You are on page 1of 2

FORM NG PAGPAYAG (ASSENT FORM)

Ako si RODEL L. SAMBOG, kasalukuyang gumagawa ng


pananaliksik na may pamagat na “Development, Validation, and
Utilization of Learning Package in Basic Integration”.
Unang-una, nais kong ipaalam sa iyo na ang layunin ng
pananaliksik na ito ay upang makabuo at magpakita ng isang
mabisang kagamitan sa pagkatuto sa Basic Integration para sa
mga mag-aaral. Bubuo rin ako ng mga katanungan upang
masukat ang epektibong gamit ng mga ito at mabigyan ka ng
tamang mga kagamitan na makakatulong sa iyong pag-aaral.
Kung pumayag kang maging kasapi sa pananaliksik na ito,
kailangan mong basahin at unawain ang mga sumusunod na
kondisyon:
1. Maaari kang sumali sa pananaliksik na ito kung ikaw
ay may gulang na hindi bababa sa 12 taong gulang.
2. Kailangan mong bigyan ng pahintulot ang iyong
magulang o tagapag-alaga upang sumali sa
pananaliksik na ito.
3. Hindi ka sasailalim sa anumang panganib sa
pananaliksik na ito. Hindi ka namin hihilingin na
gawin ang anumang bagay na maaaring magdulot ng
pinsala sa iyo.
4. Kailangan mong sagutan ang mga katanungan na
ibibigay sa iyo nang tama at totoo.
5. Kapag nais mong mag-quit sa pananaliksik, maaari
kang magpahayag ng iyong pag-alis sa anumang oras
nang walang magiging epekto sa iyong kalagayan.
Kung pumapayag kang maging kasapi sa pananaliksik na
ito, mangyaring pirmahan at isulat ang iyong pangalan sa ibaba
upang ipahayag ang iyong pagpayag.

Tanda ng Pagpayag ng Respondente/Mag-aaral/Kalahok


sa Pag-aaral
Nauunawaan ko nang maayos ang mga nakasaad sa itaas
at malaya akong pumapayag na maging kasapi sa pananaliksik
na ito.

______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Respondente/Kalahok at sa Pag-aaral)
Petsa: __________________

Tanda ng Pagpayag ng Magulang o Tagapag-alaga


Ako ay nagbibigay ng aking pahintulot na maging kasapi sa
pananaliksik na “Development, Validation, and Utilization of
Learning Package in Basic Integration”. Inaasahan ko na
magbibigay ng tamang kasagutan ang aking anak sa mga
katanungan na ibibigay sa kanya at hindi siya sasailalim sa
anumang panganib.

______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Magulang po Tagapag-alaga)
Petsa: ____________________

You might also like