You are on page 1of 52

FILIPINO SA PILING

LARANG (AKADEMIK)

SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM

Ramon Magsaysay Memorial Colleges Marbel Incorporated

LV Bldg., Alunan Avenue, Brgy. Zone III, City of Koronadal

1
COURSE
REQUIREMENTS
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK) Gamitin ang modyul nang
may pag-iingat. Huwag
maglagay ng mga hindi o .
TALAAN NG NILALAMAN PAHINA kinakailangang mga
marka sa anumang
Calendar of Activities bahagi nito. Gumamit ng
ibang piraso ng papel sa
Pangkalahatang Alituntunin pagsagot sa mga
Aralin 4: Abstrak 7 Gawain..
Aralin 5: Sintesis o Buod 21
Huwag kalimutang
Aralin 6: Bionote 40 sagutan ang Subukin
bago magpatuloy sa mga
sumusunod na gawaing
napaloob sa modyul.
Basahin ang lahat ng
nakatalagang teksto at iba
pang mga material na
kasama sa bawat aralin.
Maagap na paggawa ng
mga nakatalagang gawain
gaya ng pagganap,
pagsusulit, takdang-aralin,
replektib papers, pag-
uulat, proyekto

Isauli ang modyul sa

iyong guro sa itinakdang
araw ng pagpasa.

2
Aralin 4 : Abstrak

Resulta ng Pag-aaral:
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

3
Panimula
Maligayang pagbati sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ng Senior
High 11/12 Self-Learning Module (SLM)!

Ang modyul na ito ay idinnisenyo upang mabigyan ka ng kasiyahan at

makabuluhang pagkakataon para sa mapamatnubay at malayang pagkatuto na
naaayon sa iyong sariling oras. Makakaya mong maiproseso ang mga nilalaman
ng mga pinagkunang kaalaman at maituturing na isang aktibong mag-aaral.

Ang modyul na ito ay may mga sumusunod na bahagi:

Alamin
Inihanay ang mga layunin sa aralin.
Mahalagang maunawaan ng mga mag-
aaral kung ano ang maaasahan nila sa
aralin
Subukin
Panimulang pagtataya o gawain upang
matukoy ang lawak ng kaalaman ng mag-
aaral ukol sa tatalakaying paksa.
Balikan
Binabalikan ang mga dating kaalaman ng
mga mag-aaral tungkol sa paksa sa bawat
aralin. Mahalagang matukoy ito upang
matiyak na may napadagdag pang
kaalaman.
Tuklasin
Inilalahad dito ang mismong aralin sa
pamamagitan ng kwento, pagsasanay,
tula, awitin, sitwasyon at iba pang
paraan. Ginagalugad dito ang mga
ideyang magkikintal ng mahalagang
kaisipan.
Suriin
Inilalahad dito ang mga tanong na
sumusubok sa pagkaunawa ng mga mag-
aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.
Pagyamanin
Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng
mga gawaing magpapatotoo ng kanilang
natutuhan. Magtitipon sila ng kanilang
likhang mga sulatin at gawain batay sa
natutunan sa aralin.
Isaisip
Patutunayan ng mga mag-aaral ang
karunungan at kaalamang kanyang
natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit, gawain at pagsasanay.
Isagawa
Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at
kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing
replektibo upang mailalapat sa tunay na
buhay.
Tayahin
Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa
antas ng pagkatuto mula sa natamong

4
kasanayan.
Karagdagang
Magbibigay ng karagdagang pagsasanay
Gawain
upang malinang ang kakayahang
pampagkatuto ng mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Mga kasagutan sa anumang pagtataya,
pagsasanay at mga Gawain.
Sa huling bahagi ng modyul na ito matatagpuan ang:

Ito ay talaan ng lahat ng pinagkukunang

Sanggunian ginamit sa pagpapaunlad ng modyul na
ito.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:

 Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag maglagay ng

mga hindi kinakailangang mga marka sa anumang bahagi
nito. Gumamit ng ibang piraso ng papel sa pagsagot sa mga
Gawain.

 Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago magpatuloy sa

mga sumusunod na gawaing napaloob sa modyul.

 Basahing mabuti ang panuto bago isagawa ang Gawain.

 Panatilihin ang katapatan at integridad sa paggawa ng mga

Gawain at suriin ang iyong mga sagot.

 Tapusin ang Gawain bago magpatuloy sa susunod.

 Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro kapag natapos mo na.

Kung ikaw ay nakararanas ng kahirapan sa pagsagot ng mga Gawain sa

modyul na ito, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro. Laging
pakaisipin na hindi ka nag-iisa.

Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng module na ito, mararanasan moa ng

makabuluhang pagkatuto at makamit ang malalim na pang-unawa sa mga
nauukol na kasanayan.

