian School, Valenzuela

Bb. Maria Carmela C. Cadua


Senior Highschool Coordinator
Corinthian School, Valenzuela

Sa kinauukulan,
Isang pagbati na may kasamang pananampalataya, pagmamahal at pag-asa.
Kami po ay mga mananaliksik mula sa pangkat ng ABM baitang 11, kami po ay nagsasagawa ng
pananaliksik patungkol sa “Maagang paninigarilyo ng kabataan”. Kami po ay mag-sasagawa ng
sarbey sa labas ng paaralan ng Corinthian School, Valenzuela.
Inaasahan po namin ang inyong pag-tugon at pag-suporta. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,
Diserie Devilla
Mananaliksik

Binigyang tuon ni:


CAMILLE J. CASELA
Guro sa pananaliksik
Pinagtibay nila:

MARIA CARMELA C. CADUA EDELITA A. DELA CRUZ


Senior Highschool Coordinator Ikalawang Punong Guro
Taga-payo Corinthian School, Valenzuela
Corinthian School, Valenzuela
Corinthian School

MZN Bldg. II Gen T. De Leon


Valenzuela City

TALATANUNGAN:

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, OO o HINDI lamang ang tanging isasagot

1. Nagkaroon kaba ng problema sa paghinga tuwing naninigarilyo?


2. Naging masakitin kaba simula ng manigarilyo ka ?
3. Madalas ba ang pag-uubo mo dahil sa paninigarilyo ?
4. Nagkaroon kaba ng malubhang sakit dahil sa paninigarilyo ?
5. Nakakapagbigay ba ng resistensya sa iyong katawan ang paninigarilyo?
6. Malaya ka bang naninigarilyo sa loob ng paaralan ?
7. Lumiliban ka ba ng klase para lang manigarilyo ?
8. Nawawalang ka ba ng gana sa pag-aaral tuwing ika`y maninigarilyo ?
9. Mas nilalaanan mo ba ng panahon ang paninigarilyo kaysa sap ag-aaral?
10. Bumaba baa ng marka mo nang ika`y maninigarilyo ?
11. Naninigarilyo rin ba ang mga kaibigan mo ?
12. May mga kaibigan ka bang lumalayo sa iyo tuwing ikaw ay naninigarilyo?
13. Pinapagalitan k a ba ng iyong pamilya dahil sa paninigarilyo mo ?
14. Dumami ba ang mga kaibigan mo nung nagsimula kang manigarilyo ?
15. Pinagsasabihan k a ba ng mga kaibigan mo na tumigil na sa paninigarilyo ?
Kabanta II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Si Ferguson (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan: huwag pagalitan o

pagbantaan ang kaibigan. Sa ganitong paraan, makonsensya man ang

kaibigang naninigarilyo, gugustuhin niya pa ring humithit ng sigarilyo para

hindi na makonsensya pa. Ito ay nagtutulak pa sa kanya sa paninigarilyo;

huwag isiping iisa ang paninigarilyo at ang nagsisigarilyo. Isipin pa rin natin

na ang naninigarilyo ay tao pa rin at may damdamin. Subukang lumagay sa

kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang

kanyang nararamdaman; huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat

nilang gawin; sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang

pinakamakabubuti para sa kanya; mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring

gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo; purihin ang

kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo.

Si Proctor (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan upang matigil ang

Paninigarilyo panindigan ang desisyong pagtigil sa paninigarilyo;

pangalagaan ang pangangatawan: sikapin matulog ng walong oras, uminom

ng walong baso ng tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at

magehersisyo; lantarang ipahayag ang pagkagusto at ang nararamdamang

tuwa dahil ikaw na ngayon ay tobacco-free; kapag inalok ka ng sigarilyo,

manindigan na tumanggi rito. Maghanap ng mga taong susuporta sa iyo mga


kaibigan at pamilya tanungin ang sarili kung ang paninigarilyo ba ay

nakatutulong sa mga responsibilidad mo sa buhay at magtala ng datos kung

ilang beses mo naramdaman sa isang araw na kagustuhang manigarilyo.


