You are on page 1of 6

Tagapagsalaysaysay 1: Eleksyon na sa Barangay Pilipil kung

kaya’t nagtipon-tipn ang mga mamamayan ng barangay para sa


meeting de abanse. Bumisita roon ang mahal na pangulo ng
bansa, bise presidente at ilang opisyales ng pamahalaan.
Kompleto ang lahat para sa pagpupulong na ito kaya’t hindi pa
man nagsisimulang magsalita ang pangulo sunod-sunod na himutok
ng mga mamamayan na ang kaniyang narinig.

Ekong (Ekonomiya): Mahal na pangulo, nasaan po kayo noong mga


panahong naghihirap ang aming barangay dahil sa kumakalat na
virus? Isa po ako sa lubhang naapektuhan, dahil halos lahat ng
negosyo ay nagsara. Nawalan ako ng kita at hindi lang iyon,
nagutom din ang aking pamilya. Ang dami kong kakilala na
nagsara ang negosyo ngayong may virus na kumakalat, nalugi
dahil wala naman ng lumalabas ng kanilang mga bahay. Halos
pitong milyong tao ang nawalan ng trabaho, mapa-jeepney driver
man yan o tricycle driver. Oo nga’t may ibinigay kayong tulong
pinansyal at magwala naman ng ing pagkain, ngunit iyon ay
sapat lamang sa ilang buwan, paano na kami sa mga susunod pang
Linggo at buwan? Sa amin kayo kumukuha ng pambayad sa utang ng
bansa, kaya sana inisip niyo rin kami.

Kalusong (Kalusugan): Lalo naman ako, sa tingin niyo ba sapat


ang mga doktor sa bansa para punan ang pangangailangan ng
lahat ng pasyente? Alam ko namang mahirap kalaban ang virus na
‘yan, pero sana naman maging flexible kayo kagaya ni Edong
(edukasyon) para matugunan lahat ng sakit ng mga tao bukod sa
virus. Tignan niyo nga mayroon pang nanganak sa ilalim ng puno
dahil sa punuan na ang mga hospital ng mga paseyente ng virus.
Ang malala pa niyan konting sakit sa paa, virus na, ultimo
pagtatae sinasabing may virus ka na. Takot na ang mga tao na
magpa-hospital dahil nagkalat ang mga chismosa sa barangay na
kahit magpapareseta ka lang ay sasabihin ng dahil sa virus
‘yan. Hindi ko alam kung takot lang sila o sadyang makakati
ang dila. Hindi pa nakatulong yang pagnanakaw ng PhilHealth,
ewan ko na lang talaga!

Dong (Doktor): Pangulo, nahihirapan na kami. Tatlo-tatlong


pasyente ang tinutugunan ng isang doktor. Ultimo mga nurses ay
hindi na rin sapat. Walang araw na walang pasyenteng dinadala
sa hospital. Ang init-init ng PPE namin, araw-araw na naliligo
kami sa sarili naming mga pawis, ang malala pa niyan ay pagod
na nga kami sa trabaho nakakapagod pang harapin ang iba’t
ibang diskriminasyon na aming naririnig at nakikita. Ano sa
palagay nila? Naglalaro kami sa hospital? Eh kung gano’n lang
sana ay hindi na kami araw-araw na nangangamba, na baka
mayroon na kaming virus at baka mahawaan pa namin ang aming
pamilya. Napaka-hipokrito ng mga tao, nagpapasalamat kuno sa
mga frontliner na katulad namin pero kung may makita naman na
isang doktor or nurse grabe kung manghusga. Ang titigas ng ulo
ng mga tao, sana makinig naman kayo dahil nahihirapan din
naman kaming gamutin kayo. Mapirmi naman sana kayo sa mga
bahay niyo!

Vacc (Vaccine): Mahal na pangulo, kebago-bago ko sa barangay


na ‘to pero ang dami ko ng naririnig na pangba-bash. Oo nga’t
galing ako sa ibang bansa pero hindi naman ibig sabihin no’n
may virus na rin ako o di kaya ay may nakatanim ng maicrochip
sa akin at sa mga anak ko. Ano ba naman iyong mainit niyo
kaming tanggapin, diba? Hindi naman gulo ang aming hangad,
katulad niyo ay gusto lang din namin maging malaya na ang
bansa sa virus na kumakalat hindi iyong maging sentro ng
usapan dahil lang mula kami sa ibang bansa at masama ang dulot
namin ng mga anak ko sa tao. Pero kung ayaw niyo talaga sa
amin, eh ‘di huwag, may mga tao pa rin namang tanggap kami,
bahala kayo sa bugay niyo.

