You are on page 1of 3

FILI 102 BALANGKAS NG SULATING PAMPANANALIKSIK (Ballena Matrix)

Pangalan: __________________________________________________________________________ Petsa ng


Pagpapasa:______________
Kurso/Taon/Seksy__________________________________________________________________
Paksa ng Pananaliksik:
_________________________________________________________________________________________________
Pangunahing Suliranin/ Layunin:
______________________________________________________________________________________
Pamagat ng Pananaliksik:
______________________________________________________________________________________________
Mga Tiyak na
Suliranin
1.

Pakinabang sa
Pag-aaral

Teoryang
Pansuporta

Metodolohiya
Uri ng Pananaliksik:
Mga Kalahok sa Pag-aaral:

2.
Paraan ng Pangangalap ng Datos:
3.
Pagsusuri ng Datos:

Paalala: Ang talahanayan sa itaas ay dapat punan ng mga parirala, sugnay, o mga salita na nakabulleted form, maliban sa unang hanay (Espesipikong Tanong) na dapat nakasulat sa mga
Pangungusap.
Lagda sa ibabaw ng apelyido (mga Mananaliksik): _______,_________,________
Idinisenyo ni: Dr. Constantino T. Ballena; Salin at Rebisyon ni Mary Grace H. Gonzales

Mga Paalala:
Ang balangkas na ito ay magbibigay sa inyo ng gabay sa mga pagbuo ng inyong pananaliksik. Kailangang malinaw
na sa inyo ang mga konseptong ilalagay sa talahanayan upang magkaroon ng malinaw na direksiyon ang inyong
pananaliksik.
1. Ang PAKSA NG PANANALIKSIK ay ang maikling pangalan o pangkalahatang tawag sa inyong paksa. Hindi pa ito ang
pamagat ng pananaliksik. Halimbawa: BASURA; KAWALAN NG TRABAHO
2. Ang Pangunahing Suliranin ay ang Pangunahing Tanong na nais ninyong masagot sa iyong pananaliksik.
Halimbawa: Ano-ano ang mga dahilan ng kawalan ng trabaho ng mga kabataan edad 17-20 sa Dasmarinas Cavite?
Ang Pangunahing Layunin ay ang sentence form ng Pangunahing Suliranin.
Halimbawa: Malaman ang mga dahilan ng kawalan ng trabaho ng mga kabataan..
3. Ang Pamagat ng Pananaliksik ay ang espesipikong pamagat ng inyong papel. Nilalaman nito ang malinaw na mga
baryabol (mga kasama sa pag-aaral) ng inyong pananaliksik.
Halimbawa: Epekto ng Pagpapalit ng Katawagan sa kursong Sex Education;
Ebolusyon ng Fashion mula Dekada 60 hanggang Dekada 90 (Konsultahin ang propesor hinggil sa paglikha ng mga
pamagat. Halimbawa: Nangangamote na ba si Juan: Kamote bilang Pangunahing Pagkain sa Pilipinas) Huwag nang
gumamit ng mga salitang: Isang pag-aaral Isang masusing pag-aaral dahil LAHAT ng pananaliksik ay pag-aaral.
4. Sa mga Tiyak na Suliranin: Isa-isahin ang mga tanong na nais masagot sa inyong pananaliksik. Isiping mabuti kung
ano ang
inyong nais malaman o hinahanap sa inyong pananaliksik.
5. Sa pakinabang sa pag-aaral, ano ang magiging ambag ng inyong pananaliksik kapag natapos na ito? Huwag ilagay:
Makadagdag sa kaalaman.dahil lahat ng pananaliksik ay dapat makadagdag sa kaalaman. Ilagay ang kongkretong
ambag
ng papel ninyo sa komunidad o sa kung sino man (indibidwal o grupo) na maaaring makinabang sa inyong pananaliksik.
6. Teoryang pansuporta. Ilagay dito ang mga konseptong inyong napag-aralan na maaaring gamiting pampatibay sa
inyong
pananaliksik. Halimbawa: Paksa ay tungkol sa bandalismo = teoryang sikolohikal (psychology) (ayon sa mga teorya ng
sikolohiya, bakit nagagawa ng tao ang bandalismo?) Magsaliksik sa aklatan kaugnay nito.
7. Metodolohiya: Uri ng pananaliksik Tinalakay natin ito ng Prelim, alin sa mga ito ang iyong pananaliksik na gagawin?
Mga Kalahok sa Pag-aaral Sino ang inyong sampol (bahagi ng populasyon) na bibigyan ng
sarbey/ sino ang mga respondents/ interviewee? Depende ito sa gagawing pananaliksik.
Idinisenyo ni: Dr. Constantino T. Ballena; Salin at Rebisyon ni Mary Grace H. Gonzales

Paraan ng Pangangalap ng Datos- Ipaliwanag ang mga gagawin ninyo sa pangangalap ng


datos. (Maaaring interbyu, focus group discussion, document analysis)
Pagsusuri ng Datos: Ipaliwanag kung paano susuriin (analyze) ang inyong makukuhang mga
datos pagkatapos ng sarbey, interbyu, atbp, ano na ang gagawin ninyo sa datos?

Idinisenyo ni: Dr. Constantino T. Ballena; Salin at Rebisyon ni Mary Grace H. Gonzales

You might also like