You are on page 1of 2

AWTPUT 2 – PAGSUSULAT NG MGA KAHULUGAN NG MGA BARYABOL,

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL AT SAKLAW AT LIMITASYON

1. Ang problema sa pananaliksik ay:


- Pagpapatupad ng AFLEX learning

2. Ang pangkalahatang layunin ay:


- Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga suliranin ng mga
estudyanteng Batselyer sa Sekondaryang Edukasyon Major sa Filipino sa
pagsasakatuparan ng AFLEX Learning sa isang Pampublikong Kolehiyo.

3. Ang mga natatanging layunin ay pag-aaral ay:


1. Matukoy ang kahinaan at kalakasan ng pagkatuto sa AFLEX Learning.
2. Matukoy ang hamon at kahirapan ng mga estudyante sa pagkatuto.

4. Ang mga baryabol at ang kanilang konseptwal at operasyunal na kahulugan:


 AFLEX Learning
Konseptwal – ay disenyo at paghahatid ng mga programa, kurso at pag-
aaral ng mga interbensyon na tumutugon sa natatanging pangangailangan ng
mga nag-aaral sa mga tuntunin ng lugar, bilis proseso, at mga produkto ng
pag-aaral. Nagsasangkot ito ng paggamit ng digital at di-digital na
teknolohiya, at sumasaklaw sa parehong mga paraan ng pag-aaral nang
harapan / personal at sa labas ng silid-aralan na mga paraan ng paghahatid o
isang kumbinasyon ng mga paraan ng paghahatid.
Operasyunal – sa pag-aaral na ito, ang Aflex Learning ito ay sukatan ng
programa kung makayanan ng mga mag-aaral ang daloy at takbo sa usaping
kaalaman at kasanayan.
 Lokasyon
Konseptwal – ay ginagamit upang makilala ang isang punto o isang lugar sa
ibabaw ng mundo o sa ibang lugar. Nagpapahiwatig ng isang mas mataas na
antas ng katiyakan kaysa sa lugar.
Operasyunal – sa pag-aaral na ito, ang lokasyon ay kung saan nakatira ang
mga mag-aaral na kalahok sa pananaliksik at nagsisilbing gabay sa
mananaliksik upang tukuyin ang kalalagyan ng mga estudyante sa isang
partikular na lugar hinggil sa pagsasagawa ng online class.
 Pampublikong Kolehiyo
Konseptwal – ay mga kolehiyo na itinatag ng Gobyerno sa Estado.
Operasyunal – sa pag-aaral na ito, ang Pampublikong kolehiyo ay isang
kolehiyo kung saan nag-aaral ang mga mag-aaral na kalahok sa pananaliksik.
 Asignatura
Konseptwal – ay isang sangay ng kaalaman na pinag-aaralan o tinuturo sa
eskwelahan, kolehiyo o unibersidad.
Operasyunal – sa pag-aaral na ito, ang asignatura ay mga pinag-aaralan ng
mga mag-aaral sa AFLEX learning. Ang asignatura ay ginamit sa pananaliksik
na ito bilang batayan kung saan ginagamit ng mga mag-aaral sa online class
upang kuhanan ng kaalaman at impormasyon.

5. Sino-sino ang makakatanggap ng benepisyo sa matutunghayan ng pananaliksik:


 Paaralan
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong ito upang makita nila ang mga hamon at
suliraning kinakaharapq ng mga mag-aaral sa pagsasakatuparan ng AFLEX
learning.
 Mag-aaral
Makakatulong ito sa mga mag-aaral sapagkat mapupunan ng pansin ang
kanilang suliranin sa pagsasakatuparan ng AFLEX learning at mabibigyan din ng
alternatibong solusyon ang mga ito.
 Mga Guro/Propesor
Sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman pag-unawa sa mga suliranin at hamon
na kinakaharap ng mga estudyante ukol sa pagasakatuparan ng AFLEX learning.
 Gobyerno
Upang kanilang mabatid ang kanilang pagkukulang at pananagutan sa
edukasyon ng bansa. Ito rin ay maaaring magsilbi nilang batayan sa paggawa ng
aksyon ukol sa isyu.

 Future Researcher
Upang makakalap ng mga impormasyon ukol sa ating paksa na kinabibilangan
upang makabuo ng konklusyon na siya namang maaaring maibahagi sa lahat.
 Tagapamahala ng programa
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring malaman ng mga
tagapamahala ang mga adbentahe at dis-adbentahe ng programa at higit sa lahat
mapaunlad at mapagtibay ang kalidad ng edukasyon.

6. Ang pananaliksik ay tungkol sa:


- Suliranin ng mga estudyante sa pagsasakatuparan ng AFLEX Learning.

7. Isasagawa ang pananaliksik sa:


- Messenger

8. Ang mga kalahok/partisipante ng pag-aaral ay:


- BSED Filipino ng Carlos Hilado Memorial State College

9. Ang instrumentong maaaring gamitin sa pananaliksik ay:


- Mediated Sarbey-kwestyoner

10. Ang kagamitang estatistika na maaaring gamitin ay:


- Baseline data

You might also like