You are on page 1of 47

FILIPINO SA PILING

LARANG (AKADEMIK)

SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM

Ramon Magsaysay Memorial Colleges Marbel Incorporated

LV Bldg., Alunan Avenue, Brgy. Zone III, City of Koronadal

1
2
COURSE
COURSE
REQUIREMENTS
REQUIREMENTS
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK) Gamitin ang modyul nang
may pag-iingat. Huwag
maglagay ng mga hindi
TALAAN NG NILALAMAN PAHINA kinakailangang mga
marka sa anumang
Calendar of Activities bahagi nito. Gumamit ng
ibang piraso ng papel sa
Pangkalahatang Alituntunin pagsagot sa mga
Aralin 1: Katuturan, Layunin at Kahalagahan 7 Gawain..
ng Pagsulat
Huwag kalimutang
Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat 19 sagutan ang Subukin
Aralin 3: Ang Akademikong Pagsulat 33 bago magpatuloy sa mga
sumusunod na gawaing
napaloob sa modyul.
Basahin ang lahat ng
nakatalagang teksto at iba
pang mga material na
kasama sa bawat aralin.
Maagap na paggawa ng
mga nakatalagang gawain
gaya ng pagganap,
pagsusulit, takdang-aralin,
replektib papers, pag-
uulat, proyekto

Isauli ang modyul sa

iyong guro sa itinakdang
araw ng pagpasa.

3
Aralin 1: Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Resulta ng Pag-aaral:
 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

4
Panimula
Maligayang pagbati sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ng Senior
High 11/12 Self-Learning Module (SLM)!

Ang modyul na ito ay idinisenyo upang mabigyan ka ng kasiyahan at

makabuluhang pagkakataon para sa mapamatnubay at malayang pagkatuto na
naaayon sa iyong sariling oras. Makakaya mong maiproseso ang mga nilalaman
ng mga pinagkunang kaalaman at maituturing na isang aktibong mag-aaral.

Ang modyul na ito ay may mga sumusunod na bahagi:

Alamin
Inihanay ang mga layunin sa aralin.
Mahalagang maunawaan ng mga mag-
aaral kung ano ang maaasahan nila sa
aralin
Subukin
Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy
ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.
Balikan
Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa paksa sa bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.
Tuklasin
Inilalahad dito ang mismong aralin sa
pamamagitan ng kwento, pagsasanay,
tula, awitin, sitwasyon at iba pang
paraan. Ginagalugad dito ang mga
ideyang magkikintal ng mahalagang
kaisipan.
Suriin
Inilalahad dito ang mga tanong na sumusubok sa
pagkaunawa ng mga mag-aaral sa aralin. Maaari rin
itong pagtalakay sa paksa.
Pagyamanin
Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga
gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.
Isaisip
Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit, gawain at pagsasanay.
Isagawa
Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at
kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo
upang mailalapat sa tunay na buhay.

5
Tayahin
Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng
pagkatuto mula sa natamong kasanayan.
Karagdagang
Magbibigay ng karagdagang pagsasanay upang
Gawain
malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Mga kasagutan sa anumang pagtataya,
pagsasanay at mga Gawain.
Sa huling bahagi ng modyul na ito matatagpuan ang:

Ito ay talaan ng lahat ng pinagkukunang

Sanggunian ginamit sa pagpapaunlad ng modyul na
ito.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:

 Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag maglagay

ng mga hindi kinakailangang mga marka sa anumang bahagi
nito. Gumamit ng ibang piraso ng papel sa pagsagot sa mga
Gawain.

 Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago magpatuloy

sa mga sumusunod na gawaing napaloob sa modyul.

 Basahing mabuti ang panuto bago isagawa ang Gawain.

 Panatilihin ang katapatan at integridad sa paggawa ng mga

Gawain at suriin ang iyong mga sagot.

 Tapusin ang Gawain bago magpatuloy sa susunod.

 Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro kapag natapos mo na.

Kung ikaw ay nakararanas ng kahirapan sa pagsagot ng mga Gawain sa

modyul na ito, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro. Laging
pakaisipin na hindi ka nag-iisa.

Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng module na ito, mararanasan moa

ng makabuluhang pagkatuto at makamit ang malalim na pang-unawa sa
mga nauukol na kasanayan.

Alamin

6
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay
upang matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala
ang magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos
upang masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring
mabago ang pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.
 Aralin 1 – Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

 Nabibigyang-kahulugan ang pagsusulat at akademikong

pagsulat

Subukin

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG:

Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.

______1 Isang benepisyong makukuha sa pagsusulat ay ang pagdudulot ng

kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
_____2. Layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na maaaring panlipunan o sosyal
kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.
_____3. Ang isang indibidwal ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa
kanyang isipan mula sa kasanayang pagsusulat.
_____4. Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at
panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat at binibigkas na
bunga ng sariling pananaw ng may-akda sa pamamagitan ng pagtatalumpati.
_____5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o sa anumang kagamitang
maaaring pagsulatan.

