You are on page 1of 2

ANG DIYOS ANG MAGSASABI KUNG SINO KA

Ang Diyos ang magsasabi kung sino ka. Bago gumawa ng mga himala at mga kamangha-
manghang bagay si Hesus, sinabi ng Diyos, "Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos
na nalulugod." Ang Diyos Ama ang nagsabi kung sino si Hesus. Kilala ng Diyos si Hesus.
Nakilala si Hesus sa pamamagitan ng mga himala na kanyang ginawa, kung paano niya itrato
ang mga tao, at kung paano siya nabuhay dito sa mundo. Namuhay siya ng perpekto, wala siyang
ginawang mali pero inaresto siya at dinala sa Pinunong Pari. (Dadaan si Hesus mula sa gitna
samantalang ang pari naman ay manggagaling sa likod. Magkikita sila sa entablado)

Pinunong Pari: Pinanunumpa kita sa harapan ng Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw
nga ang Cristo, ang Anak ng Diyos.

Hesus: (Titingin si Hesus sa mata ng pinunong pari) Oo, ako nga.

Freeze! Alam ni Hesus na noon pa ay sinabi na ng Diyos na Siya ay anak Niya kaya walang
makakapagpabago nito kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. Gayundin naman, tanging Ang
Diyos ang magsasabi kung sino ka. Malalaman mo kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa
iyo kapag binasa mo ang Bibliya. Sabihin mo sa iyong sarili ng paulit-ulit na ikaw ay anak ng
Diyos at ikaw ay mahalaga sa Kanya. (Magbigay ng personal na halimbawa) May mga sasabihin
ang ibang tao sa iyo. pero ang paniwalaan mo ang katotohanan dahil tanging Ang Diyos ang
magsasabi kung sino ka. Hindi magiging madali para sa iyo dahil may mga tao talaga na gusto
kang sirain. Katulad ng nangyari kay Hesus. (Hihinga ng malalim ang Pinunong Pari) Nagalit
ang Pinunong Pari, pakinggan natin ang kanyang sinabi:

Pinunong Pari: Sinungaling! Narinig ninyong lahat ang kanyang pagsisinungaling laban sa
Diyos. Karapat-dapat siya sa kamatayan! (Bababa sa entablado ang pinunong pari at hahatakin si
Hesus patungo sa likod ng entablado)

Si Hesus ay hinatulan ng kamatayan. Ito man ang naging resulta ng kanyang pag-amin bilang
Anak ng Diyos, hindi niya pinakinggan ang mga pangit na sinasabi sa kanya ng ibang tao. Kung
hindi dahil sa lakas ng loob ni Hesus na sabihin na Siya ay Anak ng Diyos hindi Siya aabot sa
krus at magiging ating Tagapagligtas. Sinunod Niya ang Kanyang Ama at ipinagkaloob Niya ang
buhay Niya para sa iyo at sa akin. Hindi madaling gayahin si Hesus, subalit huwag mong hayaan
ang ibang tao ang magsabi kung sino ka, sa halip tanging Ang Diyos ang magsasabi kung sino
ka.
ANG DIYOS ANG MAGSASABI KUNG SINO KA

Alam nyo ba na may pangalan ako na tunog panlalaki. Ang pangalan ko ay Danielle, minsan ang
inaakala ng iba ay ang nag-ngangalang Danielle ay isang lalaki. Kaya minsan ang iba ay hindi
naniniwala na pangalan ko talaga ay Danielle. Hindi sila naniniwala.

May pangyayari rin sa Bibliya kung saan may hindi naniniwala. Ito ay matatagpuan sa aklat
ng Mateo. Ang kaganapang ito ay hindi kathang-isip lamang kundi ito’y nanggagaling sa
Bibliya. Hindi ito gawa-gawa ng ating mga ate’t kuya. May isang Ama na namumuhay sa lupang
ibabaw, ang kanyang tanging hangarin ay tayo ay mapabuti at maligtas sa ating mga kasalan. At
ito ay si Hesus.

Nakilala si Hesus sa pamamagitan ng mga himala at sa kanyang mabuting gawain. Namuhay


Siya ng perpekto, wala siyang ginawang kasalanan, pero inaresto si Hesus at dinala sa Pinunong
Pari.

Nang madala si Hesus sa Pinunong Pari ay agad Siyang kinausap. “Pinanunumpa kita sa harapan
ng Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Diyos.” wika ng
pinunong pari. Tinignan ni Hesus sa mata ang pinunong pari at nagsabing “Oo, Ako nga.”

Alam ni Hesus na noon pa na Siya ay Anak ng Diyos, walang taong makapagbabago ng


katotohan na Siya ay Anak ng Diyos.

Kayo rin mga bata dpat alam nyo na kayo ay anak ng Diyos. Mababasa nyo rin sa Bibliya na
kayo ay anak ng Diyos. Wag nyong isipin ang sinasabi nang iba dahil ANG DIYOS ANG
MAGSASABI KUNG SINO KA.

Alam nyo mga bata, kapag sa tuwing ako ay tinutukso na hndi raw para sa akin ang pangalan ko
ay hindi ko sila pinakikinggan. Minsan din kapag paasar nilang binibigkas ang aking ngalan na
DANYELL! ay hindi ko nalang sila pinapansan dahil alam ko sa sarili ko na ANG DIYOS
ANG MAGSASABI KUNG SINO AKO.

ANG DIYOS ANG MAKAKAPAGSABI KUNG SINO KA. Malalaman nyo na totoo ang aking
sinasabi kapag binasa nyo ang Bibliya, at lagi mong sasabihin sa sarili mo na ikaw ay Anak ng
Diyos at ikaw ay mahalaga sa Kanya.

Balik tayo sa ating aralin.

“Sinungaling! Narinig ninyong lahat ang kanyang pagsisinungaling laban sa Diyos. Karapat-
dapat siya sa kamatayan!” wika ng pinunong pari.

Si Hesus ay hinatulan ng kamatayan. Ito man ang naging resulta ng kanyang pag-amin bilang
Anak ng Diyos, ay nasunod niya nasunod Niya ang Kanyang Ama at ipinagkaloob Niya ang
buhay Niya para sa iyo at sa akin at tayo ay naligtas sa posas ng kasalanan. Hindi madaling
gayahin si Hesus, subalit huwag mong hayaan ang ibang tao ang magsabi kung sino ka dahil
ANG DIYOS ANG MAGSASABI KUNG SINO KA.

You might also like