You are on page 1of 12

Dominican School of Camalig, Inc.

(formerly St. John’s Academy)


A. Moral St., Brgy. 2 , Camalig, Albay
School Year: 2021 – 2022
4

Lingguhang Aralin
Quarter 4-Modyul 2-Schedule1 (4 days )
Guro: Ms. Erlinda B. Madroño,LPT
madronoerlinda@gmail.com/ 09467494921

Name:_________________________ Section: St. Hyacinth of Poland

Panimula
Sa kuwentong inyong babasahin sa bagong Aralin natin ngayong Linggo ay
malalaman ninyo na noong unang panahon si Ampalaya ay napakakinis at pino
ang balat, napakasarap ng bunga at napakaraming sustansiya at bitaminang
makukuha rito. Kung kaya naman,labis siyang hinahangaan ng mga taong
nakakakita at nakakatikim sa kanya.
Dahil dito, labis siyang naging mapagmataas at mapagmalaki sa kapwa niya
mga gulay kung kaya’t kaparusahan ang naging hantungan ng masama niyang
pag-uugali. Ngayon,inyong tutuklasin kung ano ang kanyang naging
kaparusahan at kung karapat-dapat nga ba siyang maparusahan?

“Be honest, Even if others are not, Even if others will not,
Even if others cannot.”
“He who walks honestly walks securely” Proverbs 10:9

Page 1 of 12
Content Standard:
 Naipamamalas ang kakayahan at antas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,karanasan at damdamin.

Performance Standard:
 Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu.
Most Essential Learning Competencies
 Nababasa ang Alamat ng Ampalaya at nasasagot ang mga literal na
tanong tungkol sa binasang alamat.( F4PB-llj-3.1 )
 Nakasusunod sa nakasulat na panuto. ( F4PB-lli-h-2.1 )
 Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto. ( F4PS-llg-4 )
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyong
( F4PB-llc-g-3.1.2 )
 Nakikilala ang 3 kaantasan ng mga pang-uri at ang pagkakaiba ng mga
ito.
 Napaghahambing ang mga pang-uri.
 Nagagamit nang wasto ang kaantasan ng pang-uri sa paglalarawan ng
tao, lugar,bagay at pangyayarin sa sarili o kaya sa ibang tao.
( F4WG-lla-c-4 )

Formation Standard:
 Iwasan ang pangbubully sa kapwa upang makaiwas sa gulo.

Learning Resources and Materials:


Textbook :Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma Gr. 4
( Wika at Pagbasa sa Elementarya )
Awtor: Ailene G. Baisa-Julian
Koordineytor: Alma M. Dayag
Laptop, computer, cellphone

Page 2 of 12
FOURTH QUARTER – KABANATA 2

Aralin
Ang Alamat ng Ampalaya
6

Day 1 ( Online )
I. What to Learn ( Alamin Natin )
Sa araling ito ay matutunan mo ang:

 Ang ibig sabihin ng alamat.


 Ang Alamat ng Ampalaya.
 Ang wastong sagot sa mga tanong tungkol sa binasang alamat.
 Pagsunod sa nakasulat na panuto.

II. What to do (Gawin Natin)


Sa araling ito ay magagawa mong:

 Ipaliwanag ang ibig sabihin ng alamat.


 Basahin ang Alamat ng Ampalaya.
 Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang alamat.
 Sundin ang nakasulat na panuto.

Let’s Begin: (Simulan Natin)


Panimulang Panalangin , at Pagbati.

Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa Alamat ng Ampalaya paki


buksan niyo muna ang inyong mga aklat sa mga pahina 212 -213 at sagutin
ang gawain sa “Simulan Natin.”

Ngayon paki buksan ang inyong mga aklat sa ma pahina 215- 218. Basahin
at talakayin natin ang tungkol sa Alamat ng Ampalaya.

Page 3 of 12
What’s New ( Tuklasin Natin )

Ang ampalaya ay isa sa mga gulay na madalas inaayawan ng mga tao lalong-
lalo na ng mga bata tulad ninyo dahil sa mapait na lasa nito subalit isa ito sa
pinakamasustansiyang gulay na nakabubuti sa ating katawan sa mga
sumusunod na dahilan:

 Ito ay napakayaman sa bitamina,mineral, dietary fiber at anti – oxidant.


 Ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng lebel ng blood sugar kung kaya
ito ay mabuti sa mga taong may type 2 diabetes.
 Ang pagkain nito ay nakatutulong para makaiwas tayo sa indigestion o
hirap sa pagtunaw ng pagkain.
 Ang paglkain nito ay nakatutulong para makaiwas tayo sa constipation o
kaya hirap sa pagdudumi.
 Ang Folate ay isang uri ng mineral na makukuha sa pagkain ng ampalaya.
Ang mineral na ito ay mahalaga sa ating katawan lalong-lalo na sa isang
buntis para makaiwas sa mga depekto ang sanggol na kanyang
ipinagbubuntis. Ang iba pang mineral na mula sa ampalaya ay : iron , zinc,
potassium, manganese at magnesium.
 Ang ilan sa mga bitamina na makukuha sa pagkain natin ng ampalaya ay
ang mga sumusunod: Bitamina C , Beta Carotene, Lutein , Bitamina A.
 Pinagmumulan din ang ampalaya ng Vitamin B-Complex tulad ng :
Vitamin B-3 , Vitamin B-5, Vitamin B-6

Page 4 of 12
Let’s Try It ( Formative Assessment # 1 )
Buksan ang iyong aklat sa mga pahina 214 -215 at sagutin
ang gawain sa “Payabungin Natin” titik A at B. Sagutin rin
ang titik B sa mga pahina 219-220. Paki pa Xerox pagkatapos.

What’s More ( Performance Task # 1 )

Buksan ang iyong aklat sa mga pahina 220 -221 at gawin ang titik C.

Note: Magulang, paki gabayan po ang iyong anak sa paggawa ng Gawaing


ito.

Pamantayan Puntos

Naunawaan ng mabuti ang mga panuto 5


Naisulat ang tamang mga sagot sa bawat bilang. 5

_____

Kabuoang puntos 10

Congratulations for a work well done !

______________ ______________________________________
Petsa Lagda ng Magulang/Guardian
Day 2 (Modular)
I. What to Learn ( Alamin Natin )
Sa araling ito ay matutunan mo ang:

• Ang Kahulugan ng sumusunod na mga salita:


a.) bully b.) diyos at diyosa c.) Mitolohiya
• Pag-ugnay ng sariling karanasan sa nabasang teksto.
• Sagot sa mga tanong sa binasang tekstong pang
impormasyon.

Page 5 of 12
II. What to do (Gawin Natin)
Sa araling ito ay magagawa mong:
 Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga salitang
a. ) bully b.) diyos at diyosa c. ) Mitolohiya
 Iugnay ang sarili mong karanasan sa nabasang teksto.
 Sagutin ang mga tanong sa binasang tekstong pang-
impormasyon.

Let’s Begin: (Simulan Natin)


Panimulang Panalangin , Pagbati at pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.

Naranasan mo na bang ma-bully? Ano ang naramdaman mo ?


Eh, ikaw mayroon ka na bang na-bully ? Maganda bang gawi /ugali ang
mang bully? Bakit? Ano nga ba ang utos ng Diyos sa atin tungkol sa ating
kapwa ?

What’s New ( Tuklasin Natin )

Ano ang ibig sabihin ng “bullying?”


Ang “bullying” o paniniarang –puri ay ang paggamit ng puwersa o kaya iba
pang uri ng pananakot upang mapasunod sa iyong gusto ang isang tao. Ito ay
maaring pisikal kung nagkakaroon ng sakitan, “verbal” kung gumagamit ng
masasakit na salitang nakakababa ng pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili,
“emotional” at maging “ psychological.”

Page 6 of 12
Bakit kailanagan itong pag-aralan?
 Upang makita natin ang kadalasang dahilan ng karahasan sa ating
paligid.
 Upang maiwasang magawa ang mga bagay na magiging dahilan ng
karahasan.
 Maitanim sa ating isipan na kaya tayo ay nag-aaral ay upang tayo ay
matuto ng mabuting pag-uugali ,maging maayos ang ating
pamumuhay at pakikitungo sa ating kapwa tao ( pilosopiya ng Ubuntu)
sa ating paligid at higit sa lahat upang tayo ay maging mabuting mga
Anak ng Diyos.

