You are on page 1of 107

MAG NEGOSYO AT MAG PAYAMAN

Volume 1
( T h e Quick G u i d e )

1
Copyright © Negosyo Guide 2022
All rights reserved. No part of this book may
be reproduced in any form or by any means
without written permission from the
copyright owners and the publisher.

For inquiries: negosyoguide@gmail.com


https://www.facebook.com/negosyoguide
2
Ang takbo ng discussion dito ay direct
to the point. Philippine Set-up ang
business tips & ideas na nakapaloob dito.
Meron kasi jan yung iba pagbabayarin ka
ng napakamahal tapos hindi mo naman
mai-apply sa Pinas o hindi ka man lang
makaka-relate. Sobrang sulit ang
ibinayad mo dito kahit sobrang mura
lang. By the way, informal lesson po ito,
may mga bagay na ide-describe kung
paano o ano talaga ang mga ito, hindi
yung parang sinabi lang ang meaning.
Mas matututo ka kasi kapag para kang
nasa normal conversation lang hindi
gaya kapag nasa school na eksaktong
may sinusunod ka. Pansin mo ba, may
mga bagay na hirap kang intindihin sa
3
school pero kapag nasa labas o iba na
ang nag explain gets mo naman na at
mapapasabi ka na madali lang pala? So
ganon rin dito. Makakabasa ka rin ng
maraming realtalks dito. Tara na!
Lezzz gawww!!!!!!!!!

4
MGA NILALAMAN
PART 1:
A. Inspirational Short Story
B. Reflection sa Story

PART 2:
Dalawang Klase ng Income

PART 3:
Product Vs. Service Business |
Ano ang para sa’yo?

PART 4:
Mga Negosyong Nakakayaman

5
PART 5:
Mga Negosyong Walang Puhunan

PART 6:
Tips sa Pagpapalago sa
Kahit Anong Negosyo

PART 7:
Katotohanan sa Negosyo sa
Pilipinas

PART 8:
Pangwakas na may mga Pahabol

6
Part 1A:
INSPIRATIONAL SHORT STORY

May isang bata na binigyan ng


kanyang ama ng used-clothes o mga
kasuotang gamit na. Ipinapabenta ang
mga ito sa halagang $2. Sinabi ng bata na
baka $1 lang ang halaga dahil 2nd hand
7
naman na, ngunit sinabi ng kanyang ama
na subukan niya paring ibenta for $2,
dahil ang kikitain ay sa kanilang pamilya
rin naman mapupunta. Hindi rin kasi
kalakihan ang kita ng kanyang mga
magulang, sakto lang para may pangkain
sila. Pumayag rin ang bata ngunit
binalaan niya ang kanyang ama na
walang kasiguraduhan na magiging
maayos ang task niyang iyon.
Nilabhan ng bata ang mga ito,
pinatuyo at itinupi ng maayos.
Kinabukasan, sinubukan na niyang
ibenta kung saan-saan, kung kanikanino.
Pagkatapos ng mahigit anim (6) na oras,
nabenta niya ang mga ito. Dali-dali
siyang umuwi at ibinida ito sa kanyang
8
pamilya lalo na sa kanyang ama.
Nagsimula na siyang ganahan, at sa
sumunod na mga araw, naghahanap siya
ng used-clothes, inaayos niya ang mga
ito saka rin ibinibenta.
Makalipas ang sampung (10) araw,
nagbigay ulit ang kanyang ama ngunit
mas challenging na dahil pinapabenta
ang mga ito for $20. Napatanong ang
bata sa kanyang ama kung paano naman
mabebenta ang mga iyon for $20, eh ang
value lang ay parang pang $2. Sagot ng
ama, gaya rin noong nakaraan,
“subukan”. Still, tinanggap parin ng bata
kahit this time mejo mas pressured na
siya.

9
Naalala ng bata na may pinsan siyang
magaling magpinta at nagpatulong siya.
Pinapintahan niya ang mga ito ng mga
cartoon characters na sina Donald Duck
at Mickey Mouse. Sinubukan niya itong
ibenta sa anak mayaman na bata, at ang
resulta ay naging maganda dahil
napapayag niya itong bumili. Hindi lang
‘yan, natuwa yung batang nabentahan
niya, solved na ang $20 challenge ng
kanyang ama plus binigyan pa siya ng tip
10
na $5, bale $25 na lahat ang kanyang
natanggap. Umuwi ang bata na masaya,
at nabigyan siya uli ng panibagong
hamon.
Nagbigay ulit ang kanyang ama ng
used-clothes, at sinabi ng medyo pabiro
na baka pwede itong mabenta for $200.
Hindi nagdalawang isip ang bata at
tinanggap naman ang mga ito. Makalipas
ang dalawang (2) buwan, pumunta sa
kanilang lugar ang sikat na sikat na
artista na si Farrah Fawcett na gumanap
bilang si Jill Munroe bilang Private
Investigator sa Charlie’s Angels (1975)
upang dumalo sa isang press conference.
At nang matapos na ang agenda, hindi
nagdalawang isip na lusutan ng bata ang
11
mga security team upang malapitan ang
aktres dala dala ang kanyang bentang
used-clothes. Nang siya’s makalapit na,
humingi ng permiso ang bata upang
pirmahan ang kanyang dalang used-
clothes, natuwa si Farrah Fawcett sa
inosenteng bata kaya pinagbigyan niya
ito kaagad.

12
Nagsisigaw ang bata sa sobrang saya
dahil may pirma ng isang sikat na artista
ang kanyang mga paninda. Prinesyuhan
niya ng $200 at pina-auction hanggang
sa may isang negosyante na nagpresyo
at binili ng $1200. Yes $1200 talaga.
Umuwi siyang sobrang saya at sobrang
proud sa kanya ng family niya lalo na ang
kanyang ama. At dito na nagsimulang
nabigyan ng pag-asa sa buhay ang
batang ito, nang lumaki na siya, naging
sikat siyang Basketball Player, talagang
hinahangaan siya ng marami, worldwide
ang kasikatan at na-inspire niya, at siya’y
walang iba kundi si Michael Jordan.

13
14
Part 1B:
Reflection sa Story

Simple lang. Ang limit ng ating


kakayahan ay nasa utak lang. Marami
tayong kayang gawin pero hindi natin
magawa kasi nasanay na tayo sa kung
anong common at mga nakikita lang
natin. Isipin mo, yung worth $1-2
15
sobrang napataas ang value. Sabi nga ni
Albert Einstein: “Imagination is more
important than knowledge. For
knowledge is limited to all we now know
and understand, while imagination
embraces the entire world, and all there
ever will be to know and understand.”
Kailangan nating maging creative,
imaginative at ang pinaka-importante
lalo na sa negosyo, ang DISKARTE. Kahit
wala kang puhunan kung ma-diskarte ka,
magagawan mo ng paraan. Kahit hindi ka
matalino kung madiskarte ka, maa-
achieve mo parin yung results na gusto
mo. Siyempre, dito na dapat tayo sa mas
effective & limitless.