Edong (Edukasyon): Basta ako, flexible ako. Kahit na bagong


normal na hindi pa rin ako tumigil at patuloy pa rin ang
trabaho ko. Work from home nga lang ang peg namin ngayon pero
okay na iyon kesa namang tumigil ako. Ang akin lang, mahal na
pangulo eh, ang daming sagabal sa work from home na iyan, ang
hirap mag-adjust at medyo may kamahalan din dahil ang daming
kailangang gamitin. May linggohan pang pagbabayad ng internet,
minsan nga tatlong araw lang kailangan na ulit magbayad.
Minsan pa nga ay kailangan pang umakyat sa puno o bundok
makasagap lang ng malakas na signal. Hindi rin pala natigil
mga trabahador ko na pumasok, mamaya siguro ay magsasalita ang
mga iyon.

Tseng (Teacher): Magandang araw po mahal na pangulo at mga


kawani ng gobyerno. Ako po ang naatasan na maging boses ng mga
kapatid ko. Isa po ako sa trabahador ni Edong Ang akin po ay
sana matulungan niyo kami na magkaroon ng gagamitin para sa
work from na pagtatrabaho. Mga papel, printer at pati na rin
po sana laptop kung maaari dahil nahihirapan na po kaming
pagkasyahin ang aming kinikita sa pangangailangan ng aming
pamilya at paggastos sa mga pangangailangan ng trabaho namin.
Kung maaari rin po sana ay tumaas ang sahod namin tutal po ay
hindi kami natitigil sa pagtatrabaho kahit pa nga gabi ay
minsan pinagtya-tyagaan naming tapusin ang dapat na tapusin.
Iyon lang naman po.

Lispo (Pulis): Mahal na pangulo nakakasawa na pong sumawayin


ang mga matitigas na ulong hindi mapirmi sa kanilang mga
bahay. Kahit curfew na ay nasa labas pa rin para mag-ML minsan
pa nga ay nag-iinuman pa. Hindi lang iyon, may mga hindi pa
marunong magsuot ng kani-kanilang mga face mask at face
shield. Ang sakit sa ulo! Hindi pa nakakatulong iyang kapatid
ko na kung pumatay ay akala mo naman sila ang nagpakain at
nagpalaki sa pinatay nila. Kaya kaming mga tapat sa serbisyo
ay nadadamay dahil sa kanila.
Buseng (Business Woman/Man): Mahal na pangulo, isa po ako sa
sinasabi ni Ekong kanina na nagsara ang negosyo bunsod nga ng
virus. Noong mga panahong sinabi ninyong bawal ang lumabas ng
mga bahay ay nagsara na rin ang aking mga negosyo, nagbawas
naman ako ng trabahador noong niluwagan ninyo ang paghihigpit.
Ngunit ngayon ay tuluyan ng nalugi ang aking negosyo at
tuluyan ko na itong isinara. Wala po ba kaming tulong na
makukuha kahit papaano? Ang mga ibinabayad naming buwis ang
tumutulong sa bansa kaya sana naman ay mabigyan niyo kami ng
pansin lalo pa’t maliit lang naman na negosyo ang akin.

Sakang(Magsasaka): Ang problema ko ay wala pa mang virus ay


hindi na nabibigyang pansin mas lalo lang ngayon. Sa amin
galing ang mga bigas na inyong kinakain kaya sana ngayon
pakinggan niyo na kami tutal naman kailangan niyo ang boto
namin para mahalal kayo sa posisyon. Saka lang naman kami
binibigyan ng pansin kapag eleksyon. Ngayon sa harap ng
maraming tao, nais ko sanang taasan ninyo ay presyo ng palay
para naman tumaas ang aming kita. Kami itong may sakahan pero
kami naman itong isang kahig isang tuka. Itinuring na naming
palasyo ang palayan kahit ang baba ng kita, iyong ginto sa
amin, piso lang sa inyo. Maawa naman kayo, sobra na iyong
pangmamaliit niyo sa amin, lalo na yang si Villar. Kami ang
nagsu-supply ng pagkain sa inyo kaya tandaan niyong kung wala
kami, paniguradong magugutom kayo.

