You are on page 1of 13

PANAYAM

/INTERBYU
 Ang panayam ay napakahalaga sa pangangalap ng mga
impormasyon.

 Tinatawag itong primary sources at madalas itong gamitin kung


nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa
isang tao, pangyayari, sitwasyon, at iba pang nais bigyang linaw
tungkol sa pananaliksik.

 Maaaring isagawa ang panayam bilang follow-upsa isang


talatanungan o kaya upang kunin ang panig ng taong nasangkot
upang lalong mabigyan ng mas detalyadong sagot sa mga tanong.
ANG MGA PAGHAHANDA NA
KAILANGANG GAWIN BAGO ANG
PANAYAM.
 Kausapin ng kakapanayamin kung saan nito ibig isagawa ang
panayam.
 Ipaliwanag ang layunin ng isasagawang panayam.
 Ilahad ang mga bagay na kailangan ilatag sa mga babasa ng
panayam. Kung may mga bagay na mababanggit na ayaw ipasulat,
kailangang linawin ito bago isagawa ang panayam.
 Ipaliwanag ang pormat na panayam. Kailangang linawin
sakakapanayamin ang kalikasan ng panayam. Maaari kasing sa
proseso ng pagtatanong ay kailangan niyang depensahan ang sagot
at malilihis sa inihandang daloy ng mga katanungan.
 Ipaalam kung gaano kahaba o gaano katagal ang isasagawang
panayam.
 Ipaalam sa kapapanayamin kung saan ka maaaring hanapin kung
sakaling may nais silang linawin pagkatapos ng panayam.
 Laging tanungin ang kakapanayamin kung may nais silang linawin o
tanungin tungkol sa panayam.
 Huwag umasa sa memorya.
 Tanungin ang kakapanayamin kungmaaari kang gumamit ng tape
recorder, o magsama ng ibang tao na maaaring sumulat ng mga tala
MGA URI NG PANAYAM
 Impormal o conversational na panayam.
-Sa uring ito walang inihandang mga katanungan para sa
kakapanayamin. Ang daloy ng pag-uusap ay walang tiyak o
nakatakdang punto.

 Panayam na may gabay.


Ito ay upang masiguro na ang pangkalahatang impormasyong
kailangan ay makakalap. Sa uring ito higit na may pokus kung
ihahambing sa impormal na panayam, ngunit maluwag pa rin ang
daloy ng panayam.
 Open –ended na panayam
Dito ay malaya ang daloy ng panayam. Ang kinakapanayam ay
malayang makasasagot sa mga inilatag na mga tanong at hindi
lamang nakakulong sa sagot na oo o hindi.

 Fixed-response na panayam
ang lahat ng mga kinakapanayam sa uring ito ay may pare-
parehong tanong at hinahayaang pumili ng mga kasagutan mula
sa mga nakalatag na sagot.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGHAHANDA NG MGA ITATANONG SA
PANAYAM
1. Ang mga katanungan ay dapat open-ended. Binbigyan ng
pagkakataon ang mga kinakapanayam na sumagot sa paraang
nais nila.
2.Ang mga katanungan ay dapat na walang kinikilingan. Iwasan ang
mga salitang makakaimpluwensya sa sagot ng kinakapanayam.
3. Ang mga susunod na katanungan ay ibinibigay pagkatapos ilahad
ang mga sagot sa mga naunang tanong. Iwasang tanungin nang
sabay-sabay ang kausap upang hindi magdulot ng kalituhan.
4. Tiyaking ang mga tanong ay maayos, malinaw, at tiyak.
MGA DAPAT TANDAAN PAGKATAPOS
NG PANAYAM
1.I-play muli ang nairekord n panayam. Tiyakin ang ginamit natape rekorder ay
gumagana.
2.Gumawa ng mga kinakilangan pagtatatala. Tiyakin may bilang ang bawat
pahina ng talatanungan. Lagyan din ng marka ang mga tapena ginamit upang
hindi malito.
3.Pakinggan muli angiyongnairekordna tape. Gumawa ng transkripsyon ng
iyong panayam sa pamamagitan ng pagsusulat sa papel ng mga pahayag na
narinig mula sa tape.
4.Isulat ang mga mahahalagang obserbasyon tungkol sa panayam tulad ng
petsa at lugar na kung saan ginanapang panayam at mga kakaibang reaksyon
mula sa panayam.
OBSERBASYON

Ang obserbasyon o pagmamasid ay isang pangunahing paraan sa isang


scientificinquiry. Maaaring gamitin ito sa iba’t ibang uri at layunin ng pananaliksik.

May mga kahinaan at kalakasan sa paggamit ng obserbasyon sa isang


pananaliksik.
Mga Kalakasan
1.Nagbibigay ito ng tiyak at direktang impormasyon tungkol sa sinasaliksik.
2.Agad na naitatala ang mga bagay na naobserbahan sa oras na naganap ito.
Mga Kahinaan
1.Ang pinag-aaralan (subject) ay maaaring intensyonal na magpakita ng
kakaibang ugali sapagkat alam niya na siya ay inoobserbahan.
2.Mahaba ang panahong gugugulin at magastos pa.
URI NG OBSERBASYON
Maaaring Kalahok o Di-Kalahok.
Ang kalahok ay may direktang partisipasyon sa buong proseso at nakikita sa
subject bilang isang tagamasid. Ang di kalahok naman ay may distansiya sa subject
na pinagtutuunan ng pananaliksik. Maaaring hindi alam ang subject na siya ay
inoobserbahan.

Maaaring may Estruktura o Wala.


Ang may estrukturang obserbasyon ay dinisensyo upang magbigay ng isang
sistematikong deskripsyon upang subukin ang haka. Isinasagawa ito sa isang
kontroladong sitwasyon tulad ng silid-aralan o laboratoryo. Samantala, ang walang
estruktura ay isang pag-aaral na naghahanap ng solusyon o kalutasan. Ibig sabihin,
anumang namamasid ay batay lamang sa natural na nangyari.
KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN NG
DOKUMENTASYON
 Dapat nating tandaan na kung hindi mababanggit ang pinaghanguan ng
datos na nakalap ay wala itong halaga.

 Hindi matatawag na pananaliksik ang galing sa sarili mo lang na opinyon,


kailangan may patunay/ebidensiya o pinaghanguan tulad ng kaugnay na
literatura ng pag-aaral, para kapani-paniwala ang mga inilahad mong
pananaliksik.

 Isaalang- alang natin ang kahalagahan ng dokumentasyon bilang suporta


sa gagawing pananaliksik.
Ayon kay Arnilla A.K.A (2015),
 Mahalaga ang dokumentasyon upang mapangalagaan ang
karapatan at kredibilidad ng mga mananaliksik.
 Maliban sa pagkilala sa pag-aari ng ibang mananaliksik,
napapangalagaan din ng mananaliksik ang kanyang sarili laban
sa akusasyon ng plagyarismo.

 Ang paggamit sa ideya ng iba ay ginagabayan ng mga


tuntuning inilatag ng Republic Act 8293 o “Intellectual
Property” Code of the Philippines” na naisabatas noong
1997.
TATLONG KAHALAGAHAN ANG
DOKUMENTASYON SA PAGSASAGAWA NG
PANANALIKSIK:
1. Natutulungan ang mambabasa na matukoy at mahanap ang
pinagkunan ng impormasyon.

2. Nagpapatunay na mahusay na nasaliksik ang posisyon ng awtor.

3. Kumikilala sa awtor ng orihinal na konsepto o teoryang ginamit.

You might also like