7
Katuturan, Layunin at
Aralin Kahalagahan ng Pagsulat

Tuklasin

Ang Pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa

mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), ang pagsusulat ay isang
kasanayang naglulundo sa kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon
naman kay Edwin Mabilin et al. (2012), ito ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais
niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat,
maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao
sa tulong ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa
mabuo ang isang akda o sulatin.

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay
nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito naibabahagi nila sa iba
ang kanilang ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa
kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking
tulong sa nagsusulat, sa mga taong nakabasa o nagbabasa nito, at maging sa
lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging
dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para
sa kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon kay Mabilin (2012) ang
pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho
sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin
sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang
kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat

ay isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga
mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa
iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig,
pagbabasa, panonood, madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay
kumukuha o nagdaragdag ng kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa
pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.

8
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga Jr. na

Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat
sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito,
naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam,
bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao
ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at
tayog ng kanyang isipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang
pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan
angpaniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman,
napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan
ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng
mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat
masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at
pagbabago sa pananaw, pag-iisip at damdamin ng makababasa nito.

Ayon naman kay Mabilin (2012), sa kanyang aklat na Transpormatibong

Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang layunin sa pagsasagawa ng
pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring
Personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa
pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Ang
ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng
kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende o naaayon sa
layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa
ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pang
akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging Panlipunan o
sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang
tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat
ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita,
korespondensya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon at iba
pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay
walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa
kabilang dako, maaari rin namang magkasabay na maisagawa ang layuning
personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat
bunga ng sariling pananaw ng may akda na maaaring magkaroon ng tiyak na
kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas
sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga
nakikinig.

9
Suriin

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN:

Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan, layunin at kahalagahan ng
pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng
wika sa nakahandang mga patlang.

Pamantayan
Pinakamagaling Magaling Katamtaman Nangangailang
an ng
Pagsasanay
5 4 3 2
Nilalaman Lubhang malinaw Malinaw at Hindi gaanong Walang
at maayos ang maayos ang malinaw ang malinaw na
kaisipang kaisipang kaisipang kaisipan ang
naipahayag. naipahayag. naipahayag. naipahayag
Organisasy Makabuluhan ang Nailahad ang Hindi gaanong Walang
on pagkakasunod- tamang organisado ang kaisahan ng
sunod ng mga pagkakasunod mga ideya. mga ideya.
ideya. -sunod ng mga
ideya.

1. Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?

______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________.

2. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin ng akdang susulatin?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

3. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang

asignaturang ito? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

10
Pagyamanin

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_______________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN:

Kilalanin ang mga halimbawa ng akademikong sulatin upang magkaroon ng
mas malinaw na konsepto at kaalaman ukol dito. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Panunuring F. Pamanahong papel

Pampanitikan G. Disertasyon
B. Bibliyograpiya H. Pagsasaling-wika
C. Tesis I. Aklat
D. Artikulo J. Abstrak
E. Konseptong
papel

___1. Tinatawag ito sa Ingles na “term paper” na karaniwang ginagawa sa

kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring
makagawa ng ganitong sulati. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-
akademiko.
___2. Panimulang pag-aaral o mas kilala ito sa tawag na proposal, ito ay
kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework.
___3. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang
manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa
kursong pinag-aaralan o propesyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na
bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.
___4. Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong
doktor.
___5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng
manunulat.
___6. Mga pahayag, ideya o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay
ihahayag sa ibang anyo ng wika.
___7. Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang na paghahatid
ng karunungan (maaaring pahayagan, magasin, at iba pa).
___8. Ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman
sa iba’t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan,
isports, negosyo, at iba pa.
___9. Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o
pablikasyon, kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang
proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda,
pictorial essay, lakbay-sanaysay at abstrak.
__10. Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at
mga report.

11
Isaisip

Panuto: PAGHAHAMBING SA LAYUNIN NG PAGSULAT: Suriin ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng layunin ng pagsulat (Personal at Sosyal) ayon
kay Mabilin (2012).

Personal Sosyal

Pagkakatulad

Isagawa

Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto:
Pumili ng isang napapanahong isyu sa lipunan. Gamit ang pagsusulat,
lumikha ng isang Islogan tungkol sa isyung napili at ipaliwanag ito.

