You are on page 1of 3

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL


Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng
kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 13 hanggang 17, ang lulong na sa
bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 na maagang
natutong manigarilyo bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang
humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Inaasahang tataas pa ang bilang na
ito sa mga darating na taon dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan,
lalo na sa Pilipinas.
Sa ulat ng Kagawaran ng kalusugan, umaabot na sa apat na milyong menor de edad ang
naninigarilyo. Sa pag-aaral na ginawa, ang edad na mga bata ay mula 11 hanggang 19. Ayon pa
sa pag-aaral, 2.7 milyon ang kabataang lalaki at 1.4 milyon naman ang mga babae. Nang
tanungin daw ang mga kabataan kung ano ang nagtulak sa kanila para manigarilyo, sinabi na
nakapanood sila ng anunsiyo ukol sa sigarilyo. Marahil ay hindi alam ng mga kabataang ito ang
epekto ng paninigarilyo sa kanilang katawan.
Ang mga epekto ng paninigarilyo sa katawan ay paghingal, pag-ubo, sipon, pulmunya,
at hindi gumagaling na bronchitis. Maaari rin ito magdulot ng pagkabulag, emphysema,
kanser sa baga, lalamunan, larynx at windpipe. Nagdudulot rin ito ng paninikip ng mga
daluyan ng dugo at paninigas ng mga arterya (arteriosclerosis). Nagpapaigting rin ito sa
panginginig ng mga kamay. At lumilikha ng pagkadepende sa nikotina.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na


pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15
taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong
mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong
katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin
ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din
ay madalas nasanhi ng pag- atake ng hika.
Ayon kay Ferguson (1996), may ilang mga paraan upang maiwasan ang
paninigarilyo: Huwag pagalitan o pagbantaan ang kaibigan. Sa ganitong paraan,
makonsensya man ang kaibigang naninigarilyo, gugustuhin niya pa ring humithit ng
sigarilyo para hindi na makonsensya pa. Ito ay nagtutulak pa sa kanya sa paninigarilyo;
huwag isiping iisa ang paninigarilyo at ang nagsisigarilyo. Isipin pa rin natin na ang
naninigarilyo ay tao pa rin at may damdamin. Subukang lumagay sa kinaroroonan ng
kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman;
huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin; sabihan ang
kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya;
mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng palaro upang mapalitan
nito ang paninigarilyo; purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling
manigarilyo.
Si Proctor (1996) ay nagbigay din ng ilang mga paraan upang matigil ang
paninigarilyo: panindigan ang desisyong pagtigil sa paninigarilyo; pangalagaan ang
pangangatawan: sikapin matulog ng walong oras, uminom ng walong baso ng tubig,
kumain ng masusustansyang pagkain at magehersisyo; lantarang ipahayag ang
pagkagusto at ang nararamdamang tuwa dahil ikaw na ngayon ay tobacco-free; kapag
inalok ka ng sigarilyo, manindigan na tumanggi rito. Maghanap ng mga taong susuporta
sa iyo (mga kaibigan at pamilya), tanungin ang sarili kung ang paninigarilyo ba ay
nakatutulong sa mga responsibilidad mo sa buhay, at magtala ng datos kung ilang
beses mo naramdaman sa isang araw na kagustuhang manigarilyo.

TERMINOLOHIYA
Nikotina
Ito ay isang insecticide at herbicide na nakalalason sa nervous system ng isang tao. Ito
ang pangunahing nakadudulot ng adiksyon sa naninigarilyo. Pinaparalisa nito ang mga
muscles of respiration o paghinga kapag ito ay kinonsumo nang higit sa kaya ng ating
katawan. Ang taong makalalanghap ng nikotina ay makakaramdam ng pagkairita,
pagkagutom at pagbaba ng konsentrasyon.
Tar
Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. 95% ng insidente ng
kanser sa baga ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar. Kapag sumobra ang
pagkalantadsa kemikal na ito, naninigarilyo man o hindi ay magkakaroon ng malaking
posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.
Carbon monoxide
Pinapalitan nito ang oxygen sa katawan na makasasama sa kalusugan ng tao;
mauubusan ang supply ng oxygen sa buong katawan na magdudulot ng pagkahina ng
mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin ay mamamatay
hanggang ang indibidwal ay mamamatay rin. Ito rin ay nagdudulot ng pagsikip ng mga
daluyan ng dugo na dahilan ng mga komplikasyon sa puso.

You might also like