You are on page 1of 7

KEYSTONE COLLEGE

(Formerly Kalos Mission Arts College)


# 13 Marcos Highway, Bakakeng Central, Baguio City
Tel. No. : (074) 442-1890, E-mail Address: keystonecollegebatc@gmail.com
______________________________________________________________________________________________

EE 101

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (I) –


ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO

(Completion Module)

Inihanda ni:

Jheanette T. Docyogen
Tagapagturo

Inaprubahan ni:

Josephine A. Flores, Ed. D.


Pangulo/Dekana
PANGKLAHATANG PANUTO SA PAGGAWA O PAGSAGOT SA MODYUL

1. Basahing maigi at intindihi ang bawat paksa.

2. Bigyang pansin ang mga gawaing ibinigay. Siguraduhing gawin lahat ng gawain sapagkat may
bawas sa puntos bawat gawaing ‘di natapos.

3. Ilagay sa hiwalay na papel ang mga kasagutan. I-encode sa short na bond paper. Sundin ang format
sa ibaba; (1 inch all sides)

KEYSTONE COLLEGE
(Formerly Kalos Mission Arts College)
# 13 Marcos Highway, Bakakeng Central, Baguio City

Pangalan: _________________________________ Kuso at taon: ________________________________________

Tagapagturo: ____________________________ Semester at taong panunuruan: __________________

EE 101

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (I) – ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Pambungad na pahina

4. Kung may mga katanungan, ikontak ang guro sa kanyang email o sa kanyang selpon. (Nasa huling
pahina ang mga detalye)

5. Laging basahin ang modyul at mga nasaliksik para laging handa tuwing magtatawag ang guro para
sa pagsusulit.

6. Ilagay sa asul na folder ang mga natapos na gawain.

7. Isumite sa tinakdang araw ng guro at kung hindi magawa ay ikontak siya.


GAWAING PANANALIKSIK
 Saliksikin at i-compile ang mga sumusunod na paksa.
I. Batayang Kaalaman saWika
II. MgaTeoryang Pangwika
III. Iba’t Ibang uri ng Wikang Filipino
IV. Tungkulin ng Wika
V. Pinagmulan ng WikangFilipino
VI. Iba’t ibang Larangang Gumagamit ng Wika
VII. Antas at Layunin ng Komunikasyon
VIII. Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
IX. Mga Kasanayan sa Pagsasalita
X. Apat na Kahulugan ng Teksto
XI. Mga Estratehiyang Ginagamit sa Gagtuturo ng Wika

KARAGDAGANG GAWAIN
 Sagutin ang mga sumususnod na mga katanungan para sa mas malawak at karagdagang
pag-aaral sa wika.

 Naisip mo na ba ang maaaring mangyari kung walang wika? Ano ang gagawin mo para
maiparating ang sumusunod? (10 puntos bawat isa = 15 puntos)

1. Nais mong ipaalam sa isang tao (maaaring magulang, kaibigan, o taong malapit sa puso mo) na
mahal mo siya.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________________________.

2. Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinang-ayunan ang mga bagay na
ginagawa niya.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________________________.

3. Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan o problemang
mayroon ka.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________________________.

PAGGAWA NG BANGHAY-ARALIN

 BANGHAY-ARALIN
- isang plano ng mga aralin ng isang guro. Dito nakalagay kung ano ang magiging takbo ng
talakayan sa araw-araw.
- Itinuturing na mapa o balangkas ng mga inihandang gawain ng guro upang
maisakatuparan ang mga layuning nais matamo ng mga mag-aaral.
- Isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang sa sunod-
sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin at ikatatamo ng mga inaasahang
bunga.
 KAHALAGAHAN
- Mahalaga ang banghay-aralin dahil dito itinalaga ang mga impormasyon na
kinakailangang ibahagi sa mga mag-aaral para sa ganun ay magiging maganda ang
pagtuturo.
 MGA URI
 MASUSI/DETALYADONG BANGHAY-ARALIN – nakatala ang gawaing guro at gawaing
mag-aaral. Nakatala dito ang mga tiyak na tanong ng guro at mga inaasahang sagot
ng mga mag-aaral sa pamamaraan ng dalawang kolum.
 MALA-MASUSI – Mas maiksi ito sa masusing banghay aralin sapagkat binabanggit na
lamang ang mga sunod-sunod na mga gagawin ng guro at gawain ng mga mag-aaral
sa klase.

