You are on page 1of 51

FILIPINO SA PILING

LARANG (AKADEMIK)

SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM

Ramon Magsaysay Memorial Colleges Marbel Incorporated


LV Bldg., Alunan Avenue, Brgy. Zone III, City of Koronadal

1
COURSE
COURSE
REQUIREMENTS
REQUIREMENTS
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK) Gamitin ang modyul nang
may pag-iingat. Huwag
maglagay ng mga hindi
TALAAN NG NILALAMAN PAHINA kinakailangang mga
marka sa anumang
Calendar of Activities bahagi nito. Gumamit ng
ibang piraso ng papel sa
Pangkalahatang Alituntunin pagsagot sa mga
Aralin 8: Memorandum 7 Gawain..
Aralin 9: Adyenda 22
Huwag kalimutang
Aralin 10: Katitikan ng Pulong 37 sagutan ang Subukin
bago magpatuloy sa mga
sumusunod na gawaing
napaloob sa modyul.
Basahin ang lahat ng
nakatalagang teksto at iba
pang mga material na
kasama sa bawat aralin.
Maagap na paggawa ng
mga nakatalagang gawain
gaya ng pagganap,
pagsusulit, takdang-aralin,
replektib papers, pag-
uulat, proyekto

Isauli ang modyul sa


iyong guro sa itinakdang
araw ng pagpasa.

2
Aralin 8 : Memorandum

Resulta ng Pag-aaral:
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng pagsulat ng memorandum.
 Nakasusulat nang maayos na memorandum.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

3
Panimula
Maligayang pagbati sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ng Senior
High 11/12 Self-Learning Module (SLM)!

Ang modyul na ito ay idinnisenyo upang mabigyan ka ng kasiyahan at


makabuluhang pagkakataon para sa mapamatnubay at malayang pagkatuto na
naaayon sa iyong sariling oras. Makakaya mong maiproseso ang mga nilalaman
ng mga pinagkunang kaalaman at maituturing na isang aktibong mag-aaral.

Ang modyul na ito ay may mga sumusunod na bahagi:

Alamin
Inihanay ang mga layunin sa aralin.
Mahalagang maunawaan ng mga mag-
aaral kung ano ang maaasahan nila sa
aralin
Subukin
Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy
ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.
Balikan
Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa paksa sa bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.
Tuklasin
Inilalahad dito ang mismong aralin sa
pamamagitan ng kwento, pagsasanay,
tula, awitin, sitwasyon at iba pang
paraan. Ginagalugad dito ang mga
ideyang magkikintal ng mahalagang
kaisipan.
Suriin
Inilalahad dito ang mga tanong na sumusubok sa
pagkaunawa ng mga mag-aaral sa aralin. Maaari rin
itong pagtalakay sa paksa.
Pagyamanin
Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga
gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.
Isaisip
Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit, gawain at pagsasanay.
Isagawa
Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at
kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo
upang mailalapat sa tunay na buhay.
Tayahin
Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng
pagkatuto mula sa natamong kasanayan.
Karagdagang
Magbibigay ng karagdagang pagsasanay upang
Gawain
malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral.

4
Susi sa Pagwawasto
Mga kasagutan sa anumang pagtataya,
pagsasanay at mga Gawain.
Sa huling bahagi ng modyul na ito matatagpuan ang:

Ito ay talaan ng lahat ng pinagkukunang


Sanggunian ginamit sa pagpapaunlad ng modyul na
ito.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:

 Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag maglagay ng


mga hindi kinakailangang mga marka sa anumang bahagi
nito. Gumamit ng ibang piraso ng papel sa pagsagot sa mga
Gawain.

 Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago magpatuloy sa


mga sumusunod na gawaing napaloob sa modyul.

 Basahing mabuti ang panuto bago isagawa ang Gawain.

 Panatilihin ang katapatan at integridad sa paggawa ng mga


Gawain at suriin ang iyong mga sagot.

 Tapusin ang Gawain bago magpatuloy sa susunod.

 Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro kapag natapos mo na.

Kung ikaw ay nakararanas ng kahirapan sa pagsagot ng mga Gawain sa


modyul na ito, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro. Laging
pakaisipin na hindi ka nag-iisa.

Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng module na ito, mararanasan moa ng


makabuluhang pagkatuto at makamit ang malalim na pang-unawa sa mga
nauukol na kasanayan.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay upang
matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan

5
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang
masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring mabago ang
pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon

 Aralin 8 – Memorandum

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:


 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
pagsulat ng memorandum.
 Nakasusulat nang maayos na memorandum.

