You are on page 1of 12

INFORMED CONSENT (FILIPINO VERSION)

Title of the Study “Info-Note”: A Substructural Alternative Teaching Aid


For Modular Learning Modality (MDL) Students Of
HUMSS Grade 11 In Developing Performances In Social
Studies

Name of Principal Investigator Archie M. Leynes,


Ivy Claire Bathan
Baby Ann Bathan
Name of Organization Golden Gate Colleges

Date Submitted May 1, 2022

Ang katibayan ng pahintulot na ito ay para sa mga kasali sa palatanungan na ito

nakinabibilangan ng mga mag-aaral ng HUMSS, ika-11 baitang, na opisyal na nakatala sa

Sta. Teresita National High School. Sila ay iimbitahan na makalahok sa pananaliksik na

pinamagatang “Info-Note”: A Substructural Alternative Teaching Aid for Modular Learning

Modality (MDL) Students of HUMSS Grade 11 In Developing Performances In Social

Studies

Ang katibayan ng pahintulot na ito ay may dalawang bahagi: (1) Detalye ng

Impormasyon (impormasyon ukol sa pananaliksik na ito kasama ang detalye ng

partisipasyon), and (2) Sertipiko ng Pagpapahintulot (sertipikasyon na ang mga kalahok ay

nabigyan ng wastong kaalaman ukol sa pag-aaral na ito). Ang katibayan ng pahintulot ay

isinalin sa Filipino. Lahat ng kasali sa pananaliksik na ito ay bibigyan ng sariling sipi

pagkatapos na napaliwanagan sila ng mga importanteng detalye ukol sa nasabing pag –aaral

na ito.

UNANG BAHAGI: SIPI NG IMPORMASYON


PANIMULA

Ako, si Archie M. Leynes, ay kasalukuyang nagtuturo ng asignaturang social

studies sa Sta. Teresita National High School, sa DepEd Batangas City. Sa kasalukuyan ako

ay naka-enrol sa Action Research Writing bilang parte ng aking kurso na Masters in

Educational Management, major in Social Studies sa Golden Gate College, Batangas City.

Bilang bahagi ng aking kurso ay nagsasagawa ako ng isang pag-aaral na pinamagatang “Info-

Note”: A Substructural Alternative Teaching Aid for Modular Learning Modality (MDL)

Students of HUMSS Grade 11 In Developing Performances In Social Studies. Dahil ang

aking research o pananaliksik ay magsasama ng mga respondente na mga mag-aaral ng

HUMSS, ika-11 baitang na opisyal na nakatala sa LIS (Learner Information System) ng Sta.

Teresita National High School, malugod ko kayong inaanyayahan na maging bahagi sa

nasabing pag-aaral na ito dahil ako ay naniniwala na magiging malaking parte kayo sa

pagtugon sa anumang katanungan ukol sa nasabing paksa.

Hindi ninyo kailangan magdesisyon ngayon kung kayo ay papayag na maging bahagi

ng aking pananaliksik. Bago kayo magdesisyon ay maaari kayong makipag-usap kaninuman

ukol sa nasabing pag-aaral. Ang katibayan ng inyong pahintulot na ito ay maaring maglaman

ng mga salitang hindi ninyo lubusang naiintindihan. Maari kayong humingi ng pahintulot

upang ito ay mapaliwanag ko pa sa mas maayos na pamamaraan upang lalo ninyo

maunawaan. Kung sakaling kayo ay may mga katanungan pa, huwag kayong mag-atubili na

magtanong sa akin o sa inyong mga kasama na respondente o kalahok. Sa kasalukuyan ay

may kabuuang 50 na boluntaryong lalahok sa naturingang pananaliksik na aking isasagawa

na binubuo ng 29 na mga lalaki at 21 mga babae, na bibigyan din ng kopya ng pahintulot na


ito. Ang nasabing panahon na gugugulin ninyo sa pagsagot at pakikibahagi sa naturang

pananaliksik ay isang buwan lamang.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay naglalayon na alamin ang epekto ng

proyektong “Info-Note” bilang isang substructural alternatibong Tulong sa Pagtuturo para sa

Modular Learning Modality (MDL) sa mga Estudyante ng HUMSS Grade 11 kaakibat ng

pagpapaunlad ng kakayahan sa pagkatuto sa nasabing asignatura.