Ara(Mag-aaral): Kami ang pinakamababang sektor ng trabahador


ni Edong, mahal na pangulo. At kami ang labis na apektado sa
trabahong ito. Oo nga’t kumikita kami, pero iyon ay dahil sa
wala na akming ibang pagpipilian. Nakakatakot ang tumigil kaya
kahit hindi na bukal sa aming kalooban ay ipinagpapatuloy pa
rin namin. Gaya ng sabo ni Tseng kanina ay ang daming sagabal,
una ay ang mahinang internet at mahal na load para dito,
pangalawa ay ang maingay na kapaligiran sa bahay, pangatlo ay
ang pagkawala minsan ng kuryente. Ang hirap magtrabaho kung
ang tanging gabay mo ay ang youtube o google, kailangan din
namin ng personal na magtuturo sa amin kung paano gawin ang
mga bagay-bagay. Isa pa ay nakakadagdag sa isipin ang
trabahong ito, dahil bukod sa may mga problema kami na tanging
nasa isip lamang ay isa pa ito sa aming pino-problema. Alam
kong bawal sumabat ang mga bata sa usapan, pero apekatdo rin
kami kaya sana kahit pakinggan niyo kami, tutal kami ang pag-
asa ng bayan.

Kole (Kolehiyo): Mahal na pangulo, ako po ay kolehiyo na. Ang


akin pong problema ay ang hindi na pagkakaroon ng face to face
sapagkat paano po malilinang ang aming kakayahan lalo na ang
mga kursong kinakailangan ng masinsinang pag-aaral kagaya ng
pagtuturo, nursing at iba pa. Paano na lang kami gagalaw sa
totoong mundong iyon pagkatapos ng pandemya at bumalik na sa
dati ang lahat? Paano? Ang hirap-hirap na online na lang ang
lahat, alternatibo ang mga gamit at wala pang kasiguraduhan
kung tama o mali ang aming ginagawa. Sana kahit papaano ay
magkaroon kami ng face to face dahil nadagdagan na nga kami ng
dalawang taon sa hayskul pagkatapos nagkaroon pa ng virus,
nakakasawa naman ng maging experiment lagi. Experiment sa K to
12 ngayon naman sa blended learning. haaayyy

Menta(Mental Health): Kagaya lang din ako ng virus na iyan,


hindi rin nakikita, pero ang kaibahan namin ay sa isip ako
sumasalakay hindi sa iba’t ibang parte ng katawan. Patok ako
ngayon sa mga kabataan. Ang sabi ng iba ay nag-iinarte lang
ang mga bata kung ako ang kaibigan nila, aba, hindi niyo lang
alam na taimtim kaming nag-uusap ay nilalamon ko siya sa mga
sinasabi ko. Alam ko namang naguguluhan siya, ang dami ko pa
namang satsat pero kahit na ganoon gusto ko rin naman siyang
maging masaya. Marahil ay puro mga negatibong bagay ang dulot
ko sa kanya pero sana isang araw mag-usap kami ng hindi naman
tungkol sa problema.

Tagapagsalaysay 2: Dahil sa sunod-sunod na pagtayo at


pagbibigay ng problema ng mga taong bayan nagkatinginan ang
mga tao sa harapan at hindi alam kung sino ang mauunang
magsalita. Natahimik ang lugar na kanilang pinagpupulungan
bago nagdesisyon ang isang tumayo at magsalita sa harapan.

DepEd: Kami, ang kawani ng edukasyon, ay kaisa ninyo sa laban


kontra virus. Asahan ninyong patuloy namin kayong gagabayan sa
tamang pagtuturo sa mga bata upang ang kanilang edukasyon ay
magpatuloy at maabot nila ang kanilang pangarap sa gitna ng
kumakalat na virus. Nananawagan kami sa mga magulang na turuan
ng mabuti ang mga bata at hindi sila ang magsagot ng mga dapat
sagutan ng kanilang mga anak. Sa tulong nga bagong daloy ng
edukasyon, maipagpapatuloy natin ang mithiing makapaghatid ng
edukasyon sa gitna ng pandemya.