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di-gaanong

5 4 Mahusay
3
Paksa Nakapupukaw- Maganda ang di-gaanong
pansin na pamagat at kaisipan at malinaw ang
kaisipan paksa paksa
Nilalaman Lubhang malinaw at Malinaw at Di-gaanong
maayos ang mga maayos ang mga mainam ang
ideyang naipahayag. ideyang kaisipanng
naipahayag, naipahayag.
Orihinalidad Nagpakita ng Nagpakita ng Hindi gaanong
lubusang orihinalidad orihinalidad sa orihinal ang
at pagkamalikhain sa paglalahad ng paglalahad ng
paglalahad ng kaisipan kaisipan,
kaisipan

12
Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng

aralin. Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_______________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: PAGPAPATUNAY SA KASAGUTAN:

Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa
pagsulat. Isulat ito sa mga patlang bago ang bilang.Pagkatapos ay magbigay ng
iyong pagpapaliwanag ayon sa iyong naging sagot.
___________1. Ayon kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)., ang Pagsulat ay isang
pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat
ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
___________2. Isang benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat ay
mahuhubog ang katawan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga isusulat batay sa mga
nakalap na impormasyon.
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

13
___________3. Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng
malaking tulong sa nagsusulat, sa mga taong nakabasa nito, at maging sa
lipunan sa pangkalahatan.
Paliwanag:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Tanong Ko, Sagutin Mo!

Basahing mabuti at sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo
sa ibaba.

Bigyan ng sariling kahulugan ang akademikong pagsulat batay sa iyong

napag-aralan at natutunan. Isulat ito sa espasyo sa ibaba.

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin:
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama

Pagyamanin:

1. F
2. E
3. C
4. G
5. A
6. H
7. I
8. D
9. B
10.J

Tayahin:

1. Tama
2. Mali
3. Tama

16
Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et al. 2016, Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan

(Akademik) Phoenix Publishing

Dayag, alma M.et al. 2016, Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino, Phoenix Publiching House, Inc. Quezon City

Pamela C. Constantino et al. 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Rex

Book Store

17
Aralin 2: Gamit at Uri ng Pagsulat

Resulta ng Pag-aaral:

 Natutukoy ang iba’t ibang gamit at uri ng

pagsulat.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

16
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa inyo. Ito ay

upang matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang
masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring mabago ang
pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon.
 Aralin 2 –Gamit at uri ng Pagsulat

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:

a. Layunin

b. Gamit

c. Katangian

d. Anyo

Subukin
Panuto: Pagtukoy sa Gamit at Uri ng Pagsulat:

Tukuyin ang gamit at uri ng pagsulat sa mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

A. Wika B. Paksa C. Layunin D. Pamamaraan ng Pagsulat
E. KAsanayang Pampag-iisip F. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat G. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin

_____1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong

isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng
pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga
mambabasa.
_____2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
______3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing
pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang
maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o
komposisyong susulatin.
_______4. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-
analisa o magsuri ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
_______5. Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaalaman,
kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang
taong nais sumulat.

17
B. Uri ng Pagsulat
A. Malikhain B. Teknikal C. Propesyunal
D. Dyornalistik E. Reperensyal F. Akademiko

______6. Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa

pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay
Carmelita Alejo et al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng
isang ginawang pananaliksik.
______7. Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito
ang maikling kwento, dula, tula, o malikhaing sanaysay, gayundin ang mga
komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.
_______8. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng
isang tao.
_______9. Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng
isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin sa
isang tiyak na disiplina o larangan.
_______10. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon
at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.

Gamit at Uri ng Pagsulat

Aralin

2
18
Tuklasin

Uri ng Paglalarawan
Subhetibo
- ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay
lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong buhay.

Obhetibo
- ito’y may pinagbabatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang
lugar na inilarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa
bansa na kilala rin ng kanyang mambabasa, gagamit parin siya ng sarili
niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring
maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may
kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman
upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang
ating interes.

Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat

partikular ng akademikong pagsulat. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1. WIKA - nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan,

kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid
ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang
gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda.
Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak , at payak na
paraan.

2. PAKSA - ang pagkakaroon ng isang tiyak at magandang tema ng isusulat

ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan
na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging
makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong
susulatin.

3. LAYUNIN - ito ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o

nilalaman ng iyong isusulat.

4. PAMARAAN NG PAGSULAT - may limang paraan ng pagsulat upang

mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin
o pakay sa pagsusulat.

 Paraang Impormatibo - ang pangunahing layunin

nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.

 Paraang Ekspresibo - ang manunulat ay naglalayong

magbabahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya,
19
obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

 Pamaraang Naratibo - pangunahing layunin nito ang

magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkasunod-sunod.

 Pamaraang Deskriptibo - pangunahing pakay ang

maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay mga nakikita, naririnig, natutunghayan,
naranasan at nasaksihan. Maaaring obhetibo at subhetibo.

 Pamaraang Argumentatibo - manghikayat o

mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad
ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP - taglay ng manunulat ang kakayahang

mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na
impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatwiran ang ang
paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at
maging obhetibo sa sulating ilalahad.

