You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Villa de Bacolor, Pampanga

Detalyadong Banghay sa Edukasyon sa Pantahanan at


Pangkabuhayan 4

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 na minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang iba’t- ibang uri ng negosyo
b. Nakikilala ang negosyong nagbibigay ng mga produkto at serbisyo;
c. Nasasabi ang mga negosyong maaring itayo sa isang pamayanan

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Iba’t- ibang uri ng Negosyo
B. Target na Mag-aaral: Ika-apat na baitang
C. Sanggunian: K to 12 grade 4 learner's material in EPP (Q1-Q4). SlideShare a Scribd company. (n.d.).
Retrieved June 27, 2022, from https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-
in-epp-q1q4
D. Materyales na ginamit: Laptop, Larawan, PowerPoint Presentasyon

III. PROCEDURE
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng mga Estudyante

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin

Bago tayo mag-umpisa wag natin kalimutan


magdasal at magpasalamat sa atin Panginoon.
Panginoon.

Bago kayo umupo ayusin muna ang inyong mga


upuan at tignan kung may dumi sa ilalim ng inyong
mga upuan at itapon sa tamang basurahan.

Magandang Umaga Bb. Eliza.

2. Pagbati

Maganda Umaga sekyon apple! Ako si Bb. Eliza


at ako ang magiging guro ninyo sa araw na ito.

3. Pagtukoy sa mga Lumiban


Meron bang lumiban sa araw na ito?

Wala po titser.

Magaling! Nakikita ko sa mga mukha ninyo ang


pagkasabik na matuto .Tama ba ako mga bata?

Opo, titser!

4. Balik- Aral

Bago tayo dumako sa atin bagong talakayan,


naalala ninyo paba ang atin natalakay noon
nakaraan araw? Opo, titser.

Ano ang atin napagusapan noon nakaraan araw?


Gian.

Tungkol po Mga Katangian ng isang


Entrepreneur titser.

Tama! Pinag-aralan natin noon nakaraan araw ay


tungkol sa Mga Katangian ng isang Entrepreneur.

Maari ba kayong magbigay ng mga Katangian ng


isang Entrepreneur na atin na talakay?

Masipag po, titser!

Madiskarte po, titser!

May maayos na layunin po, titser!

Magaling! Nakikita ko na talagang nakikinig


kayo sa aking diskusyon at masasabi ko na handa
na kayo sa susunod natin talakayan.
B. PAGGANYAK

Bago tayo mag-umpisa sa atin bagong talakayan


Masdan ninyo muna ang mga larawan.

Ano ang unang larawan?

Jollibee po, titser!

Tama ito ay Jollibee at isa itong Fast food Chain


Kayo ba ay nakakain na sa isang Fast food
Chain?
Opo masarap po jan titser.
Susunod na larawan

Tindahan ng mga damit titser.

Tama isa itong tindahan ng mga damit or Dress


shop.
Nakapunta naba kayo sa isang Dress Shop?
Opo, titser!

Isa pong salon titser.

Tama isa itong Salon

Naranasan niyo naba magpagupit o magpaayos ng


buhok sa Salon?

Opo ako po titser.

At ang panghuling larawan ano kaya ito

SM po titser malamig po jan.

Mahusay ito ay isang Mall

Nakapasyal naba kayo sa Mall? Opo. Titser!

Sa aking mga larawan na pinakita ano ang iyong


napansin?

Mga negosyo po titser.


Tama! Ito ay mga negosyo. Iilan lamang mga
napakaraming negosyo sa ating bansa. Ngunit
anong uri ng negosyon kaya sila.

Gusto nyo ba sila malaman?


Opo titser.

Tara ating alamin!

5. TALAKAYAN

Ang mga negosyo na aking pinakita sainyo kanina ay


iilan lang sa mga napakaraming negosyo sa ating
bansa. At syempre sa buong mundo Dahil sa mga
negosyo na ito ay natutugunan nila ang mga
pangangailangan ng mga tao sa iba’t-ibang aspeto

Kayo seksyon apple pangarap ninyo din bang


magkaroon ng sariling negosyo?

Opo titser.
Napakasaya ko na kayo lahat ay gusting magkaroon
ng negosyo.

Bago tayo dumako sa mga uri ng negosyo ay


ilalahad kumuna sainyo ang paraan sa pagkakaroon
ng negosyo.

Handa naba kayo?


Opo titser.

