You are on page 1of 4

“Mga Naging Basehan ng mga Piling Mag-aaral ng Saint John and Paul Education

Foundation Inc. sa Baitang-11 sa Pagpili ng Strand na Kanilang Tinahak”

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni:


Bb. Angelica Tizon

Miyembro:
Alisane, Aira
Ilagan, Airace
Joaquin,Carl Jovy
Montiano, Paulina Reign

Disyembre, 2022
Introduksyon
Ang K-12 ay isang programang inilunsad noong 2012 ng DepEd, isa itong programa para
baguhin at mas lalong pagandahin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon sa isang blog
noong 2014 ang programang ito ay ginawang mandotary ang pagpasok ng mga bata sa
kindergarten, nagkaroon din ng 'junior highschool' na tumatakbo sa baitang 7 hanggang 10 at
higit sa lahat nagkaroon ng dagdag na dalawang taon ang dapat na apat na taon lamang na
pag aaral sa sekondarya ng mga mag-aaral na tinatawag na 'senior highschool ' na tumatakbo
sa baitang 11 hanggang 12. Ang Senior High ay ang sistema ng pag-aaral na nakapaloob sa
programa ng K-12, nakapaloob sa programang ito na kinakailangang mag ‘Senior Highschool’
ng mga estudyante bago mag kolehiyo, ito ay upang mag magkaroon ng sapat na kaalaman
ang mga mag-aaral at matulungang maghanda ang mga ito sa pagtahak nila sa kolehiyo. Sa
programang ito ay kinakailangan pumili ng strand na tatahakin ang mga nasa baitang 10 na
umiikot sa limang strand, apat dito ay tinutukoy na akademik 'strand'. HUMSS, STEM, ABM,
GAS at TVL ang mga strand na halos pinamimilian ng mga mag-aaral na nasa baitang 10,
kaya naman nais isagawa ng mga mananaliksik ang isang pag-aaral na tutukuyin kung ano
ang mga naging basehan ng mga mag-aaral sa baitang 11 ngayon sa pagpili ng kanilang mga
tinahak na strand.

Ang pagpili ng Strand or Track na pangunahing paksa ng pag-aaral na ito base sa aming
pananaliksik na pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng Senior High School Track at Strand
sa K to 12 Program. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng kaalaman sa mga mag-
aaral na nasa baitang 10 pa lamang. Batid naman ng mga mananaliksik na ang pagpili ng
strand ay isa sa mga mahirap na desisyon dahil isa ito sa mga daan na konektado sa
pagpasok sa kolehiyo. Maaari din itong magbigay ng kaalaman sa komunidad sa kung paano
nga ba pinipili ng mga nasa baitang 11 ang kanilang mga strand, at hindi lamang binabasta
ang ginagawang pagpili nito dahil may iba pa ding tao na hindi pinapahalagahan ang
ginagawang pagpili sa strand na kanilang tatahakin. Kaya naman mahalaga ang pag-aaral na
ito lalo na sa mga mag-aaral na tatahakin pa lang ang pagiging baitang 11.

Bilang mananaliksik, mas madali para sa kanila na pagaralan ang bagay na ito sapagkat
may kaalaman na sila sa ganitong bagay ngunit sa kabila nito ay nagnanais pa din ang
mananaliksik na palawakin ang kanilang kaalaman at mas maintindihan ang mga naging
basehan pa ng ibang mag-aaral sa baitang 11. Ang mga mananaliksik ay nagnanais din na
malaman ang mga naging basehan ng iba pang mag-aaral na nasa baitang 11 upang
makapag bigay motibasyon sa ibang mag-aaral na nasa baitang 10 at nagnanais din
makatulong ng mga mananaliksik sa ibang mag-aaral na hanggang ngayon ay nagdududa pa
din sa strand na kanilang tinahak.

Higit sa lahat, ang pag-aaral na ito ay nais isagawa ng mga mananaliksik upang makapag
bigay gabay sa mga mag-aaral, dahil batid nila na hindi magiging madali ang pagpili ng strand
lalo't ito ay bago sa kanila. Nagnanais ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay
makapagbigay ng gabay sa mga mag-aaral, hindi lang sa mga nasa baitang 10 kundi pati
narin sa kapwa nila mag-aaral sa baitang 11 na wala pa ding kasiguraduhan sa naging
desisyon na strand. Nagnanais din ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay
magsilbing motibasyon sa mga hindi pa sigurado na mag baitang 11 dahil sa pag-aaral na ito
ay maibabahagi din ng mga mag-aaral sa iba pang mag-aaral ang kanilang mga naging
motibasyon upang magpatuloy sa strand na kanilang tinahak.
PAGLALAHAD NG PROBLEMA
Sa bahaging ito nakalahad ang mga katanungan na ninanais bigyang kasagutan ng mga
mananaliksik

1. Ano ang mga naging basehan upang makapili ang mga nasa baitang 11 ng kanilang
strand?

2. Ano- ano ang mga naging salik upang isagawa ang desisyon patungkol sa strand na
kanilang tinahak?

3. Ano ang mga naging motibasyon ng mga nasa baitang 11 upang piliin ang strand na
tinahak?

Balangkas Teorotikal
Ayon sa teorya ni John Holland na may titulong "Making vocational choices: A theory of
vocational personalities and work environments (3rd ed.)" noong 1997 na nasa saling ingles,
naniniwala siya na ang mga desisyon ng mga tao sa career na kanilang tatahakin ay base sa
kanilang personalidad. Kinategorya niya ang anim na uri ng personalidad, ito ay ang
masining , mausisa, makatotohanan, kumbensiyonal, masipag, sosyal. Maaaring pinili ng
isang mag-aaral ang strand na kanyang tinahak dahil may panghahalintulad sa kanyang
personalidad ang strand na ito, halimbawa ay masining ang isang mausisa ang isang mag-
aaral kaya naman naisipan niya na mag abogado na nasa landas ng HUMSS kaya naman
ayun ang pinili niyang strand.

Ayon naman sa teorya ni Howard Gardner na may titulong "Frames of Mind: The Theory of
Multiple Intelligences" noong 1983, na mayroon daw walong talino na tinataglay ang isang tao,
ito ay ang intrapersonal o ang sariling talino, lohikal o yung mga taong magagaling magdahilan
at matatalino sa mga numero, musikal, naturalista o yung mga taong matalino sa aspektong
pangkapaligiran, biswal o mga taong matalino sa litratong aspekto katulad ng mga mapa atbp.,
linggwista o ang mga taong matalino sa mga salita o wika, pangkatawang-kinesthetic o ang
mga taong matalino pagdating sa mga paggalaw na pisikal at pang huli ay interpersonal o ang
mga taong matatalino pagdating sa pagintindi ng ibang tao o matalino sa ibang tao na
kadalasang mga guro o mentor. Ang teoryang ito ay maaaring konektado sa mga strand na
tinahak ng mga mag-aaral dahil maaaring tinahak ng isang mag-aaral ang strand niya ngayon
dahil sa talinong mayroon siya na angkop sa strand na mayroon siya.

Ang dalawang teoryang nabanggit ay parehas na konektado sa mga naging basehan ng


mga mag-aaral sa strand na kanilang tinahak ngayon ngunit sa kabilang banda maiisasaisip
din ang pagkakaiba ng dalawang ito sapagkat ang unang teorya ay tumutukoy sa personalidad
na nakaapekto sa pagpili sa strand na kanilang tinahak, samantala tinutukoy naman ng teorya
ni Gardner na ang kakayahang talino ng isang mag-aaral ang naging dahilan upang tahakin ng
isang mag-aaral ang kanilang strand.

You might also like