You are on page 1of 8

6 April 2021

Office of Scholarships and Grants


University of the Philippines Diliman

Dear Ma’am/Sir,

Magandang araw! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa kabila ng patuloy na


tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nais ko pong i-apela ang kasalakuyan kong ST bracket na FD dahil sa mga kondisyon
o pangyayaring aking nararanasan ngayon na sa tingin ko ay lumala o di kaya ay mas
naging mahirap kung ikukumpara sa aking sitwasyon noong October-November 2020,
panahon kung kailan ako ay nag-apply para sa SLAS. Sana po ay mabigyan ninyo ng
konsiderasyon at pag-unawa ang aking sitwasyon ngayon.

Una, hindi po maayos ang pinansiyal na aspeto ng aming pamumuhay ngayon.


Nahihirapan po ang aking nanay na nagtratrabaho bilang OFW na magpadala ng pera
sa akin dahil mayroong mga problemang kinakaharap ang kaniyang pinagtratrabahuan.
Kung sakali man pong pinipilit ko siya na magpadala, nangungutang daw siya sa
kaniyang mga kakilala para makapagpadala sa akin. Napipilitan po akong hikayatin siya
na magpadala dahil wala akong pera para pambili ng personal na gamit o di kaya’y
pandagdag sa aming mga gastusin dito sa bahay. Palagian din pong delayed ang
aming pagbayad sa kuryente at tubig dahil pilit po naming pinagkakasya ang pera para
sa pagkain muna. Kung pag-uusapan ang pinansiyal na bagay, masasabi ko po
talagang tatanggapin ko ang kahit anong tulong na maaaring maibigay sa akin.

Pangalawa, mobile phone lang po ang gamit kong gadget para sa online classes
ngayon dahil nasira po ang aking laptop na ginagamit. Lubos po akong nahihirapan sa
setup na ito dahil hindi sapat ang screen space na naibibigay ng mobile phone.
Natatakot naman akong tumagal o pumunta nang madalas sa computer shops dahil
tumataas ang mga kaso ng COVID-19 dito sa amin. Sinusubukan kong humingi ng
tulong sa aking mga kaibigan pero kahit sila rin naman ay kailangan na kailangan ang
laptop kaya hindi ko po ito mahiram nang matagalan. Gusto ko po sanang ipaayos ang
laptop ko sa mas dekalidad na repair shop pero wala akong sapat na pera. Gusto ko
sana bumili nang bago pero mas lalong hindi ko ito kaya. Nababahala na po ako dahil
napapansin kong nakakaapekto na ito sa pag-aaral ko.

Pangatlo, kung babalikan niyo ang detalye ng aplikasyon ko, makikita ninyong
idineklara kong mayroon akong scholarship sa OWWA. Gusto ko pong sabihin na
simula March 2020 o ang simula ng COVID-19 lockdown sa bansa, wala po akong
natatanggap na kahit anong uri ng financial assistance o scholarship grant mula sa
OWWA dahil kinakailangan na pumunta nang personal sa kanilang tanggapan sa
Pasay City para makakuha ng scholarship grant. Ako ay kasalakuyang nakatira dito sa
aming probinsiya sa Sorsogon kung kaya wala akong kakayahan na pumunta sa
tanggapan nila. Dagdag pa, walang pampublikong transportasyon na nag-ooperate
ngayon papuntang Metro Manila at higit sa lahat, sobrang delikado ang pumunta sa
Metro Manila dahil sa COVID-19. Wala rin silang pamamaraan na bank transfer o cash
remittance para sana maibigay ang tulong pinansiyal sa kanilang mga scholar na hindi
kinakailangan ang personal appearance sa kanilang opisina. Dahil kinakailangan ang
personal appearance para makuha ang scholarship grant sa OWWA na hindi ko
magagawa at dahil na rin sa lumalalang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, walang
kasiguraduhan kung kailan ako makakabalik sa Metro Manila at habang ganito ang
sitwasyon, wala akong makukuha na kahit anong tulong o grant mula sa OWWA.
Sinubukan ko na po silang pakiusapan ngunit naninindigan sila sa kanilang proseso na
kulang ang malasakit sa mga scholar na nangangailangan. Itong scholarship sana ang
makakatulong sa akin kahit papano ngunit wala. Wala akong maasahan sa kanila.

