You are on page 1of 2

INCIDENT REPORT

Name: Delgado, Joey L.


Position: Service crew

Magandang Araw, ako po si joey L. Delgado at ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa


McDonalds Primark Kasiglahan sa loob ng walong buwan. Ngunit sa hindi inaasahang
pangyayari may mga bagay na kailangan namin harapin sa pagkat ako at aking ka trabaho na si
Gaezelle Antonio isang service crew ay may nilabag na rules sa aming trabaho. May 18, 2022
ako po ay naatasan upang maging assembler at isa sa mga naka duty noong oras at araw na
iyon ay si Ms.Gaezelle Antonio at siya ay naatasan sa Delivery (MDS Counter). Matapos ang
matinding pag dagsa ng mga mga customer nakaramdam ako ng matinding pagod at gutom
kung kaya’t naisipan ko na i-punch ang sarili kong break sa POS2 dahil wala ang counter sa
mga oras na iyon. At ng matagumpay ko na ipunch ang break ko na spaghetti with drinks at
sundae ay tinanong ko si Ms.Antonio kung sasama ba siya kumain sa akin at malugod nya
namang tinanggap ang aking alok at tinanong ko sya kung ano sa mga pagpipilian ang gusto
nyang kainin sa mga oras na iyon at buong lakas niyang sinabi na gusto niya din ng spaghetti
with drinks. Noong mga oras na na i punch ko ang break namin ni Ms.Antonio ay nasa tabi ko
ang MIC ng araw na iyon na si Ma’am Jam upang i swipe ang POS upang ma acknowledge ng
kitchen at ng runners. Nauna na akong mag break noon dahil hindi pa matapos-tapos si Ms.
Antonio sa kanyang pag assemble ng mga order galing POS 3. Noong matapos na ako
makapag pahinga at makakain at dalian na akong pumunta ng kitchen upang ipagpatuloy ang
naiwan ko na trabaho. Peak hour ng mga oras na iyon at nag call si Ms. Antonio ng chicken fillet
rice for take out at agaran ko naman itong nilabas dahil ang buong akala ko ay iyon ay para sa
Delivery. Matapos ang nakakapagod na duty laking gulat ko na tinanong ako ni maam jam kung
ano ang pinunch kong break para samin ni Gaezelle at sinabi ko na “ Spaghetti po” at agad
siyang umalis at ipinatawag na agad ako sa office upang kumpirmahin ang mga nangyari.
Kasabay ng mga oras na iyon ay pinag sulat ako ng Incident report at sinabi sa akin ang mga
karampatang parusa sa mga lumalabag sa mga rules and regulation sa store.
May 26, 2022 dahilan kung bakit hindi ako naka attend ng hearing ay hindi sa natatakot
ako sa mga itatanong, kundi mayroon kaming pagpupulong ng mga ka grupo ko sa thesis sa
darating namin na face to face class na gaganapin na sa buwan ng August. Huli ko na ng ma
acknowledge ang mga calls at message ng ibang kong ka trabaho dahil sinigurado ng aming
research leader na iiwas kami sa anumang distractions
Matapos kong mabasa ang mga mga karampatang parusa na realize ko na maling-mali
ang mga nagawa ko na actions sa trabaho at ito ay may mabigat na kapalit. Isa na dito ay ang
pag suspend sa akin sa loob ng 30 days o kaya ma terminate depende sa magiging pasya ng
mga nakaka taas. Napangaralan ako ni Maam Joy Martin at Maam Rege na iset a side ang
pagkakaibigan sa oras ng trabaho dahil hindi ka nila matutulungan sa mga oras na ikaw naman
ay nangangailangan ng tulong. Masakit tanggapin na magkakaroon ng bad records sa trabaho
kung alam o sa sarili mo na ginagawa mo yung best mo upang makapagbigay ng magandang
serbisyo sa ibang tao. Ang leksyon na aking hinarap ay nagsisilbing lesson sa aking ibang mga
ka trabaho na ugaling sumunod kung ano ang mga standard o sa mga sinasabi ng mga
manager dahil ito ay para sa aming ikakabuti.
Ako po si Joey L. Delgado, Service crew sa McDonalds Primark Kasiglahan ay hindi dapat
iterminate sa kadahilanang papatunayan ko sa aking mga ka trabaho at sa manager na
nagbabago at hindi na muling gagawa ng mga katiwalian sa store. Ako po ay mag sisilbing aral
sa iba na huwag gumawa ng hindi nararapat upang hindi magkaroon ng penalty o masupend.
Lahat ng mga nangyari sakin ay nagsilbing mahalagang aral na dapat ko i apply sa pang
araw-araw. Isa din sa mga dahilan kung bakit hindi dapat ako maalis sa store ay gusto ko na
linisin kung ano man ang mga naging bad records ko na ginawa ko sa store. Asahan nyo po na
hindi na po ito mangyayari dahil hindi dapat ito tino tolerate. Maraming salamat po

JOEY L. DELGADO

You might also like