16
Part 2:
DALAWANG KLASE NG INCOME

Active Income
- Magtratrabaho ka para sa Income |
No Work No Pay
- Time + Effort + Presence = Income
17
- Forced Schedule
- No need to Invest
- Halimbawa: Employees | Kung
titignan natin, less ang risk pero less
rin ang return

Passive Income
- Pera mo ang magtratrabaho para
magka Income ka
- Sa una ka lang maghihirap, sa mga
susunod, halos no need na maglaan
ng time, effort at presence
- May time freedom ka
- Kailangang mag invest | Pero usually
sa una lang naman

18
- Halimbawa; Kapag may investment
kang tumataas ang value kasi may
interest kang nakukuha, o kaya may
paupahan kang building at iba pang
properties abang abang ka nalang ng
darating na pera habang nagca-casino
ka haha joke, habang nagrerelax
ganon :D
Wala namang problema sa Active
Income, sa katunayan nga, yung mga
may Passive Income na, ginamit rin nila
yung naipon nila sa Active Income nila
para magkaroon nito. Karamihan talaga
dumadaan muna sa Active Income.
Unless mayaman parents mo at
papamanahan ka nalang ng negosyo o
properties. Pero siyempre karamihan
19
kailangan talagang magsimula sa pinaka
baba kasi karamihan talaga sa mga Pinoy
namulat sa kaisipan na “Kung hindi ka
nakapagtapos, mahihirapan kang
umasenso.” Napakamali niyan, sa
mundo ng negosyo walang imposible.
Sana maka move-on na ang karamihan
ng mga Pinoy sa pagiging financially
illiterate. Yung iba, kapamilya pa nila
magdi-discourage.

20
PART 3:
Product Vs. Service Business |
Ano ang para sa’yo?

Product - may items kang ibebenta


Service – hindi ka magbebenta ng
products, skills ang ang io-offer mo

Ano ang para sa’yo? Ikaw lang din ang


nakakaalam niyan. Pero usually mas
21
kailangan mong mamuhunan sa product
compared to service. Kadalasan mas
mataas ang pwedeng kitain o profit
margin sa service business. Example sa
mga salon, may mga rebond + treatment
na umaabot ng ₱1.5k to ₱1.8k ang
singilan, pero ang puhunan lang nila na
magagastos ay posibleng around ₱500
lang, maybe higher or lower. Pero kung
nagbenta ka lang ng salon materials,
maliit lang maipapatong. Ang
binabayaran kasi talaga sa service ay
yung skill, ang skill pinaghihirapan kaya
hindi rin basta basta pwedeng ibagsak
presyo nalang. Pero hindi ibig sabihin na
mas okay para sa lahat ang service
business. Kasi ang totoo niyan, mas
22
madaling i-scale at mai-leverage ang
product business, hire ka lang ng mga
tao mo then boom, observe mo na ang
flow, no need na ikaw gagawa lahat. Sa
service naman, pwede ka parin maghire,
pero paano yung quality ng work ng mga
magiging tao mo, same rin kaya sayo?
Kung magha-hire ka naman ng talagang
skilled & professional for your business,
mas mapapamahal pa-sahod mo sa
kanila, kasi skilled sila. Okay lang naman
yan kung maganda ang balik, kaya sa una
pakiramdaman muna talaga.
Ang Product at Service Business ay
parehas na pwedeng Active Income at
Passive Income. Ang idea jan, active
kapag ikaw parin nagma-manage, saka
23
lang magiging passive kapag may mga
tauhan ka na at talagang operating na
kahit wala ka. Pero tandaan, product
man yan o service, kailangan talagang
hinay hinay muna at sabayan ng plano.
Mangangapa ka talaga sa una, hindi mo
yan maiiwasan, maaaring 6 months o
kahit isang tao ka na sa negosyo ay
nangangapa ka parin at nag a-adjust.
Yung iba wala pang 1 year sumusuko na.
Iba talaga ang pagsubok sa
pagnenegosyo, kailangan talaga ihanap
mo kung saan ka mas komportable kahit
sa tingin mo mahihirapan ka. Mamaya
pag nakarating ka na sa Part 5, doon
natin mas pag usapan ang iba pang tips.

24
Part 4:
Mga Negosyong Nakakayaman

Siguro isa ka rin sa mga na-excite dito


na part, ito na malalaman mo na. Ang
sagot jan ay WALA. Oo, wala talaga.
Hah? Paano?

25
Yung nakakayaman talaga ay hindi
naman eksaktong yung negosyo mismo.
Hindi ito dahil sa produkto at serbisyo.
Meron jan parehas lang naman ng
negosyo pero hindi lahat sila
yumayaman. Ang nagbibigay yaman
talaga ay yung mismong strategy, yung
paghandle, yung pag manage at kung
ano ang VALUE ng company at ng
mismong offer. Ang business o negosyo
na term ay representasyon lang ng
activity na ginagawa na maaaring
magbigay ng kita, take note yung word
na maaari. Ito sikreto lang, hindi lahat ng
taong nag nenegosyo ay talagang nag e-
expect ng kita o para yumaman, madi-
discuss ito mamaya sa Part 6.
26
Since negosyo naman na talaga yung
nakasanayang term at yun naman na
yung pinakamalapit at pinakamaiksing
term na pwedeng gamitin, yun na rin ang
gagamitin natin. From “Mga Negosyong
Nakakayaman” to “Mga
27
Negosyo/Industriya na Mataas ang
Potential Makapagbigay Yaman sa Year
2023 at sa kasunod pang mga taon”. No
specific order.
 Technology - focus sa mga high
tech gadgets na nakakasolve ng
problems at nakakapagpadali ng
trabaho kasi yun naman talaga
ang technology pero meron talaga
yung iba na hindi
rin nakakatulong at
nakakapahamak pa. Sa Pinas wala
pa gaanong mga Home Cleaning
Robots, Firefighting Drones,
Electric Cars, mga bike/motor
meron, pwede rin yung mga Anti-
crime Devices at iba pang related
28
sa mga ito. Kailangan ring i-
consider dito yung mga
technology na maka-kalikasan.
Marami pang nasasakupan ng
technology so research nalang for
more.

 Healthcare - pwede dito mismong


medical services and/or mag
supply ng medical equipments &
drugs. Maraming nangangailangan
nito.

 Education - no need na
magpatayo ng malaking paaralan
para kumita ng malaki. Magpatayo
ng Review Center, Conduct Online
29
Courses, Short Term Course,
Trainings, Seminars etc. Kahit nasa
Pinas lang, pwedeng kumuha ng
students sa ibang mga bansa.

 Real Estate - Magbenta o magpa-


rent ng properties gaya ng
building o lupa. Maaari ring
magpatayo at mag manage ng
mismong firm.