5
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay upang
matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na magamit
sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang
masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso. Maaaring mabago ang
pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon

 Aralin 4 – Abstrak

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

 Nabibigyan ng sariling pagpapakahulugan ang abstrak.

 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong

sulatin.

Subukin
Panuto:
Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
_______1. Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga ibinigay na impormasyon sa
maikling pamamaraan.
a. Buod b. Akademiko
c. Ekspresiv d. Transaksyonal
_______2. Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga
mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa
paksa na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng pag-aaral.
a . Abstrak b. Bionote
c. Rekomendasyon d. Akademiko
______3. Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.
a. Sinopsis b. Resulta
c. Layunin d. Konklusyon
______4. Inilalarawan ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral.
a. Lagom b. Konklusyon
c. Buod d. Bionote
______5. Ang terminong ito sa pananaliksik ay nangangahulugang buod ng isang
sulatin.
a. Bionote b. Sintesis
c. Sanaysay d. Abstrak

6
Abstrak
Aralin

Tuklasin

Ano ang Abstrak?

Abstrak

 Ang terminong ito sa pananaliksik ay nangangahulugang buod

ng isang sulatin.

 Ang pagsusulat muli ng mga pahayag o sulatin sa maikli ngunit

komprehensibong paglalahad.

Ayon sa aklat ni Atanacio H.C. et al., 2009, ang abstrak o halaw ay

pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. Sa mga sulating
pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat,
diyalogo, sanaysay, pelikula at iba pang hinango ang bahagi upang bigyang-diin
ang pahayag o gamitin bilang sipi.

Sa mga sulatin tulad ng tesis o disertasyon, naglalaman ito ng kabuuan

ng buong aklat kasama na ang layunin ng pag-aaral, teryang ginamit,
metodolohiya, resulta ng pag-aaral, konklusyon, at rekomendasyon.

Gayundin, ang abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng

panimula o introduksyon ng isang tesis o disertasyon. Nakatutulong ito sa
mambabasa na malaman agad ang layunin sa isinasagawang pag-aaral.

Ang abstrak ay ginagamit din sa mga papel na inihaharap sa isang

kumperensya. Ginagawa ito dahil hindi naman inilalathala ang buong teksto ng
papel na inihaharap sa kumperensya. Isa rin itong maikling buod na
naglalarawan sa pangunahing ideya o nilalaman ng teksto gaya ng artikulo,
aklat, tesis o disertasyon. (Batay sa aklat ni Astorga, Jr. ER at Nucasa, W.P.,
2010)

Ito rin ay naglalaman ng buod ng iyong pananaliksik, resulta ng

pananaliksik at ang konklusyon ng pananaliksik nang hindi lalagpas sa 200
salita. Mahalagang maingat itong naisagawa dahil ito ang karaniwang binabasa
ng mga taong interesadong mabasa ang ginawa mong pananaliksik (Research
paper outline na hango sa aklat ni Bernales et al., 2013)

7
Sa higit na ikalilinang ng pagsulat ng abstrak sa pananaliksik, gawing
gabay ang mga sumusunod na terminolohiya:

Buod

 Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga ibinigay na impormasyon sa

maikling pamamaraan. (Hango sa aklat ni Bernales et al., 2013)

Layunin ng Pag-aaral at Kahalagahan ng Pag-aaral

 Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon

nito sa napiling larangan. Gayundin kung sino ang makikinabang at ang
posibleng implikasyon ng pag-aaral. (Batay sa aklat ni Astorga, Jr. E.R at
Nucasa, W.P., 2010)

Resulta

 Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral

Konklusyon

 Inilalarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay rin

ang mahalagang natutunan o nabuo mula sa pananaliksik. Karaniwang
sumasagot sa mga tanong o haypotesis na ibinibigay sa panimula ng
sulating pananaliksik.

Rekomendasyon

 Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga

mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik
sa paksa na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng pag-aaral.

8
Halimbawa ng Abstrak

Ang Social Network sa Facebook ng mga

Taga-Batangas at ng mga Taga-Laguna:
Isang Paghahambing
Jaderick P. Pabico*
At Jose Rene L. MicortUnibersidad ng Pilipinas Los Banos
College 4031, Laguna

Ang online social networking (OSN) sa Internet ay kasalukuyang may

malaganap na impluwensya sa buhay ng mga Pilipino, kung saan ang
Facebook, Twitter, LinkedIn, Google+, at Instagram ay ilan sa mga sikat. Ang
kasikatan at pagiging madaling magamit ng mga OSN ay nagbigay daan para
ang personal na impormasyon katulad ng kasarian, gulang, pook na
tinitirahan, estadong pang-sibil at mga listahan ng mga kaibigan ay maging
pampublikong kaalaman. Dahil dito, sa tulong ng paggamit ng kompyuter,
napapadali ang pag-aaral sa mga katangian ng mga populasyon sa mas
malawak na iskala, kahit kasing lawak ng mga lalawigan.

