You are on page 1of 28

Pagbasa at Pagsusuri

SHS sa Ibat Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik

29
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t
Ibang Uri ng Tekstong Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Niňo T. Cansicio
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

30
Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pagtukoy ng Kahulugan at
Katangian ng Mahahalagang
Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang
Uri ng Tekstong Binasa

31
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik -FILIPINO 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan,
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

32
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik -FILIPINO 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon, at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

33
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

34
Week

1
Alamin

Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labing-
isa ng Senior High School sa Taong Panuruan 2020-2021. Ito ay kinapapalooban ng
Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin,
at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-
aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang
kasanayan sa pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t


ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang


uri ng tekstong binasa
2. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri
ng tekstong binasa
3. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uri ng
tekstong binasa

Ako si Titser O na iyong makakasama. Naríto ako upang


tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na
makatutulong sa iyong pag-unlad.

35
Subukin

Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa


COVID-19 sa tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

___________ 1. Unang kawal


___________ 2. Pangkaraniwan

___________ 3. Daglat ng General Community Quarantine

___________ 4. Paglayo-layo ng mga tao

___________ 5. Bago sa pangkaraniwan


___________ 6. Pananatili sa isang lugar

___________ 7. Paghuhugas ng kamay

___________ 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment


___________ 9. Likidong panlaban sa COVID-19

___________ 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit

___________ 11.Pagtulong ng walang inaasahang kapalit


___________ 12.Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno

___________ 13.Daglat ng Modified Community Quarantine

___________ 14.Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig


___________ 15.Paglakas ng katawan galing sa sakit

B F R O N T L I N E R A N P
A E P E D E M Y A C O Y C A
Y N O R M A L M C Q S U K G
A D R O P L E T D U Q D S G
N S O C I A L M A Y C A A A
I D I S T A N C I N G M M L
H H A N D W A S H F E C E I
A N E W N O R M A L P Q C N
N A L C O H O L H K P N A G
G Q U A R A N T I N E T F T

36
Pagtukoy ng Kahulugan at
Aralin Katangian ng Mahahalagang
2 Salitang Ginamit ng Iba’t
Ibang Uri ng Tekstong Binasa

Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa


diksiyunaryo tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring
pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang
pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan
ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.

Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o


nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang
banda, kapag mali ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang
pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung
ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng
salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong
bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa,
pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita.
Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay
sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa
susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na
sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito.

Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan nito upang maidagdag sa


kaalaman sa talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o
anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindi
sariling pag-aari ang aklat, gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang
nabasa.

May hindi ka ba naintindihan?


Magbigay ng mensahe sa iyong guro upang sa gayon matulungan ka
niya!

37
Balikan

Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng wastong
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ang uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming
bagay na may pinagbabatayan.
A. Impormativ
A. Narativ
B. Persweysiv
C. Prosijural

2. Ang uri ng tekstong ito na tumutukoy sa pagsasalaysay na isinulat o ikinuwento


ang mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon.
A. Impormativ
B. Narativ
C. Persweysiv
D. Prosijural

3. Ang uri ng teksto na nagbibigay kung paano gumawa ng isang bagay o kaya’y
maisakatuparan ang mga hakbangin.
A. Impormativ
B. Narativ
C. Persweysiv
D. Prosijural

4. Ang uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Binubuhay nito


ang imahinasyon ng sinomang babasa ng teksto.
A. Impormativ
B. Narativ
C. Deskriptiv
D. Prosijural

5. Ang uri ng tekstong ito na ang layunin ay mangatwiran.


A. Impormativ
B. Argyumenteytiv
C. Deskriptiv
D. Prosijural

Mahusay! Natukoy mo ang mga paksa. Ngayon, iyong tuklasin at


basahin ang isang tula na ginawa ko. Para sa iyo yan!

38
Tuklasin

TEKSTONG IMPORMATIV

NEW NORMAL
ni Niňo T. Cansicio

Binago ng COVID-19 ang ating buhay,

Dati rati’y hindi sanay maghugas ng kamay,


Ngunit ngayo’y napaisip na ito’y kailangan,

Isang kaugalian na resulta ng New Normal.

New Normal na nakasentro sa kalusugan,

Prayoridad ang pagpapalakas ng katawan,

Upang matiyak na kayang labanan,


Ang anomang uri ng virus na di natin namamalayan .

