You are on page 1of 3

Sophia Ann E.

Regalario
Blk 29 Lot 13 Villa de Pio, San Miguel
City of Sto. Tomas Batangas

Hunyo 30, 2022

Tanauan Institute Inc.


J. Gonzales St., Barangay 4
Tanauan City, Batangas

Ginoo/Ginang,

Magandang araw po!

Nais ko po sanang mag inquire sa unibersidad niyo tungkol sa posisyon ng pagtuturo sa


asignaturang Filipino. Nabasa ko po sa pahayagan niyong University Inquire na
naghahanap po kayo ng guro sa Filipino. Ninanais ko pong mag apply sa posisyong ito.
Ayon po sa hinihiling, nakapaloob po sa envelope na ito ang aking resume at 2x2 picture.
Ang pangalan ko po ay Sophia Ann Regalario, ako po ay may edad na 20 at may tangkad
na 5'3. Kasalukuyan po akong nakatira sa Villa de Pio, San Miguel, City of Sto. Tomas,
Batangas. Ako po ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science Major in Filipino sa
Unibersidad ng Sto. Tomas noong nakaraang taon. Ako ay nakakamit ng mataas na
karangalan at mga medalyo dahil sa husay kong galing sa akademiko. Pinangaralan din
akong most active award dahil sa aktibo kong pagsali sa mga paligsahan at kontest.
Kasipagan at kabutihan ang naging pananaw ko sa buhay upang makamit ang
magandang kinabukasan. Naniniwala ako na walang ibang tutulong sa ating kundi ang
ating sarili lamang.
Maaari niyo po akong makausap at makapanayam sa aking email account na
regalariosophiaann@gmail.com o sa numero na 096-4519-9642.
Maraming salamat po sa oras na inilaan mo sa pagbasa ng aking liham.

Lubos na gumagalang,
Sophia Ann E. Regalario
Sophia Ann E. Regalario
Blk 29 Lot 13 Villa de Pio, San Miguel
City of Sto. Tomas, Batangas

Hunyo 29, 2022

Converge ICT Management


B. Morada Ave Poblacion Barangay 1
Lipa City, Batangas

Sa kinauukulan

Isang mapagpalang umaga, ako po si Sophia Ann Regalario, isang estudyante at


kasalukuyang nakatira sa Villa de Pio, Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City Batangas. Ako
ay naghahain ng reklamo para sa Converge na inyong produkto. Noong nakaraang
sabado ng umaga, Ika-25 Hunyo ng 2022 na-disconnect ang aking internet connection.
Sinubukan kong alamin kung bakit ito na-disconnect dahil ang pagkakaalam ko sa aking
due date ng pagbabayad ay sa Hunyo 30, 2022 pa. Nagtataka ako dahil maaga ang
pagkakaputol ng aking internet connection kahit matagal pa ang nasabing due date sa
akin. Hapon ng sabado nang mapag pasya kong tawagan si Mr. Cruz, ang ahente na
nagsagawa at nag set up ng inyong produkto na converge. Tumawag ako at ipinagbigay
alam ko sa kaniya ang nangyari at ang sitwasyon ko noong sabado na iyon. Tinanong ko
kung ano ba ang mga posibleng dahilan kung bakit ako naputulan agad ng maaga at
paano ba ito maaayos sapagkat may mga aasikasuhin pa ako sa eskwekalahan. Ang sabi
niya aking pindutin ang reset button at sabay pindutin ang restart. Ginawa ko naman
subalit hindi pa rin siya naayos, mayroong pula pa din ang modem ko.
Kinabukasan, ika-26 Hunyo ng 2022 aking tinawagan muli ang ahente niyo upang ipa
follow up kung ano na ba ang lagay at kung naayos na ba nila ngunit ang sabi sa akin ng
ahente niyo ay maghintay lamang daw ako at ipinaalam na daw nila ang aking problema
sa opisina ng converge. Sinabi din pala ng ahente niyo na gawin ko daw uli ang pagpindot
sa reset button at i-restart ito dahil baka daw sa system ito ng aking internet connection
ang may problema. Ginawa ko ulit ang sinabi ngunit sa pangalawang pagkakataon,
walang pagbabago pa rin. Nagdaan ang ilang araw na hindi pa din naaayos ang aking
internet connection. Noong Hunyo 29, 2022, nakailang tawag ako sa ahente niyo at laging
ganon ang sinasabi niya sa akin at pinagbigay alam niya na daw sa main office ang
problema ko subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito nalulutas. Sayang ang aking
binabayad sa inyong produkto sapagkat hindi niyo nagampanan ang serbisyo na maayos
at tamang pag support sa inyong customer.
Ako ay humihiling na wag na sana itong paabutin ng matagal dahil ako ay nagbabayad
nang tama at sakto sa oras. Inaasahan ko ang mabilis na pag tugon niyo sa aking
reklamo. Nawa madaliing magkaroon ng magandang resulta sa inyong opisina.

Gumagalang,
Sophia Ann E. Regalario
\

You might also like