Bukod sa sila ay magkalapit pook, ang mga mamayan ng dalawang lalawigan

ng Laguna at Batangas ay parehong nabibigyang buhay ng dalawang lawa,
ang mga lawa ng Lagunade Bay at ng Taal. Magkatulad din ang kanilang mga
suliranin, halimbawa sa fish kill. Nais malaman ng pagsasaliksik na ito kung
ang kanilang mga populasyon sa Intetrnet, partikyular na ang Facebook, ay
magkahambing din. Sa pamamagitan ng computational dynamic social
network analysis (CDSNA), napag-alaman na ang dalawang pamantayan ay
magkatulad sa mga sumusunod (Bukod sa iba pa):

 Ang populasyon ay dominado ng mga kabataang babae na walang asawa o

karelasyon.
 Kapansin-pansin ang homophily sa pagpili ng ka-friend sa pamamagitan ng
gulang (mas madali silang maging magkaibigan kung hindi mas mataas mula
sa lima hanggang sampung taon ang agwat ng mga gulang nila); at
 Heterophily naman ang mapapansin sa pagpili ng ka-friend kung ang basehan
ay ang kasarian (mas maraming relasyon ang nabubuo sa pagitan ng isang
babae at isang lalaki kesa sa pagitan ng dalawang babae o lalaki). Ilalahad din
ng diskursong ito ang pagkakaiba sa istruktura ng dalawang social network,
kabilang na ang mga sukat nito katulad na lamang ng degree of separation at
preferential attachment.

http://arxiv.org/pdf/1507.02770.pdf

9
10
11
12
Pagyamanin

Pangalan:___________________________________Grade & Seksyon:____________

Guro:________________________________________Subject:_____________________

Panuto: PAGSAGOT SA TANONG.. Basahing mabuti ang tanong. Isulat sa

patlang ang sagot.

 Ano ang abstrak? Bigyan ng sariling kahulugan ayon sa napag-aralan at

natutunan.
________________________________________________________________________________

____________.
 Paano makatutulong ang isang abstrak ng isang teksto sa isasagawang
pagbasa ng isang partikular na babasahin o aklat?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________.

13
Isaisip

Panuto: Pagbubuod sa natutunan:

Sumulat ng isang talatang may lima o higit pag pangungusap na magbubuod o

magsisilbing abstrak sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin na ito.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________.

Rubriks
Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang
husay Paghusayan
10 7 4
Ikli Maikli ang abstrak Maikli ngunit Gumamit ng
ngunit hindi gaanong maraming salita at
nauunawaan nang nauunawaan nang hindi napupunto
lubos ang isinulat lubos ang isinulat. ang mahalagang
na buod. ideya.
Linaw May lubos na Medyo mahirap Malabo at malayo
kalinawan ang unawain ang ang ideyang
isinulat na isinulat na isinulat.
abstrak abstrak

14
Isagawa

Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto: Pumili ng isang akda o pelikula na iyong nagustuhan, idikit ang

larawan ng napiling akda at sumulat ng abstrak tungkol dito. Isulat ito sa loob
ng kahon.

LARAWAN

ABSTRAK

Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang

Husay Paghusayin
10 7 4
Nilalaman Mabisang Maikli ang abstrak
Gumamit ng
nailahad ang na isinulat ngunit
maraming salita at
kaisipan bagamat hindi gaanong
hindi napupunto
maikli ang isinulat nailahad ang mga
ang mga
na abstrak. kaisipan, mahahalagang
kaisipan.
Kaugnayan sa Lubos na Naiugnay ang mga Malayo ang
Paksa naiugnay ang mga kaisipan ngunit ugnayan ng mga
mahahalagang may ilang mahahalagang
kaisipan isinulat kaisipang hindi ideyang isinulat sa
sa paksa. gaanong paksa.
mahalaga.

15
Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng

aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_______________________________________Asignaturat:_____________________

Panuto:
Panuto: Sa tulong ng Semantic Grid, bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod
na terminolohiya para maging gabay sa pagsulat ng abstrak ng isang
pananaliksik.

Abstrak
Buod Layunin Resulta Konklusyon Rekomendasyon

Rubriks
Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang
Husay Paghusayan
10
7 4
Kalinawan Lubos na Nabigyang linaw Malayo ang mga
nabigyang linaw ang ilan sa mga kahulugang binigay
ang mga terminolohiyang sa mga
terminolohiyang binigyan ng terminilohiya.
binigyan ng kahulugan
kahulugan.
Kasanayan sa Gumamit ng mga May mga salitang Malabo at maligoy
Pagsulat salitang nagbigay ginamit na ang mga salitang
nang lubos na pag- nagbigay ginamit sa
unawa sa isinulat kalituhan sa pagpapakahulugan.
na pangunahing
pagpapakahulugan. ideya ng paksa.

