You are on page 1of 1

Ang Buhay OFW sa

Saudi Arabia
ALL ABOUT OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW)
NEWS AND INFORMATION

Home ▼

Monday, August 15, 2016

Ang Buhay OFW sa Saudi Arabia


Siguro isa lamang ako sa mga libo libong OFW na may
ganitong karanasan dito sa bansang Saudi.
Ginawa ko ang blog na ito dahil gusto kung
makatulong sa kagaya ko o sa mga gusto pang mag
abroad kung anong buhay mayroon dito sa Saudi
Arabia. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig
magsulat o gumawa ng blog, wala din akong alam
kung paano gumawa ng blog, ginamit ko lang kung
anong technology meron tayo ngayon, at saka ito lang
sa tingin ko ang paraan para ilabas ang pagka-
homesick ko. Alam mo naman internet lang ang
pangunahing libangan dito sa Saudi. Ang lifestyle dito
trabaho - accomodation lang. Makakapasyal ka lang
tuwing araw lang ng sahod, magpapadala ng pera at
kakain ng lutong pinoy sa downtown.

Sabi nga nila paswertehan lang ang pag aabroad, dahil


merong employer na makatao at nakakantindi at
meron din namang abusado at sarili lang ang iniisip,
hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa kultura nila o
talagang ito na ang kanilang pagkatao.

Tatlumpo kaming magkakasamang dumating dito sa


Saudi Arabia, mayroong firstime sa pag aabroad,
meron namang ex-abroad na, Sabi ng mga galing na
sa Saudi maliit daw ang bigayan 1,300 + 200 SR. Pero
nainganyo kami sa kumisyon na binanggit sa amin sa
orientation ng agency na nagpaalis sa amin, Minsan
daw halos malaki pa ang kumisyon sa sahod. Kaya
pumayag na ang karamihan sa napagkasunduang
kuntrata. Kahit na may complication dito, tulad ng
under wage at position title. Dahil ang nakasaad dito
1,300 + 300 SR at small truck driver ang posisyon
namin. Wala na akong magawa dahil nakapagbigay na
ako ng pera para sa placement fee na inutang lng sa
lending at nakapagresign na sa trabaho.

Unang araw ng pagdating namin ay pinagreport na


agad kami sa main office para medical na kailangan sa
pagkuha ng iqama o residence permit. Binigyan din
kami ng temporary residence permit o waraga na
hanggang 90 days ang effectivity. Binigyan din kami ng
food allowance para makabili ng simcard at mga
pangangailngan. Wala kaming sinayang na panahon at
nag apply din kami na kumuha ng drivers license.

After 3 Months of probitionary na deploy kami sa iba't


ibang probinsya sa Saudi, ako dito sa Jeddah napunta.
Isa akong Retail salesman sa isang malaking
manufacturing company dito sa Jeddah Saudi Arabia.
Ang trabaho ko ay pumupunta sa mga mini Market o
bakala at mag-aalok ng aking produkto. Halos naikot
ko na yata buong Jeddah sa pagaalok ng aking
tinitindang produkto. Kaya naman imposeble kung di
ko pa makuha ang monthly target ko. Ganito lang ang
labanan dito pasipagan at patyagaan. Yun nga lang
minsan di mo agad makukuha ang inaasam na
kumisyon, kasi minsan sa loob ng isang buwan
mayroong mga costumer na mahirap singilin,
papabalikin ka nalang sa sunod na linggo, pagkatapos
ng isang linggo di naman magbabayad. Kaya ang siste
stop commission ang kinalabasan, ito ang masaklap,
pinagpaguran mo na...pahirapan pa makuha.

Maganda ang sistema ng kumisyon sa mga unang


buwan pero habang tumatagal hindi maganda ang
tinatakbo ng kumpanya at lumalala ito pa ito. Umaabot
sa punto na ang kumisyon ko ay nauubus dahil sa mga
kaltas na hindi maiwasan, tulad nang short sa stock,
mga expired goods at mga nagsarang tindahan at
mga di nakapagbayad na costumer. Hindi pa kasama
ang mga traffic violations at unspecified deductions na
others lang ang nakalagay sa payslip.
Pero sa aking pagkakaalam meron kaming budget sa
expired goods, at di namin sagot ang mga nagsarang
tindahan.

