You are on page 1of 2

EMA EMITS COLLEGE PHILIPPINES

Module ID ESP 10- Module 4-Quarter 3 Kopyahin ito

Pokus na Kompetensi
Mahalagang Paalaala: 1. Napangangatwiranan na: a. Mahalaga ang buhay dahil kung
wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na
1. Huwag sulatan ang modyul. pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na
Gumamit ng sagutang papel. mahalaga kaysa buhay b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa
mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang
2. Siguruhing lahat ng
mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at
sagutang papel ay
kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.
mayroon pangalan
mo , Grade at Section at 2. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa
Module ID. isang isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa
buhay ayon sa moral na batayan

I. Pagbabalik-aral
Kung nakakaisip kang magpakamatay o may kaibigan kang nagsasabi sa iyo na gusto na niyang mamatay, ano ang maaaari
mong gawin?

II.Pagtalakay sa kompetensi

May pag-asa para sa sinumang nabubuhay dahil ang


buhay na aso ay mas mabuti kaysa patay na leon
Hindi pumupuri kay Jah ang
dahil alam ng mga buhay na mamamatay sila pero
walang alam ang mga patay at wala na ring silang mga patay , ang sinumang
tatanggaping gantimpala dahil lubusan na silang nasa libingan.
naiimutan. Naglaho na rin ang kanilang pag-ibig,
poot, inggit at wala na silang bahagi sa anumang Awit 115:17
gawain sa ilalim ng araw - Eclessiastes/
Mangangaral 9:4-6

Gawin mo ang iyong gawain habang ikaw ay buhay


Oo, ang paghimok na iyan na gawin mo ang nais mong gawin habang ikawa y buhay ay paghimok mismo ng nagbigay sa atin
ng buhay- ang Diyos na lumikha sa atin. Dahil kung ang isa ay patay na, wala na siyang anumang magagawa gaya ng binangit ng
dalawang siniping teksto sa itaas mula sa banal na kasulatan. Totoo naman hidi ba, mas mahalaga ang leon kaysa aso. Ngunit kung
patay na ang leon at buhay pa ang aso, alin ang pipiliin mo? Alin ang mas may higit nahalaga at pakinabang sa iyo? Hindi ba ang
buhay na aso? Higit pa sa dito, kung wala na tayong buhay, hindi na natin magagawa ang pangunahing dahilan kung bakit tayo
nilikha- ang pumuri sa ating may lalang sa pamamagitan ng ating mga pagpapasiya, kilos, iniisip at sinasabi. Mga buhay lamang ang
makapupuri kay JAH-ang pinaikling anyo ng pangalang Jehova, ang personal na pangalan ng Diyos sa wikang Filipino. \

Mga Isyung Nagsasangkot sa Paggalang sa Buhay


Napakaraming isyu sa ngayon na nagsasangkot ng paggalang o di-paggalang sa buhay. Tinalakay noong nakaraan ang dalawa sa
mga ito- aborsyon at pagpapakamatay. Natutunan mong sa mata ng Diyos, ang buhay ng hindi pa naisisilang na sanggol ay mahalaga
at itinuturing na niya itong indibidwal anupa’t alam niya ang bawat prosesong pinagdaraanan nito hanggang sa ito ay mailuwal at
maging ganap na tao. Walang sinuman ang dapat magwalang halaga sa buhay ng di-pa naisisilang na sanggol na ito. Walang sapat na
dahilan upang kitlin ang buhay nito. kaisa ba ng Diyos ang paninidigan mo sa isyung ito?
Isa pa ay ang pagpapakamatay. Ang buhay ay isang regalo at kawalang-galang sa nagregalo kung hindi mo pahahalagahan ang
buhay na regalo niya sa iyo. Natural lamang na makaramdam ng lungkot, panghihina ng loob at kawalang pag-asa ngunit hindi
pagpapakamatay ang sagot. Humingi ng tulong sa mga kaibigan at kamag-anak na nagmamalasakit. Kung kailangan, humini ng
medikal na tulong. Hindi ito masama. Normal ito gaya ng kung paano mo ipinagagamot ang isang sakit. isipin mo, gaya ng maitim na
ulap o malaks na bagyo, lumilipas din ang mga problema. Manalangin at ibuhos sa Diyos ang lahat ng iyong nararamdaman. nais
niyang pakinggan ka. Nais niyang tulungan ka sa pamamagitan din ng mga tao sa paligid mo. Huwag ibukod ang iyong sarili.
Tanggapin ang tulong nila. Kung gagawin mo ito, maipakikita mong pinahahalagahan mo ang iyong pinakamagandang regalong
natanggap mula mismo sa Diyos.
Narito pa ang ilan sa mga isyung nagsasangkot ng iyong pagpapahalaga sa buhay:
1. Bisyo- gaya ng paninigarilyo, paggamit ng vape, paggamit ng ilegal na droga, pag-aabuso sa alkohol at ang usung-usong
pagkalulong sa mobile games. Ano ba ang masama sa mga ito. Lahat ng ito ay makapagdudulot sa iyo ng sakit na
magpapahirap sa iyo at sa iyong mahal sa buhay at sa kalaunan ay magiging sanhi ng iyong kamatayan. Sagana ang siyensya
sa mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga bisyong ito ay nakamamatay. Isa pa, nagiging sanhi din ito ng kahirapan
1
EMA EMITS COLLEGE PHILIPPINES
Module ID ESP 10- Module 4-Quarter 3 Kopyahin ito

