You are on page 1of 10

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

ARALING PANLIPUNAN 10
MGA KONTEMPORARYUNG ISYU
Name:_____________________________________________ Date:________________

I. Magbigay ng sariling opinyon sa sumusunod na katanungan. Sikaping 5 hanggang 10 pangungusap


bawat bilang. Isulat ang sagot sa ibaba at likod ng papel, gumamit ng karagdagang papel kung
kinakailangan.

1. Para sa iyo, ano ang pinakamalaking suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng daigdig, bansa at sariling
komunidad?
2. Ikaw ba ay nakakapagdagdag sa mga suliraning pangkapaligiran sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?
3. Ano ang maaari mong baguhin, upang hindi ka makadagdag sa suliraning pangkapaligiran?
4. Sa iyong opinyon, posible kayang mauwi sa ganap na pagkawasak ng kapaligiran o tuluyang pagkamatay ng
mundo ang mga aktibidad ng tao?
5. Sa iyong palagay, kung magbabawas ka ba ng paggamit ng cellphone o maglalagay ka sa sarili mo ng
limitasyon sa paggamit ng mga gadgets makakatulong ka ba na malutas ang suliraning pangkapaligiran?

II.

1. Ipagpalagay na ikaw ay isang Punong Bayan ng inyong lugar. Sumulat ka ng sampung polisiya (policy
guidelines) na sa palagay mo ay makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan sa inyong bayan.

Halimbawa
1. Pagbabawal magputol ng puno. Ang sino mang mahuhuli na nagpuputol ng puno ay papatawan ng
kaukulang parusa.
a. 1-5 buwan na pagkakulong para sa unang paglabag at pagbabayad ng 1000 piso bilang multa.
b. 6-1 taon para sa ikalawang paglabag at pagbabayad ng multa ng hindi bababa sa 2500 piso.
c. 1-2 taon na pagkakakulong, sa ikatlong paglabag at multa na 10000 piso.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
Pangalan:_____________________________________________ Petsa:________________

II. Magbigay ng sariling opinyon sa sumusunod na katanungan. Sikaping 5 hanggang 10 pangungusap


bawat bilang. Isulat ang sagot sa ibaba at likod ng papel, gumamit ng karagdagang papel kung
kinakailangan.

1. Balang araw, ano ang mas nanaisin mo, ang magtatag o ang sumali sa isang samahan ng mga mamimili?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Ipagpalagay mo na 8 taon mula ngayon meron ka ng isang matatatag na hanapbuhay, nakapagpatayo ka na
ng sarili mong negosyo dahil sa iyong pagsusumikap. Naisipan mong magtayo ng negosyo dito sa bayan ng
Guinayangan.
A. Anong negosyo ang iyong bubuksan o ipapatayo?
B. Bakit ito ang naisip mo na negosyo?
C. Ano ang limang hakbang na iyong gagawin upang maisakatuparan ang pagpapatayo mo ng negosyo?
Halimbawa: step 1: Paglalaan ng sapat na puhunan

3. Sumulat ng iyong 5 kagustuhan at 5 pangangailangan. Bigyan mo ng paliwanag, kung bakit ito ang napili
mo.
4. Ano ang mga pangunahin mong pangangailangan na kadalasan ay hindi naibibigay ng breadwinner ng
inyong pamilya?
5. Papasok ka sa paaralan isang umaga sakay ng isang trycicle. Kasama mo sa sinasakyan mong trycicle ang
kaibigan/kamag-aral mo, napansin mo na hindi sya nagbayad ng pamasahe. Ano ang gagawin mo sa
kaibigan mo?
6. Karapat-dapat bang makatanggap ng deskwento ang mga senior citizen sa pagbili ng mga piling kalakal at
serbisyo? Bakit?
7. Mahalaga ang ginagampanan sa ekonomiya ng buwis, isa na nga sa pinagkukunan ng buwis ay ang mga
pamilihan, kung saan kadalasan tayo namimili ng pangunahing pangangailangan. Ang official receipt o
resibo ay nagpapatunay ng declared na kita o kinita ng isang pamilihan, kung saan ito ang pagbabatayan ng
BIR kung magkano ang karampatang buwis na babayaran ng isang pamilihan. Mahalaga na kapag ikaw ay
mamimili hihingi ka ng resibo upang bilang isang responsableng mamimili ay makatulong ka sa
ekonomiya. Ano ang iyong gagawin kung sakaling may tindahang ayaw kang bigyan ng opisyal na resibo
ng iyong pinamili? Bakit ito ang iyong gagawin?
8. Nagta-trabaho ka bilang isang waiter/waitress sa iang fastfood chain, kinulang ng 500 piso ang benta nyo sa
pagtatapos ng araw, hindi mo alam kung bakit nagkulang dahil alam mo na tama ang lahat ng sukli mo.
Nagagalit ang manager nyo dahil sa nangyari ano ang gagawin mo?
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan:_____________________________________________ Petsa:________________