Kahit edukasyon malaki ang pinagbago,


Maraming nagsulputan sa pagkatuto,
Nariyan ang distance learning na modular,

Na tiyak lahat ay makikinabang.

Kahit magwakas ang pandemyang ito,

Leksiyong naiwan, hindi malilimutan,

Pinasingkad ang kamalayan sa kalusugan,


Nagkaroon ng bagong kultura at kagawian.

39
Gabay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong bilang pag-unawa sa tekstong binasa. Kopyahin
ang tanong at sagutan sa inyong sagutang papel.

1. Ano-anong mga salita sa loob ng teksto ang hindi mo masyadong naunawaan?

__________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo?


__________________________________________________________________________________

3. Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto?

__________________________________________________________________________________
4. Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan
mo ito ng kahulugan?

__________________________________________________________________________________
5. Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong
naunawaan?

__________________________________________________________________________________

Kumusta ka na? Natapos mo ba ang mga gawaing inilaan ko


para sa iyo? Kung hindi pa, tapusin na ‘yan para
makamove- on ka na!
Masaya akong natapos mo ito kaya simulan mo na itong
kasunod!

40
Suriin

Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao
upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang
mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may
sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o
kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o
pahayagan.
Halimbawa :
pambihira - katangi-tangi
2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng
magkatulad na kahulugan
Halimbawa :
Paghanga- pagmamahal
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa :
Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw,
minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan
ay nakararanas ng ginhawa.
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't
ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
Halimbawa :
Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang
pagtingin sa kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
salitang ginamit.
Halimbawa :
Di-maliparang uwak – malawak

41
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay
sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga
salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.

A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit


ng nakararami.

1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at


pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa:

asawa, anak, tahanan

2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing


manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.

Halimbawa:

Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan


B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang-
araw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan,


makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:

Papanaw ka na? (Aalis ka na)


Nakain ka na? (Kumain ka na)

Buang! (Baliw)

2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang


kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Meron - Mayroon

Nasan - Nasaan

Sakin - sa akin
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang
antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:

Chicks (dalagang bata pa)


Orange (bente pesos)

Pinoy (Pilipino)

42
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo


Halimbawa:

Gurang (matanda)

Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga

Halimbawa:
Epek (effect)

Futbol (naalis)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog

Halimbawa:

Buwaya (Crocodile)

Bata (Child/Girlfriend)
Durog (powdered/high in addiction)

Papa (father/lover)

4. Pagpapaikli
Halimbawa:

Pakialam - paki

Malay ko at pakialam ko -ma at pa


Anong sinabi -ansabe

Anong nangyari -anyare

5. Pagbabaliktad
Halimbawa:

Etneb- bente

Kita- atik
Ngetpa- panget

Dehin- hindi

43
6. Paggamit ng Akronim

Halimbawa:
PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine

PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay

AWIT- AW ang sakIT


7. Pagpapalit ng Pantig

Halimbawa:

Lagpak / palpak -Bigo


Torpe / Tyope /Torpe -naduwag

8. Paghahalo ng Salita
Halimbawa:
Bow na lang ng Bow

Mag-MU

Mag-jr (joy riding)


9. Paggamit ng Bilang

Halimbawa:

45-Baril
143- I love you

50/50- naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:

Puti - isputing

Kulang -kulongbisi
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)

Halimbawa:

Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino

Halimbawa:

Pino -Pinoy
Mestiso-Tiso-Tisoy

44
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad

Halimbawa:
Pantalon-Talon-Lonta

Sigarilyo-Siyo-Yosi

14. Panghihiram at pagpapaikli


Halimbawa:

Security -Sikyo

Brain Damage - Brenda


15. Panghihiram at Pagdaragdag

Halimbawa:
Get -Gets/Getsing

Cry -Crayola

Tandaan na may mga paraan kung paano


mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.

45
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang kahulugan at katangian ang


mahahalagang salitang ginamit sa teksto.

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng


bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay
makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang
maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng


mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay

Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit


ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon
at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang


hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring
hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang
virus sa mata, ilong, at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng
hand sanitizer na may alkohol.

46
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig

Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang


hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at
iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong


makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay,
naililipat ang virus sa mata, ilong, at bibig at maaaring pumasok sa katawan at
magdulot ng sakit.