6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT - dapat

isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa
wika o retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na
titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng talata, at
masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng
isang mahusay na sulatin.

7. KASANAYAN SA PAGHAHABI NG BUONG SULATIN - tumutukoy sa

kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa
panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at
masining na pamamaraan ng isang komposisyon.

URI NG PAGSULAT

1. Teknikal na Pagsulat - layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o

kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang
isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Isang
praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga
20
propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t
ibang uri ng mga mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng paksang
teknikal.

Halimbawa: Feasibility study, manwal, proyekto sa pag-aayos ng kompyuter at

iba pa.

2. Reperensyal na Pagsulat - layunin ng sulating ito na bigyang-pakilala

ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa. Makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang
pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of
Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan
upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang
pananaliksik.

3. Dyornalistik na Pagsulat - may kinalaman ito sa mga sulating may

kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, editoryal,
lathalain, artikulo at iba pa. Ito ay isinusulat ng mga mamahayag,
journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng totoo, obhetibo,
at makabuluhang isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na
kanilang isinusulat sa mga pahayagan. Magasin, o kaya’y iniuulat sa
radyo at telebisyon.

4. Akademikong Pagsulat - isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing

ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa
iba’t ibang larangan.ayon kay Carmelita Alejo et.al., layunin nitong ipakita
ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.

5. Malikhaing Pagsulat - layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng

damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Halimbawa nito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay,
komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.

6. Propesyonal na Pagsulat - sulating may kinalaman sa isang tiyak na

larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro, pagsulat
ng lesson plan, paggawa ng pagsusuri ng kurikulum, para sa mga doktor
at nars - paggawa ng medical report, narrative report tungkol sa physical
examination ng pasyente at iba pa.

Suriin

Panuto: Pumili ng dalawang paksang iyong nais at gumawa ng isang malikhaing

sulatin na taglay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng partikular na
akademikong pagsulat. Isulat ito sa mga patlang.
21
PAKSA
________________________________________________________________________________

______________________________.

______________________________

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di-gaanong

mahusay
10 7 4
Paksa May mahusay at Mahusay na Walang
makabuluhang paglalahad ng mga masyadong
paglalahad ng mga kaisipan at kabuluhan ang
kaisipan na ayon naaayon sa paksa. paksa sa nailahad
sa paksa. na kaisipan.
Tema Lubhang malalim Malalim at Mababaw at hindi
at makahulugan makahulugan ang gaanong
ang temang nais temang nais makahulugan ang
ipabatid ng ipabatid ng temang nais
sinulat. sinulat. ipabatid.
Pamamaraan ng Maayos na Nasunod ang mga Hindi gaanong
Pagsulat nasunod ang mga dapat taglayin sa nasunod ang mga
dapat taglayin sa pagsusulat ng dapat taglayin sa
pagsusulat ng isang pagsusulat ng
isang akademikong isang
akademikong sulatin. akademikong
sulatin sulatin.

Pagyamanin

Pangalan:________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:____________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: Pagsusulat ayon sa Layunin.

22
Bumuo ng malikhaing pamagat ayon sa naipakitang mga larawan at gawan
ng isang talata ang mga ito. Gumawa ng sariling paglalarawan sa
pamamagitan ng pamamaraan ng pagsulat. Isulat ito sa nakahandang
espasyo sa ibaba

1. Unang Larawan

https://www.facebook.com/pinagtagpoperoditinadhana/photos/
a.2018446741763597/2217126275228975/

_____________________________.

23
2. Ikalawang larawan

http://pinoyshrek.blogspot.com/2009/10/photo-essay.html

_______________________________________.

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di-gaanong

Mahusay
10 7 4
Nilalaman Makabuluhan at Makabuluhan at Hindi gaanong
lubos na organisado ang maayos ang mga
organisado ang mga kaisipan sa kaisipan sa loob
mga kaisipan sa loob ng talata. ng talata.
loob ng isang
talata.
Paglalarawan Mahusay at Maayos ang Hindi gaanong
maayos ang paglalarawang nailarawan ang
paglalarawang nais ipabatid sa mensaheng nais
nais ipabatid sa pamamagitan ng ipabatid.
pamamagitan ng pagsusulat.
pagsulat.
Kaangkupan Lubos na Naipahayag ang Hindi gaanong
naipahayag ang mga importanteng naging angkop ang
mga importanteng kaisipan na pagpapahayag
kaisipan na naaayon sa ayon sa
naaayon sa larawan. ipinakitang
larawan. larawan.

24
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: Isulat ang sagot sa

nakahandang patlang.

1. Ano ang pagsulat?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________.

2. Bakit maituturing na isang talento ang isang pagsusulat? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________.

3. Bakit kinakailangang makilala at malaman ang iba’t ibang akademikong

sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at anyo sa pagsasagawa ng
panimulang pananaliksik?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________.