Bukod dito ay sisikapin na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kakayahan sa pagkatuto ng respondente sa Pre-Test sa mga tuntunin

ng;

1.1 Kinokontrol na Group – 6 respondents

1.2 Eksperimentong Group – 44 na respondents

2. Ano ang antas ng kakayahan sa pagkatuto ng respondente sa Post-Test sa mga

tuntunin ng;

1.1 Kinokontrol na Group – 6 respondents

1.2 Eksperimentong Group – 44 na respondents

3. Mayroon bang kahalagahan ng relasyon sa pagitan ng akademikong kakayahan ng

HUMSS Ika-11 baitang na mag-aaral sa modular modality na may "Info-Note at mga mag-

aaral nang walang "Info-Note"?

4. Ano ang feedback ng mga magulang hinggil sa epekto ng "Info-Note" sa pag-aaral ng

kanilang anak?
URI NG “RESEARCH INTERVENTION”

Ang pananaliksik na ito ay kailangang gumamit ng disenyong eksperimental at

survey questionnaire o palatanungan at mga talakayan ng pangkat na pokus o “focus group

discussion” upang makakuha ng impormasyon o datos sa pag–aaral na ito.

PAGPILI NG MGA KASALI

Ikaw ay napili bilang isa sa 50 na kasapi sa pananaliksik na ito dahil naniniwala ang

mananaliksik na ito na malaki ang maitutulong mo sa pagsagot sa mga katanungan ng pag-

aaral na ito ukol sa epekto ng “Info-Note” bilang isang substructural alternatibong Tulong sa

Pagtuturo para sa Modular Learning Modality (MDL) sa mga Estudyante ng HUMSS Grade

11 kaakibat ng pagpapaunlad ng kakayahan sa pagkatuto sa nasabing asignatura.

KUSANG-LOOB NA PAKIKILAHOK

Ang iyong pakikilahok sa pananaliksik na ito ay kusang-loob. Kung sakaling piliin

mo na hindi na makilahok sa nasabing pag-aaral ay maari ka pa rin naman pahintulutan at di

maapektuhan ang anumang gawain mo. Subalit kung naumpisahan na ang mga bahagi ng

bawat proseso ng pananaliksik at ang talakayan ng pangkat na pokus o “focus group

discussion”, ay di na maaari pang itigil ang nasabing talakayan ngunit maaaring

mapahintulutan na di na gamitin ang impormasyon na naibahagi mo sa pananaliksik na ito.

PAMAMARAAN
Ang pag-aaral na ito ay maglalayon na gumamit ng disenyong eksperimental at

Interbyu (Interview) o at kung may kailangan na pagliliwanag sa anumang naibigay na

kasagutan ay maaring hilingan kayo na maging bahagi ng talakayan ng pangkat na pokus o

“focus group discussion”.

Kung sakali naman na ang mga katanungan o talakayan ay maaring sensitibo o

maaring magdulot ng kahihiyan sa mga kalahok ay maaring ipaalam agad sa inyo ang

nasabing pangyayari.

Para sa Disenyong Eksperimental

Ang mga kalahok ay nahahati sa dalawang pangkat o mas kilala bilang “Strata”. Ang

una ay ang “Controlled Group” ang ikalawang pangkat ay ang “Experimental Group”.

Kapwa sasailalim sa Pre-Test ang naturang mga respondente upang matukoy ang antas ng

kakayahan ng pagkatuto nila.

Ang mga kalahok na kabilang sa “Experimental Group” lamang ang mabibigyan o

sasailalim sa Proyektong “Info-Note”. Sa pamamagitan nito ay makikita o matutukoy ang

kahalagahan at epekto ng nasabing proyekto sa mga mag-aaral ng HUMSS, ng ika-11 antas.

Sa loob ng isang “Quarter” ay bibigyan ng Post -Test ang mga respondete na kabilang

sa mga nabanggit na strata o pangkat.

