You are on page 1of 28

Dynamic Learning Program -

Learning Activity
Sheet
Catalina C. Manongsong
Puno ng Kagawaran
Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay
Learning
Covid 19
Modalities

Distance Modular Online Self Home Blended


Learning Distance Distance Learning Schooling Learning
Learning Module

Dynamic Learning Program – Learning Activity Sheet


Ang DLP-LAS ay ipinanukala ng Central Visayan Institute
Foundation (CVIF) noong Setyembre 21, 2020 sa tulong ng Smart
Communication Inc. bilang tugon sa Basic Education – Learning
Continuity Plan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ito ay isang smart back-teaching technology na nagtataguyod o


nagsusulong sa independent student learning upang mapataas ang
academic performance ng mga mag-aaral lalo na ngayong taon na ang
pagtuturo at pagkatuto ay flexible dahil sa new normal.
Inilunsad nina Dr. Christopher Bernido at Dr. Ma. Victoria Carpio
Bernido ng CVIF ang DLP-LAS na may 80% student activity at 20%
teacher intervention upang maka-develop ng mga independent learners.

Dagdag pa rito, ipinanukala nila ang CVIF-DLP-LAS upang


matugunan ang ekonomikal na pangangailangan ng mag-aaral, guro, at
paaralan tulad ng malaking bilang ng klase, kakulangan ng guro,
limitadong budget, at gayundin sa pagtugon sa mga sitwasyon sa
panahon ng kalamidad, krisis, kaguluhan, labanan sa pagitan ng military
at bandido, at iba pa.
Ano ang Learning Activity Sheet (LAS)?

Ito ay naglalaman ng aralin o lesson na kailangang


kopyahin, basahin, pag-aralan, at sagutan ng mga mag-
aaral nang mag-isa at walang lecture mula sa guro.
Nakadisenyo ito ng maikli, simple ngunit malaman
upang magkaroon ng magandang pundasyon ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mahihirap na aralin ay
maaaring mapadali sa LAS.
Bakit mahalaga ang Learning Activity Sheet (LAS)?

1. Materyales/Kagamitan
2. Flexibility/Kakayahang umangkop
3. Mode of Delivery
4. Quality
5. Balanced Student Paced Activity
6. Diagnostic & Formative Nature
7. Implied Hidden Curriculum
Materyales/Kagamitan – Hindi magastos at madaling hanapin
ang mga kagamitan tulad ng bond paper, notebook, lapis o
ballpen.

Flexibility – tugma o angkop sa karagdagang kagamitang


pampagtuturo ang LAS. Maaaring magdagdag ng video
presentation o anumang pangangailangan ng mag-aaral sa
kaniyang pagkatuto.
Mode of Delivery – maaari itong ma-access ng mga mag-aaral
sa anumang offline o online platform. Gayundin, maaari itong
printed copy o kaya naman ay digital copy sa mga gadget ng
mag-aaral.

Quality – dapat ma-develop sa mga guro ang paggawa ng LAS


upang makontrol niya kung ano lamang ang dapat ilagay at
kung paano ituturo ang isang aralin. Hindi tuwirang itinutuo ng
guro ang aralin bagkus ay ginagabayan lamang niya ang mag-
aaral sa sariling pagkatuto. Ibinibigay lamang ang pangunahing
kaalaman sa LAS at paglipas ng panahon, magagawa na ng mga
mag-aaral ang mahihirap o complex na gawain batay sa
pangunahing kaalaman na kanilang natutuhan.
Balance student paced activity – balanse ang oras para sa mga
gawain, pag-aaral ng leksyon, at paggawa ng iba pang gawain.
Flexible ang pagtupad ng mag-aaral sa kaniyang LAS kaya may
oras siya na magpahinga o kaya ay maglibang.

Diagnostic & Formative Nature – magagamit din ito upang


malaman ang kahinaan at kalakasan ng mag-aaral upang
matukoy ng guro kung alin lamang ang bibigyang-tuon sa
pagsasagawa ng online discussion at intervention.
Implied Hidden Curriculum – maliban sa mga kompetensi na
dapat malinang sa mga mag-aaral, napauunlad din LAS ang
pagkatao at pag-uugali ng mga mag-aaral. Nalilinang sa
paggamit ng LAS ang pagkakaroon/pagiging organisado, self-
reliance, hardwork, perseverance, internal motivation, sense of
accomplishment, creativity, problem solving skills, focus,
resourcefulness, accountability, at teamwork.
Ano ang nilalaman o bahagi ng LAS?