16
Susi sa Pagwawasto

Subukin

1. A

2. C

3. B

4. B

5. D

17
Sanggunian

Ma. Elizabeth M. Ariola et al. 2016 Filipino sa Piling Larangan Akademik,

Jimczyville Publications, Malabon City

18
Aralin 5 : Sintesis o Buod

Resulta ng Pag-aaral:
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin.
 Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

19
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay upang
matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na
magamit sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay
kinikilala ang magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inayos upang masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso.
Maaaring mabago ang pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma
sa aklat na ginagamit mo ngayon

 Aralin 5 – Sintesis/Buod

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong

sulatin.

 Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

Subukin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga tanog. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ito ay malaman at pinaikling bersiyon ng iba’t ibang batis ng

kaalaman at impormasyon.
a. Bionote c. Akademiya
b. Talumpati d. Sintesis
_______2. Ito ay pinaikli na naaayon sa kahingian ng gawaing paglalagom.
a. Objective c. Conciseo
b. Akyureyt d. Bionote
_______3. Ito ang punto de bista ng awtor na ipinakikilala sa pinakapunto ng
tekstong binasa.
a. Abstrak c. Bionote
b. Objective d. Akyureyt
_______4. Ito ay kalinawan ng tekstong binasa upang muling maipahayag ang
wasrtong detalye.
a. Akyureyt c. Objective
b. Bionote d. Akademiko

20
Sintesis o Buod
Aralin

Tuklasin

Ano ang Sintesis at Buod?

Sintesis

 Malaman at pinaikling bersyon ng iba’t ibang batis ng kaalaman at

impormasyon.
 Maaaring kinuha ang mga impormasyon sa panayam, diskusyon,
nobela, pelikula, blog, maikling kwento, tula, at iba pa.
 Isinusulat ito sa pamamagitan ng iba’t ibang ideya na may
magkakatulad at magkakaibang punto de bista upang makabuo pa ng
panibagong ideya.

Buod

 hindi nangangailangan ng maraming batis upang makatas ang

pinakalaman ng isang akda.
 Pinaikling bersiyon subalit hindi nangangailangan ng bagong ideya,
opinion, o tesis ukol sa nabasang akda.

Ayon sa “How to write an Effective Summary (2008)”, ang buod o

sintesis na madalas ding tinatawag na lagom ay muling pagpapahayag ng
mga ibinigay na impormasyon sa maikling pamamaraan. Ang mahusay na
lagom ay naglalaman ng tatlong mahahalagang katangian:

1. Conciseo

 Pinaikli na naaayon sa kahingian ng gawaing paglalagom

2. Akyureyt

 Malinaw sa mambabasa ang tekstong binasa upang muling

maipahayag ang wastong detalye.

21
3. Objective

 Punto de bista lamang ng awtor ang maaaring lumitaw at hindi

ang sa mambabasa na siyang gumawa ng buod.

 Ipinakikilala ang pinakapunto ng tekstong binasa.

Kahalagahan ng Sintesis at Buod

 Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang

panayam o sulatin.

 Higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa sa isang sulatin. Kung

hindi kayang ibuod ang isang akda, nangangahulugsng hindi
naunawaan ang binasa.

 Kapag may buod o sintesis, higit na madali ang pagrerebyu dahil

binibigyang-diin ditto ang mahahalagang punto ng binasang akda.

22
The 7 Habits of Highly Effective People
Ni Stephen R. Covey

May pitong habit o pag-uugali ang isang tao upang maging

napakaepektibo. Nakatuon ang unang tatlong pag-uugali sa self-mastery o
ang pagkamit ng personal na tagumpay sa pagkontrol sa sarili upang
makahakbang mula sa dependence tungo sa interdependence. Nakasalalay
ang apat hanggang anim na ugali sa interdependence o kapwa
pagtutulungan. Samantalang ang huli ang pinakabuod ng lahat ng mga ugali
na binanggit sa bilang 1-6.

Pag-uugali #1: Be Proactive. Mayroon tayong kapasidad na piliin

kung ano ang magiging tugon natin sa mga kondisyon o pangyayari sa ating
buhay.

Pag-uugali #2: Begin with the End in Mind, Personal Leadership.

Bumuo ng personal na layuning may prinsipyo o personal mission statement.
Tumutulong ang personal na misyon upang magkaroon ng pagbabago sa loob
tungo sa labas sa pagkamit ng mga layuning pangmatagalan o pangarap sa
buhay.