Para sa kalahagahan ng Relasyon sa dalawang nabanggit na “variable”.

Batay sa mga nakuhang datos, ang mga ito ay gagamitan ng T-Test calculation upang

malaman kung mayroon bang kahalagahan ng relasyon sa pagitan ng akademikong

kakayahan ng HUMSS Ika-11 baitang na mag-aaral sa modular modality na may "Info-Note

at mga mag-aaral nang walang "Info-Note".

Para sa Disenyong Deskriptib (Descriptive)


Sa pamamagitan ng pangtatanong (interview), ang pangalan ng kalahok sa pag-aaral

na ito ay opsyonal. Maaaring ilagay o hindi anumang katanungan ay pinapayagan kang

laktawan ito at sagutan ang susunod na tanong.Lahat ng impormasyon ay kumpidensyal at

tanging mananaliksik lamang ang may kontrol o hawak sa nasabing mga palatanungan. Lahat

ng palatanungan ay kukunin mula sa mga kalahok pagkatapos ng isang linggo mula ito ibigay

sa kanila.

Ang palatanungan o “Interview” ay isasagawa maaaring “online” o face-to-face kung

saan naaayon sa kagustohan ng mga respondente. Bilang kalahok, maaari mo itong sagutan

ng personal o di kaya ay magbabasa nito para sa iyo sa tulong ng mananaliksik. Kung

sakaling ayaw mong sagutan ang isang tanong ay maari mo itong laktawan at sagutan ang

susunod na tanong. Ang anumang impormasyon ay ituturing na “confidential” at ang iyong

pangalan ay di ilalagay sa palatanungan . Tanging ang mananaliksik na sina G. Archie M.

Leynes, Gng. Ivy Claire Bathan, at Baby Ann Bathan lamang ang may alam ng tunay mong

personal na detalye.

Ang sinumang kalahok sa pananaliksik na ito ay magbabahagi ng kanyang hinuha na

may kinalaman sa mga pagsubok at oportunidad sa kanyang aktwal na karanasan base sa

kanyang tungkulin at reponsibilidad na nakapaloob sa nasabing pananaliksik. Hindi rin sya

pipilitin na magbahagi ng kahit ano mang labag sa kanyang paniniwala at di siya

kompotable. Subalit ang sinumang kalahok ay may karapatan na umalis sa talakayan at

pahintulutan na di isama ang anumang naibahagi nya na impormasyon sa mananaliksik.

PANAHON NG PAGKUHA NG IMPORMASYON

Pinapalagay ng mananaliksik na ang panahon ng pagkuha ng impormasyon ay tatagal

ng isang buwan lamang. Kaya, pinapakiusap mula sa mga kasali sa pag-aaral na ito na
makiisa sa mga isasagawang proseso ng pananaliksin upang gayun mabigyan daan ang

pagsasagawa ng interpretasyon ng impormasyon o datos sa lalong madaling panahon.

MGA HAMON

Ang pag-aaral na ito ay hindi naglalayon ng anumang uri ng panganib sa lahat ng

lalahok. Subalit kung sa anumang punto ng pagkuha ng datos ay naiisin ng mga kalahok na

di na magtuloy ay maaari siyang payagan na umalis sa nasabing pag-aaral anuman ang

dahilan at hindi na gagamitin ang anumang impormasyon na nakalap mula sa kanya.

Ang lahat ng mga tanong ay ukol lamang sa pag-aaral na ito. Kung ang talakayan ay

tungkol sa mga sensitibo at personal na mga isyu o di kaya ay “confidential”, ikaw bilang

kalahok ay may karapatang tumanggi na sagutan ang anumang katanungan o maging bahagi

ng talakayan ng pangkat pokus kung ayon sa iyong pakiramdam ay ikaw ay malalagay sa

alanganin at di kumportableng sitwasyon.

MGA BENEPISYO

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng benepisyo sa lahat ng pampublikong paaralan

sa elementarya at sekondarya sa sangay ng Batangas City pati na sa buong komunidad ng

Kagawaran ng Edukasyon kabilang ang mga lumahok sa saliksik na ito, na may kinalaman sa

Kahalagahan at epekto ng “Info-Note” bilang isang substructural alternatibong Tulong sa

Pagtuturo para sa Modular Learning Modality (MDL) sa mga Estudyante ng HUMSS Grade

11 kaakibat ng pagpapaunlad ng kakayahan sa pagkatuto sa nasabing asignatura.


