You are on page 1of 6

KEYSTONE COLLEGE

(Formerly Kalos Mission Arts College)


# 13 Marcos Highway, Bakakeng Central, Baguio City
Tel. No. : (074) 442-1890, E-mail Address: keystonecollegebatc@gmail.com
______________________________________________________________________________________________________

EE 102

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II –


PANITIKAN NG PILIPINAS

(MODYUL 1-Mga Panimulang Gawain)

Inihanda ni:

Jheanette T. Docyogen
Tagapagturo

Inaprubahan ni:

Josephine A. Flores, Ed. D.


Pangulo/Dekana
GAWAING PANANALIKSIK.
 Ano ang panitikan ayon sa iba’t-ibang manunulat at dalubhasa. (3 puntos bawat isa)

JOSE A.
AROGANTE

ZEUS
SALAZAR
P
A
N
I
T
I
K TERRY
A EAGLETON
N

JOSE VILLA
PANAGANIBAN

BROTHER
AZARIAS
PAGBABALIK-TANAW
 Balikan and mga kwento noon sa inyong lugar, maaring ito ay maikling kwento, alamat, epiko at iba
pa. Pumili ng isa sa pinagusto mo. Ibuod at magbigay ng limang aral na mapupulot sa kwento.
(Maaring gumamit ng hiwalay na papel kung kulang ang nakalaan basta sundin ang format sa
ibaba.) (15 puntos)

Pamagat:
Buod:

Mga aral:
1.

2.

3.

4.

5.
PAGGAWA NG BANGHAY-ARALIN

 BANGHAY-ARALIN
- isang plano ng mga aralin ng isang guro. Dito nakalagay kung ano ang magiging takbo ng
talakayan sa araw-araw.
- Itinuturing na mapa o balangkas ng mga inihandang gawain ng guro upang
maisakatuparan ang mga layuning nais matamo ng mga mag-aaral.
- Isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang sa sunod-
sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin at ikatatamo ng mga inaasahang
bunga.
 KAHALAGAHAN
- Mahalaga ang banghay-aralin dahil dito itinalaga ang mga impormasyon na
kinakailangang ibahagi sa mga mag-aaral para sa ganun ay magiging maganda ang
pagtuturo.
 MGA URI
 MASUSI/DETALYADONG BANGHAY-ARALIN – nakatala ang gawaing guro at gawaing
mag-aaral. Nakatala dito ang mga tiyak na tanong ng guro at mga inaasahang sagot
ng mga mag-aaral sa pamamaraan ng dalawang kolum.
 MALA-MASUSI – Mas maiksi ito sa masusing banghay aralin sapagkat binabanggit na
lamang ang mga sunod-sunod na mga gagawin ng guro at gawain ng mga mag-aaral
sa klase.