Isagawa

Magaling! Sa gawaing ito ay masusukat kung hanggang saan ang narating

ng iyong pag-unawa sa talakayan.

Pag-aralan ang mga katangian ng tekstong Impormatibo:

 Makatotohanan ang mga datos.
 May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat
 Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilahad nang buong diwa
at may kaisahan.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, magasin, textbook, at mga
pangkalahatang sanggunian.
Elemento ng Tekstong Impormatibo
 Layunin ng may-akda - layunin nitong maglahad o magbigay ng
impormasyon.
 Pangunahing Ideya - ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya
sa mga mambabasa. Tinatawag din itong organizational markers upang agad
makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
 Pantulong na kaisipan - mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na
pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng
25
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kanila.
 Mga estilo ng pagsulat, kagamitan/sanggunian na magtatampok sa mga
bagay na binibigyang-diin. Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon
ng malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang
paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng mga sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon (larawan, guhit,
dayagram, tsart, timeline)
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat ng
nakadiin, nakahilis, nakapanipi)
 pagsulat ng mga talasanggunian (mga aklat, kagamitan at iba
pa).

Panuto: Sumulat ng isang TEKSTONG IMPORMATIBO batay sa larawan.

Sundin ang wastong pamantayan ng pagsulat nito. Isulat ito sa nakahandang
espasyo sa ibaba.

https://rappler.com/nation/ntc-orders-abs-cbn-stop-operations-may-5-2020

________________________________________.

26
Kraytirya Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Di-
Puntos Puntos Puntos gaanong
10 7 4 Mahusay
2
Nilalaman May higit na May May kaunting Hindi
kaalaman sa kaalaamn kaalaman sa angkop
paksa at sa paksa paksa at di- ang teksto
angkop ang at angkop gaanong angkop at
mga teksto sa ang teksto ang teksto at pamagat
pamagat at pamagat pamagat
Gamit ng Wasto lahat May isa May animMay labing
Gramatika ang baybay at hanggang hanggang isa o higit
pagbabantas limang sampung mali
pang mali
ng mga salita mali sa ang baybay at sa baybay
sa pagbaybay bantas sa mga at bantas
pangungusap o bantas salita. ng mga
. sa mga salita sa
salita. pangungu
sap.
Organisasyon Maganda at Tama ang May kaunting Hindi
ng mga Ideya tama lahat pagkasuno kamalian sa organisado
ang d-sunod ng pagkakasunod- ang mga
pagkasunod- mga ideya, sunod ng ideya ideya
sunod ng mga may
ideya, may panimula,
panimula, katawan at
katawan at konklusyo
konklusyon n
Kraytirya sa Pagsulat ng Teksto

27
Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng

aralin. Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod.

Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________

Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: Kilalanin ang mga pamamaraan ng pagsulat at tukuyin ito ayon sa

layunin. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____________________________1. Ang ating pambansang bayani ay si Dr. Jose

Protacio Alonso Mercado Y Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang
Francisco at Teodora Alonso. Ipinanganak siya noonf June 19, 1861 sa
Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika-30 ng Disyembre taong 1896. Si
Rizal ay isang Polyglot at nagtapos sa kursong medisina, isa sa mga kursong
kanyang tinapos. Sa darating na Disyembrev30, 2020 ang ika-124 taong
anibersaryo ng kanyang kamatayan.

____________________________2.Dapat lamang na ipatupad ang programang K-

12 dahil ang Pilipinas nalang ang tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang
ang taon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang
mga mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula ng
magtrabaho matapos sumailalim sa sa K-12 kung sakaling wala na silang
pera upang tumuloy sa pag-aaral ng kolehiyo. Magagawaran sila ng sertipiko
ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na kikilalanin sa ibang
bansa.

_____________________________3. Hindi ko pinangarap na maging isang

politiko, kaya nga ang kinuha kong kurso ay maging guro. Ngunit aking
napansin ang mga kabi-kabilang pagsisiwalat ng iba’t ibang indibidwal at
puwersa ng oposisyon ng mga kaso ng katiwalian ng pamahalaan. Laman din
ng balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan ang mga pagbubunyag na
ito.

28
Susi sa Pagwawasto

Tayahin:
1. Naratibo
2. Argumentatibo
3. Ekspresibo
Subukin:
A. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
1. C
2. G
3. B
4. E
5. A
B. Uri
6. F
7. A
8. C
9. B
10.E

Tayahin:

1. Naratibo

2. Argumentatibo

3. Ekspresibo

29
Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et al. Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan

(Akademik) Phoenix Publishing 2016

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.
2016

Pamela C. Constantino et al. Filipino sa Piling larangan (Akademik) Rex Book

Store 2016 Edition

https://www.facebook.com/pinagtagpoperoditinadhana/photos/
a.2018446741763597/2217126275228975/

http://pinoyshrek.blogspot.com/2009/10/photo-essay.html

https://rappler.com/nation/ntc-orders-abs-cbn-stop-operations-may-5-2020

30
Aralin 3: Ang Akademikong Pagsulat

Resulta ng Pag-aaral:
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

31
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa inyo. Ito ay

upang matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang
masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring mabago ang
pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon.
 Aralin 3 –Ang Akademikong Pagsulat

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng

kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko.