 MGA BAHAGI
 1. LAYUNIN (Objective)– sa bahaging ito naipapahayag ang mga tiyak na pananalita
para sa mga inaasahang pagkatuto at gawain mula sa mga mag-aaral. Nakatuon ito sa
tatlong aspeto
 KOGNITIB (Cognitive) – sumusukat sa pag-iisip ng mga mag-aaral,
 APEKTIB (Affective) – sumusukat sa damdamin,
 SAYKOMOTOR (Psychomotor)– sumusukat sa pagsasagawa ng mga
natutunan.
o Mga katangiang dapat taglayin ng mga layunin:
SPECIFIC “Tiyak” – Ilahad ang mga tiyak na dapat na magawa ng mga mag-
aaral.
MEASURABLE “Nasusukat” – Tiyaking maari itong maobserbahan o
makita.
ATTAINABLE/ACHIEVABLE “Natatamo” – ang mga kasanayan ay nasa
hangganan ng magagawa o matatamo ng mga mag-aaral sa nakatakdang
panahon. Tiyaking ito’y naaangkop sa lebel ng mga mag-aaral.
RELEVANT/REALISTIC “Makatotohanan” – dapat na nailalarawan sa gawa
ng mga mag-aaral. Ang pagkatuto ay dapat nakikita at naisasagawa sa
klase.
TIME-BOUND – Maging sensitibo sa takbo ng iyong aralin. Kailangang
masunod ang nakatakdang oras. Kung ang iyong aralin ay nakatakda
lamang sa isang oras ay dapat masunod.

 2. PAKSANG-ARALIN –Sa bahaging ito nakalagay ang pamagat ng aralin na


tatalakayin, sanggunian at ang mga kagamitang gagamitin sa pagtuturo.
 3. PAMAMARAAN –nilalaman nito ang mga gagawin ng guro at ng mga mag-aaral ng
binubuo ng mga sumusunod na bahagi:
 Pagganyak-paunang gawain sa mga mag-aaral upang makuha and kanilang
atensyon at magkaroon ng matibasyon tungkol sa paksa.
 Paglalahad-sa bahaging ito ay pinapalawak ng guro ang mga mahahalagang
detalye at konsepto ng aralin. Maaaring gawin ito sa pagtatanong sa mga
mag-aarl kung ano ang kinalaman nila sa paksa.
 Pagtalakay-
**Ang talakayan ay ang pagpapalitan ng mga ideya ng 2 o higit pang tao na
may kaugnayan sa isang pangunahing paksa o problema. Sa loob ng silid-
aralan, ang mga talakayan ay pangunahing tumutukoy sa mga aktibidad sa
buong klase na pinadali o pinamumunuan ng guro. Ang mga mag-aaral ay
maaaring naghahanap o hindi ng sagot sa isang problema.
 Paglalapat-gawaing rebyu pagkatapos ng pagtalakay.
- Nagbibigay ng mga aktibidad na makakatulong sa mga mag-aaral na ilapat
ang kanilang pagkatuto sa mga bagong sitwasyon o konteksto sa kabila ng
aralin at ikonekta ito sa kanilang sariling buhay. Pumili ng mga aktibidad na
maaaring maiugnay ng mga mag-aaral o nagpahayag ng pagkabahala.
 Paglalahat- Ang paglalahat ay ang kakayahan para sa isang mag-aaral na
magsagawa ng isang kasanayan sa ilalim ng iba't ibang mga kondisyon
(stimulus generalization), ang kakayahang maglapat ng isang kasanayan sa
ibang paraan (response generalization), at upang patuloy na ipakita ang
kasanayang iyon sa paglipas ng panahon (maintenance).
 4. PAGTATATAYA /EBALWASYON– sa bahaging ito nasusukat ang natutuhan ng mga
mag-aaral matapos ang pagtalakay sa paksa. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga
gawain. Ang mga gawain ay maaring indibidwal o kaya ay pangkatan.
 5. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN – ang takdang-aralin ay ang akademikong gawain
na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na matuto, magsanay at ipakita
na nakamit nila ang mga layunin sa pag-aaral. Nagbibigay ito ng ebidensya para sa
guro na nakamit ng mga mag-aaral ang mga layunin

 Paano mo ituturo ang kahalagahan ng wika sa elementary? Bilang isang magiging guro balang-
araw, gumawa ng dalawang banghay-aralin sa elementarya. Isang masusi/detalyado at isang mala-
masusi. Gawin ito sa isang hiwalay na papel. Maaring sa long yellow pad paper or long bond paper.
Dapat ito’y sulat-kamay hindi “encoded”. (20 puntos bawat isa)
Inihanda ni:

Jheanette T. Docyogen

09479782327
ferody777@gmail.com

Talasangunian:
https://pdfcoffee.com/obe-pagtuturo-ng-filipino-sa-elementary-estruktura-at-gamit-ng-wikang-
filipino-3-pdf-free.html
https://www.coursehero.com/file/68323915/MODYUL-1-BEEDdocx/
https://www.teacherph.com/paano-gumawa-ng-smart-objectives-para-sa-iyong-lessons/
https://blog.teachmint.com/intl/ph-fil/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-acronym-na-smart-sa-pagsulat-
ng-lesson-plan/
https://www.academia.edu/37242521/
Masusing_Banghay_Aralin_sa_Pagtuturo_ng_Panitikang_Filipino_III
https://www.academia.edu/40307525/Mala_Masusing_Banghay_Aralin_sa_Filipino
https://www.docsity.com/en/mga-bahagi-ng-banghay-aralin-na-4a/7720415/

“I can do all things through Christ who gives me strength.”

You might also like