 MGA BAHAGI
 1. LAYUNIN (Objective)– sa bahaging ito naipapahayag ang mga tiyak na pananalita
para sa mga inaasahang pagkatuto at gawain mula sa mga mag-aaral. Nakatuon ito sa
tatlong aspeto
 KOGNITIB (Cognitive) – sumusukat sa pag-iisip ng mga mag-aaral,
 APEKTIB (Affective) – sumusukat sa damdamin,
 SAYKOMOTOR (Psychomotor)– sumusukat sa pagsasagawa ng mga
natutunan.
o Mga katangiang dapat taglayin ng mga layunin:
SPECIFIC “Tiyak” – Ilahad ang mga tiyak na dapat na magawa ng mga mag-
aaral.
MEASURABLE “Nasusukat” – Tiyaking maari itong maobserbahan o
makita.
ATTAINABLE/ACHIEVABLE “Natatamo” – ang mga kasanayan ay nasa
hangganan ng magagawa o matatamo ng mga mag-aaral sa nakatakdang
panahon. Tiyaking ito’y naaangkop sa lebel ng mga mag-aaral.
RELEVANT/REALISTIC “Makatotohanan” – dapat na nailalarawan sa gawa
ng mga mag-aaral. Ang pagkatuto ay dapat nakikita at naisasagawa sa
klase.
TIME-BOUND – Maging sensitibo sa takbo ng iyong aralin. Kailangang
masunod ang nakatakdang oras. Kung ang iyong aralin ay nakatakda
lamang sa isang oras ay dapat masunod.
 2. PAKSANG-ARALIN –Sa bahaging ito nakalagay ang pamagat ng aralin na
tatalakayin, sanggunian at ang mga kagamitang gagamitin sa pagtuturo.
 3. PAMAMARAAN –nilalaman nito ang mga gagawin ng guro at ng mga mag-aaral ng
binubuo ng mga sumusunod na bahagi:
 Pagganyak-paunang gawain sa mga mag-aaral upang makuha and kanilang
atensyon at magkaroon ng matibasyon tungkol sa paksa.
 Paglalahad-sa bahaging ito ay pinapalawak ng guro ang mga mahahalagang
detalye at konsepto ng aralin. Maaaring gawin ito sa pagtatanong sa mga
mag-aarl kung ano ang kinalaman nila sa paksa.
 Pagtalakay-
**Ang talakayan ay ang pagpapalitan ng mga ideya ng 2 o higit pang tao na
may kaugnayan sa isang pangunahing paksa o problema. Sa loob ng silid-
aralan, ang mga talakayan ay pangunahing tumutukoy sa mga aktibidad sa
buong klase na pinadali o pinamumunuan ng guro. Ang mga mag-aaral ay
maaaring naghahanap o hindi ng sagot sa isang problema.
 Paglalapat-gawaing rebyu pagkatapos ng pagtalakay.
- Nagbibigay ng mga aktibidad na makakatulong sa mga mag-aaral na ilapat
ang kanilang pagkatuto sa mga bagong sitwasyon o konteksto sa kabila ng
aralin at ikonekta ito sa kanilang sariling buhay. Pumili ng mga aktibidad na
maaaring maiugnay ng mga mag-aaral o nagpahayag ng pagkabahala.
 Paglalahat- Ang paglalahat ay ang kakayahan para sa isang mag-aaral na
magsagawa ng isang kasanayan sa ilalim ng iba't ibang mga kondisyon
(stimulus generalization), ang kakayahang maglapat ng isang kasanayan sa
ibang paraan (response generalization), at upang patuloy na ipakita ang
kasanayang iyon sa paglipas ng panahon (maintenance).
 4. PAGTATATAYA /EBALWASYON– sa bahaging ito nasusukat ang natutuhan ng mga
mag-aaral matapos ang pagtalakay sa paksa. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga
gawain. Ang mga gawain ay maaring indibidwal o kaya ay pangkatan.
 5. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN – ang takdang-aralin ay ang akademikong gawain
na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na matuto, magsanay at ipakita
na nakamit nila ang mga layunin sa pag-aaral. Nagbibigay ito ng ebidensya para sa
guro na nakamit ng mga mag-aaral ang mga layunin

 Bilang isang magiging guro balang-araw, gumawa ng isang banghay-aralin sa elementarya gamit
ang kwentong ibinahagi sa gawaing “Pagbabalik-tanaw”. Isang masusi/detalyado at isang mala-
masusi. Gawin ito sa isang hiwalay na papel. Maaring yung long yellow pad paper or long bond
paper. Dapat ito’y sulat-kamay hindi “encoded”. (20 puntos bawat isa)

https://www.scribd.com/presentation/340428769/Ang-Banghay-Ng-Pagtuturo-2

https://www.scribd.com/presentation/525593778/Ang-Banghay-Aralin

https://www.slideshare.net/NylamejYamapi/banghay-aralin-74246892

https://www.coursehero.com/file/130366187/BANGHAY-ARALIN-1pptx/
https://www.samhsa.gov/sites/default/files/nc-smart-goals-fact-sheet.pdf

https://www.teacherph.com/paano-gumawa-ng-smart-objectives-para-sa-iyong-lessons/

https://blog.teachmint.com/intl/ph-fil/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-acronym-na-smart-sa-pagsulat-ng-lesson-plan/

https://www.academia.edu/37242521/Masusing_Banghay_Aralin_sa_Pagtuturo_ng_Panitikang_Filipino_III

https://www.academia.edu/40307525/Mala_Masusing_Banghay_Aralin_sa_Filipino

https://www.docsity.com/en/mga-bahagi-ng-banghay-aralin-na-4a/7720415/

Inihanda ni:

Jheanette T. Docyogen

09479782327
ferody777@gmail.com

“I can do all things through Christ who gives me strength.”

You might also like