You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY SHEET

AMADEO NATIONAL HIGH SCHOOL


Aralin / Baitang PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK- BAITANG 11
Blg. ng Markahan _ Blg.ng Linggo _ KWARTER 4- WEEK 1-2- WORKSHEET # 1-MODYUL
1
Most Essential Learning Competency Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
pananaliksik (F11PB-IVab-100)
Nilalaman LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG
PANANALIKSIK

Pangalan : _____________________________________ Petsa : _________________________


Iskor: _______
Baitang/ Seksyon : ____________________________ Guro : __________________________
Pangkalahatang Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat gawain.
(Written Works)
Aktibiti/ Gawain I: A. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat sa patlang kung layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.

________________ 1. Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at


impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
_______________ 2. Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang
pamamaraan ng pananaliksik.
_______________ 3. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na
naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik.
_______________ 4. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng
impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik.
_______________ 5. Ang pananaliksik ay nagagamit upang magbigay linaw sa isang usapin na
pinagtatalunan o sagot sa isang suliranin.
B. Tukuyin kung anong bahagi ng gawain sa pagsulat ng pananaliksik ang isinasaad sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________ 6. Pagkuha ng mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng sarbey o interbyu.


_______________ 7. Sa bahaging ito kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik.
_______________ 8. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng bagong interpretasyon sa lumang impormasyon.
_______________ 9. Dapat pag-isipan ng mananaliksik kung paamp itatago ang pagkakakilanlan o
pagkatao ng mga tagasagot ng mga sarbey o kwestyoneyr lalo na kapag ang paksa ay sensitibo o
maselan.
_______________ 10. Maaaring gumawa ng tseklist o mga talaan ng mga gawain ayon sa
pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa ng mga ito.

(Performance Task # 1)
Aktibiti/Gawain II: Basahin at suriing mabuti ang Abstrak at sundin ang panuto sa ibaba.

PILOSOPIYANG PANG-EDUKASYON NI RIZAL: ISANG PILOSOPIYANG PILIPINO SA EDUKASYON

Tumutukoy ang pilosopiyang pang-edukasyon sa isang kaisipang gumagabay sa mga patakarang pang-edukasyon.
Sa pangkabuuan, mahalaga ang pagkakaroon nito lalo’t higit sa panahon ng globalisasyon -- nararapat na ang isang bayan
ay may sinasandigang pilosopiyang pang-edukasyon upang hindi ito madaling masilab sa nagbabagong daloy ng panahon.
Sa katunayan, ipinunla ng pambansang bayani, Dr. Jose Rizal (1861-1896), ang mga kaisipang patungkol sa edukasyon na
dapat tahakin ng kanyang bayan. Hangad ng papel pananaliksik na ito na siyasatin at ihayag ang nawaglit na Pilosopiyang
Pang-edukasyon ni Rizal na maituturing na isang Pilosopiyang Pilipino sa edukasyon.

Sanggunian: Pilosopiyang Pang-edukasyon ni Rizal: Isang Pilosopiyang Pilipino sa Edukasyon


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa buong pangungusap.

1. Tungkol saan ang pananaliksik? (2 pts.)


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________
2. Ano ang layunin ng papel pananaliksik na ito? (3pts.)
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________
3. Sa iyong palagay, paano maaaring makakalap o makakuha ng impormasyon ang mananaliksik
para sa papel pananaliksik na ito? (3 pts.)
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________
4. May maitutulong ba sa lipunan o komunidad ang papel pananaliksik na ito? Ipaliwanag ang iyong
sagot. (3 pts.)
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________
5. Kung ikaw ang susulat ng papel pananaliksik, tungkol saan ang iyong pananaliksik at ano ang
pamagat? (4 pts.)
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________

Inihanda ni: Sinuri ni:

MA. CORAZON S. DELA PEꞤA AILYN F. AGOJO


Dalubguro II Ulongguro III

You might also like