Pag-uugali #3: Put first Things First. Nakatuon sa

pinakamahalagang layunin na nakabatay sa prinsipyo. Kapag nakabatay sa
prinsipyo, magiging epektibo ang time manangement sa mga bagay na
pinakamahalaga.

Pag-uugali #4: Think Win-Win. Bumuo ng mga kasunduan at

relasyong makatutulong sa isa’t isa o may mutual benefit. Sa mga
pagkakataong hindi maaaring manalo ang parehong panig, tanggapin na ang
pinakamagandang solusyon ay ang hindi pagkakaroon ng kasunduan.

Pag-uugali #5: Seek First to Understand, Then to be Understood.

Emphatic listening ang pinakamahalagang punto sa komunikasyon. Tignan
ang kalagayang ng kausap mula sa kaniyang punto de bista upang marinig
ang kaniyang panig.

Pag-uugali #6: Synergize, Principles of Creatice Cooperation: Ito

pinakamakapangyarihan at pinakanagbibigkas na bahagi. Sa pamamagitan
ng kapwa pag-unawa at pagtitiwala, nabubuo ang kooperasyon sa lahat.

Pag-uugali #7: Principles of Balanced Self-renewal. Sa

pamamagitan ng muling paghahasa ng apat na bahagi ng buhay o kalikasan
ng tao – pisikal, espiritwal, isip, pakikipagkapwa, at emosyonal na salik, higit
na mabilis at mabunga ng epektibong buhay.

23
Mula sa aklat ni Covey na may 380 pahina, nabuod ito sa loob lamang
ng isang pahina na hinati sa pitong pag-uugali. Walang makitang personal na
opinyon sa pagbubuod ng akda. Nakabatay lamang ito sa mismong akda.
Kung sintesis, idinidiin ang halaga ng pagbubuod ng mga punto hindi lamang
ng akda kundi dalawa o higit pa, kasama ng konklusyon ng gumawa ng
sintesis.

24
25
26
Sa pagkukumpara ng buod at sintesis, mayroon nang
pagpapalawak ng ideya sa sintesis ng mga akda kasama ang pagtingin ng
awtor o nagsintesis nito. Sa buod, karaniwang pinaikli sa pinakalaman ang
ginagawa ng nagbubuod. Sa sintesis naman, nakatuon ito sa paglalagom na
may kasamang pagtatasa ng magkatulad na ideya o magkaibang ideya sa loob
ng isang akda. Sa huling bahagi ng sintesis nakatuon na ito sa pagtingin ng
awtor sa mga akdang ginawan ng sintesis.

27
Suriin

Panuto:

Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Buod

at Sintesis. Isulat ang sagot sa loob ng Venn Diagram

Buod Sintesis

Pagkakatulad

28
Pagyamanin

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_______________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: PAGSAGOT SA TANONG.. Basahing mabuti ang tanong. Isulat sa

patlang ang sagot.

 Ano ang halaga ng buod at sintesis?

_____________________________________________________________________________

_________________________________.

 Ano-anong mga akda ang mas mabuting ibuod o isintesis? Magbigay ng

tig-isang halimbawa.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________.

29
Isaisip

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula at sagutan ang mga

sumusunod na mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa nakahandang
espasyo.

‘Wag na ‘Wag Kang Mapapagod na Mahalin Ako

Ni Genaro Gojo Cruz

Gabi na at alam kong pagod ka

Sa maghapong pagtatrabahao.
At ako, ngayon palang nagsisimula
Ang buhay ko sa pagdating mo.
Nagawa kong kumpunihin ang lahat –
Ang di na umiikot na electric fan,
Ang di umiinit na plantsa, ang antenna
Sa bubungang mahinang makasagap
Ng estasyon, maging ang baradong lababo
Na inireklamo mo kaninang umaga.
Bukas, , ayos na uli ang lahat para sa iyo.
Malalim na ang gabi ngunit gising
Ang diwa ko kakaisip sayo.
Naisip mo kaya ako kahit sansaglit lang?
Habang naghihintay ka ng tawag sa telepono,
Habang kumakain ka kasama ang mga katrabaho,
O habang tinitimpi ang galit sa isang kostumer
Na di tumatanggap ng paliwanag.
Alam kong nabaliktad ang mundo sa atin.
Pasensya ka na mahal ko,
Itong-ito lang talaga ako.
Itong-ito lang ang kaya ko ngayon.
Akong naiiwan sa bahay
At ikaw ang naghahanapbuhay.
‘Wag na ‘Wag kang magsasawa
At mapagod, alam kong di ito
Ang buhay na inaasahan mo.
Inutil ako dahil sa maraming kamalasan.
Pakiusap ko, ‘wag ma ‘wag
Kang magsasawang mahalin ako
Lalo ngayong tila kay layo mo –
Di ko na alam ang laman ng iyong isip
Kung kasama pa ako sa iyong mga plano.
Pakiusap ko, ‘wag na ‘wag
Kang mapapagod na mahalin ako
Lalo na ngayong kahit ako’y nawawalan
Na rin ng respeto sa sarili ko.
Genaro R. Gojo Cruz