Ched: Sa mga mag-aaral sa ilalim ng mas mataas na antas ng


edukasyon, nais kong malaman ninyo na hindi na kayo
makababalik sa unibersidad. Ang lahat ay mangyayari na onlinem
at gustuhin niyo man o hindi kailangan ay maging handa kayo sa
bagong normal. Wala ng face to face classes sa lahat ng kurso,
ito ay para masigurado ang kaligtasan ng bawat isa sa inyo.
Maraming salamat.

Bise: Magandang araw mga mahal naming mamamayan ng barangay


Pilipil. Kami ay inyong kasama sa paglaban at pagpuksa ng
virus na kumakalat ngayon. Asahan ninyo na bukas palad kaming
tutulong upang matugunan kahit papaano ang inyong mga hinaing.
Hindi namin kayo iiwan sa laban na ito. Nasa iisang bangka
tayo kaya’t asahan ninyo ang tulong ng gobyerno para sa inyong
mga pangangailangan. Mas papalawakin natin ang sakop ng mga
hospital upang sa ganoon ay matugunan ang lahat ng pasyente na
nangangailangan ng agarang medikasyon. Magbibigay tayo ng mga
kagamitan para sa mga mag-aaral at trabahador upang masigurado
na may pinagkakakitaan sila at nagagamit sa pag-aaral. Asahan
ninyo na sa darating na eleksyon sabay-sabay nating makikita
ang pagbabago ng bansa.

Pangulo: Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once


again about the problem of COVID pandemic. It is getting
worse. So once again I’m telling you the seriousness of the
problem and that you must listen. Kung tinatanong ninyo kung
nasaan ako sa gitna ng krisi na ito, nasa Malacañang ang
inyong pangulo at nagtra-trabaho ako para masigurado na may
makukuha tayong vaccine mula sa ibang bansa. Ang iba inyong
mga problema ay may sektor na kinabibilangan, iisa lamang ako
hindi ko kayo kayang tugunan ang lahat ng problema ninyo kung
kaya’t nariyan sila upang tulungan kayo. Kayo ay mga anak ko
na rin kaya labis din akong nasasaktan sa mga nangyayari
ngayon. Hindi madaling labanan ang virus dahil mabilis itong
kumalat lalo’t hindi natin nakikita kaya sana makinig kayong
lahat na huwag na munang lumabas ng inyong mga bahay. Makinig
kayo. May mga batas tayo tungkol sa diyan, kaya kung ayaw
ninyong makulong matuto kayong sumunod kung hindi ako mismo
ang huhuli sa inyo. Maawa rin kayo sa ating mga frontliners,
buhay din nila ang kanilang sinasakripisyo, irespeto natin
sila dahil sa hirap ng kanilang ginagawa. Matuto kayong
maghanap ng pagkakakitaan online hanggat mapagkaroon nga
solusyon sa problema sa ekonomiya. At higit sa lahat,
magpabakuna kayo, huwag kayong maniniwala sa microchip na iyan
dahil hindi iyan totoo. Huwag niyo na munang isipin ang
eleksyon dahil hanggat ako ang ama ninyo, sinisigurado ko sa
inyo na hinding-hindi ko kayo papabayaan. Narito ako para sa
inyo mga anak.

Tagapagsalaysay 1/2: Matapos makapagsalita ang lahat ng kawani


ng gobyerno ay aalis na sana ang lahat ng may biglang tumayon
at nasalita.

Kobida: Ako si Kobida at alam niyo ang dami niyong satsat.


Diba nga ang sabi ng iba sa inyo na ngayong nasa loob na lang
bahay ay nag-improve kayo? May mga pinopost pa nga kayong
workout session niyo tapos ngayon puro kayo satsat ng mga
problema niyo, kung sana naghanap kayo ng solusyon hindi lang
yang pagrereklamo ang inaatupag ninyo. Iyong iba nga na
nawalan ng trabaho nga bebenta online, ba’t di niyo gawin ng
kumita kayo, ‘ano? Try niyo ring mag-meditate mga ‘teh, yoga o
di kaya ay exercise para ma-divert yang pago-overthink ninyo.
Ang dami-daming pwedeng gawin eh, maging plantito at plantita
rin kaya kayo ‘no? Dami-dami niyong pwedeng subukan, eh!
Jusko, kaloka, makaalis na nga.

You might also like