 Media and Entertainment -


Napakaraming ways para kumita
dito. Sa televisions, pagpaplabas
sa iba’t-ibang mga channel,
pagbenta ng tickets sa mga
sinehan, iba’t-ibang streaming
30
platform, pwede ring ibenta sa
ibang mga bansa at marami pang
iba.

 Financial Services - Ito yung mga


Brokerage Firms, iba’tibang klase
ng Banks, Planning Firms,
Insurance Companies at iba pang
related sa mga ganito.
Kung napansin mo, ang mga ito ay
nangangailangan ng malaking capital at
hindi basta basta ang pagma-manage sa
mga ito. Marami pa namang ibang
nakakayaman na industry, pero hindi na
naisama, kung tutuusin halos lahat rin
naman talaga pero itong mga nabanggit
kasi ang nasa top at mas mataas ang
31
potential compared sa iba sa taong 2023
at sa susunod pang mga taon sa Pinas.

32
PART 5:
Mga Negosyong Walang Puhunan

Weh? May ganyan ba kasi? Actually,


meron, marami. Magagamit natin dito
ang mga nasa Part 3, kung saan
nabanggit ang Products vs Services.
Kung sa tingin mo, hindi ka pa handa o
wala ka pang sapat na kaalaman para
pasukin ang mga nabanggit sa Part 4 na
nakakayaman, try mo munang mag
33
start sa walang puhunan para incase
mag fail, hindi mesheket, mindset ba
mindset haha! Kapag nag boom naman
ang walang puhunang negosyo, eh di
super sarap sa feeling! So ito na nga:

1) Pagbebenta ng Products
-sa Part 3, nasabi na doon na mas
kailangan mong mamuhunan sa
products kaysa sa services, totoo naman
yan, if regular ang iyong pagsu-supply,
pero maaari ka paring makabenta kahit
walang puhunan:
-mga lumang gamit o preloved items
-mga bagay na available na pero
hindi mo naman na kailangan
34
-mga halaman ng mama mo haha
biro lang, pero marami talagang tanim,
fruits, vegetables or flowers man yan, na
kahit hindi kailangan ng fertilizer ay
mabubuhay kahit dilig dilig lang, wala ka
talagang puhunan dito alagaan mo lang
ang magiging seedlings or cuttings,
pwede namang magtanim sa mga
lumang lata, butasan nalang then kuha
ng lupa and maintain maintain nalang sa
tamang pag aalaga hanggang sa mag
ugat na at pwede ng ibenta
-totoong may pera sa basura,
nakakadagdag value ang pagiging
creative, halimbawa sa plastic bottles,
pag direktang ibinenta mo sa junkshop,
magkano lang ang magiging halaga, pero
35
kapag ginawa mo itong lantern o parol,
or kung gumawa ka ng DIY na
boat/bilog/bangka/raket, sigurado yan,
magja-jump ang value dahil napaka-
useful nito, sa ibang lugar dito sa Pinas
gumagamit rin sila ng ganito pang rescue
kapag may bagyo, yung akala mo basura
na, yun pala magkakapera ka pa, at
magagamit pa ito sa mabuting purpose
-magbenta ng scrap parts, another
diskarte para maibenta ng mas mahal,
instead na ibenta mo ang item as
defective, mas okay kung ibenta mo
yung parts na okay pa dito, halimbawa
na lamang sa cellphone na sira na ang
motherboard o built-in memory, pero
ayos pa ang LCD & other parts, may mga
36
tao na bibilhin ito sa presyong defective
so let’s say iPhone 6, sasabihin nila jan
300 nalang kasi di naman na rin
magagamit at pangkakahuyan nalang,
pero kung aware ka na ang LCD niya ay
working pa naman, or even sa
front/back camera at pati na rin battery
ay okay pa, pwede mo itong ibenta ng
separate ang presyuhan, so instead na
yung dating nai-price na 300, maaari mo
pang ma-presyo ang LCD na 500, front
and back camera for 500, sa battery
naman kahit mas mababa na since luma
na so 200, eh di yung 300 na presyo sa
buong phone as defective magiging 1200
na, yung basura na sana, naging labas ay
working 2nd hand parts kaya mas may
37
halaga na, ang gawin mo hingiin mo mga
sirang gadgets ng mga kakilala mo, or
bigyan mo nalang sila soon ng
commission once na mabenta mo, oh di
parehas pa kayong magkakapera, hindi
ka pa namuhunan
-mag isip isip at magmasid masid ka
lang kung ano ang mga nanjan sa paligid
mo, kung sa tingin mo wala talaga,
ibenta mo na pasaway mong kaptid haha
joke lang po, proceed na po tayo sa
services naman na walang puhunan

2) Pagbebenta ng Services
-skills talaga ang puhunan dito, kung
anong mga kaya mong gawin, yun ang i-
38
offer mo, kung magaling ka sa musika,
mag perform ka sa events, or mag host
sa events kung magaling ka naman sa
communications
-mag-ayos ng kung anu-ano basta
alam at kaya mo like pag aayos ng sirang
gripo, pag aayos ng gadgets,
pagmemekaniko sa mga sasakyan
-magturo, pwedeng magpa-seminar,
or pwede ring magturo ng specific
subjects
-gumawa ng artworks, paintings,
drawings
-graphic design or video editing,
nauuso na ito ngayon, education and
business advertisements na kasi ngayon
39
hindi na gaya dati na papel papel lang or
ipropromote sa mga kakilala lang,
ngayon napakalawak na ng natatarget at
naaabot ng internet
-maging middleman, dealer,
broker, agent o kung ano pang term
na pwede, basta ang point dito ay
kikita ka via REFERRAL, laway lang
ang puhunan, i-target mo yung
matataas ang value para mas malaki
rin ang komisyon, mga sasakyan,
bahay, lupa, no need na magkaroon
ng mga licensure examinations kasi
ire-refer mo lang naman, hindi
eksaktong ikaw ang magproprocess
lahat lahat.

40
-kung ikaw naman ay walang
talent/skills, mahiyain, takot
makipagdeal, pwede kang mag work
as transcriptionist, magta-type o
yung iba copy-paste ang job, hanap
ka lang ng client mo sa mga
freelancing websites, marami doon
ang hindi nila chini-check ang
background or experience as long as
willing kang matuto at magawa mo
mga ipapagawang task
-dito sa service business, since
mas may kontrol ka, mas maise-set
mo rin ang price o rate na gusto mo
-maaari ka ring magtingin tingin ng
pwede mong pakahanapan ng clients
base sa kaya mong i-offer, marami rin
41
namang freelancing websites, gaya
ng Toptal, Guru, Fiverr, Upwork,
99designs, flexjobs, LinkedIn, Aquent
at marami pang iba, check mo rin
muna ang services sa mga website na
mga yan if anong skills ang mga
kailangan nila, pwede ka rin mag aral
ng new skills para mas marami kang
pwedeng mai-offer sa clients,
maraming free trainings sa internet
kaya kahit hindi ka gumastos para sa
isang course, maaari ka paring
matuto

42
PART 6:
Tips sa Pagpapalago sa
Kahit Anong Negosyo

Para mas mabilis at mas madaling


maintindihan, tandaan lang ang 4 Ps of
Marketing. Ito na talaga yung
pinakapundasyon ng lahat ng basic. Oo,
pundasyon ng basic palang talaga, part
lang, pero dito, maiaapply ang kahit
anong negosyo at kahit ilang taon na ito
na nag-ooperate. Yung iba kasi ang dami
pang pinagsasabi at pinapaikot lang ang
discussion. Direct to the point na tayo!