30
Gabay na tanong:

1. Paano inilarawan ang lalaki at babae sa tula?

2. Sumulat ng buod mula sa tulang binasa.

Rubriks
Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang
husay Paghusayin
10 7 4
Ikli at Linaw Maikli ang Maikli ngunit Maraming
isinulat na buod hindi gaanong salitang ginamit
ngunit malinaw ang mga ngunit hindi
nauunawaan kaisipan. natutumbok ang
nang husto ang mga pangunahing
mga kaisipan kaisipan
Organisasyon Itinala ang Maraming Magulo ang
mahahalagang naitalang punto pagkakasulat at
punto o kaisipan ngunit hindi pagkakasunod-
ng teksto sa nagkakasunod- sunod ng mga
paraang sunod ayon sa kaisipan.
organisado. kahalagahan nito

31
Isagawa

Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto: Pumili ng isang nobela. Isulat ang buod nito mula sa una hanggang
tatlong kabanata. Isulat ito sa nakahandang espasyo sa ibaba.

Rubriks

Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang

husay Paghusayin
10 7 4
Ikli at Linaw Maikli ang Maikli ngunit Maraming
isinulat na buod hindi gaanong salitang ginamit
ngunit malinaw ang mga ngunit hindi
nauunawaan kaisipan. natutumbok ang
nang husto ang mga pangunahing
mga kaisipan kaisipan
Organisasyon Itinala ang Maraming Magulo ang
mahahalagang naitalang punto pagkakasulat at
punto o kaisipan ngunit hindi pagkakasunod-
ng teksto sa nagkakasunod- sunod ng mga
paraang sunod ayon sa kaisipan.
organisado. kahalagahan nito

32
_______________________________________________________________

Nobela (Pamagat)

___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

_______________________

33
Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng

aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:________________________________________Asignatura:____________________

Panuto:
Magsaliksik tungkol sa mga naging pahayag ng tatlong matataas na tao sa
lipunan tungkol sa Covid 19. Isulat ang buod ng bawat isa at pagkatapos ay
sumulat ng isang maayos na akademikong sulating sintesis tungkol dito.
Isulat ito sa loob ng kahon.

Rubriks
Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang
husay Paghusayin
10 7 4
Ikli at Linaw Maikli ang Maikli ngunit Maraming
isinulat na buod hindi gaanong salitang ginamit
ngunit malinaw ang mga ngunit hindi
nauunawaan kaisipan. natutumbok ang
nang husto ang mga pangunahing
mga kaisipan kaisipan
Organisasyon Itinala ang Maraming Magulo ang
mahahalagang naitalang punto pagkakasulat at
punto o kaisipan ngunit hindi pagkakasunod-
ng teksto sa nagkakasunod- sunod ng mga
paraang sunod ayon sa kaisipan.
organisado. kahalagahan nito

34
35
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. D

2. C

3. B

4. A

36
Sanggunian

Eugene Y. Evasco et al. 2017, Filipino Pagbasa at Pagsusulat sa Piling

Larangan (Akademik), C&E Publishing Inc. Quezon City

Ma. Elizabeth M. Ariola et al. 2016 Filipino sa Piling Larangan Akademik,

Jimczyville Publications, Malabon City

37
Aralin 6 : Bionote

Resulta ng Pag-aaral:
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin.
 Nakasusulat ng sistematikong sulatin tulad ng Bionote.

Pamamahagi ng Oras: 120 minuto

38
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang naayon sa iyo. Ito ay upang
matulungan kayong maging dalubhasa sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Ang saklaw ng modyul na ito ay magbibigay pahintulot na
magamit sa iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay
kinikilala ang magkakaibang bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inayos upang masunod ang pamantayang pagkasunod-sunod ng kurso.
Maaaring mabago ang pagkakasunod-sunod ng mga binassa upang tumugma
sa aklat na ginagamit mo ngayon

 Aralin 6 – Bionote

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong

sulatin.

 Nakasusulat ng sistematikong sulatin tulad ng Bionote.

Subukin

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG: Suriin kung TAMA o MALI ang

pahayag tungkol sa paksa. Isulat sa patlang bago ang bilang.

__________1. Ang Bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyong

ukol sa isang awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro, at
kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.

