You are on page 1of 1

Jovita: Magandang umaga, ako si nanay Jovita.Gusto kitang makikilala, anong pangalan mo?

Aleli: Ako naman po nay si Aleli.

Jovita: Nice to meet you Aleli, kumusta ka?

Aleli: Mabuti po!

Jovita: Nga pala nakikipagusap kami tungkol sa mga

karaniwang tanong tungkol sa Diyos.

Aleli: Tungkol po sa Diyos, wala naman pong Diyos nay.

Jovita: Ganun ba? Pero maitanong ko lang, dati ka na bang hinde naniniwala sa Diyos?

Aleli: Naniniwala naman po ako noon nay, pero sa dami po ng hirap ko sa buhay tulad ng iniwanan kami
ng tatay ko at mamatay ang nanay ko at kailangan nang magtrabaho sa murang edad hinde ko
naramdaman nay na may Diyos.

Jovita: Nakakalungkot nga kung gayon ang nangyari sa pamilya mo at dumanas ka ng matinding hirap.

Aleli: Nagsisimba naman po ako lingo-lingo at nagdadasal. Pero minsan naitatanong ko bakit pinahirapan
at pinarurusahan kami ng Diyos kung talaga bang may Diyos.

Jovita: Alam mo marami ang dumaranas ng kahirapan at katulad mo rin ang kaisipan. Pero alam mo ba,
baka ikagugulat mo ang sagot sa atin ng Bibliya hinggil sa "paano natin nalaman na ang pagdurusa ay
hinde parusa ng diyos?"

Sinasabi dito sa Satiago 1: 13 "Kapag dumaranas ng pagsubok, huwag sabihin ninuman: “Sinusubok ako
ng Diyos.” Dahil ang Diyos ay hindi masusubok na gumawa ng masama, at hindi rin niya sinusubok ang
sinuman na gumawa ng masama."

Ayon dito sa binasa natin,sang ayon ka ba na ang Diyos ay hinde masusubok na gumawa ng masama?

Aleli: Ay syempre po nay, imposible na gagawa ang diyos ng masama.

Jovita: Tama,tapos dito sa dulong bahagi ano ang tinitiyak sa atin.

Aleli: na hinde po sinusubok ng diyos ang sinuman.

Jovita: Tumpak ang iyong kasagutan. Kaya maari mong maitanong ngayon kung hinde galing sa diyos ang
pagdurusa, kanino ito nanggaling at bakit tayo nagdurusa. Yan ang sasagutin ko naman sayo sa sunod na
balik ko.

Aleli: Sige po nay, gusto ko po malaman ang bagay na yan.

Jovita: At makakatulong din ang aming website na jw.org upang masagot ang iba mo pang mga
katanungan. at iiwan na din kita ng aming contact card.

You might also like