43
Product - Siguraduhing malinaw kung
ano ang ino-offer mapa goods or
services man ito. Magbenta ng
kinakailangan talaga ng mga tao.
Kung gusto mo namang mag offer ng
something na sa tingin mo hindi
naman sikat at hindi ganon ka-
kailangan pero gusto mo talagang i-
offer, dapat makumbinsi mo sila na
kailangan nila ito at kapag nagtuloy
44
tuloy ito, magkakaroon na ng bagong
demand at mas mapapadali na ang
iyong su-supply.

Price - ito yung halaga na dapat


ibayad ng mga clients/customers.
Kailangan tama ang pagpre-presyo.
Maaari ka ring magbigay ng promo o
discounts lalo na pag bago palang ang
negosyo mo or sa mga holiday
season. Ngunit marami ka ring
kailangan i-consider dito gaya ng
totoong cost ng product, presyo ng
mga competitor, yung kaya at willing
na i-spend ng potential buyers at iba
pa dipende sa linya ng negosyo.

45
Place – ang tinutukoy at pinupunto
dito ay kung saan nagkakaroon ng
idea at kung saan nakikita ng mga tao
ang inooffer. Hindi ibig sabihin na
porket place ay yung specific na
location na, oo kasama na siya doon
at kailangan ring i-consider ang
magandang location at madaling
mapuntahan kung mayroon mang
physical shop pero kapag sinabing
place kasi pag usapang negosyo, ito
yung market, kung saan may
exchange of goods/services or kung
saan naipre-present ang mga offer.
Kasama na rin dito ang mga Shopping
Apps & Websites, uso na rin ang
online shopping, even yung mga
46
napapanood sa mga TV at kung saan
pa pwedeng makita. Dito
nagkakaroon ng desisyon ang mga
tao kung mag-a-avail ba sila o hindi.

Promotion – kapartner ng place,


gagamitin ang place para maipakita
kung ano ang prino-promote. Dito sa
promotion kasama na dito ang
advertising, public relations at tsaka
promotional strategy. Parang yung
nasabi kanina sa product, itong
promotion, ito yung formula sa
product na dapat mong gamitin para
maka-kumbinsi ng mga tao sa radyo,
telebisyon, billboard, iba’t-ibang

47
platforms online at kung saan pa
pwede.

In addition to 4 P’s of Marketing.


Napaka halaga ring malaman ang iyong
Audience o ang iyong “Target Market”.
Why? Kasi sayang ang effort at
gagastusin mo for advertisement if sa
mga maling tao mo iprepresent ang
iyong offer, for example nagbebena ka
ng Pet Supplies & Accessories, pero sa
mga walang alaga mo ipinapakita, so
mali iyon dahil mag aaksya ka ng time,
effort at pera. Pag alam mo na kung
sinusino ang mga magiging target
market mo, kailangan mo nang gawin
ang strategy na tinatawag na “Sales
48
Funnel” na kung saan ipinupunta mo ang
mga potential buyers sa state na ma-
convince sila sa offer mo, sa word rin na
funnel, ibig sabihin, sasalain mo yung
mga talagang interesado, at sila ang mas
tutukan hanggang sa talagang mag-avail
na sila. Tignan ang larawan sa ibaba.

49
Ngayong napag usapan na natin ang
Target Market o Audience at ang Sales
Funnel, alamin na rin natin kung ano ang
Audience Funnel, ito rin yung mga
Audience na idadaan sa Funnel process.
Nahahati ito sa tatlong category.
• Cold Audience – sila yung mga hindi
pa nakakita or maaaring nakakita na
sa offer mo pero hindi interesado.
Kung may Page o Website ka, sila
lang yung mga nakakita sa ads mo
pero hindi nag inquire or nag engage
o kahit react man lang sa post mo.
• Warm Audience – sila yung may idea
na sa business mo, nagvivisit sila or
nag e-engage sa Page or Website,
maaari ring nagtatanong na pero
50
hindi pa naman nagbabalak mag-avail
sa offer.
• Hot Audience – sila yung mga
nagpapakita na ng interes, lagi ng
nagvivisit sa Page or Website at
nagtitingin kung anong bago, kung
anong update, nagtitingin tingin na
rin ng social proofs, nagtatanong
tanong na ng mas marami pang
detalye, kahit wala pang budget
talagang gagawa sila ng paraan para
maka avail, at sila talaga yung malaki
ang potential na bibili.

