You are on page 1of 1

Liham Aplikasyon

February 2,2023
Ginang Menor L. Villaronza
Store manager
Jollibee Foods and Corporation
Laog-Baarra branch

Magandang Araw, Mahal na Gng. Menor:

Nabasa ko po sa pahayagang Philippine star petsang January 28,2023, na nangangailangan ng


isang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga
kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa
naturang trabaho.

Ako po ay isang binata, labing pitong taong gulang at nagtapos po ako ng sekundarya sa capsu
dayao, roxas city noong Marso 31,2019. Ako po ay masipag,matiyaga at marunong makihalubilo
sa kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan sa pagtatapos ng sekundarya.

Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Sa loob ng apat na taon, ako po ay nagging opisyal
ng supreme student government, ang pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral ng
paaralan. Magaling ako sa matematika, agham, at wika. Marunong din akong humawak ng
kompyuter. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong
produktibong mang-gagawa ng iyong kompanya.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa iyong tanggapan para
sa isang panyam sa petsa na inyong nanaisin.
Maraming salamat po!

Sumasainyo,

Khent B. Felecierta
Aplikante

You might also like