3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing

Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay


sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito
ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o
tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na
tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing,


tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na
maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng
mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong
kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet
sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may


lagnat o ubo

Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong


edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng
altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser.
Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa
iyo at sa kung sinomang may lagnat o ubo.

47
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na
lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas
sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro)
mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinomang may iba pang may sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit


Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang
sakit, kahit sinat at ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa


trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng
sakit sa ibang tao.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad


ngunit tawagan mo muna ang health facility

Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga,


magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna
sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka
pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang


payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan
mong makahawa sa iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad


Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa
COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang
mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health
Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay
alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula
ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

48
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong
impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas
nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang
maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.

Sanggunian: “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at


ang iba laban sa COVID19,” World Health Organization, nakuha noong Mayo
25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/
pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-
sa-covid-19

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang


teksto. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may
alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
A. Palagian
B. Malimit
C. Mabilisan
D. Lahat ng ito

2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.


A. Hindi alam
B. Wala sa katinuan
C. Hindi apektado
D. Wala sa nabanggit

3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang


respiratory hygiene.
A. Pagtakip ng ilog at bibig
B. Paghuhugas ng paa
C. Pagpapahinga
D. Pagpapapawis

4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas


mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig
B. Talamsik ng tubig sa kanal
C. Tulo ng tubig sa gripo
D. Patak ng ulan sa bubong

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo
lang.
A. Pagtigil C. A at B
B. Pagpirmi D. Paghinto

49
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa
teksto. Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay
maituturo sa tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

2. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa


mapagkakatiwalaang awtoridad.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

3. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi


malalang sintomas at gagaling.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

4. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay,


kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

5. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-


19 sa lagnat at tuyong ubo.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

Mahusay!
Nalampasan mo ang mga gawain na ibinigay ko.
Binabati Kita!

50
Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang


makabuluhang pahayag ukol sa pagpapatukoy ng kahulugan at katangian ng isang
salita sa loob ng pangungusap. Piliin ang mga mahahalagang salita na maaaring
gamitin sa loob ng pangungusap. Isulat ang sagot sa nakahiwalay na papel.

Hindi sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa


1.__________ tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring
gumawa ng tentatibong 2.___________sa maaaring kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Tukuyin din kung ano ang
3.__________ ng salita halimbawa kung ito ay pormal at di pormal. 4.__________
ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng
pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi
pa rin makuha ang 5.__________, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding
tumingin sa 6__________ ng aklat kung mayroon ito. Ang malawak na
pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na
maging mahusay at 7.__________ ang pakikipagkomunikasyon. Ang
kaantasan ng wika ay nahahati sa dalawa, ang pormal at 8.___________. Ang
mga uri ng pormal na wika ay 9__________at Pampanitikan. Samantala ang
impormal na wika ay Lalawiganin, Kolokyal at 10.__________.

Mga Mahahalagang Salita


balbal
diksyunaryo
di pormal
hulaan
epektibo
kahulugan
glosari
katangian
pambansa
paghihinuha

51
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong sarili, pamilya,


komunidad, bansa, at daigdig na kinakaharap ang problema kaugnay ng
pandemyang COVID-19. Salungguhitan ang mahahalagang salita na ginamit sa loob
ng teksto, Tukuyin ang kahulugan at katangian nito. Gawin ito sa isang malinis na
papel.
Rubrik sa Pagsulat
Pamantayan Mahusay Katamtaman Di Gaanong Dapat
(4) (3) mahusay Pagbutihin
(2) (1)
Pagpili ng Napakahalaga Napakahalaga Di gaanong Walang halaga
Pamagat sa sarili, sa sarili, mahalaga sa sa sarili,
pamilya, pamilya, sarili, pamilya, pamilya,
komunidad, komunidad, komunidad, komunidad,
bansa, at bansa, at bansa, at daigdig bansa, at
daigdig ng daigdig ng ang napiling daigdig ang
napiling paksa napiling paksa paksa at hindi napiling paksa
at tunay itong at rin gaanong at hindi rin
napapanahon napapanahon napapanahon napapanahon
Nilalaman Napakamakab Makabuluhan Di gaanong Walang
u-luhan ang ang mga makabuluhan kabuluhan
mga salitang salitang ang mga salitang ang mga
ginamit sa loob ginamit sa ginamit sa loob salitang
ng sulatin, loob ng ng sulatin. ginamit sa
Natukoy ang sulatin. Walang natukoy loob ng
kahulugan at Natukoy ang na kahulugan at sulatin. Hindi
katangian. kahulugan katangian. natukoy ang
ngunit hindi kahulugan at
ang katangian. katangian.
Organisasyon Napakalinaw at Malinaw at Di gaanong Hindi malinaw
ng kaisipan napakalohikal lohikal ang malinaw at at walang
ng ugnayan ng ugnayan ng lohikal ang ugnayan ang
mga kaisipan. mga kaisipan. ugnayan ng mga mga kaisipan
kaisipan. at kulang sa
paliwanag.