Ito rin ay magdudulot ng masusing pang-unawa sa antas na kakayahan ng mga mag-

aaral ng HUMSS gayundin ang istilo ng pagtuturo na siyang magiging pangunahing

makikinabang sa resulta ng pag-aaral na ito.

Ang pag-aaral ding ito ay magbibigay ng input sa iba’t ibang kolehiyo o unibersidad

upang mapalawig ang kanilang kurikulum sa ukol sa pagpapayahan ng kakakayahan ng mga

mag-aaral sa “social studies” at bumuo ng akasyon na nagbibigay ng tuon sa tungkulin at

responsibilidad ng isang guro base sa bagong pamantayan na binigay ng Kagawaran ng

Edukasyon

PAGBABAYAD

Hindi makakatanggap ng bayad ang mga kalahok sa nakiisa sa pananaliksik na ito

maliban sa bayad na may kinalaman sa mga nagastos nila (“reimbursements”) sa pagiging

bahagi ng pag-aaral na ito tulad ng panahon na ginugol nila sa pagiging bahagi ng pag-aaral

na ito.

“CONFIDENTIALITY”

Sinisigurado ng mananaliksik ang “confidentiality” sa parte ng lahat ng nakilahok sap

ag-aaral na ito upang mapangalagaan ang kanilang personal na mga impormasyon at mga

datos na kanilang binahagi. Ito ay sa kadahilanan upang maiwasan ang magkaroon ng hindi

magandang impresyon sa kanila sa komunidad na resulta ng paglalahad nila ng

impormasyon. Dagdag at kinakailangang pag-iingat ang gagawin upang mapangalagaan ang

lahat ng kalahok sa pag-aaral na ito.


Higit pa, ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay hinihikayat na sumunod sa

alituntuning may kinalaman sa respeto at pagpapahalaga ng anumang impormasyon o datos

na natanggap at nabigay niya.

PAGBABAHAGI NG RESULTA

Nararapat na ipagbigay-alam sa mga kalahok ng pag-aaral na ito na ang anumang

impormasyon o datos na natamo mula sa kanila ay pinapahintulutang ipamahagi sa

pamamagitan ng publikasyon o pagpupulong. Subalit, lahat ng resulta ng pag-aaral na ito ay

iingatan ng mananaliksik sa loob ng isang taon lamang.

KARAPATANG UMAYAW O UMATRAS

Ang iyong pakikilahok ay kusang loob at kaakibat nito ang karapatang umatras o

umayaw. Ang mga kalahok ay may pagkakataon na pag-aralan ang anumang nasabi nila o

naisagot sa talakayan at palatanungan at alisin o burahin ang anumang parte ng impormasyon

o datos na hindi nila gusto.

PARAAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN

Mr. Archie M. Leynes

Ms. Ivy Claire Bathan

Ms. Baby Ann Bathan


PAHAYAG NG PAGSISIWALAT

Pinapahayag ko na walang salungat sa interes propesyonal na saklaw sa pagsasagawa

ng pag-aaral o pananaliksik na ito.

IKALAWANG BAHAGI: SERTIPIKO NG PAHINTULOT

Nabasa ko/Binasa sa akin ang kabuuan ng “information sheet” na ito at kusang-loob

akong sumasang-ayon na makilahok o maging bahagi ng pag-aaral o pananaliksik na ito.

Nabigyan ako ng sapat na oras upang magtanong at alamin ang mga posibleng katanungan

ukol sa mga benepisyo at kahihinatnan sa pagiging bahagi ng pag-aaral na ito at lahat naman

ay kasiya-siyang natugunan. Nauunawaan ko rin na maaari akong magtanong sa anumang

oras. Nauunawaan ko rin na may karapatan akong umayaw o umatras sa anumang oras at

pagkakataon sa pagiging bahagi ng palatanungan na ito na hindi kinakailangan ng anumang

dahilan sa parte ko, at walang epekto o kinalaman sa aking kalusugan.