Subukin
Panuto:
Panuto: PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG: Isulat ang
TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang
katotohanan.
__________1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran
tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon,gawain, tungkulin, o utos.

__________2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.

__________3. Ayon kay Bargo (2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa
layunin.

__________4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya,


institusyon,o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at
maging ang bilang ng numero ng telepono.

__________5. Ang detalyadong memo ay kailangang nagtataglay ng sumusunod ;


sitwasyon, problema at solusyon lamang.

Memorandum o Memo
Aralin

6
Tuklasin

Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for
the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang
nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang
layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa
mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang
layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang
isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging
malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon
sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang
memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang
pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin
na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito
rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang
balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014),
ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang
gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:

 Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o


impormasyon
 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa
purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling
sa marketing at accounting department

Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum
ayon sa layunin nito.

a. Memorandum para sa kahilingan


b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat


magtalay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay
hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).

1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o


organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging
ang bilang numero ng telepono.

2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao


o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na
memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinaguukulan nito. Kung ang
tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay
rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng.,
Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.

7
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang
ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento
kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na
nakapapormal ang memong ginawa.

4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o


30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na
salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon
upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at
tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang


detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi
lahat ng memo ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang .

7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa


ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay …

Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o


pagbibigay ng kabatiran.

Academy of Saint John

8
La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
(046)4376775

MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang

Mula Kay: Nestor S. Lontoc


Registrar, Academy of Saint John

Petsa: 25 Nobyembre 2018

Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda


sa Disyembre 12, 2018. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na
ito.

Sa darating na sabado, Disyembre 5, 2018 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng


rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

Oras Asignatura Guro


08:00-10:00 Filipino Bb. Reyes
10:00-10:30 Malayang Sandali
10:30-12:30 Araling Panlipunan G. Nieras
01:30-02:30 Matematika G. Pineda

Suriin

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang


mga katanungan ukol dito. Isulat ang sagot sa bakanteng espasyo sa ibaba.

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum?

9
2. Ano-anong ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng memo?

Pagyamanin

Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________


Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang


pagsunod sa mga paalala at hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang
maging maayos , malinaw at mabisa ang gawain. Ngayon, ayusin sa wastong
pormat ang mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat ito sa loob
ng kahon sa ibaba o gumamit ng isang buong bond paper.

 Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

10
a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na


makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang
pangwika at sibiko; c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na
pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa

 Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang


ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31
ng Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big.
1041, s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng
Karunungan.

 Sgd.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC

Kalihim

 Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

 Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon ,Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

 Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga


sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at
Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

 2016 Buwan ng Wikang Pambansa

 Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016

 Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at


magsisilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isagawa sa
isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos ayon sa
pagkakasunud-sunod upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa
pagpaplano ng programa.

 Para sa iba pang detalye o impormasyon , mangyaring makipag-


ugnayan sa:
Komisyon ng Wikang Filipino(KWF)
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel , Maynila
Telepono; (02) 736-2525-; (02) 736-2524 ; (02) 736 -2519
Email: komfil@kwf.gov.ph

Website:www.kwf.gov.ph

11
 Kagawaran ng Edukasyon Ultra Complex , Meralco Avenue
Pasig City ,Metro Manila Philippines

 Enero 18,2016

12
Isaisip

Panuto: PAGBUBUOD : Isulat sa isang talata ang kabuuan ng kaalamang


naibabahagi sa iyo sa araling ito. Isulat ito sa loob ng kahon.

13
Isagawa

Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto; PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang


pangulo sa inyong klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng
isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang memorandum para sa klase
sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga
patakarang susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-
19 Pandemya. Isulat ito sa bondpaper.

14
Pamantayan Punto
s
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 10
memorandum .

Kompleto ang bahagi ng memorandum na nabuo at 10


nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol dito.

Nakakasulat ng memorandum nang maingat ,wasto at angkop 10


ang paggamit ng wika.

Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa 10


memorandum.

Kabuuang puntos 40

Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng


aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________


Guro:_______________________________________Asignaturat:_____________________

Panuto: PAGTUKOY SA KATANGIAN NG MEMORANDUM: Suriin ang kahulugan,


kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Memorandum . Isulat ito sa tsart.

Memorandum

Kahulugan

15
Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)

Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. Tama

2. Tama

3. Mali

4. Tama

5. Tama

16
Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix
Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016
Edition

17
18
Aralin 9: Adyenda

Resulta ng Pag-aaral:
 Nakasusulat nang maayos na adyenda.
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng pagsulat ng adyenda.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

19
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay upang
matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang
masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring mabago ang
pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon

 Aralin 9 – Adyenda

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:


 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
pagsulat ng memorandum.
 Nakasusulat nang maayos na adyenda.

