You are on page 1of 4

Layunin

Ang layunin ng pormang ito ay magbigay sa inyo (bilang magulang ng mga inaasahang kalahok
sa pag-aaral na ito) ng impormasyon na maaaring makaapekto sa inyong desisyon kung
papahintulutan o hindi ang inyong mga anak na lumahok sa pag-aaral na ito. Ang mga
mananaliksik ay maikling ilalarawan ang pag-aaral at handang sagutin ang lahat ng iyong mga
katanungan tungkol sa paglahok ng inyong anak. Basahin ang mga impormasyon sa ibaba at
ibigay ang mga katanungan kung mayroon bago magpasya kung ibibigay o hindi ang inyong
pahintulot para ang inyong anak ay maging bahagi. Kung ang inyong desisyon ay pahintulutan
ang inyong anak, ang pormang ito ay magiging talaan ng inyong pahintulot.

Layunin ng Pag-aaral

Kung kayo ay sumasang-ayon, hihilingin sa inyong anak na maging bahagi sa classroom-


based action research na pinamagatang “PAMAGAT NG CBAR”. Ang layunin ng pag-aaral na
ito ay “MAGBIGAY NG MAIKLING PALIWANAG SA LAYUNIN NG PAG-AARAL SA
SALITANG SIMPLE AT MADALING MAINTINDIHAN”.

Boluntaryong Pakikilahok

Ang pakikilahok sa pag-aaral na ito ay kusang-loob. Ang inyong anak ay maaaring


tumanggi sa pakikilahok anumang oras. Ang pagtanggi sa pakikilahok ay hindi nakakaepekto sa
relasyon sa paaralan. Maaaring payagan ang inyong anak sa paglahok sa pag-aaral na ito at
maaaring magbago ang inyong desisyon ng walang karampatang parusa. Maaaring ipaalam ng
derekta sa gabay guro o mga mananaliksik gamit ang mga impormasyon ibinigay sa ibaba.

Explanation of Procedures.

Kung pinapayagan ang mga mag-aaral sa pakilahok, kung siya ay matatanong (Maikling
ipaliwanag ang lawak ng pakikilahok ng mga mag-aaral na kinabibilangan, ngunit hindi ito
nagiging limitado, sa pakikilahok sa mga interbensyon na magagamit, isinasagawang pagsusulit,
pakikipanayam, at/o mga pokus sa grupong kung naaangkop.

Ang pag-aaral na ito ay magaganap sa mga karaniwang gawaing pang silid-aralan;


Gayunpaman, kung hindi mapapayagan ang iyong anak na lumahok, maihandang mga
alternatibong gawain. (Ilarawan ang mga alternatibong gawain at kung paano ito magagamit).

Kumpidensyalidad

Ang pribadong impormasyon mula sa inyong anak ay magiging kumpidensyal at


isinasaalang-alang ang proteksiyon ng mga ito. Kung kinakailangan ng institusyon na siyasatin
ang mga tala ng mga rekord, ang mga impormasyon na maiuugnay sa inyong anak ay
maproprotektahan sa lawak ng pahintulot ng batas. Ang rekord ng pananaliksik ng inyong anak
ay hindi mailalabas at/o maisasapubliko kung walang pahintulot mula sa inyo maliban kung
hinihingi ng batas o utos ng korte. Ang mga datos mula sa resulta ng pakikilahok ng inyong
anak ay maaaring mapakinabangan ng mga ibang mananaliksik para sa layon ng pananaliksik sa
hinaharap. Sa kalagayang ito, ang mga datos ay hindi naglalaman ng mga impormasyon na may
kaakibat sa pagkilala sa inyong anak, o sa kaniyang pakikilahok sa anomang pag-aaral.