Pangalan ng Kalahok Lagda ng Kalahok Petsa ng Paglagda

Pangalan ng Testigo Lagda ng Testigo Petsa ng Paglagda

Pinapatunayan ko na lubos kong naipaliwanag sa nakasaad na indibidwal na

nakalagda sa itaas ng sertipiko na ito ang tungkol sa likas na katangian at dahilan ng pag-

aaral at palatanungan na ito, mga inaasahang benepisyo at mga hamon sa pagsali sa nasabing

pag-aaral o pananaliksik. Natugunan ko rin ang lahat ng katanungan at alinlangan ng


indibidwal na nakalagda sa itaas ng sertipiko na ito. At ito ay pinatunayan ng nakalagdang

testigo.

ARCHIE M. LEYNES May 1. 2022

IVY CLAIRE BATHAN May 1. 2022

BABY ANN BATHAN May 1. 2022

Name of Investigators Signature of Investigator Date of Signature

PASALIG SA PAKIKILAHOK NA MAGING BAHAGI


NG PAG-AARAL O PANANALIKSIK

“Info-Note”: A Substructural Alternative Teaching Aid For Modular Learning Modality


(MDL) Students Of HUMSS Grade 11 In Developing Performances In Social Studies

1. Ako si ARCHIE M. LEYNES. Ako ay nag-aaral sa Golden Gate College sa kursong


Masters in Educational Management major in Social Studies.

2. Hinihingi naming na makilahok kayo sa isang pag-aaral o pananaliksik na kung saan ay


magbibigay kayo ng impormasyon na may kinalaman sa proyektong “Info-Note” bilang
isang substructural alternatibong Tulong sa Pagtuturo para sa Modular Learning Modality
(MDL) sa mga Estudyante ng HUMSS Grade 11 kaakibat ng pagpapaunlad ng kakayahan sa
pagkatuto sa nasabing asignatura.

3. Kung sakaling sumang-ayon ka na maging bahagi ng pag-aaral na ito ay kinakailangan na


sagutin mo ang ilang katanungan na may kinalaman sa kakayahan ninyo na maitaguyod ang
inyong pag-aaral sa asignaturang “social studies”.

4. Kung mayroon mang uri ng panganib na mararanasan mo sa pagiging bahagi ng pag-aaral


na ito ay maaari lamang na ipagbigay-alam mo agad sa mananaliksik upang matugunan agad
ito.

5. Ang iyong pakikilahok sa pag-aaral o pananaliksik na ito ay maaaring pakinabangan ng


mga kapwa ninnyo mag-aaral, mga guro at punongguro sa pagsusuri sa epekto ng “Info-
Note” bilang isang substructural alternatibong Tulong sa Pagtuturo para sa Modular Learning
Modality (MDL) sa mga Estudyante ng HUMSS Grade 11 kaakibat ng pagpapaunlad ng
kakayahan sa pagkatuto sa nasabing asignatura.
6. Kung naisin mo na hindi maging parte ng pag-aaral o pananaliksik na ito ay hindi ka
maaaring pilitin. Pakatandaan na ang pagiging bahagi mo sa pag-aaral o pananaliksik na ito
ay nasasaiyo pa rin at walang mabibigo kung sakaling ayaw mo makibahagi sa pag-aaral o
pananaliksik na ito.

8. Maaari kang magtanong ng kahit anong katanungan na may kinalaman sa pag-aaral o


pananaliksik na ito. Maaari kang makipag-ugnayan sa akin sa cellphone no. 09618262822 sa
libreng oras mo.

9. Ang paglagda sa ibaba ng iyong pangalan ay nagpapatunay na ikaw ay sumasang-ayon na


maging bahagi sa pag-aaral o pananaliksik na ito. Ikaw ay bibigyan ng sipi ng dokumento na
ito pagkatapos mo itong lagdaan.

______________________________
Lagda ng Kalahok

______________________________ __________________________

Nilimbag na Pangalan ng Kalahok Petsa

You might also like