Mga Halimbawa ng pambu-bully sa paaralan :


Panununtok “hitting / punching” Pananampal “ slapping”
Panunulak “pushing” Panunukso “ teasing”
Paninipa “ kicking “ Pang-aaway “ quarreling “

Iba pang uri ng pambu-bully :


Cyber bullying o “ Online Tsismis”
Pananakot “threatening “
Paggamit ng mga masasamang salita “using mean words”
Pagkakantiyaw “ name calling”
Pagtsi-tsismis “ gossipping

Ano ang ibig sabihin ng diyos at diyosa

Sa mga mitolohiya, ang mga diyos at diyosa ay tinutukoy bilang isang idolo
na sinasamba at dinarakila ng mga tao sa isang lugar noong mga unang
panahon.

Maraming kultura ang may sariling espesyal na diyos at diyosa.

Ano ang ibig sabihin ng Mitolohiya ?

Ang MITOLOHIYA ay agham (Science) o pag-aaral ( Study )ng mga muto o myth
at ng mga alamat. Ito ay kalipunana ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao
sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos –diyusan noong
unang panahon na sinasamba at dinarakila ng mga sinaunang tao.

Page 7 of 12
Ang salitang mito ay galing sa salitang Latin na mythos at sa salitang Greek na
muthos na ang ibig sabihin ay kuwento.

Mga halimbawa ng mga diyos at diyosa sa Mitolohiyang Griyego:

 Zeus/Jupiter – ang Hari ng mga diyos. Siya ang Diyos ng Kalawakan at


Panahon.
 Hera/ Juno - ang Reyna ng mga diyos. Siya ay asawa ni Jupiter. Siya ang
Tagapangalaga ng mga mag-asawa.
 Poseidon/Neptune-Siya ay kapatid ni Jupiter. Siya ang Diyos ng
Karagatan at Lindol.
 Athena/Minerva – Siya ang Diyosa ng Karunungan.
 Aphrodite/Venus – Siya ang Diyosa ng Kaganadahan at Pag-ibig.

Let’s Try It ( Formative Assessment #2 )


Punuan ng wastong sagot ang bawat linya.

1.Ang ___________________________ay isang agham o pag-aaral ng mga muto at


mga alamat.
2. Ang ____________________________ ay ang paggamit ng puwersa o iba pang
uri ng pananakot upang mapasunod sa iyong gusto ang isang tao.
3. Si ____________________________ ay ang kinikilalang Hari ng mga diyos sa
Mitolohiyang Griyego.
4. Ang bulllying ay maaring _______________________ nagkakaroon ng sakitan.
5. Si ____________________________ay ang kinikilalang Diyosa ng Kagandahan
at Pag-ibig sa Mitolohiyang Griyego.
6. Ang iba pang salitang ginagamit sa bullying ay ___________________________
7. Ang bullying ay maaring _______________ kung gumagamit ng masasakit na
salita ang nambu-bully na nakakababa ng pagtingin ng isang tao sa
kanyang sarili.
8. Si ___________________________ay ang kinikilalang Diyos ng Karagatan at
Lindol sa Mitolohiyang Griyego.
9. Ang “muthos” ay salitang Greek na ang ibig sabihin ay __________________
10. Si __________________________ ay ang kinikilalang Diyosa ng Karunungan sa
Mitolohiyang Griyego.
11-15 .Magsulat ng 5 halimbawa ng bulllying na nangyayariri sa paaralan.

11._____________________ 12______________________ 13._____________________

14.___________________________ 15.____________________________

Page 8 of 12
What’s More ( Performance Task # 2 )
Buksan ang iyong aklat sa mga pahina 222-223 at gawin ang Gawain sa
“Magagawa Natin”
Day 3 ( Online )

I. What to Learn ( Alamin Natin )


Sa araling ito ay matutunan mo ang:

 Ang Tatlong Kaantasan ng Pang-uri at ang pagkakaiba ng mga


ito.
 Paghahambing ng mga pang-uri.
 Wastong gamit ng Kaantasan ng pang-uri sa paglalarawan.

