You are on page 1of 1

PARAAN NG PANGALAP NG DATOS

Bago mangalap ng datos ang mga mananaliksik, kukuha muna ito ng permiso sa kinauukulan upang
payagan itong mangalap ng impormasyong nais makuha ng mga mananaliksik.
Sa pangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay inaasahang gagawa ng talatanungan. Ang mga
talatanungan ay pumapatungkol lamang sa layunin ng aming pag-aaral at wala ng iba. Ito ay may
layuning alamin ang perspektibo, karanasan, at mga salik ng maagang pagbubuntis. Ang mga
mananaliksik ay magkakaroon din ng interbyu sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang open ended
question. Dito, binibigyan ng kalayaan ang respondente na magsabi ng sagot na sakanila mismo
mangagaling. Wala itong limitasyon at pagpipilian. Sa paggawa ng talatanungan at interbyu, susundan
ito ng pagsasaayos ng intrumento para maiwasto ang kaayusan ng tanong at upang matiyak ang
kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin.

Narito ang ibang mga tanong na makikita sa among instrumento:


(questions)

Sa pagkuha ng respondente, ang mga mananaliksik ay kukuha ng ilang kabataang babae edad 15
hanggang 19, ito ay nasa baiting 7 hanggang 12. Ipapaalam ng mga mananaliksik na ang sagot ng mga
respondente ay kompidensyal at ang iba pang mga impormasyong nakalap. Sisiguraduhin ng mga
mananaliksik na tanging ang mga mananaliksik lamang ang nakaka-alam at hindi ito maipapalam sa
kanilang mga magulang, kamag-aral, at iba pang tao na labas sa pag-aaral.

Makikita sa ibaba ang pormulang gagamitin ng mga mananaliksik upang makuha ang weighted mean at
bahagdan ng mga sagot ng respondente:
(Pormula)

You might also like