TERMINOLOHIYA

Nicotine

Ito ay isang insecticide at herbicide na nakalalason sa nervous system ng isang

tao. Ito ang pangunahing nakadudulot ng adiksyon sa naninigarilyo.

Pinaparalisa nito ang mga muscles of respiration o paghinga kapag ito ay

kinonsumo nang higit sa kaya ng ating katawan. Ang taong makalalanghap ng

nicotine ay makakaramdam ng pagkairita, pagkagutom at pagbaba ng

konsentrasyon.Ang nicotine na may mahinang konsentrasyon ay isang

stimulant na nakapagpapahusay ng kaisipan, konsentrasyon at memorya ng

isang tao . Ito ay isang droga na nakapagpapataas ng

bahagdan ng dami ng Dopamine, isang neurotransmitter na may kaugnayan

sa sensation ng sarap at saya, sa ating katawan. Ito ang dahilan kung kaya

nakadarama ng sensation ng pagka-relax ang mga gumagamit nito. Ang

nicotine din ay nakakapagpahina ng gana kumain kaya naman ang mga

kababaihan na gumagamit nito ay nahihirapan tumigil sapagkat sila’y

nangangamba na bigla silang tataba sa paghinto nila nito.

Kahit na kaunting nicotine lang ang pumapasok sa loob ng katawan, may

kakayahan pa rin ito na gawing nicotine dependent ang sinumang gumamit

kaya naman napakahirap para sa kanila ang huminto sa paninigarilyo. Ang

mga taong naadik dito ay nakararanas ng mga tinatawag na withdrawal


symptoms tulad ng pagkahilo, pagkagalit, at lubos na kalungkutan sa tuwing

sinusubukan nilang ihinto ito.

Tar

Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. 95% ng

insidente ng lung cancer ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar. Kapag

sumobra ang exposure sa kemikal na ito, naninigarilyo man o hindi ay

magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.

Carbon Monoxide

Pinapalitan nito ang oxygen sa katawan na makasasama sa kalusugan ng tao;

mauubusan ang supply ng oxygen sa buong katawan na magdudulot ng

pagkahina ng mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin

ay mamamatay hanggang ang indibidwal ay mamamatay rin. Ito rin ay

nagdudulot ng pagsikip ng mga daluyan ng dugo na dahilan ng mga

komplikasyon sa puso.

ANG SOCIAL component

Upang ilang extend ang ugali ng paninigarilyo ay isang produkto ng

pagsasapanlipunan. Pagsasapanlipunan ay kailangan lang ang ugali na ulitin

pattern ng pag-uugali ng isa nakikita mga ibang tao sa mga eksibit sa lipunan.

Socialisation ay isa mga pangunahing paraan bata at mga kabataan matuto

panlipunang mga kasanayan. Ang mga bata at mga tinedyer malaman

kasanayan na kinakailangan upang manirahan at magtrabaho sa mga lipunan


sa pamamagitan ng isang pagsasapanlipunan proseso. Sa kasamaang palad

din masamang gawi at masamang paraan ng iisip ay natutunan ang parehong

paraan.

Kung ang isa sa buhay o mga gawa kasama ang iba pang mga indibidwal sa

paninigarilyo, ay isa ng higit pa o mas mababa awtomatikong magpatibay ng

mga indibidwal na mga gawi sa paninigarilyo. Kung ang isa pagkatapos ay

sumusubok sa basagin sa labas ng panlipunang istraktura, ay isang

pakiramdam balisa para sa pagiging hindi tinanggap ng anumang higit pa sa

pamamagitan ng panlipunang isang grupo ay isang bahagi ng.

Kung ang ibang mga indibidwal na ring gumawa ng gumagalaw na takutin o i-

freeze ang isang indibidwal na sinusubukan na preno ito masamang social

standard, ang kahirapan ng paglabag sa labas ng ugali ay kahit na mas malaki.

Ang pananakot sa mga aksyon ay hindi maaaring kahit na maging tunay

malubhang upang takutin ang isang tao mula sa pagpepreno out ng tulad ng

isang katayuan sa lipunan ulirang ugali, at hindi maaaring maging kahit na

sinadya bilang isang pananakot

You might also like