Bukod dito, sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng pag-aaral, may mga pagkakataon na


makukuhanan ng mga larawan, bidyo at audio. Anoman ang mangyari, inyong maaasahan na
protektado ang pribadong pagkakakilanlan ng inyong anak at magagamit lamang ang mga datos
para sa layon ng pananaliksik lamang. Lahat ng mga larawan at recordings ay naimbak ng ligtas
at ang mga mananaliksik lamang ang nakaka-akses ng mga ito. Ang mga ito ay iingatan
hanggang matapos at marebisa ang pananaliksik, pagkatapos, lahat ng mga larawan at
recordings ay buburahin.

Sumasang-ayon ako sa mga mananaliksik na gamitin ang totoong


pangalan ng aking anak sa pananaliksik na ito at sa anomang limbagan na
maaaring magresulta sa pananaliksik na ito.

________________________________

Lagda

Sumasang-ayon ako na kunin ng larawan o bidyo/audio ang aking anak habang


isinasagawa ang pag-aaral. nauunawaan ko na lahat ng mga ito ay gagamitin
lamang sa layon ng pananaliksik (hal. pag-analisa ng mga tugon, transcriptions of
responses, atbp.) at hindi maaaring gamitin ng kahit sino man maliban sa mga
miyembro ng pananaliksik na ito.

__________________________________

Lagda

Discomfort and Risks


Mayroong maliit na pagkakataon na makakaranas ang iyong anak sa panganib sa panahon
ng pag-aaral. Isang maaaring panganib, bagaman, ang magiging aksidenteng panganib ay
paglabag sa kompidensyal na usapan. Gayunpaman, kinakailangan masigurado na ang mga
pamamaraan ay kunukuha sa kasukdulan ng konsiderasyon upang mapanatili ang kompidensyal
na usapan.

Expected Benefits

Walang maasahang benepisyo sa pakikilahok sa pag-aaral maliban sa katotohanan na ang


iyong anak ay makapag-ambag sa pagsulong ng siyentipikong pag-aaral at mahasa sa
pamamaraan na mapaganda ang pagtuturo at proseso ng pagkatuto.

GRIEVANCE PROCEDURE
Kung mayroon kang pagkabahala o sa iyong palagay ay hindi natamo ang kasapatan sa ano
mang aspekto ng pag-aaral, ilapit ang iyong hinaing sa tagapangasiwa ng paaralan at maaaring
hindi ilahad ang pangalan. Maaari mong kausapin ang mga mananaliksik gamit ang numerong
________________.

Minor Assent

Ako si (pangalan ng mga mananaliksik, ipakilala ang bawat isa). Lahat, kami ay
nagsasagawa ng classroom-based action research tungkol sa (ilahad ang layunin ng
pag-aaral sa simpleng paraan). Ang pananaliksik ay isang paraan para matuto pang
lalo sa isang bagay. Isa sa mga magulang mo o tagapag-alaga ay nagbigay nang
pahintulot para makilahok sa pag-aaral, at nagyon, ikaw ay may pagkakataon na
magdesisyon din. Kung ang desisyon mo ay makikilahok ka sa pag-aaral, ikaw ay
hinihinging (ipaliwanag kung ano ang gagawin nila sa simple ngunit maliwanag na
paraan). Kapag matapos na kami sa pananaliksik na ito, kami ay magsusulat ng isang
report tungkol sa kung ano ang natutuhan. Sa report na ito hindi kasama ang inyong
pangalan or kung ano ang ginampanan mo sa pag-aaral. Hindi mo kinakailangan na
sumali sa pag-aaral kung hindi mo ito gusto. Kung may mga tanong o desisyong gusto
mong tumigil habang nakapagsimula na tayo, ito ay okay lamang, hindi mo kailangang
mangamba sa anomang posibleng parusa. May katanungan ka ba? Kung gusto mong
lumahok sa pag-aaral, maaari mong isulat ang inyong pangalan at lagda.

Markahan:

____ Gusto kong lumahok sa pag-aaral


____ Hindi ko gustong lumahok sa pag-aaral

_________________________________

Pangalan at Lagda

You might also like