Ito ang naging daan upang humingi ako nang tulong sa


Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa loob ng
Jeddah Consulate General. Inihain ko ang aking
reklamo laban sa kumpanya tulad ng di maipaliwanag
na kaltas at ang mga paglabag ng kumpanya sa Saudi
Labor Law.

Marami kaming nagreklamo noong una, hanggang


umurong ang aking mga kasama at ako nalang ang
natira, dahil siguro sa takot at panggigipit ng kumpanya
nang napagalamang nagreklamo kami sa Consulate.
Matapos pagaralan ng POLO ang aking reklamo,
binigyan nila ako ng recomendation para ihain ang
reklamo sa Saudi Labor and Settlement Dispute isang
ahensya ng Saudi na itinalaga upang mangasiwa sa
mga likramo at hinaing ng mga expatriates sa bansang
Saudi Arabia.
Matapos ang translation ng mga ibedinsya naifile ang
kaso at naglabas ng subpoena ang Ministry of Labor
(MOL) para sa kumpanya.

Dahil sa ginawa kong hakbang naghigpit ang


kumpanya,ko nag audit at sinaliksik ang aking mga
customer kung lihetimo ang lahat ng mga pautang at
naghanap ng butas na pwedeng ibato laban sa akin.

Hindi ako nagkamali sa aking naisip, Nagsampa sila


nangkaso laban sa akin sa Riyadh kung saan
nakabase ang main office, na ako ay inaakusahang
nagnakaw di umano ng 25,000sr.
Ginawa nila lahat ng paraan, nagpadala din sila ng
notice for transfer of worker. Nakikiusap sila na
pumunta ako ng Riyadh para magpatuloy ng trabaho,
at babayaran ko tuwing sahod ang 25,000 SR na di
umano ay ninakaw ko sa kanila. Hindi ko ito sinunod at
pinagpatuloy ko ang pag attend sa mga hearing.

Ako ay pinahinto sa trabaho at hindi binigyan ng


sahod, makalipas ang isang buwan isinama ako ng
manager na Egyptian ang sabi may meeting daw at
ibabalik ako sa trabaho. Hndi ko nadala ang aking mga
document dahil ang pagkaalam ko ay sa opisina
lamang ang punta ngunit dumiretso kami sa pulis kung
saan ako pala ay made-detaine.
Umabot ako nang isang linggo na nakulong, pero ako
din ay nakalabas dahil sa aking nauna nang nereklamo
sa MOL at ito ay iginalang ng mga pulis kaya ako ay
nakalabas ng kulungan.
Itinuloy ko ang kaso hanggang umabot ng limang
buwan, ang aking pamilya sa pilipinas ay nagtiis dahil
sa wala akong maipadala, hndi makapag hanap ng
ibang trabaho dahil pinipigil ito ng dati kong employer.
Sana kung nagkaisa lang ang aking mga kasama na
lumaban hanggang sa huli matatakot sa amin ng
kumpanya.
Sa ngayon tapos na ang kuntrata ko dito sa Saudi
ngunit nandito parin ako, ang mga dating kasama ko
ay nakauwe na ang iba naman ay tinatamasa ang
pagbabago ng sistema ng kumpanya dahil sa reklamo
ko sa Ministry of Labor ay nakita ng kumpanyang ito na
marami silang nailabag sa Labor law ng Saudi.

Jay Orongan at 2:46:00 AM

Share

1 comment:

Global Finance November 9, 2021 at 7:51 AM


BEST LOAN OFFER FROM TRUSTED COMPANY

Do you need Finance?


Are you looking for Finance?
Are you looking for a money to enlarge your business?
We help individuals and companies to obtain loan for
business
expanding and to setup a new business ranging any
amount.
Get a loan at affordable interest rate of 3%, Do you
need this cash/loan for
business and to clear your bills? Then send us an
email now for more information
contact us now via
Email:globalfinancegroup445@gmail.com or still on
whatsapp only +447423009500
Reply

To leave a comment, click the button below to sign in


with Google.

SIGN IN WITH GOOGLE

‹ Home

View web version

About Me
Jay Orongan
View my complete profile

Powered by Blogger.

You might also like