Sige magumpisa na tayo sa unang paraan

Ang unang paraan ay ang pagprodus ng mga


produkto galing sa pinagkukunang yaman.

Ano nga ulit ang unang paraan?

Ang pagprodus ng mga produkto galing sa


pinagkukunang yaman titser.

Mahusay! At ang pangalawa naman ay Pagkakaloob


ng serbisyo kapalit ng kabayaran.

Ano nga ulit ang pangawalang paraan?


Pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng
kabayaran.
Tama!

Ang dalawang uri ng pagkakaroon ng negosyo ay


naging daan upang maiuri ang negosyo

Dito na ngayun papasok ang atin paksa na mga uri


ng negosyo.

Ang unang uri ng negosyo ay Nag-aalok o


Nagbebenta ng produkto gaya ng pagkain, damit,
gamot, kagamitan at iba pa.

Narito ang mga halimbawa ng negosyo Nag-aalok o


Nagbebenta ng produkto

Restorant, Kainan, Panaderya, sari sari store,


supermarket, botika at marami pang iba.

Ano nga ulit ang unang uri ng negosyo?

Nag-aalok o Nagbebenta ng produkto titser.


Magaling Ryan!

Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng Unang


uri ng negosyo?

Sari sari store titser.


Magaling Jordan Sari sari store. Ano pa?

Botika po titser.
Napakahusay Elijah!

Ngayun naman ay dumako na tayo sa pangalawang


uri ng negosyo.

Ang ikalawang uri negosyo ay Nag-aalok ng


serbisyo. Ang Serbisyo binabayaran ng kostumer ay
ang Talento, Husay o skills, lakas or kaalaman ng
tao.
Narito ang mga halimbawa ng negosyo Nag-aalok ng
serbisyo. Salon o parlor, Repair Shop, Klinika,
laundry shop at iba pa.

Ano nga ulit ang ikalawang uri ng negosyo?

Nag-aalok ng serbisyo po titser.


Magaling Hugo!

Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng


Ikalawang uri ng negosyo?

Salon po titser.
Sige Chill. Magaling ang salon ay isang halimabawa
ng ikalawang uri ng negosyo.

Tandaan lamang na ang unang uri ay Nag-aalok o


Nagbebenta ng produkto na kung saan ay
tinutugunan ang atin mga pangangailangan. At ang
Ikalawang uri naman ay Nag-aalok ng serbisyo.

Maliwanag ba seksyon apple?

Opo titser.

E. PAGLALAHAT

Tignan natin kung talaga naiintindihan ninyo ang


ating talakayan sa araw na ito.

Ano nga ulit ang dalawang paraan sa pagkakaroon


ng negosyo?

Ano ang dalawang uri ng negosyo?

Sa anong uri ng negosyo nabibilang ang Karinderya?


Sa anong uri ng negosyo nabibilang ang laundry
shop?

Sapalagay ninyo ba mahalaga na malaman natin o


pag-aralan natin ang uri ng mga negosyo?

Bakit ninyo nasabi mahalaga na malaman natin?

Tama para tayo ay maging maalam sa mga negosyo


na meron sa atin bansa.

F. PAGLALAPAT

Para sa inyong gawain tignan ang mga larawan


tukuyin kung ano ang mga serbisyo ang inaalok nito.

Maliwanag ba mga bata?

1.

2.
3.

4.

5.
IV. PAGTATAYA

I. Paghambingin ang Hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

HANAY A HANAY B
________1. Ronald’s Electrical Shop A. Pagsundo at paghatid ng mga bata sa Skwela
________2. Home Carpentry B. Pananahi ng damit
________3.Tahian ni Aling Cindy C. Pag-aayos ng bahay
________4. School Bus Services D. Pag-kukumpuni ng gulong
________5. Vulcanizing Shop ni Boots E. Pag-aayos ng sirang gamit sa bahay

II. Isulat ang tamang sagot

1-2. Ano ang dalawang uri ng paraan sa pagkakaroon ng negosyo


3-4. Ibigay ang dalawang uri ng negosyo.
5. Ano ang naging daan upang maiuri ang negosyo?

V. TAKDANG- ARALIN

Sa inyong pulang kwaderno sagutin ang tanong na ito “Kung ikaw ay maaring magnegosyo ano ito at anong uri
ito ng negosyo”

Inihanda ni:
Nuñez, Eliza G.
BEED 2A

Iniwasto ni:
Prof. Ruby Galang

You might also like