You are on page 1of 3

“Hindi Kayo Bahagi ng Sanlibutan”

Guni-gunihin niyo o imaginenin ninyo mga kapatid na kayo ay nasa huling hapunan kasama ng
ating panginoong Jesus. Kasama niyo si Jesus, gayundin ang kaniyang mga alagad. (picture1)
Kayo ay magkakasamang nakaupo, kagaya ng makikita sa larawan. Ngayon, bigla kayong
kinausap ni Jesus at sinabi ang nasa Juan 15:19 basahin naten [19Kung kayo ay bahagi ng
sanlibutan, kagigiliwan ng sanlibutan ang sa kaniya. Ngunit sapagkat hindi kayo bahagi ng
sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula sa sanlibutan, dahil dito ay napopoot sa inyo ang
sanlibutan.]

Ngayon pansinin niyo mga kapatid yung binanggit ni Jesus na “hindi tayo bahagi ng sanlibutan.”
Posible ba talaga na maging hindi tayo kabahagi ng sanlibutan kahit namumuhay tayo sa gitna
nila? Ano kaya yung gustong sabihin ni Jesus? Para masagot yan ay mag science muna tayo
ng konti. Pamilyar ba kayo mga kapatid kung ano ang mangyayare kapag pinagsama naten ang
tubig at langis sa isang lalagyan? Siguro karamihan ng nandito ngayon ay alam na yung
kalalabasan, pero para sa mga hindi pa nakakaalam ay ganito ang mangyayare. (picture2)

Kahit magkasama ang tubig at langis sa isang lalagyan ay hindi sila mag mimix o hindi sila
magiging isa, hindi sila magiging magkabahagi. So ang punto dito mga kapatid tayo sa katulad
na paraan, Ang sanlibutan ay nakakasama natin araw araw. Sa school, sa trabaho, sa
larangan, sa sasakyan, at sa iba pang paraan. Namumuhay tayo sa gitna nila, pero ang totoo,
posible ba talaga na hindi tayo maging bahagi ng sanlibutan. Kagaya ng tubig at langis na
magkasama nga pero hindi magkabahagi. Iwan muna naten yan.

Ang tanong muna kasi ay, paano ba natin makikilala ang mga tao ng sanlibutan? Buweno, ayon
sa ating study note: ang salitang Griego na koʹsmos ay tumutukoy sa mga tao na hindi lingkod
ng Diyos, ang di-matuwid na lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos. Kaya malinaw na tinutukoy ni
Jesus na ang sanlibutan “ay ang mga tao na mga di-lingkod ng Diyos o hiwalay sa Diyos.”

Ngayon, bakit sinabi ni Jesus na napopoot ang sanlibutan? Bakit sila napopoot? Ang sagot ay
mababasa naten sa Juan 15:21 ating basahin [21Ngunit gagawin nila ang lahat ng bagay na ito
laban sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagkat hindi nila kilala siya na nagsugo sa akin.]

Ayon sa ating na basa, bakit sila napopoot? Ang mga tagasunod ni Jesus ay kapopootan dahil
sa kaniyang pangalan. So sa ano tumutukoy ang pangalan na nabanggit: Sa Bibliya, ang
“pangalan” ay puwedeng tumukoy sa taong nagtataglay ng pangalang iyon, sa kaniyang
reputasyon, at sa lahat ng kinakatawanan niya. Ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan din sa
awtoridad at posisyon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Ama.

At sa huling bahagi pa ng teksto, ipinapaliwanag dito ni Jesus kung bakit magiging malupit ang
sanlibutan sa mga tagasunod niya. Ano yun? Ito ay dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa
kaniya, ang Diyos na Jehova. Kaya pala ang sanlibutan ay mapopoot sa aten ay dahil sa hindi
nila kilala si Jehova! Ibig bang sabihin nito ay hindi pa nila narinig ang pangalang Jehova?
Malayong mangyare yun sa karamihan. Tayo ay merong house to house ministry, public
witnessing, telephone witnessing, at may website pa tayo na jw.org. So marameng avenue
upang marinig nila ang pangalang Jehova.
Minsan nga nanunuod ako ng tv, showtime yung palabas. Tapos biglang sinabe ni Vice Ganda
na kinokomendasyonan daw niya ang mga Saksi ni Jehova dahil ginagawa naten ang ating
pangangaral ng walang sweldo. Kaya natutuwa siya. Gusto ko lang siya ikorek kasi sabi niya
may allowance daw tayo. Totoo yun para sa mga special pioneer or sa iba pa pero karamihan
sa aten ay walang allowance. Ginagawa naten ito kahit na walang monetary support mula sa
samahan dahil sa pag-ibig naten sa Diyos na Jehova at sa mga tao.

Pati yung mga hurado ng tawag ng tanghalan, kinikilala nila yung pangalan ng Diyos na Jehova.
Sabi ni Ogie Alcasid “Elijah means Jehovah is my God.” So alam nila yung pangalan ni Jehova.
Kung ganon sa paanong paraan hindi nila kilala si Jehova? Ang pagkilala kasi naten kay
Jehova ay higit pa sa basta na lamang pagkarinig ng Kaniyang pangalan. Nasasangkot dito ang
pagkilala sa Kaniyang personalidad, sa Kaniyang layunin, at sa pag gawa ng Kaniyang
kalooban. At dahil sa hindi nga nila lubusang kilala si Jehova, sila ay napopoot sa aten.