I. Magbigay ng kasagutan at sariling opinyon sa sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa ibaba at
likod ng papel, gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan.

1. Ikaw ay isang mag-aaral na napili ng inyong paaralan, upang sumali sa isang proyekto ng pag-aaral ng
heograpiya na isasagawa sa sikat na paaralan sa Maynila. Natatakot ka na lumayo sa pamilya mo pero
nangingibabaw din sayo ang kagustuhan na, maipakilala ang iyong paaralan sa larangan ng pag-aaral ng
daigdig. Ano ang gagawin mo?
2. Dahil ang Pilipinas ay nabibilang sa Asya, sa 7 kontinente na tinalakay, saang kontinente o mga bansa mo pa
gustong makapunta o makapamasyal?
3. Tayong mga tao ay naninirahan sa Earth, paano mo mapangangalagaan ang ating planeta sa banta ng tuluyang
pagkasira nito?
4. Bakit kaya natatangi ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao?
5. Ikaw ay isang ordinaryong mamamayan, na nahihilig sa vlogging ngayon napanood ng pangulo ng Pilipinas ang
iyong husay sa pagpapakilala ng mga lugar na iyong napuntahan. Naatasan ka nya na ipakilala mo ang bansang
Pilipinas sa mga dayuhan, hindi sa iyong vlog kundi personal mo silang kaharap. Ano ang limang hakbang na
gagawin mo upang maipakilala mo ng maayos at maipagmalaki ang ating bansa?
6. Iguhit mo ngayon ang mapa ng Pilipinas. Matapos mo itong maiguhit, isulat mo ang nalalaman mong
magagandang pasyalan, sa Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao. Ipaliwanag mo kung bakit ito ang napili mong
lugar.
Halimbawa: Mindanao- Davao dahil sa magaganda nitong pasyalan, tulad ng Samal Island, Eden Nature Park
at dito din matatagpuan ang Philippine Eagle Center.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

FILIPINO 9
Pangalan:_____________________________________________ Petsa:________________

II. Magbigay ng kasagutan at sariling opinyon sa sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa ibaba at
likod ng papel, gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan.

1. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita.


a. tahanan
b. kabataan
c. pag-aaral
d. miserable
e. sugarol
2. Magbigay ng ilang halimbawa, kung bakit ang mga kababihan at kabataan ay nakakaranas ng pang-aabuso.
3. Kung susulat ka ng batas na nangangalaga sa mga kababihan at kabataan, ano ang nkapaloob sa batas na ito
isulat mo ang mga panukalang batas na iyong nais, upang mapangalagaan ang karapatan ng mga kababihan
at kabataan.
4. Ikaw ay anak ng isang kinikilalang negosyante sa inyong bayan, nakakapag-aral ka sa isang ekslusibong
paaralan, nabibili mo lahat ng gusto mo, at napupuntahan ang mga lugar na nais mong puntahan. Ngunit
tuwing araw ng sabado at linggo o tuwing bakasyon ay kinakailangan mo magtrabaho sa kompanya nyo.
Marami ang nagtatanong kug bakit kailangan mo pang magtrabaho, gayong pwede ka naman matulog
nalang maghapon. Anong paliwanag ang iyong gagawin sa mga nagtatanong?
5. Naranasan mo na bang maging maswerte sa buhay? Bakit mo nasabi na maswerte ka sa bagay na iyon?
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, nanaisin mo ba na ibahagi ang pagpapala na iyong nakakamit sa iba? Sa
paanong paraan?
6. Magbigay ka ng sariling opinyon sa sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang Pagbibigay ng Matatag na
Opinyon:
a. COVID 19
b. Karahasan sa kababaihan at kabataan
c. Kabutihan ng isang Kabataan
d. Pagsusumikap sa Buhay
Pagbibigay ng Matatag na Opinyon:
Buong igting kong sinusuportahan ang…
Kumbinsido akong…
Labis akong naninindigan na…
Lubos kong pinaniniwalaan…
Halimbawa: Kumbinsido akong matatapos din ang lahat ng pagsubok na aking nararanasan.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