20
Subukin
Panuto: HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA: Basahin ang lahat ng mga
pahayag bago ito sagutin. Gamitin ang bilang 1-5 sa pagpapakita ng wastong
pagkakasunod-sunod nito.

_____ Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng


mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging
sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-
table format kung saan makikita ang adyenda o paksa,

_____ Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay


isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak
na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.

_____ Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

_____ Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng


kanilang pagdalo o kung email naman kung kinakailangang magpadala sila ng
kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo ,mangayaring ipadala
o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at
magingang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong
naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri
kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.

_____ Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang
araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng
pulong at kung kailan at saan ito gaganapin.

21
Adyenda
Aralin

Tuklasin

Pagsulat ng Adyenda

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga


paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong
adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.

Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong


kabahagi bago isagawa ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong:

1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:


a.mga paksang tatalakayin

b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa

c.oras na itinakda para sa bawat paksa

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-


sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang
mga ito.

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak


na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na


maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga


paksang tatalakayin sa pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay


isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang
tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng


kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala
sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo,
mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang

22
concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na
kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng


mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging
sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o
naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong
magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong
naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at
mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong.

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang
araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin
ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

Ilang halimbawa ng format ng pagsulat ng adyenda.

23
Suriin

24
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa .Sagutin ang
mga katanungan ukol dito. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Ano ang Adyenda?

2.Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong kung walang inihahandang


Adyenda?

3. Nauugnay ba ito sa ibang akademikong sulatin na natalakay na? Ipaliwanag.

25
Pagyamanin

Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________


Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: Gumawa ng listahan o simpleng adyenda ng mga bagay na kailangan


mong gawin sa araw na ito simula umaga hanggang hapon. Isulat sa pinakauna
ang pinakamahalaga at dapat mong matapos. Isulat ito sa loob ng kahon.

Halimbawa:

7:30 n.u. – 11:30 n.u. Mag-aral at sagutan ang modyul

Isaisip

26
Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________
Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang bawat titik ng agenda upang ipakita ang
kabuuang kahulugan nito. Isulat ang sagot sa nakahandang espaso.

A–

G–

E–

N–

D–

A–

Isagawa

27
Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto:

Halimbawang ikaw ay Presidente ng isang organisasyon sa inyong lugar o


maging sa paaralan, sa iyong kauna-unahang pagpapatawag ng pulong, maglista
ng mga nais mong pag-usapan ng organisasyon. Ayusin ang itatalang aytem
ayon sa kahalagahan nito. Isaalang-alang na isang oras lamang ang itatagal ng
pulong. Isulat ito sa loob ng kahon.

Rubrik sa Paggawa ng Adyenda

Pamantayan Pinakamahusay Katamtamang Kailangan pang


Husay Paghusayin
10 8 6
Kalinawan Maikli ngunit Espesipiko ngunit Gumamit ng
nauunawaan nang hindi gaanong maraming salita at
husto ng malinaw ang mga hindi napupunto
mambabasa ang ideya. ang mahalagang
ginawang ideya.
adyenda.
Kahalagahan ng Nakatala ang Maraming Maraming punto
Pokus mahahalagang nakuhang punto ang hindi naitala
punto at nakaayos ngunit may ilang
ayon sa nakaligtaan.
kahalagahan nito.
Panahon ng Itinala ang mga Maraming punto Hindi napag-isipan
Pagsasagawa deadline o palugit ang naitala ngunit ng pagsasagawa
sa pagsasagawa. may ilang hindi ng mga itinalang
akma ang tagal ng adyenda.
panahon ng
pagsasagawa.

28
Tayahin

29
Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng
aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________


Guro:_______________________________________Asignaturat:_____________________

Panuto: PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ilapat ang Hanay A- Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Adyenda sa Hanay B . Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang .

A-Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Adyenda B-


Paliwanag

1.__ Tiyaking ang bawat dadalo sa A.Tiyakin na nasusunod ang itinakdang oras
pulong ay nakatanggap ng sipi ng para sa mga adyenda o paksang tatalakayin.
mga adyenda.

2.__ Talakayin sa unang bahagi ng B.Ang pagsunod sa oras ay nagngangahulugan


pulong ang higit na mahahalagang ng pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama .
paksa.

3.__ Manatili sa iskedyul ng agenda C.Ginagawa ito upang matiyak na kung


ngunit maging flexible kung kulangin man ang oras para sa
kinakailangan. pagpupulong ay natalakay na ang
importanteng paksa.