II. What to do (Gawin Natin)


Sa araling ito ay magagawa mong:
 Alamain at ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga ito.
 Paghambingin ang mga pang-uri.
 Gamitin ang wastong Kaantasan ng pang-ur sa
Paglalarawan ng tao,lugar,bagay o pangyayari.

Let’s Begin ( Simulan Natin )


Panimulang Panalangin , Pagbati at pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.

What’s New ( Tuklasin Natin )

Page 9 of 12
1. Lantay – naglalarawan ng iisa lamang na pangngalan ( noun ) o kaya
panghalip ( pronoun )
Halimbawa: Ang aking nanay ay mapagmahal.
Si tatay ay masipag maghanapbuhay.

2. Pahambing – naghahambing ng katangian ng dalawang pangngalan o


panghalip. Ito ay may dalawang uri : Patulad at Palamang
a. Magkatulad- paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian.
Halimbawa : Parehong maganda sina Martha at Maria.
Magkasing talino sina Justin at Gabriel.
b. D- magkatulad – paghahambing ng dalawang katangian na magkaiba
o di-magkatulad
Halimbawa: Higit na masayahin si Tintin kaysa kay Cecile.
Mas mayaman ang Madrigallo’s Family kaysa sa Castillo’s
Family.

3. Pasukdol- nagpapakita ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa 2


pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Si Mama Mary ang pinakamaganda sa lahat ng babae.
Si John Mark ang pinakamatangkad sa lahat ng kanyang
mga kaklase.

Mga Hlimbawa ng Tatlong Kaantasan ng Pang-uri

Page 10 of 12
Let’s Try It ( Formative Assessment # 3 )
Buksan ang iyong aklat sa mga pahina 231-232 at sagutin ang
gawain sa “ Subukin Pa Natin “

What’s More (Performance Task # 3 )

Buksan ang iyong aklat sa pahina 231 at gawin ang gawain sa “Madali Lang
Iyan” sa itaas ng nasabing pahina.

Congratulations for a work well done!

______________ __________________________________________
Petsa Lagda ng Magulang/Guardian

Day 4 ( Modular )
Summative Assessment # 2
III. What I Have Learned (IsaisipNatin)
Pangalan___________________________________Petsa________

Test 1-A – TAMA o MALI

______________1. Noong unang panahon ay sama-samang nakatira ang mga gulay


sa nayon na kung tawagin ay Ginulayan.
_____________2. Wala man lamang sa mga diyos at diyosa ang nakapansin sa
masamang pag-uugali ni ampalaya sa kapwa nitong mga gulay.
_____________ 3.Dahil sa mga papuring naririnig nito sa mga tao, si amplaya ay
naging mayabang at mapagmalaki.
_____________ 4.Nanatili ang kagandahan ni amplaya hanggang sa katapusan
ng kuwento.
______________ 5. Sa lahat ng mga gulay ,si ampalaya ang tanging naiiba dahil sa
taglay niyang kagandahan ,masarap na lasa at sa sustansiyang
naibibigay niya sa mga taong kumakain nito.

Page 11 of 12
B – Isulat kung sino ang sumsunod na mg adiyos at diyosa na nabanggit sa
Alamat ng Ampalaya. ( Two points each )
1. Utanon _______________________________________________________________
2. Apo _______________________________________________________________
3. Paparo _______________________________________________________________
4. Sabsabong____________________________________________________________

C – Sagutin ang mga sumusunod


1.Ano ang naging kaparusahan ni ampalaya gawa ng kanyang Pambu-
bully sa kapwa niya mga gulay?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng “bullying?”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ano ang Tatlong Kaantasan ng Pang-uri?

___________________ _________________________ _____________________

IV.Dominikanong Pagpapahalaga
Tapusin mo ang pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga salitang bubuo ng diwa nito base sa kuwentong tinalakay
natin na pinamagatang “ Ang Alamat ng Amopalaya “
Bilang Dominikanong mag-aaral natutunan ko na ______________________
___________________________________________________________________________
(Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon kung saan mo maaring magamit ang
kaugaliang ito. Isulat ang iyong sagot sa linya
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Pamantayan Puntos
Nilalaman ng sagot 5
Pagpapakita ng pagiging Dominikano 5
Kabuoang puntos 10
________________ __________________________________
Petsa Lagda ng Magulang/Guardian

Page 12 of 12

You might also like