FILIPINO 10
Pangalan:_____________________________________________ Petsa:________________

I. Magbigay ng kasagutan at sariling opinyon sa sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa ibaba at
likod ng papel, gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan.
Baon ang kaisipang ito, paano maipapakita ang mensahe ng pag-asa sa sumusunod na sitwasyon

1. Nagkagalit kayo ng pinakamatalik mong kaibigan at ngayon ay may bago na siyang kaibigan.
Nakakaramdam ka ng galit at panibugho kapag nakikita mo silang masayang magkasama dahil ngayo’y
hindi ka na niya pinapansin kahit magkasalubong kayo. Tila nakalimutan na rin niya ang mga taon ng
pagiging mabuti ninyong magkaibigan. Paano makakatulong ang pag-asa para maghilom ang
nararamdaman mo sa sitwasyong ito?
2. Apat kayong magkakapatid na sabay-sabay na nag-aaral ng hayskul at sa kolehiyo. Ordinaryong empleyado
lang ang iyong ama at ina kaya naman lagi kayong kapos. Naiinggit ka sa mga nakikita mong mga bagong
gamit ng mga kaklase mo. Subalit, wala talagang ekstra para mabilhan ka ng mga ito dahil kahit nga para
sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain ay kulang na kulang pa kayo. Paano makakatulong ang
pag-asa sa kalagayan ninyong ito?
3. Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa pamilya ng iyong kaibigan. Nagkasakit ang kanyang ina
na humantong sa maaga niyang pagkamatay. Napakasakit ng pangyayaring ito sa kaibigan mo dahil sa
kanyang nanay siya humuhugot ng lakas kapag nanghihina na siya. Paano makakatulong ang dala mong
pag-asa sa kalagayan niyang ito?
4. Maraming suliraning hinaharap ang bansa tulad ng droga, kahirapan, at kaguluhang dala ng mga pangkat na
gustong maghasik ng takot at sakit sa taumbayan. Ikaw bilang kabataan ang pag-asa ng bayan, paano ka
makatutulong bilang isang pag-asa ng bayan sa ganitong kalagayan?
5. Ang buong daigdig ay patuloy na nakararanas ng krisis dala ng COVID 19. Ang bawat isa ay may malaking
maiaambag para malutas ang krisis na ito. Muli, bilang kabataan, ikaw ang pag-asa ng daigdig. Ano ang
magagawa mo sa iyong munting paraan upang maipakitang dala mo ang pag-asa sa sitwasyong nakalahad.

II. Sumulat ng pangungusap, gamit ang mga pang-ukol at pangatnig.

1. Pang-ukol
a. Ukol sa
b. Kina
c. Alinsunod sa
d. Laban sa
e. Hinggil kay
2. Pangatnig
a. kapag
b. ngunit
c. subalit
d. upang
e. dahil sa

III. Sumulat ng pangungusap, gamit ang aspekto ng pandiwa sa sumusunod na mga salita.

1. patuloy (perpektibo)
2. nakilala (imperpektibo)
3. pagtatapos (kontemplatibo)
4. gamit (perpektibo)
5. mag-aral (kontemplatibo)
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA


AT KULTURANG PILIPINO 11
Pangalan:_____________________________________________ Petsa:________________

I. Magbigay ng kasagutan at sariling opinyon sa sumusunod na katanungan. Sikaping 2 hanggang 5


panungusap bawat bilang. Isulat ang sagot sa ibaba at likod ng papel, gumamit ng karagdagang papel
kung kinakailangan.