Subukin

Panuto: PAGHAHANAY.
Ihanay ang kolum A sa kolum B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang

HANAY A HANAY B

_____1.Ang pagsusuri ng kabuuang isinulat upang A. Akademiya

malaman ang mga dapat alisin o baguhin, iwasto B. Maliwanaag at
at palitan ng higit na angkop na salita at kaisipan. organisado
C. Rebisyon
_____2.Ang pagsasaayos ng estrukturang balarila D. Obhetibo
at mekanismo ng pagsulat. E. Pagwawasto

_____3.Mahalaga ang tunay at pawang

katotohanan na mga impormasyon.
______4.Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito.

______5.Mula sa salitang Pranses na academie

32
Ang Akademikong Pagsulat
Aralin

Tuklasin

Ang Akademikong Sulatin

Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya

Ang salitang AKADEMIYA ay mula sa salitang Pranses na “academie”, sa

Latin “academia “, at sa Griyego na “academeia”. Ito ay isang institusyon ng
kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay
isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na
larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar. Ang tao o ang sarili ay isang
dinamikong pwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o
mapanuri, maging mapanlikha at malikhain at malayang magbago at
makapagbago. Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng
akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

- ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino upang
epektbong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay - akademiko at
maging sa gawaing di-akademiko. Nagtutulungan ang dalawang
kakayahanng ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at
pagdedesisyon. Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging
malikhain. Sa Akademiya, ang mga katangiang ito ay nilinang at
pinauunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito upang
mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho at araw-araw na
pamumuhay.

Akademiko vs Di-Akademiko

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo

(Pranses: Academiqu;: Medieval Latin: Academicus noong gitnang bahagi ng
ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarship,
institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at
pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
( www.oxforddictionaries.com)

Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o

akademikong disiplina ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian
ng mga mag-aaral kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo.

Nililinang sa Akademiya ang mga kasanayan at natututuhan ang mga

kaalamang kaugnay sa larangang pinagkakadalubhasaan. Sa larangang ito
napapaunlad ang pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring
kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
Ginagabayan ito ng etika, pagpapaphalaga, katotohanan, ebidensya, at

33
balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang mga di-akademikong gawain ay
ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at common sense.

Pagkakaiba sa katangian ng Akademiko at Di-akademiko

Pananaw Obhetibo, hindi direktang Subhetibo, sariling

tumutukoy sa tao at damdamin opinyon, pamilya,
kundi sa mga ideya, bagay at komunidad ang pagtukoy,
katotohanan, ito’y nasa nasa tao at damdamin ang
pangatlong panauhan ang tinutukoy, nasa una at
pagkakasulat. pangalawang panauhan
ang pagkakasulat.
Audience Iskolar, mag-aaral, guro, Iba’t ibang publiko
akademikong komunidad
Layunin Magbigay ng ideya at Magbibigay ng sariling
impormasyon opinyon
Paraan o Obserbasyon, pananaliksik, at Sariling karanasan,
Batayan ng pagbabasa pamilya, at komunidad.
Datos
Organisasyon Planado at magkakaugnay ang Hindi malinaw ang
ng ideya mga ideya, may pagkakasunod- istruktura, hindi
sunod ang mga pahayag. kailangang magkaugnay
ang mga ideya.

Halimbawa ng akademikong gawain:

 Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase,
 pakikinig ng lektyur,
 panonood ng video o dokumentaryo,
 pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum,
 pagsulat ng sulatin sa mga akdang pampanitikan at posisyong papel,
 panukalang proyekto,
 case studies,
 pamanahong papel o pananaliksik,
 pagsulat ng artikulo,
 lakbay-sanaysay,
 larawang-sanaysay,
 talumpati,
 pagbubuod,
 memorandum, adyenda at katitikan ng pulong at iba pa.

Halimbawa ng di-akademikong gawain:

 Panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-oras
 , pakikipag-usap sa sinuman ukol sa paksang di-akademiko,
 pagsulat sa isang kaibigan,
 pakikinig sa radyo, at
 pagbasa ng komiks, magasin o dyaryo.