1. Title o Pamagat
2. Learning Target/Goal o Layunin
3. Refence o Sanggunian
4. Concept Digest o Input
5. Illustration/Example o Ilustrasyon/Halimbawa
6. Exercise o Gawain
Title o Pamagat – naglalaman ito ng topic o paksa na tatalakayin
sa LAS. Nagsisilbing gabay para sa guro at mag-aaral ukol sa
nilalaman ng learning activity sheet
Learning Target/Goal o Layunin – ito ang mga kasanayan na
dapat matutuhan ng mag-aaral sa pagsasagawa ng LAS. Naka-align
ito sa target competencies (curriculum) na itinakda ng DepEd.
Reference – dito nakalagay ang pinagkuhanan o pinagbatayan ng
impormasyon na nakapaloob sa LAS. Dapat ilagay ang pangalan
ng may-akda, pamagat ng libro/artikulo/babasahin, pahina, o
website.
Title o Pamagat – naglalaman ito ng topic o paksa na tatalakayin
sa LAS. Nagsisilbing gabay para sa guro at mag-aaral ukol sa
nilalaman ng learning activity sheet.
Learning Target/Goal o Layunin – ito ang mga kasanayan na
dapat matutuhan ng mag-aaral sa pagsasagawa ng LAS. Naka-align
ito sa target competencies (curriculum) na itinakda ng DepEd.
Reference – dito nakalagay ang pinagkuhanan o pinagbatayan ng
impormasyon na nakapaloob sa LAS. Dapat ilagay ang pangalan
ng may-akda, pamagat ng libro/artikulo/babasahin, pahina, o
website.
Concept Digest o Input – isinasaad dito ang lesson o paksa ng
LAS na kailangang matutuhan ng mag-aaral. Tanging ang basic o
main idea lamang ang ilalagay rito. Ito ang nagsisilbing input ng
kaalaman upang masagutan ang mga gawain.
Illustration/Example – ito ang halimbawa o ilustrasyon na
makatutulong upang higit na maunawaan ng mag-aaral ang
tinalaky sa concept digest.
Exercise o Pagsasanay – maaari itong tanong o gawain na
kailangang masagutan ng mga mag-aaral upang sanayin ang
kanilang pag-unawa sa concept digest o lesson.
Ano-ano ang uri ng LAS?

1. Concept Note
2. Laboratory Report
3. Illustration
4. Skills: Drill/Exercise
5. Formal Theme
6. Informal Theme
Concept Note – sa LAS na ito ipinaliliwanag ng guro ang
aralin na dapat matutuhan ng mag-aaral. Ito ay
magsisimula sa pagbibigay ng concept note na naglalaman
ng impormasyon o kaisipan ng tatalakaying aralin.
Maglalagay ng halimbawa ang guro upang lubusang
maunawaan ang lesson. Sa huling bahagi ay magkakaroon
ng pagsasanay na sasagutan ng mag-aaral upang malaman
kung lubusan naunawaan ang aralin.
Laboratory Report – ito ay para sa asignaturang agham.
Dahil sa pandemic, hindi nagagamit ang mga laboratory sa
paaralan kaya kahit wala sa loob ng laboratory ang mga
mag-aaral, maaari pa rin silang matututo gamit ang LAS.
Nakalagay sa uri ng LAS na ito ang mga kagamitan na
kakailangan, tiyak at malinaw na instruksyon, at mga
tanong na dapat sagutan ng mag-aaral pagkatapos isagawa
ang eksperimento/gawain.
Skills: Drill/Exercise – ito ay maaaring isagawa bago at
pagkatapos ng aralin. Hindi na kinakailangang maglagay
ng input o concept digest sa simula ng LAS sa ganitong uri.
Maaaring magsimula agad sa pagsasanay o mga gawain.
Ito ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una ay
pagsusulit kung saan matutukoy kung natutuhan ang aralin
at ang ikalawa naman ay pagsasanay kung matutukoy kung
maisasagawa/maa-apply ng mag-aaral ang kaniyang
natutuhan.
Illustration/Art – ito ay maaaring gamitin sa pamamagitan
ng pagpapaguhit o paglikha ng ilustrasyon.

Informal/Formal Theme – ito ay uri ng LAS sa


pagpapasulat o pagbuo ng isang sulatin. Ginagamit ito
bilang output o paglalagom sa natutuhan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang komposisyon.
Mga Pamantayan sa Pagbuo ng LAS?