1. Naatasan ka ng inyong paaralan na magbigay ng talumpati, bilang ikaw ang kinatawan ng inyong klase sa
gaganaping pagdiriwang ng buwan ng wika. Ikaw ang pipili ng paksa sa iyong isasagawang talumpati,
anong paksa ang pipiliin mo? At bakit ito ang iyong napili?
2. Kung ikaw ang tatanungin, anong pagpapakahulugan ang ibibigay mo sa salitang wika?
3. Kung ikaw ay magkakaanak balang araw, anong unang wika ang imumulat mo sa kanya o sa kanila, ang
wika bang umiiral sa inyong lugar o ang wikang Ingles? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto sa isang batang nagsisimula pa lang mag-aral ang paggamit sa silid
aralan ng wikang nauunawaan at ginagamit din niya sa araw-araw niyang pamumuhay?
5. Sa iyong palagay, sapat na ba o kulang pa ang mga wika at wikaing isinama ng DepEd na gagamiting wikang
panturo sa mga batang mag-aaral sa iba’t ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo ng iba pang wika maliban sa iyong unang wika?
7. Bakit kailangan nating tanggapin at igalang ang pagkakaiba-iba o barayti ng wikang ginagamit ng mga tao sa
paligid? Sa paanong paraan maaaring makatulong ang ganitong pagtanggap?
8. Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang mga kaalaman ukol sa mga barayti ng
wika? Magtala ng limang paraan.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE 11


Name: _____________________________________________ Date: ________________

I. Answer the following. Write your answer below, use extra paper if needed.

1. Create a simple political statement using Conservatism or Liberalism.


2. Summarize what you have learned in Political Ideologies. Write around two to five sentences.
3. We are facing the crisis of COVID 19 for 6 months now. If you have given a chance to hold power in the
government, how will you use your power to affect the behavior of other people?
4. Summarize what you have learned in Nature, Forms, and Consequences of Power. Write around two to five
sentences.
5. What are the effects of Globalization in our country?
6. What is the importance of nation-state and the effects of globalization in our country?
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

PHILIPPINE POLITICS AND GOVERNANCE 12


Name: _____________________________________________ Date: ________________

I. Answer the following. Write your answer on the space below, use extra paper if needed.

1. Create a simple political statement using Conservatism or Liberalism.


2. Summarize what you have learned in Political Ideologies. Write around two to five sentences.
3. We are facing the crisis of COVID 19 for 6 months now. If you have given a chance to hold power in the
government, how will you use your power to affect the behavior of other people?
4. Summarize what you have learned in Nature, Forms, and Consequences of Power. Write around two to five
sentences.
5. What are the effects of Globalization in our country?
6. What is the importance of nation-state and the effects of globalization in our country?
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

UNDERSTANDING CULTURE SOCIETY AND


POLITICS 12
Name: _____________________________________________ Date: ________________

I. Answer the following questions. Write your answer on the space below, use extra paper if needed.

1. An Experiment in Social Activism


You will plan an awareness campaign about relevant issue in your respective community. The objective of
the activity is to understand how personal engagement in social issues beget social activism.
2. In a two-paragraph essay, describe your feelings toward a specific nationality (e.g., Korean, Iranians,
Americans). State why you like or dislike them.
3. Anatomy of My Culture
In Column A, identify any of your behavior as a Filipino teenager. Then in column B, explain how you came
to acquire them. In Column C, offer an explanation why its performance (if a behavior) seem to be natural to
you or why you believe it (if it is a belief).
A B C
The What The How The Why
Refers to the contents of culture Refers to the process of Refers to the mechanism that
transmission promote compliance and
performance

4. My Biology, My Destiny
Write 10 to 15 sentences describing how your gender (male or female) may be the reason for the kind of person
you are today. Highlight the significant opportunities that have been afforded to you, as well as the constraints
you constantly encounter as you navigate the social world. In addition, offer personal assessment of the reasons
for these opportunities and constraints.
5. Write two to three examples of social engagement.
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

DISASTER READINESS AND


RISK REDUCTION 12
Name: _____________________________________________ Date: ________________

I. Answer the following questions. Write your answer on the space below, use extra paper if needed.

1. Create an action plan to prevent a disaster in your community.

2. Why is disaster said to be one of the reasons for economic loss?

3. Did you experience disaster in your community? How did you and your family overcome the disaster?

You might also like