Ang tanong ng karamihan, bakit hindi


nalang dumirekta sa mga Hot Audience
para maka-save ng time & money? Kasi
51
hindi mo malalaman kung sino talaga
ang mga interesado, kailangan talagang
dumaan muna sa ganong proseso para
mas maganda ang pagkaka funnel at mas
maging organized ang flow ng
transaction. Mayroon rin tayong
tinatawag na Retargeting Audience, ito
naman yung papakitaan mo ulit o
magprepresent ka ulit sa mga
napakitaan mo na dati ng offer mo mapa
Cold, Warm or Hot Audience pa man
yan. Bakit pati Cold Audience kailangang
i-retarget? May mga tao kasi na baka
kailangan na nila ng offer mo ngayon, or
maaaring mas magka interest na sila kasi
dati na nilang nakita ang business mo,
mas malaki na ang posibilidad na maging
52
warm audience sila or maging hot
audience pa.
Recall lang tayo, so kailangan natin ng
Audience o Target Market na ating
idadaan sa Sales Funnel at dito
magkakaroon tayo ng Audience Funnel
na maicacategorize natin sa tatlo; Cold,
Warm at Hot Audience at sa paglipas ng
panahon kailangan rin natin silang i-
Retarget.
Basic palang mga yan pero mejo may
pagkakomplikado na. So posible bang
makapag run ng successful na negosyo
ang walang skill or background sa
business? Ang sagot jan ay OO, posible
kung maka-hire ka ng mga emplyadong
magagaling talaga at hindi ka lolokohin.
53
Bakit hindi nalang sila ang magnegosyo
kung sila ang mas may alam? Kasi hindi
lahat ng tao may lakas ng loob sa
business, hindi lahat gusto humawak ng
malaking responsibilidad. Kaya nga hindi
porket matalino ang isang tao ay sure na
yayaman na ito. Karamihan nga sa mga
sikat na successful mga average lang or
bagsa-bagsak pa noong students sila.
Pero mas makakapag lead ka ng mas
maayos kung mas marami ka ring alam
na skills, at mas makakaiwas ka pa sa
mga risk na pwedeng ibigay ng
employees like nagkakaroon na ng illegal
activities sa negosyo mo, or mas
matutunugan mo agad kung may
kalokohan na silang ginagawa, at incase
54
mawala man sila, maha-handle mo parin
kasi kaya mo ring gawin ang mga
ginagawa nila.
Ngayong alam na natin ang mga yan,
dito na papasok ang dalawang
mahalagang teknik tungo sa pagyaman.
Lahat ng yumaman sa negosyo,
ginagawa ang mga ito; Scale & Leverage.
Sa pagpili ng negosyo, kailangan scalable
ito at pwedeng i-leverage. Ang ibig
sabihin ng Scalable Business ay yung
mga negosyong pwede pa talagang
palakihin upang mas makapagbigay ng
mas maraming income dahil mas marami
ng customer ang ma-ke-cater at mas
makapagbibigay ito ng karagdagang kita
sa negosyo. In order na maging scalable
55
ang isang business, kailangang mo ng
tinatawag na Leverage. Narinig mo na ba
ang linyahang “Let your money work for
you.” or yung mga sinasabi na “Ang mga
mayayaman ay mas lalong
yumayaman.”? Maraming nacoconfuse
sa term na Leverage, sa business kasi
dalawa ang pinang gagamitan sa term na
Ito. Mayroong Financial Leverage at yung
mas alam ng karamihan, ang Leverage
on People. Sa Financial Leverage, ito
yung uutang ang isang company
pandagdag capital upang mas lumaki ang
kabuuang profit o kikitain. Sa Leverage
on Manpower naman, ito yung
magbabayad ka ng mga tao mo upang
gawin ang mga dapat na trabaho mo, sa
56
paraang ito, mas mapapalaki mo rin ang
iyong kikitain at hindi ka na rin
magpapagod kasi pwede kang mag hire
ng marami at iperform ang isang activity
bigyan mo nalang sila ng sahod o hati sa
kita at ang kagandahan dito, kahit may
sakit ka kikita ka parin unlike kapag solo
mo lang na no work no pay.

57
Part 7:
Katotohanan sa Negosyo sa Pilipinas

Sa mga nagbabalak palang:


• Huwag munang mag simula o mag
invest sa isang negosyo kung wala
ka pang malinaw na plano.
• Kung pera at time freedom ang
habol mo sa pagnenegosyo, wag mo

58
nalang ituloy, masasaktan ka lang
haha!
• Hindi talaga totoo yung mga
nakikita sa mga palabas na porket
may negosyo chill life na.
• Normal lang na marami kang
makakaharap na problema,
kailangan mo lang ma-immune at
makagawa ng mga paraan para ma-
solve ang mga ito.
• Risky talaga, aabot ka sa point na
mamro-mroblema ka sa pera,
mabibigyan ka pa ng sama ng loob,
sasakit ulo mo sa supplier,
dadagdag pa mga magiging
demanding clients mo na feeling

59
nila pag mamay-ari ka nila at
kailangan all the time naeentertain
mo lang sila.
• Totoong totoo na may mga kamag-
anak at mga kaibigan na hindi
susuporta sayo.

Sa mga malapit ng magsimula o may


nasimulan na:
• Maging consistent ka sa lahat. Hindi
porket humina na ang negosyo ay
susuko ka na kaagad, hindi porket
lumakas na ay pababayaan mo
nalang ang takbo. Always
remember, sa kahit anong business
nasa medium to high risk mga yan.
60
• Gumawa ng mga paraan para
mabigyang diskarte ang iyong
negosyo upang maging pandemic
proof. Isa sa mga talagang
naapektuhan ay mga nasa food
business, kasi bawal senior, bawal
bata, social distancing pa kaya may
limit lang ang accomodation sa mga
kainan. Obviously, the best thing to
do is to have a delivery. Kung wala
naman sariling service o tagadeliver,
pwede makipag partner sa mga nag
e-errand o talagang nasa delivery
services like Food Panda, Grab
Food, TokTok etc.
• Learn to control your emotions.
Maging kalmado at professional sa
61
kahit anong sitwasyon kahit galit na
ang mga customer or kahit
mismong mga empleyado mo.
• Makinig sa mga reklamo o rants ng
mga clients. Maaari kasing may mga
mali sa business na hindi natin
nakikita at mismong mga customer
ang nakaka experience. Para rin ito
sa improvement ng negosyo.
• Tignan ang mga opportunity, sa
mga negative situation gaya ng mga
reklamo. Or if may problema sa
mismong loob ng management,
bilang boss wag agad mag rereact
ng negative at magagalit. Kailangan
maging balanse lang sa lahat at

62
kailangan ng malalim na pang
unawa.
• Respect both customers &
employees para irespeto ka rin nila.
Kung alam nilang mabait kang
owner, sila na mismo ang mahihiya
sayo. Kailangan talaga yan para
hindi ka mawalan ng customer at
para hindi ka iwan ng mga
trabahador mo.

Chumika muna tayo kahit yung iba alam


mo naman na, puro na kasi kaseryosohan
ang usapan:
• Gaya ng nasabi kanina sa Part 4,
hindi lahat ng nagnenegosyo ay kita
63
at pagyaman ang habol, yung iba,
ginagamit lang nila ang negosyo
upang mapagtakpan ang illegal
activities nila upang hindi kaduda
duda ang bilis ng pagdami ng
properties o pagyaman nila.
• May mga malalaking negosyante na
ang kalaban nila ay hindi
negosyante rin, kundi mga politiko.
Marami jan nagkalat realtalk lang,
hindi pahihintulutang makapag
establish ng business kung hindi
kakampi ang mga politikong mga
yan, or sa iba kailangan siyempre
may share.
• Aside from politicians na
nangingikil, mismong mga tao ng
64
gobyerno ginagawa rin ito, legit
promise, marami lang hindi
nagrereklamo dahil mas gugulo ang
mga bagay bagay kaya yung ibang
negosyante, malaking adjustment at
pag unawa nalang ang ginagawa.
• May hindi isinali kanina sa Part 4 o
yung mga negosyong may potential
makapagpayaman sa 2023 and
succeeding years. Ito yung
Agribusiness. Sa katunayan, kaya
naman nito talagang
makapagpayaman kung sapat ang
suporta ng gobyerno kaso ang
daming pagkukulang gaya na
lamang ng limited access