Kumusta naman sa ating panahon? Kitang kita natin ito ngayon sa ating panahon. Tayo ay
inuusig dahil di tayo sumasali sa digmaan, o dahil di tayo nakikibahagi sa politika. Sa ilang kaso
naman, bilang mga lingkod ng Diyos, ginagawan tayo ng mga maling balita at maling
akusasyon dahil sa ating gawaing pangkaharian na katulad na katulad noong panahon ni Jesus.

Tiyak na masusubok ang ating pagiging neutral o di bahagi ng sanlibutan Ano ba ang ibig
sabihin ng pagiging neutral? Ang pagiging neutral ay ang hindi pagkampi o pagtangkilik sa
alinman sa dalawa o higit pang panig. Wala pala tayong tatangkilikin o kakampihan. Ang
pagiging neutral ba natin ay nangangahulugan na hindi tayo interesado sa kapakanan ng ating
kapuwa o ng sanlibutan? Tiyak na hindi! Gaya ni Jesus, inibig niya ang kaniyang kapuwa at
binahagi ang mabuting balita ng kaharian sa sanlibutan.

Kaya ano ang kailangan natin para madaig itong sanlibutan gaya ng ginawa ni Jesus? Bumalik
tayo sa tubig at langis. Paano tayo magiging di bahagi ng sanlibutan kagaya ng tubig at langis
sa picture? Nag iwan si Jesus ng isang parisan para sa ating mga lingkod niya at ito ay
mababasa naten sa Juan 16:33 basahin naten [33Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito
upang sa pamamagitan ko ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay may
kapighatian kayo, ngunit lakasan ninyo ang inyong loob! Dinaig ko ang sanlibutan.”]

Ayon sa teksto, sa sanlibutan ay may kapighatian tayo, pero madaraig ng mga tagasunod ni
Jesus ang sanlibutan kung tutularan natin siya. Sabi sa teksto, kailangan natin magkaroon ng
“Lakas ng Loob.” Lakas ng loob ang susi! Sa ating insight ang ibig sabihin ng lakas ng loob ay
ang katangian ng pagiging matatag, matapang, magiting. Kabaligtaran ito ng takot para
makapanatili tayong di bahagi ng sanlibutan, Kaylangan natin ng lakas ng loob o courage.
Kung titignan naten ang ating workbook ay pinapatibay tayo nito na tularan ang lakas ng loob ni
Jesus. Makikita naten dito ang summarization ng ating tinalakay: *Dinaig ni Jesus ang
sanlibutan dahil hindi siya naging bahagi nito sa anumang paraan. *Kailangan ng mga
tagasunod ni Jesus ng lakas ng loob para hindi sila maimpluwensiyahan ng saloobin at paggawi
ng mga tao sa sanlibutan. *Kung bubulay-bulayin natin ang halimbawa ni Jesus, lalakas ang
ating loob na tularan siya.

Tutulungan tayo ng halimbawa ni Jesus para maharap ang ilang tanong. Sa ibabang bahagi....
May 2 tanong na maari nating bulay-bulayin. Yung una: “Anong mga sitwasyon ang maaaring
sumubok sa pagiging hiwalay ko sa sanlibutan?” Tignan naten yung larawan (picture3). Maaring
sa unang larawan (sa upper left) ay inuusig ang bata sa eskwelahan may kinalaman sa
nationalismo. Yung sumunod na larawan naman (sa upper right), ay inuusig siya may
kinalaman sa kaniyang trabaho, maaring binibigyan siya ng promotion na makaka apekto
naman sa espirituwal na karera niya. Sa ikatlo (sa lower left), maaring napapaharap sa peer
pressure ang kabataan, may kinalaman na rin sa pangangaral sa mga kaibigan niya. At sa
huling larawan (sa lower right), maaring nagdedesisyon sila may kinalaman sa medical na pag
gamot, kung ano ang pipiliin nila. Nais nating tularan ang mga halimbawa ng ating mga kapatid
na yan na nasa larawan kung paanong sila ay hindi naging bahagi ng sanlibutan.

Yung ikalawang tanong naman ay “Anong mga bagay sa media ang makasasama sa
pagsisikap kong maging hiwalay sa sanlibutan?” Ang media ay maaring sa tumukoy sa Social
Media na ginagamit naten. Tandaan na ang social media ay binubuo ng community ng mga
taga sanlibutan. Kaya ang tanong, “Gaano kahaba ang panahong ginugugol mo sa social
media?” Ito rin ay maaring tumukoy sa entertainment halimbawa na lang sa mga pinapanuod o
nilalaro naten. Yung atin bang pinapanuod o nilalaro ay nagtataglay ng alin man sa imoralidad,
espiritismo, o karahasan? Oohhh kilala ko kayo lahat, magsisi na kayo! Di joke lang walang
laglagan. Anyway matagal na kameng tapos jan. Sana lahat tayo hindi na naglalaro niyan.

Bilang konklusyon. Nawa lahat tayong nandito ngayon, ay nais tularan si Jesus may kinalaman
sa kaniyang lakas ng loob sa pagiging di bahagi ng sanlibutan.

You might also like