4.__ Magsimula at magwakas sa D.Makatutulong nang malaki kung nakahanda


itinakdang oras na nakalagay sa na rin kasama ng adyenda ang mga
sipin ng Adyenda. kakailanganing dokumento para sa mga paksang
nangangailangan ng estadistika at
kompyutasyon upang mas madali itong
maunawaan ng lahat at walang masayan na
oras.

5.__ Ihanda ang mga kakailanganing E.Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat
dokumento kasama ng adyenda . taong dadalo sa pulong ay may sapat na
kaalaman hinggil sa mga paksang paguusapan.

30
Susi sa Pagwawasto

Subukin
3
1
5
2
4

Tayahin

1. E
2. C
3. A
4. B
5. D

31
Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix
Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store
2016 Edition

32
Aralin 10: Katitikan ng Pulong

Resulta ng Pag-aaral:
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang
pulong
upang makabuo ng sintesis sa napagusapan.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

33
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay upang
matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang
masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring mabago ang
pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon

 Aralin 10 – Katitikan ng Pulong

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:


 Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis sa napag-usapan.

34
Subukin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Basahin nang maayos ang katanungan
at piliin ang titik ng angkop na sagot.Isulat ito sa patlang.

___1.Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o


pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.
A. Memo B. Adyenda C. Memorandum D.katitikan
ng pulong

____2.Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal,


obhetibo, organisado,sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng
mahahalagng detalyeng tinalakay sa pulong.
A.Katangian B.Kahulugan C.Gamit D.kahalagahan

____3.Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o


kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.
A.Usaping napagkasunduan B. Heading C.Kalahok D.Lagda

____4. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging
ito.
A. Patalastas B.Iskedyul C.Pagtatapos D. Lagda

____5. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon,


pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang
layunin nito.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong

____6. Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong
nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng
botohan.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong

____7. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng
katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D.Sa pagsimula ng Pulong

____8 .Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ang lahat ng detalyeng


napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong
nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-
ayon sa mosyong isinagawa.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan
C. Resolusyon ng katitikan D. Sanaysay ng katitikan
____9.Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nakasaad lamang sa
katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na
itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga
sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan
na … Napagtibay na..
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan
C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan

35
____10. Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na isinalaysay lamang ang
mahahalagang ng detalye ng pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang
legal na dokumento.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan
C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng Katitikan

36
Katitikan ng Pulong
Aralin

10

Tuklasin

Katitikan ng Pulong

Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan


o napagkasunduan . Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na
katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo,
organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at
mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal at legal na
kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa
susunod na pagpaplano at pagkilos.

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

1. Heading
Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o
kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.

2. Mga Kalahok o dumalo


Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga
panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay
nakatala rin dito.

3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong


Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o
may pagbabagong isinagawa sa mga ito.

4. Action items o usaping napagkasunduan


Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay .
Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay
ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.

5. Pabalita o patalastas
Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng
mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay
sa bahaging ito .

37
6. Iskedyul ng susunod na pulong
Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na
pulong.

7. Pagtatapos
Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong

8. Lagda
Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.

Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan


ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga
napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat
lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa
pagsasagawa nito.

Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014),
ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang :

1.Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong


2.Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4.Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5.Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading
7.Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng
pulong

Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


1.Ulat ng katitikan

– ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang


pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan
ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.

2.Salaysay ng katitikan

– isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri


ay maituturing na isang legal na dokumento.

3.Resolusyon ng katitikan

-Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng


samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at
maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “
Napagkasunduan na … Napagtibay na..

38
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything
Practice
Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng
pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang
pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong .

Bago ang Pulong –

 Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang


pagpupulong tulad notebuk, papel ,bolpen , lapatop ,recorder
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o
balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa
bawat paksa.

Habang Isinagawa ang Pulong

 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan


ito ng bawat isa.
 Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang
magsasalita sa pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala ang mahalagang ideya o puntos.
 Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong
nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta
ng botohan.
 Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at
pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.

Pagkatapos ng Pulong

 Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos


habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon,
pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang
layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna
sa pagpapadaloy ng pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong
pangalan.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa
kinauukulan pasa sa huling pagwawasto nito,
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna
sa pagpapadaloy nito.

Suriin

39
Panuto: PAGSAGOT SA MGA KATANUNGAN: Basahin ang mga katanungan at
sagutin ito nang maayos at obhetibo. Isulat ang sagot sa nakahandang espasyo.

1. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Katitikan ng


pulong?

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsulat ng katitikan ng pulong bilang


bahagi ng akademikong sulatin? Ipaliwanag.