52
Kawastuang Walang maling May ilang Di-gaanong Maraming
panggramatik baybay ng mga maling baybay maraming maling baybay
a salita, bantas, ng mga salita, maling baybay ng mga salita,
at bantas, at ng mga salita, bantas, at
kapitalisasyon kapitalisasyon bantas, at kapitalisasyon
at atbp. at atbp. kapitalisasyon at at atbp.
atbp.
Gamit ang Gumamit ng Gumamit ng Di-gaanong Walang
mga pahayag maraming sapat na gumamit ng ginamit na
na nagbibigay pahayag sa pahayag sa pahayag sa pahayag sa
impormasyon pagbibigay pagbibigay pagbibigay pagbibigay
impormasyon impormasyon impormasyon impormasyon
Bisa sa mga Napanghahawa Napanghahaw Di gaanong Walang
mambabasa -kan ang a-kan ang napanghawakan napanghawak
interes ng interes ng ang interes ng an na interes
mambabasa sa mambabasa mambabasa ng
buong sulatin sa malaking mambabasa
bahagi ng
sulatin

Mabuhay!
Ikaw ba ay nahihirapan? Alamin ang paraan ng pagkakabuo o
estruktura ng salita upang makuha mo ang tiyak na kahulugan
nito.
Kaya mo ‘yan…

53
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa


iba’t ibang tekstong binasa. Gawin ito sa isang malinis na papel.

1. Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral
sa atin.

2. Buhay pa rin ang Bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga
apps at fund transfers.

3. Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay.

4. Ine-encourage ding gamitin ang cashless payment options via QR code sa mga
groceries bilang contactless way of payment ngayong may epidemya.

5. Updated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa
ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan
kailangan sundin ang physical/social distancing.

6. Nakabubuti din sa atin ang pagiging social media savvy dahil maaari nating
gamitin ito sa paggawa ng mabubuting hangarin o mga advocacies.

7. Epektibo din ito upang maengganyong lumahok ang ibang tao sa inyong pag-
momobilized.

8. Pagkatapos ng krisis na ito, hindi na tayo babalik sa normal nating


pamumuhay.

9. Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating
lahat.

10. Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating
kagustuhang makatulong at tumulong sa ating kapwang nangangailangan.
A. Bago sa pangkaraniwan F. Paggamit ng teknolohiya
B. Hangarin G. Paggawa nang mabuti
C. Kasama H. Paglayo-layo ng mga tao
D. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa I. Pagtulong ng walang inaasahang
isang sakit kapalit
E. Mabisa J. Panahon ng kagipitan o peligro
K. Pangkaraniwan

54
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang
tekstong binasa. Tukuyin kung pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal, at
balbal. Isulat sa wastong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Daayud -____________________

2. Pamalit -_____________________

3. Tulong-Pinansiyal -____________________

4. Ayuda -____________________

5. Soc. Ame.-___________________

Karagdagang Gawain

Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga


salita, kabisahin ang kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang
salitang binigyang kahulugan upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.

Maaaring gumamit ng mga lumang kuwaderno upang doon itala ang lahat ng
mga salita na binigyang kahulugan. Maaaring magtala araw- araw ng limang salita
na binigyan ng kahulugan at gamitin sa sariling pangungusap. Ito ay sisiyasatin ng
guro sa oras na magkita kayo.

Salita Kahulugan Sariling pangungusap

55
Oras na upang balikan ang mga gawaing iyong sinagutan. Nasa
kasunod na pahina ang mga kasagutan sa mga gawaing iyong
ginawa.
Alam mo ba kung ano ang tawag dito?
SUSI SA PAGWAWASTO
Kaya’t ano pa ang ginagawa mo…
IWASTO MO NA!

56

You might also like