dahil ang perang pwede sanang ipambili na ng mga mahahalagang pangangailangan ay napupunta pa sa mga bisyong ito.
Kapag nagkasakit pa ang isa dahil sa mga bisyong ito, pati kanyang pamilya ay mahihirapan din.
Kaya, ano ang paninindigan mo sa isyung ito? Tatanggihan mo ba ang mga ito at ipapakita ang paggalang mo sa
buhay o susubukan ang mga bisyong ito at wawalaing halaga ang buhay na regalo sa iyo ng Diyos?
2. Mga gawaing Nagsasapanganib ng Buhay
Minsan tinukso ng Diablo ang Panginoong Jesus. Ganito ang mababasang ulat sa ebanghelyo ni Mateo kabanata 4 mga
talatang 5 hanggang 7.
Pagkatapos dinala siya ng Diablo sa tuktok g templo. Sinabi nito:”kung ikaw ay anak ng Diyos, tumalon ka mula
rito, dahil nasusulat: Uutusan niya ang mga anghel niya na tulungan ka,’ at ‘;bubuhatin ka nila para hindi tumama sa bato
ang paa mo.” Sinabi ni Jesus sa kaniya: Nasusulat din: Huwag mong susubukin si Jehova na iyong Diyos.”
Nakuha mo ba ang aral sa tagpong ito? totoo naman na may pangako ang Diyos na si Jesus ay may proteksyon ng
mga anghel ngunit yon ay kung hindi niya sinasadyang saktan o ilagay sa panganib ang kanyang sarili. Ngunit ibang usapan
na kung sasadyain niyang tumalon mula sa mataas na lugar. Hindi nangangako ang Diyos ng proteksyon kahit sa kanyang
minamahal na anak kung wala siyang paggalang sa buhay niya.
Kaya bago gawin ang isang bagay, pakaisipin kung maipakikita mo ba ang paggalang mo sa buhay o ang kawalan ng
pagpapahalaga rito. Tignan natin.

Pag-isipan Masusing pag-isipan ang mga gawaing inisa-isa. Pag-isipan kung ano ang epekto nito sa buhay at
Mo! paano mo ito iiwasan. gawin sa iyong sagutang papel

Gawain Epekto sa Buhay Dapat na Gawin


Pagmamaneho ng nakainom ng
alak
Pakikipag-sex sa hindi mo asawa

Hindi pagsasaayos ng mga gamit


sa bahay gaya ng matatalim na
bagay, mga nakalalasong kemikal
at mga gamot.

III. Pagtataya
A. Unawain ang sumusunod na sitwasyon. Sabihin kung ano ang nararapat mong gawin upang maipakita mo
ang iyong paggalang sa buhay na regalo ng Diyos.
1. Isang gang ang lumapit sa iyo at nire-recruit ka. sabi nila, lahat ng kanilang miyembro ay protektado nila.
Ang kaaway mo raw ay kaaway rin nila.
2. May pagtitipong isinaayos ang iyong mga kaklase sa isang maganda at bagong bukas na resort sa inyong
lugar. Siguradong masaya iyon. Pero, may pandemya.
3. Ang dami mong sasagutang modyul pero nakita mong nakakalat sa hagdan ang mga laruan ng bunso mong
kapatid at may basa rin sa sahig.
4. Naaadik ka sa mobile games kaya madaling araw na kung matulog ka at nalilipasan ka ng gutom
5. Sobra ang iyong nararamdamang lungkot dahil sa sunud-sunod na problema dulot ng pandemya. Minsan
naiisip mong tapusin na ang lahat.

Paano makakatulong sa iyo a ng tagubilin na ito ng Diyos na kanyang ipinasulat sa


kanyang Banal na Aklat? Sa anu-anong gawain mo ito maisasabuhay?

“ Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu na
pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.”

-2 Corinto 7:1

You might also like