1. Gumawa o maghanda ng simpleng gawain. Ang pamagat ay


simple at nakatuon sa aralin o leksyong tatalakayin.
2. Ang mga activity o gawain ay lumilinang ng iba’t ibang
kakayahan at kasanayan na nakabatay sa kurikulum.
3. Gumamit ng makukulay na larawan at dayagram.
4. Bigyang-kahulugan ang mga salita na mahirap at bago sa
pandinig ng mga mag-aaral.
Mga Pamantayan sa Pagbuo ng LAS?

5. Gumamit ng angkop na wika/lenggwahe at salita.


6. Malinaw ang mga hakbangin o panuto sa pagsagot ng
gawain.
7. Ang LAS ay formative assessment kaya ang pagsagot at
pagsulat nito ay malaking bagay sa pagkatuto ng mag-aaral
sa aralin.
8. Maaaring gumamit ng rubrics ang guro sa pagwawasto ng
LAS. (Kompleto – 60%, Kalinisan – 20%, On time
submission – 20%)
Mungkahi sa Pagsusuri ng Binuong LAS?
Look, Appropriateness/Accuracy, Self-contain
Look – tignan ang font size (14), spacing (1.5 spacing), paper
size (maaaring long bond paper), at maayos na kabuuan o layout
nito.
Appropriateness/Accuracy – matatapos ba ito ng mga mag-
aaral? Angkop ba ito sa kanilang kakayahan? Matutugunan ba
nito ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto?
Mungkahi sa Pagsusuri ng Binuong LAS?
Look, Appropriateness/Accuracy, Self-contain
Self-contain – maikli at mahalaga ang nakapaloob sa concept
digest.
• Naglagay ba ng mahahalagang tanong?
• Nakahihikayat ba sa mga mag-aaral na sagutin ang LAS?
• Kung gumamit ng dayagram o larawan, makokopya ba ito ng
mag-aaral?
• Masasagutan ba ito kahit walang pagtuturo ng guro o gabay
ng magulang?
Mungkahi sa Pagsusuri ng Binuong LAS?
Look, Appropriateness/Accuracy, Self-contain
Self-contain – maikli at mahalaga ang nakapaloob sa concept
digest.
• Ibinigay ba ang kahulugan ng mahihirap na salita?
• Magkaugnay ba ang target goal, concept notes, at mga
gawain?
• Nakaayos ba ang mga gawain mula madali papuntang
mahirap?
• Magagamit ba ito ng slow learners/fast learners?
Mga Hakbang sa Pagpapatupad
ng Online Class Gamit ang LAS
1. I-upload ang LAS in PDF format at ilagay sa Google
Classroom
2. Magbigay ng karagdagang tagubilin at paliwanag gayundin
ang petsa ng pagsusumite
3. Kapag natapos ng mag-aaral ang pagkopya at pagsagot sa
LAS, picturan at i-send sa Google Classroom o e-mail ng
guro
4. Iwasto ang ipinasang LAS at magbigay ng komento o
mungkahi sa mga mag-aaral
Mga Hakbang sa Pagpapatupad
ng Online Class Gamit ang LAS
5. Pagsasamahin ng mga –ag-aaral ang kaniyang LAS sa isang
portfolio sa bawat asignatura
6. Magsasagawa ng 20-25 minuto na asynchronous class kung
kinakailangan isang beses sa isang linggo
7. Maaari ding magsagawa ng asynchronous class gamit ang
mga video lesson na inihanda ng guro
8. Ang guro ay magsasagawa ng assessment o pagtatasa.
Maaaring magbigay ng tanong o pagsusulit na sasagutan ng
mag-aaral.
Paghahanda ng LAS

1. Ang guro ay maghahanda ng LAS para sa isang lingo


2. Ang guro ay maaaring mag-print ng LAS
3. Maaaring mag-photocopy ayon sa bilang ng mga mag-aaral
sa bawat klase
4. Ang mga LAS ay ilagay sa envelop para sa bawat mag-aaral
5. Ang mga LAS ay pagsamahin sa kahon ay ilaay kung saan
ito kukunin ng mga magulang o mag-aaral
Pagbibigay ng LAS

1. Ang mga magulang ay pupunta sa lugar kung saan nila


kukunin ang LAS ayon sa schedule na nakalaan sa pagkuha
at pagsusumite
2. Ibabalik ng magulang ang natapos na LAS sa isang buong
lingo at pipirma na katunayan na naibalik ito
3. Paghihiwalayin ang mga LAS ayon sa grade level/subject
para sa pagwawasto nito
4. Mahigpit na sumunod sa health and safety protocols.

You might also like