Ang paggamit ng Akademikong Filipino sa Paggawa ng Akademikong

Pagsulat, madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa akademiya. Ito ay
tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa
pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong ito ay
bumubuo ng mga guro, mag-aaral, administrador, gusali, kurikulum at iba pa.
Hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademiya kung wala ang
wika. Sa pag-aaral sa kursong ito, ang Akademikong Filipino ang gagamitin sa
akademiya. Sa paggamit nito, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa
paraang pasalita o pasulat ang kahalagahan sa pagsunod sa mga alituntunin sa
paggamit ng wikang Filipino upang ito’y maging istandard at magamit bilang
wika ng intelektwalisasyon.
34
Epektibong magagamit ang Filipino sa akademiya. Higit na magiging
epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang niya ito matatamo.

Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa pag-aaral sa Senior High

School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin,
sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagsulat gamit ang akademikong Filipino. Isa sa pinakamahalagang awtput ng
sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa Akademikong Pagsulat. Ito ay
isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan
na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan. Ito rin ay isasagawa sa isang akademikong institusyon
o paaralan kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat. Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip
na manlibang lamang.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat,, ang akademikong pagsulat ay
nanganagailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon
itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay
ang mga pangungusap, talata, upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga
ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong
sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na
nilalaman ng mga paliwanag , at wakas na nilalaman ng resolusyon ,
konklusyon, at rekomendasyon.
Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto:
 Abstrak
 Bionote
 Talumpati
 Panukalang proyekto
 Replektibong sanaysay
 Sintesis
 Lakbay-sanaysay
 Synopsis, at iba pa.

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng

isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat
ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahalagang
datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, kakayahang gumawa ng
sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling
salita at isinaalang-alang ang target ng mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng
tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng kaalaman.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo - mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga

impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa pananaw o ayon sa
haka-haka o opinyon.

2. Pormal - iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyak o balbal. Sa

halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga
mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging
pormal din.

3. Maliwanag at organisado - sa paglalahad ay nararapat na maging

malinaw at organisado ng mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos
na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa
sulatin.
35
4. May paninindigan - mahalagang napanindigan ng sumusulat ang
paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi
maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang
mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.
Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga
datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa.
5. May Pananagutan - ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na
datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay
isang etika at pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang
sanggunian.

Narito ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na isa-isang tatalakayin sa

kabuuan ng iyong pag-aaral:
 Abstrak
 Sintesis/Buod
 Bionote
 Panukalang Proyekto
 Talumpati
 Agenda/Memorandum
 Katitikan ng pulong
 Posisyong papel
 Replektibong Sanaysay
 Pictorial-Essay
 Lakbay-sanaysay

Proseso ng Pagsulat

Bago Sumulat o Pre-Writing

PINAL

Pagsulat ng Burador o Draft Writing Na

PAPEL
Muling Pagsusulat o Rewriting

Bago Sumulat - sa bahaging ito, ang manunulat ay nagpaplano at nangangalap

ng impormasyon o mga datos para sa kanyang susulatin. Ito ay pagmumulan ng
kanyang balangkas na siyang magiging gabay sa kanyang pagsulat

Pagsulat ng Burador - malayang yugto sa pagsusulat sapagkat hindi rito

isinaalang-alang ang mga pagkakamali, bagkus ay ang kaisipan o ideya ng
nagsusulat ay malayang naipapahayag.

Muling Pagsulat - kinakailangang muling sulatin ang burador at dumaan ito sa

proseso ng Rebisyon at Pagwawasto

Rebisyon - ang pagsusuri ng kabuuang isinulat upang malaman ang mga dapat
alisin o baguhin, iwasto at palitan ng higit na angkop na salita at kaisipan.

Pagwawasto - ay ang pagsasaayos ng estrukturang balarila at mekanismo ng

pagsulat
36
Mga Layunin sa Pagsulat

Ang layunin sa pagsulat ayon kay Antonio (2005) ay dalawa: Ekspresiv o

Transaksyunal.

Ekspresiv Transaksyunal

A. Isa itong pormal na paraan ng A. pormal ang paraan ng pagsulat na

pagsulat na may tiyak na target na may tiyak na target ng mambabasa,
mambabasa, tiyak na layunin at tiyan layunin at paksa
na paksa

B. Gumagamit ito ng unang B. Gumagamit ng ikatlong panauhan

panauhan na AKO. Karaniwang tulad ng siya, sila, niya, nila
ginagamit dito ang ikatlong panauhan
tulad ng siya, sila, niya, nila at iba pa
sa pagsasalaysay sa paglalahad ng
teksto.

C. Sarili ng manunulat ang target C. Ibang tao ang target nitong

mambabasa

D. Naglalarawan ito ng personal na D. Hindi masining o malikhain ang

damdamin, saloobin at paniniwala pagsulat. Naglalahad ng katotohanan
na sumusuporta sa pangunahing
ideya.