__________2. Isa sa dapat tandaan sa pagsulat ng bionote ay sikaping mahaba

ang nilalaman nito.

__________3. Sa pagsulat ng Bionote, inuuna ang pinakamahahalaga patungo

sa di-gaanong mahalagang mga impormasyon.

__________4. Ang Bionote ay isang halimbawa ng paglalagom.

__________5. Ang bionote ay walang pinagkaiba sa pagsulat ng talambuhay.

39
Bionote
Aralin

Tuklasin

Pagsulat ng Bionote?

Bionote
 Isang maikling tala ng personal na impormasyong ukol sa isang awtor
na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may
kasamang litrato ng awtor.

Marahil ay nakasulat ka ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na

Autobiography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli
kumpara rito. Ang Bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng
buod ng kanyang academic career na madalas makikita o mababasa sa mga
dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, at iba pa. Samantalang ang
awtobaiograpiya ay inilulugar ng may-akda kung sino siya bilang manunulat.
Nagsisimula siya sa pamamagitan ng paglulugar at pagbabalangkas ng
kanyang karanasan at gunita.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.

2. Magsimula sapagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye

tungkol sa iyong buhay (tagumpay na nakamit). Kung ito ay marami,
piliin lamang ang dalawa o tatlong pinakamahalaga.

3. Isulat gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo

ang pagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.

5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa upang maging kawili-

wili ito sa mga mambabasa.

6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.

40
Katangian ng Bionote
1. Maikli ang Nilalaman
- Isulat lamang ang mahahalagang impormasyon
2. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw
- Laging gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw kahit na ito ay tungkol sa sarili.
3. Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
- Isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng
bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga
administrador ng paaralan, kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang
hinahanap nila.
4. Gumagamit ito ng baliktad na tatsulok
- Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa
paggawa ng bionote.
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
6. Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.

Halimbawa:

Prof. Patrocinio Villafuerte

Isang guro at manunulat sa Filipino. Naging tagapangulo ng

Departamento ng Filipino sa Philippine Normal University. Nagtapos ng
Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong
gradwado. Masterado sa Sining ng Pagtuturo sa Philippine Normal College at
may titulong Masterado sa Sining sa Filipino Gawad Merito, na kanyang
natamo mula sa Manuel Luis Quezon University. Haligi ng wika at panitikan
sa bansa.
Siya ay nagkamit ng mga sumusunod na mga parangal. Ang kauna-
unahang nagkamit ng Genoveva Edrosa Matute Professional Chair in Filipino.
Nagkamit na ng dalawang Presidential Awards sa Malacañang, dalawang
Teacher of the Year Award, walong Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature, Sampung Gawad Urian Gantimpalang Collantes, PNU Alumni
Association, Komisyon ng Wikang Filipino, Kapisanan ng mga Propesor sa
Pilipino (KAPPIL), Propesor sa National Teachers College, Lekturer, Manunulat
ng 170 aklat sa elementarya at Tersarya.

41
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
nakahandang espasyo sa ilalim ng bawat katanungan.

1. Ano ang kahalagahan ng Bionote?

2. Paano makatutulong ang bionote sa mga mananaliksik at iskolar?

42
Pagyamanin

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:_______________________________________Asignatura:_____________________

Panuto: Suriin ang bionote sa ibaba. Tukuyin ang mga mali o pagkukulang na
naisagawa ng may-akda. Isulat ang sagot sa mga linya sa ilalim ng kahon..

Gabay na Tanong:
Ang bionote ay gagamitin upang ipakilala ang guro bilang manunulat
ng isang teksbuk sa larang ng Siyensiya at Teknolohiya. Maayos ba ang
pagkakasulat ng Bionote? Ipaliwanag.

Si Juana dela Cruz ay kasalukuyang guro. Siya ay nagtamo ng

karangalang bilang Most Behaved (1992-1998), Best in Filipiniana noong
Buwan ng Wika 2005, at Best in Conduct mula Nursery hanggang Grade
6. Naging Paraluman pa siya noong United Nations Week noong 1997 at
kinilalang may pinakamahusay na kasuotan sa Nutrition Week noong
1996. Mahilig siyang mangolekta ng mga postcards at mag-alaga ng mga
ligaw na kuting. Kasalukuyan siyang Ingat-Yaman sa kanilang samahan sa
Taguig.