65
sa credit at agricultural insurance,
mababa o mahina ang farm
mechanization, kakulangan sa
postharvest facilities, pati na rin
yung problema sa patubig kahit
libre naman ang mga irrigation,
nililimit o hinahayaang nakasara
lang ang mga ito, kakulangang
suporta sa research and
development (R&D), weak
extension service, incomplete
agrarian reform program
implementation at marami pang
iba. Nakakainis no? Kung ikaw yung
mismong owner ng agribusiness,
makakapagbigay ka pa sana ng
trabaho sa komunidad, sa paraang
66
yan, yayaman ka na, makakatulong
ka pa. Okay naman mag
agribusiness talaga, dipende nalang
talaga sa lugar at kung makiki-
cooperate ng maayos ang
gobyerno. Magiging makatarungan
at makatao ba ang mga iseset ng
gobyerno na standard pricing? Baka
kasi mas tangkilikin pa nila ang mga
import. May mga batas o rules na
ba sa Pinas na nagproprotekta sa
mga nagtratrabaho under
agribusiness? If meron, talaga nga
ba kayang nasusunod at nama-
maximize ang pagka-implement
dito? At marami pang dapat itanong
bago talaga i-career ito.
67
• Tama na, mamaya may iba pang
mga masabi. Hahaha! Pero in reality
marami pang mas malala sa mga
nabanggit.

68
Part 8:
Pangwakas na may Pahabol

Wala talagang overnight success.


Marami talagang pagdadaanan bago
yumaman. Hindi rin talaga ganon
kadaling mag negosyo. Hindi pala porket
matalino ka yayaman ka. Kaya pala konti
lang nakaka survive sa negosyo kasi
69
halos lahat ng kinakailangang training ay
hindi naituro sa school. Ang simula
talaga ng lahat ay nasa mindset. Kung
napansin mo, marami na sa Pinas ang
Chinese Merchants, at kung sa
pagnenegosyo lang, mas nagiging
successful pa sila kaysa sa mga Pinoy, at
kung nalugi man sila, ang bilis lang nilang
nakakabangon kumpara sa mga Pinoy.
Dahil ito sa kanilang mindset, yun na ang
naitatak sa utak nila, ang mag negosyo,
alam na kasi nila ang mga dapat iwasan.
Marami nga sa kanila hindi kagalingan sa
communication skills, pero panalo
panalong panalo sa business. Sa mga
Pinoy, ang pinakamagandang gawin
talaga ay i-surround ang sarili sa mga
70
successful na mga tao, kasi kung sinong
mga madalas na nakakasama o
nakakahalubilo mo, malaki ang chance
na magiging ganon karin. Problema dito
sa Pinas, mababa ang Financial Literacy,
at ang mindset ng maraming Pilipino
noon kailangan mong mag aral upang
magkaroon ng magandang trabaho at
ipinasa yan sa mga sumunod na
henerasyon. Nasa isip rin kasi ng iba
noon, ang pagkakaroon ng maraming
pera ay pagiging greedy. Basta lahat ng
mga nagagawa natin ay nasa mindset at
environment lang din talaga. Maraming
Pinoy ang ayaw umalis sa comfort zone
kaya marami rin ang hanggang ganon
nalang ang takbo ng buhay. Bakit mas
71
pipiliin mong maging good kung kaya mo
naman palang maging better o best?
Diba, parang ganyan lang din yon. Ang
limit ay nasa utak lang natin.
Balikan natin yung Story sa Part 1A,
sinong mag aakala na tataas yung value
ng used-clothes? Sabi sa Part 1B,
kailangan talaga ng diskarte. Sa Part 2
naipakita doon na hindi pala lahat ng
income pareparehas ang kailangang
ibuhos na effort para ma-achieve ang
value na gusto mo, at pinatunayan na
hindi porket mas masipag ka ay mas
yayaman ka, again, diskarte lang talaga.
Sa Part 3 ang nagsasabi kung sa tingin
mo para saan ka nga ba, kung sa
sitwasyon mo ngayon sa tingin mo saan
72
ka mas magfi-fit? Dito naman sa Part 4,
nilinaw dito na hindi naman talaga yung
negosyo ang nagpapayaman, kasi meron
yung iba same sila ng niche, same type
ng business pero yung isa malayong mas
successful, kasi nga ang pagnenegosyo
ay hindi chambahan lang at kung anong
uso, dapat maihanap mo kung saan sa
tingin mo mas makakapagtrabaho ka ng
mas maayos. Part 5, mag start sa zero.
Part 6, ito ang may malaking impact, dito
ka macha-challenge, mukhang simple,
mejo madaling unawain kahit may parts
na komplikado sa una, pero gaano kaya
kadali kapag ia-apply na? Pagdating sa
Part 7, mga bagay na dapat mong
tandaan at kailangan ring malaman.
73
Ngayong nandito ka na sa Part 8, nais
ka naming pasalamatan sa iyong
pagbibigay suporta, donasyon at tiwala.
Maraming maraming salamat po talaga.
Kahit hindi formal itong discussion dito,
atleast yung mga thought ay ganon parin
at siguro naman my natutunan kahit
74
konti? Hehe. Bale basic basic lang din
naman lahat ng ito pero napakalaking
tulong talaga. Soon baka i-release rin po
namin yung official at maayos na copy
nito, nasa around ₱999 / $20 (USD) sa
Formal English Copy, sa Tagalog naman
ay mas mura nasa ₱350 / $7 lang. Kaya
rin po namin hinayaan muna @ bargain
price kasi ang #1 goal naman po talaga
namin ay i-tap at bigyang idea ang mga
Pinoy sa mundo ng negosyo. Karamihan
rin talaga kasi gusto yung ganitong type
lang ng babasahin kasi parang nakikipag-
usap lang daw sila, or parang may
nagkukwento lang, mas madali raw kasi
ma-absorb ng utak. Soon magkakaroon
rin po kami ng mga iba pang topics, mga
75
mas specific, at magkakaroon din ng mga
courses, tagalog nalang din po siguro at
siyempre yung pang budget meal lang,
very affordable price po. Please let us
know kung nagustuhan mo ito at kung
may mga request ka na topics to discuss
or may gusto kang online courses na i-
avail para yun po mga priority naming
ipa-publish at io-offer sa public.

Ating basahin ang mga Powerful


Business Quotes bago natin tuluyang
wakasan ang diskusyong ito.

76
77
78
79
80
Ayan, mga simple pero may mga mas
malalalim pang kahulugan. Itatak sa
isipan; ang pagnenegosyo ay hindi
lamang tungkol sa pera at
pagpapayaman, kailangang maging
makatao, huwag mangmamaliit kapag
successful na. Focus lang sa goal, be
humble at i-apply ang mga natutunan.
Pag napagod, pahinga, then laban ulit!