Pang-apat, mayroon po akong nararamdaman sa aking kalusugan na hindi ko


nagagawang patingnan nang mabuti sa doctor dahil hindi sapat ang aming kakayahan
at pera para dito. Noong March 2020 ay nagpacheck-up na ako sa University Health
Service patungkol sa sintomas na matagal ko nang nararamdaman—mayroon pong
dugo na kasama kapag ako ay dumudumi—na hanggang ngayon ay patuloy kong
nararamdaman. Inirekomenda po ng doctor na mag-undergo ako ng isang medical
procedure para malaman ang primary cause nito ngunit dahil sa COVID-19 lockdown
kung kailan nag-focus ang mga ospital sa paglaban sa COVID-19 ay hanggang ngayon
ay hindi ito naisasagawa sa akin. Sa ngayon, dalawa pang dahilan kung bakit hindi ito
nagagawa ay wala kaming pera at walang maayos na pasilidad dito sa aming
probinsya. Hindi ko po ninanais na mag-undergo ng medical procedure na ito agad-
agad dahil sa tingin ko ay hindi talaga namin kakayanin ang gastos para dito. Ang gusto
ko lang po sana ay mapacheck-up ko ulit nang maayos ang aking sarili dahil sobrang
tagal na po nito. Gusto ko lang sana na mabigyan ng gamot kung kinakailangan o di
kaya ay mabigyan ng advise ng doctor kung ano ang dapat gawin pansamantala.
Nakakatakot po kasi na mapabayaan ko ito lalo na na hindi ko pa alam kung ano talaga
ang nagdudulot ng nararamdaman ko. Lubos na nakakabahala rin dahil itong sintomas
na nararamdaman ko ay sintomas din ng isang malalang uri ng sakit. Kung ako ay
mabibigyan ng tulong, ninanais ko talagang paglaanan ito ng pansin.

Panglima, kung babalikan niyo ang aking mga dokumento na ipinasa nitong nakaraang
taon, makikita niyo na mukhang maayos naman ang aming bahay. Ngunit, gusto ko
pong sabihin na marami itong sira sa loob na hindi naman naipapaayos dahil wala
kaming pinansiyal na kapasidad—mayroong tubo ng tubig na parang gripo kung tumulo
dahil hindi napapaayos, ang aming silid-tulugan ay walang pintuan dahil nasira ng baha
na hanggang ngayon ay hindi napaayos, tumutulo rin po sa iba’t ibang bahagi ng aming
bahay kapag umuulan, at iba pa. Maayos lang po siguro sa larawan pero may mga
parte ng bahay na sira-sira po.

Ito po ang mga bagay na aking nararanasan ngayon na gusto kong ipaalam sa inyo.
Sana po ay mabigyan niyo ito ng konsiderasyon dahil kailangan na kailangan ko po ang
kahit na anong tulong na maaari ninyong maibigay.

Maraming salamat po.

Umaasa sa inyong pag-unawa,

Kenneth Hunz Gabriel O. Gabion


II-BA Political Science
UP Diliman

Mary Pure O. Gabion


Mother of Kenneth Hunz Gabriel O. Gabion
The OWWA Announcement stating that personal appearance is needed to get the
scholarship grant and bank deposit or other means of giving the scholarship
grant is not allowed.
The OWWA Facebook post stating that personal appearance is needed to get the
scholarship grant and bank deposit or other means of giving the scholarship
grant is not allowed.
The certification stating the medical procedure I need to undergo as advised by
the undersigned doctor. It also stated the symptom I was referring to in my letter.
The laboratory result showing a positive Fecal Occult Blood Test which means
that blood was found on my specimen. I am still experiencing this as of writing.
The phone that I use for online learning (Zoom classes, making papers, etc.).

You might also like