_________________________________________.

43
Isaisip

Panuto: Magsaliksik tungkol sa isang politiko sa bansa. Gumawa ng ilang tala

o bionote mula sa politikong napili. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Rubrik
Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang
Husay Paghusayin
10 7 4
Wika Pormal ang May ilang Personal ang tono
wikang ginamit. bahaging naging ng bionote.
Maayos ang personal ang tono Maraming
pagbaybay at ng bionote. kamalian sa
walang kamaliang Kailangang pagbaybay.
tipograpikal. isaayos ang
kamalian sa
pagbaybay.
Haba Sapat ang haba o May ilang Kulang ang
ikli ng bionote pangungusap na nilalaman ng
batay sa kailangang bionote.
pangangailangan, tanggalin o
idagdag sa
bionote.
Angkop sa Naaangkop ang May ilang bahagi Hindi angkop ang
Impormasyon impormasyon ng sa bionote na impormasyon sa
bionote batay sa hindi na malaking bahagi
kahingian ng mahalagang isali. ng bionote.
publikasyon o ng
pagkakataon.
Bagong nilalaman Lantad ditto ang Kailangang Luma na ang
mga bagong dagdagan ng nilalaman ng
impormasyon bagong bionote at
tungkol sa may- impormasyon ang kailangang
akda. bionote. dagdagan ng
makabago at
makabuluhang
impormasyon.

44
45
Isagawa

Magaling! Magtiwala sa sarili at matatapos mo rin ang araling ito!

Panuto: Makipanayam sa isang guro sa iyong paaralan. Ipaghanda ito ng

Bionote batay sa iyong panayam. Isulat ito sa loob ng kahon.

Rubriks

Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang

Husay Paghusayin
10 7 4
Wika Pormal ang May ilang Personal ang tono
wikang ginamit. bahaging naging ng bionote.
Maayos ang personal ang tono Maraming
pagbaybay at ng bionote. kamalian sa
walang kamaliang Kailangang pagbaybay.
tipograpikal. isaayos ang
kamalian sa
pagbaybay.
Haba Sapat ang haba o May ilang Kulang ang
ikli ng bionote pangungusap na nilalaman ng
batay sa kailangang bionote.
pangangailangan, tanggalin o
idagdag sa
bionote.
Angkop sa Naaangkop ang May ilang bahagi Hindi angkop ang
Impormasyon impormasyon ng sa bionote na impormasyon sa
bionote batay sa hindi na malaking bahagi
kahingian ng mahalagang isali. ng bionote.
publikasyon o ng
pagkakataon.
Bagong nilalaman Lantad ditto ang Kailangang Luma na ang
mga bagong dagdagan ng nilalaman ng
impormasyon bagong bionote at
tungkol sa may- impormasyon ang kailangang
akda. bionote. dagdagan ng
makabago at
makabuluhang
impormasyon.

46
______________________________________________________________

___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________.

___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________.

47
Tayahin

Magaling! Ngayon ay susubukin natin ang iyong natutunan sa kabuuan ng

aralin.

Pangalan:___________________________________Baitang & Seksyon:____________

Guro:________________________________________Asignatura:____________________

Panuto:
Isulat ang iyong bionote sa hinaharap. Taglay nito ang nais mong
mapagtagumpayan sa buhay propesyonal. Isulat ito sa loob ng kahon na may
kalakip na iyong larawan.

Rubriks

Pamantayan Mahusay Katamtamang Kailangan pang

Husay Paghusayin
10 7 4
Wika Pormal ang May ilang Personal ang tono
wikang ginamit. bahaging naging ng bionote.
Maayos ang personal ang tono Maraming
pagbaybay at ng bionote. kamalian sa
walang kamaliang Kailangang pagbaybay.
tipograpikal. isaayos ang
kamalian sa
pagbaybay.
Haba Sapat ang haba o May ilang Kulang ang
ikli ng bionote pangungusap na nilalaman ng
batay sa kailangang bionote.
pangangailangan, tanggalin o
idagdag sa
bionote.
Angkop sa Naaangkop ang May ilang bahagi Hindi angkop ang
Impormasyon impormasyon ng sa bionote na impormasyon sa
bionote batay sa hindi na malaking bahagi
kahingian ng mahalagang isali. ng bionote.
publikasyon o ng
pagkakataon.
Bagong nilalaman Lantad ditto ang Kailangang Luma na ang
mga bagong dagdagan ng nilalaman ng
impormasyon bagong bionote at
tungkol sa may- impormasyon ang kailangang
akda. bionote. dagdagan ng
makabago at
makabuluhang
impormasyon.

48
Larawan

_______________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________

___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________.

49
Susi sa Pagwawasto
Subukin

1. Tama

2. Mali

3. Tama

4. Tama

5. Mali

50
Sanggunian

Eugene Y. Evasco et al. 2017, Filipino Pagbasa at Pagsusulat sa Piling

Larangan (Akademik), C&E Publishing Inc. Quezon City

Ma. Elizabeth M. Ariola et al. 2016 Filipino sa Piling Larangan Akademik,

Jimczyville Publications, Malabon City

51
54

You might also like