E. Nakapaloob ang sariling E. Nagbibigay ito ng interpretasyon sa

karanasan. Nagbibigay ito ng panitikan, nagsusuri, nagbibigay ng
interpretasyon ng manunulat at impormasyon, nanghihikayat,
palapalagay sa mga bagay panitikan, nagtuturo o nagbibigay ng mensahe
nagsusuri, nagbibigay ng
impormasyon sa mga bagay na
nangyayari sa paligid, nanghihikayat,
nangangatwiran, nagtuturo, o kaya’y
nagbibigay ng mensahe sa iba.

F. Malaya ang paraan ng pagsulat. F. Kontrolado ang paraan ng pagsulat

Hindi gaanong mahalaga ang dahil may porma at estilo na
gramatika at palabaybayan ng mga kailangang sundin
salita. Ang mahalaga ay mailabas ang
talagang naiisip o nadarama ng isang
tao

G. Layunin nito na maipahayag ang G. Balita, artikulo, talambuhay,

sariling pananaw, kaisipan at liham, patalastas, pananaliksik, ulat,
damdamin sa pangyayari rebyu, sanaysay, interbyu, editorial,
dokumentaryo

H. Dyornal, talaarawan, personal na

liham, pagtugon sa ilang isyu

37
Suriin

Panuto: Pagsagot sa mga Katanungan: Basahin at unawain ang mga tanong.

Isulat ang sagot sa patlang.

1. Bakit mahalaga ang kasanayang Pagsulat?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
.
2. Sa iyong palagay, anong pakinabang ang naidudulot ng pagsusulat sa tao?
Magbigay ng tatlo.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
.
3. Magbigay ng sariling opinyon o reaksyon hinggil sa pagkakaiba ng
ginagawang pagsulat sa Junior Hayskul kumpara sa Senior Hayskul?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pagyamanin

Pangalan:________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_____________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: ISULAT MO, BABASAHIN KO! Bumuo ng EKSPRESIV o di kaya ay

TRANSAKSYUNAL na pagsulat tungkol sa saloobin mo hinggil sa sumusunod
na paksa. Pumili lamang ng isa at isulat sa patlang na nasa loob ng kahon.
 Pamahalaan
 Pag-ibig
 Edukasyon
 ___________________________________________________________________
Pangarap
___________________________________________________________________

38

___________________________________________________________________.
Isaisip

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di-gaanong

Mahusay
10 7 4
Kalinawan Lubos na malinaw Malinaw at mabisa di-gaanong
at at mabisa ang ang mga ideyang malinaw ang mga
mga ideyang nais nais ipabatid ideyang nais
ipabatid. ipabatid
Kaugnayan sa Ang mga kaisipan Naiugnay ang mga Walang
Paksa ay mahusay na kaisipan sa paksa. masyadong
naiugnay sa kaugnayan ang
paksa. mga kaisipan sa
paksa.
Teknikalidad Mahusay na Nagamit ang mga Hindi masyadong
nagamit ang mga istruktura sa nagamit nang
istruktura pagsulat kabilang maayos ang mga
kabilang na ang na ang paggamit salitang akma sa
paggamit ng mga ng mga salitang Gawain.
salitang akma sa akma sa Gawain.
Gawain

Isaisip

Panuto: REPLEKSIYON: Punan ng angkop na mga salita ang mga pahayag sa

ibaba ayon sa iyong naintindihan at natutunan sa ating aralin.

Ang Pagsulat pala ay

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Sapagkat
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
Natutunan kong
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
kung kaya
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
.

39
Isagawa

Magaling! Sa gawaing ito ay masusukat kung hanggang saan ang narating

ng iyong pag-unawa sa talakayan.

Panuto: Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng mga sumusunod: Isulat ang sagot

sa nakahandang espasyo.

1. Teknikal na Pagsulat

2. Referensyal na Pagsulat

3. Jornalistik na Pagsulat

4. Akademikong Pagsulat

5. Malikhaing Pagsulat

40
Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng

aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_______________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: Pumili ng isang anyo lamang ng akademikong sulatin (Abstrak, Sintesis,

Bionote). Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian nito. Isulat sa nakahandang espasyo sa ibaba.

Pamantayan Puntos

Kalinawan ng Ideya 10

Kaugnayan sa paksa 10

Aspektong teknikalidad ng 10
pagsulat

KABUUAN 30

41
Susi sa Pagwawasto

1. C
2. E
3. D
4. B
5. A

42
Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et al. 2016 Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan

(Akademik) Phoenix Publishing

Dayag, Alma M., et al. 2016, Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.

Ma. Elizabeth M. Ariola et. al 2016, Filipino sa Piling Larangan Akademik,

Jimczyville Publication, Malabon City

Pamela C. Constantino et al. Filipino sa Piling larangan (Akademik) Rex Book

Store 2016 Edition

www.oxforddictionaries.com)

43
16
16

You might also like