Pagyamanin

40
Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________
Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: KATITIKAN NG PULONG: Basahin at unawain ang halimbawa ng


katitikan ng pulong at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa
nakahandang espasyo.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
Generel Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat


Kagawaran Disyembre 5,2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School

Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap ng ika-9:00 n.u.

Tagapanguna: Daisy T. Romero (Prinsipal)

Bilang ng mga Taong Dumalo

Mga Dumalo:(11) Daisy Romero, Joselito Pascual, Atty.Ez Pascual, Nestor


Lontoc, Victoria
Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas, Gemma Abriza,
Evangeline Sipat, Ricardo Martinez
Mga Liban (4), Joel Ceniza, Vivin Abundo, Sherlyn Fercie, Onie Ison

I.Call to order:
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa
pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat.

II.Panalangin:
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat

III.Pananalita ng Pagtanggap :
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang
tagapanguna ng pulong.

IV.Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong:


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7,2015 ay
binasa ni Gng. Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan
ni G. Richard Pineda at ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor S. Lontoc.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong:

41
Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

VI.Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay
nagkakahalaga ng tatlumpung milyong piso ngunit may halagang tatlong
milyong piso na dapat bayaran sa darating ng buwan.

VII. Pagtatapos ng Pulong


Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang tatakayin at
pag-usapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na lasa 12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng susunod na pulong


Disyembre 15,2015 sa Conference ng Academy of Saint John ,9;00 n.u.

Inihanda at isinumite ni:

Clea L. Bulda

Mga Katanungan:

42
1. Anong uri/ estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong ang nabasang
halimbawa?

2. Ang katitikan ng pulong na iyong nabasa ay naisulat ba nang obhetibo,


organisado at sistematiko? Ipaliwanag.

3. Nasunod ba ang mga pamatnubay at paraan ng pagsagawa ng pulong


ayon sa ginamit na adyenda?

Isaisip

43
Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________
Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: PAGBUBUOD: Ibuod ang kabuuang kaalaman tungkol sa aralin sa


isang talata lamang. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Isagawa

44
Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto: PANONOOD NG VIDEO NG ISANG PAGPUPULONG SA YOUTUBE o


PAGSALI SA ISANG PAGPUPULONG SA LOOB NG KLASRUM O SA PANGKAT
NG KABATAAN BARANGAY O IBA PA.

Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng


pulong sapagkat ikaw ay nataasang kumuha ng katitikan ng pulong mula sa
panoorin pagpupulong sa video sa link na ito .

https://www.youtube.com/watch?v=icg5z8cyx-4 o mula sa nadaluhan mong


pagpupulong sa loob ng inyong klasrum o sa pangkat ng kabataang barangay o
iba pang papupulong. Pagkatapos nito ay bumuo ng isang sintesis/katitikan
ng pulong batay sa pulong na napanood o nadaluhan. Isaalang-alang sa
paggawa ang lahat ng bagay na natutunan sa araling ito, gayundin ang
pamantayan na makikita sa ibaba. Isulat ito sa nakahandang espasyo sa loob
ng kahon.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan 10
ng pulong at sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at nakapagbibigay 10
ng komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingat, wasto at 10
angkop ang paggamit ng wika.
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop 10
ang sintesis na nabuo.
Kabuuang puntos 40

45
Tayahin

46
Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng
aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________


Guro:_______________________________________Asignaturat:_____________________

Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng


iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem.
Pumili ng sagot sa loob ng panaklong at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

(Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong)

_________1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.


_________2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_________3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_________4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalayin sa
pulong.
_________5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_________6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na
tatalakayin sa pulong.
_________7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa
pinakamahalaga hanggang sa simpleng usapin.
_________8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_________9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na
alituntunin.
_________10.Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_________11.Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng
pulong ang higit na mahalagang paksa.
_________12. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung
anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
_________13. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat
isakatuparan gaya halimbawa sa pagdalo sa isa pulong.
_________14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda
ngunit maging flexible kung kinakailangan.
_________15. Buuin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa
pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. D

47
2. A
3. B
4. A
5. C
6. B
7. A
8. A
9. C
10.B

Tayahin
1. Katitikan ng Pulong
2. Memorandum
3. Katitikan ng Pulong
4. Adyenda
5. Memorandum
6. Adyenda
7. Adyenda
8. Adyenda
9. Memorandum
10.Katitikan ng Pulong
11.Adyenda
12.Katitikan ng Pulong
13.Memorandum
14.Adyenda
15.Katitikan ng Pulong

Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix
Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016
Edition

48
49
1
2

You might also like