Nasa modern world na tayo,


kailangan na nating i-accept na marami
nang traditional na gawain ang mga
magiging digital na, gaya na lamang
nitong mga e-book. Magandang mag aral
din tayo paano gamitin ang internet sa
pagnenegosyo lalong lalo na sa iba’t-
81
ibang social media platforms dahil doon
ang maraming audience.

Incase drained parin ang iyong isipan


when it comes to specific career or
planong i-business, i-clear mo ang mind
mo, inhale-exhale, pause then think.
Whatever idea na pumasok sa isipan mo,
jan muna ‘yan. Now, we highly
recommend to find a mentor, someone
na pwedeng mag guide sa’yo, pwedeng
tao, pwedeng sa internet lang din basta
may napatunayan na or may experience
na. Hindi sa lahat ng pagkakataon tama
ang ating mga desisyon, kailangan rin
natin ng opinions or suggestions ng iba.
Nasa volume 2 ito, pero we are giving
82
you now an idea. We also recommend na
magkaroon ka ng background sa mga
basic courses na related sa Social Media
Management, or if kaya mong pag-
aralan ang iba’t-ibang VA or Virtual
Assistant Courses then go! Sa mga
Trading naman na umuuso ngayon like sa
cryptocurrency o yung mga naririnig
niyong BitCoin na mga yan and iba pang
parang ganyan din, or mapa PSE man o
FOREX, kailangan naman dito maaral
mong mabuti mag analyze ng graphs,
charts, sa mga candlestick at dapat dito
lalo na if short term trader ka kailangan
talagang maging updated ka sa mga
balita o anything na konektado sa
investments mo. We also suggest na
83
magkaroon ng knowledge about sa unti-
unti ng nauuso at makabagong business
marketing models dito sa Pinas (pero sa
ibang mga bansa matagal na nila itong
ginagamit) na Dropshipping at Affiliate
Marketing. Sa mga ito, hindi na ikaw ang
magpa-pack at magpapadala ng
products, parehas na low-risk ang mga
ito na may high earning potentials, halos
same lang sila ng skill sets na
kinakailangan, at ang isang ikinaganda,
mababa lang ang startup cost sa mga ito.
Ating tignan at pag-aralan ang kaibahan
ng Dropshipping at Affiliate Marketing,
pero isingit natin ang Traditional para
mas lalong maunawaan

84
85
So, ilan lamang ang mga ‘yan, marami
pang ibang pwedeng opportunity.
Explore explore nalang din talaga. Huwag
kang mag quit agad sa trabaho mo kung
naisipan mong mag business, mag
preprare ka muna ng pang emergency
fund mo, kung maaari magkaroon ka
muna ng high paying job or high income
skills, at ‘wag na ‘wag papasok sa
86
negosyong hindi mo talaga naiintindihan
dahil itutungo ka nito sa kapahamakan.
Kaalaman ang #1 na dapat ipuhunan.

87
Kung nabitin ka dito, may mga FREE
pa naman, nasa 300+ copies lahat, kasali
dito yung mga Top 20 Recommended &
Most Requested E-books/Articles about
Business. Tignan ang listahan ng mga
Title sa susunod na mga pahina.
88
TOP 20 RECOMMENDED:
Rich Dad Poor Dad
Think and Grow Rich
Secret Millionaires Club
The Psychology of Selling
Cryptocurrency Investing Bible
The Greatest Business Decisions of All Time
597 Business Ideas You Can Start From Home
Business Math For Dummies
Cashvertising
Click Millionaires
Launch
Traction
Money - Master the Game
Start and Run A Business From Home
The 4-Hour Workweek
The Art of Closing the Sale
The Art of Money Getting or Golden Rules for Making
The Cure for Money Madness
The Intelligent Negotiator
The Mind of the Buyer
89
OTHERS:

5 Amazon FBA Mistakes You Must Avoid


5 Membership Site Ideas You Can Start
5 Online Business Models You Can Start Today
5 Steps to Profit Free Report
5 Steps to Profit
5 Super Easy Ways to Make Money Offline!
5 Ways to Generate Free Traffic
7 Mistakes to Avoid if You Want a Successful Online
Business
7 Secrets to Online Business Success for Stay at Home
Moms
7 Things You Must Know
7 Key Secrets to Consistently Getting Tons of Free
Publicity
10 Most Common E-Zine Publishing Mistakes You
Must Avoid
90
10 Ways to Create Your Next Information Product
Faster
20 Important Uses of PLR Rights Material
30 Freelance Business Ideas You Can Start
30 Maximum Conversion Rate Tips
51 Social Media Marketing Methods to Build Your
Business
100 Advertising Tips
100 Outsourcing Techniques
100 Work at Home Benefits
Ways to Advertise Your Business Online and Offline
Affiliate Marketing A to Z
Affiliate Marketing Simplified
Affiliate Marketing Success Tips
Aligning the Technical Aspects of Your Business to
Dominate ClickBank
Amazing Advertising Tips
Amazon King
91
Article Magic
Article Wizard
Attraction Marketing
Autoreponder-Code-Replacement
Babysitting Business
Beating the Beast Goldmine!
Better Business Budget Planning
Better Business Planning
Blockbuster Cash Secrets
Blogging Bounty
Blogging Cash Course
Boost Online Sales in Less Than 7 Days
Breakthrough Sales Solutions
Brick and Mortar Business for Newbies
Building the Business Brain
Building the Perfect Sales Funnel
Business Booster
Business Outsourcing
92
Capital Maintenance Concepts
Career Planning Made Easy
Cash Building Strategies
Cash Smasher Secrets
Cashing in Big on the Health and Wellness Industry
Clever Profit-Generating Insights
Clickbank Cash Cow Secrets
Cloud Computing Secrets
Code of Success
Communication Crunch
Confident Prospecting
Conversion Booster
Conversion Samurai
Corporate Domination Tactics
Covert Product Selling Principles
Creating an Online Business 101
Creative Marketing Tactics
Crushing it With Youtube
93
Customer Retention Force
Customer-Tested Buying Triggers
Debt Free Network Marketing
Definitive Guide to Becoming a Successful
Dropshipper
Desktop Virtualization
Discover How to Make High-Ticket Sales by Working
With the Right Clients the Right Way
Discovering the Underground Home Business
Revolution
E-Book Entrepreneur
E-Book Reseller Riches
Email List Genie
Entrepreneur and Employees
Entrepreneur Essentials
Entrepreneurial Ideas
Expand Your Business Reach With Instagram
Exploding Your Sales
94
Explosive Influence Tactics
Extreme Persuasion Strategies
Facebook Fan Page Tips
Facebook Fortune
Facebooking Craze for Internet Marketers
Fantastic Funded Proposal
Feng Shui
Fire Your Boss and Join the Internet Marketing
Revolution
Firesale Essence
First Class Resell Rights Marketer
Franchising Basics
Free and Low Cost Ways to Huge Web Traffic
Friendly Persuasion Online Resources
Friendly Persuasion
Gamified Marketing
Generating Multiple Streams of Income via Internet
Marketing
95
Getting Rid of Ma Bell
Getting the Internet Grant
Good Ecommerce
Greatness Lessons from Hollywood
Grow On Instagram With Instagram Guides
Growth Hacking 101
Guide to Smartphones
Guide to Successful Online Freelancing
Guru, Greatness and You
Health Insurance and HealthSavings Account Made Easy
Hobby Blogging Profits Home Automation Inside Out!
Home Based Businesses
Home Business Handbook
Home Business Hound
Home Business Models Exposed
Home Business Models
Home Business Shift
Home Business Success
96
Home Business Taxes
Home Sweet Home
How to Create Great Gift Baskets!
How to Develop Your Power of Concentration
How to Explode Your Sales
How to Get a Top Ranking in Google and MSN for
Only $9
How to Identify Business Opportunities and Make the
Most of Them
How to Make Repeat Sales With Shopify
How to Outsource Anything to Anyone
How to Price Your Product or Service Just Right
How to Prosper During Bad Times
How to Sell Anything to Anyone
How to Sell Appliances
How to Sell Baby Products
How to Sell Books & Magazines
How to Sell Clothes
97
How to Sell Cosmetics
How to Sell Diet Products
How to Sell Furniture
How to Sell Home Improvement Products
How to Sell Jewelry
How to Sell Lawn & Garden Products
How to Sell Movies
How to Sell Music
How to Sell Party Supplies
How to Sell Pet Products
How to Sell Software
How to Sell Sports Equipment
How to Sell Toys
How to Sell Video Games
Important Business
Infinite Profits Free Chapters
Infinite Profits Full
Infinite Profits Part 2 Full
98
Internet Business for Newbies
Internet Entrepreneurship Survival Guide
Internet Marketing Bible
Internet Marketing Fast Start Resources
Kick Butt Business Ideas
Kindle Book Promotion 101
Lean Manufacturing Principles Made Easy
Lean Manufacturing
Learning the Legalese
Leveraging Your Businesses in the 21st Century
Limitless Lead Generation Guide
Loan Lord
Magic Copywriting
Make Money Online Positive Action Plan
Making Calls with Google Voice
Managing Your Money at All Ages
Massage Therapy for Complete Body Relaxation
Maximum Opt-in Conversions
99
Maximum Profits From Free Reports
Mobile Business Empire
Mobile Phone Profits
More Time More Money
Mr. X Reveals All
Network Marketers Manual
Network Marketing & Prospecting
Network Marketing A-Z
Network Marketing Pitfalls
Network Marketing Superstar
Network Marketing Survival
Network Marketing Temperatures
Offline Riches for Internet Marketers
Offline Super Cash
One-Two Punch
Online Ads & Webs Traffic
Online Customer Engagement
Online Entrepreneur Motivation
100
Online Legal Protection
Online Traffic Generation Methods
Opt-in List Building for Beginners
Outsourcing for Your Business
Outsourcing Your Life
Passion Pursuit
Persuasion and Selling for Social Messaging Apps
Picking Your Product
Pinterest Power
Pinterest Traffic Secrets
PLR Starter Pack Volume 1 The Beginner
PLR Starter Pack Volume 2 The Intermediate
PLR Starter Pack Volume 3 The Expert
Positive Attitude for Unlimited Success
Powerful Offline Marketing in the Internet Age
PPC Marketing Simplified
Profit Equalizer
Profits Streams
101
Quick & Easy Guide to Article Marketing
Quick & Easy to Boost Your Business Profits
Rapid Offline Profits
Recession's Remedy
Rejecting Rejection
Relocation Made Easy!
Resale Rights Strategies
Resale Rights the Alternative
Retire Young, Retire Rich from Business Opportunities
Running Your Business Online and Offline
Save Your Home From Foreclosure
Savvy Salesmanship
Secrets to Web Traffic Overdrive
Self Starters
Sense of Urgency
Service Business Harmony
Service Business Synergy
Setting up Your First Business Website
102
Shopify Dropshipping Mastery
Show Me the Plan! - Part 1
Show Me the Plan! - Part 2
Simple Joint Venture Secrets
Simple PPC Secrets
Simple Sales Systems
Skyping
Awesomeness
Small Business
Mastery
Snowboarding Fun!
Social Marketing Secrets!
Social Media Marketing Jump
Social Network Secrets
Squidoo Basics
Start an Online Coaching Business Using Your Talents
and Expertise
Starting Your Own Yahoo Store
103
Stealth Marketing Tactic
Super JV Secrets
Superior Business Planning
Surviving Your First Year in Network Marketing
Taming Taxes
Targeted Traffic Simplified
Taxes Made Easy
Terrific Tube Traffic
The 5th Wave Social Media Onslaught
The 21st Century Home Business Revolution
The Affiliate Marketer's Handbook
The Affiliate Marketing Blueprint
The Art and Business of Affiliate Marketing
The Art of Selling Online
The Business Brains
The Expert Guide to Affiliate Marketing
The Expert Guide to Opt-in List Building
The Expert Guide to PPC Marketing
104
The Fail Proof ClickBank Mindset
The Golden Rules of Acquiring Wealth
The Internet Marketing Online Goldmine Resource
The Internet Marketing Online Goldmine
The Magnetic Mindset that Drives Home Business
Models
The Marketing System
The New Internet Marketing Shift
The OPM Strategy
The Pay Per Click Marketing Guide
The Power of Meditation
The Power of Social Media
The PPC Marketing Guide
The Seven Keys to the Kingdom of Network
Marketing
The Steady Business
The Successful Entrepreneur
The Unstoppable Internet Entrepreneur Mindset
105
The Way of the Webpreneur
Think & Grow Rich for Internet Entrepreneurs
Tips and Tricks for Success for Young Entrepreneurs
To Net or Not to Net
True Productivity in Business & Life
Turning the Herd into Cash
Twitter Basics… for Internet Marketers
Twitter Tornado
Unclaimed Money Finder's Manual
Understanding Desktop Virtualization
Unleash the Power of Ad Tracking
Unlimited Customers Goldmine
Using Graphics to Maximize Your Business
Video Economy
Video Marketing Mayhem
Video Marketing Simplified
Video Product Supremacy
Viral iPod Video
106
Virtual Assistants
Virtual Vibes
Web 2.0 Sites Exposed
When to Use 3rd Party Sites to Sell
Win the Foreclosure Battle
Work at Home Methods Unleashed
Work at Home Time Management
Your First Online Business
at dito na nga natatapos ang:
Mag Negosyo at Mag Payaman
Volume 1 (The Quick Guide)
by: Negosyo Guide
Copyright © Negosyo Guide 2022
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in
any form or by any means without written permission from the
copyright owners and the publisher.
For inquiries: negosyoguide@gmail.com
https://www.facebook.com/negosyoguide
Maraming salamat po!
107

You might also like