You are on page 1of 11

UNIVERSITY OF THE EAST - MANILA

Komparatibong Pagsusuri ng Komrehensibog Pagbasa ng


mga Mag-aaral sa Academic Strand

Labajo, Angelina

Lacson, Julianne

Maute, Noralyn

Medrano, Janiel

Rinos, Karl

Roman, Paola Patricia

Santiago, Rianna
.

HUMSS11 - 2M
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Magmula noong nagkaroon ng K-12 ay maraming mga estudyante ang


pumili at pumipili ng kani-kanilang academic strand. May ibang mga
napunta sa strand na kung saan sila nababagay, at mayroon din namang
hindi. Sa bawat academic strand ay iba-iba ang antas ng kanilang
komprehensibong pag-aaral. Sapagkat magkakaiba ito ng mga
asignaturang pinopokus at gayon din ang kanilang mga kahinaan at
kalakasan.

Sa yugto ng pag-aaral, ito ay panahon ng malawakang pagbabasa at


pagsusulat. Isa sa mga kahanga-hangang katangian ng tao o estudyante
ay ang taglay nitong malawak na komprehensyon. Ayon kay Ron Fry (n.d.),
ang pagbasa ang ina ng lahat ng mga kasanayan sa pagkatuto. Kaya ito
ang pinakamahalagang kasanayan na dapat matamo ng isang tao. Ngunit
dahil sa pagkakaiba ng academic strands ng mga estudyante sa paraan
kung paano sila turuan o matuto ay magkakaiba ang kani-kanilang antas
sa komprehensibong pagbasa.

Kaugnay nito, nais ng mga mananaliksik na magkaroon ng pag-aaral


ukol sa pagkakaiba ng antas ng komprehensibong pagbasa ng mga
estudyante sa senior high school upang malaman kung ang napili ba nilang
academic strand ay naaayon sa kanilang mga kakayahan sa
komprehensibong pagbasa. Kasabay nito ninanais din tuklasin ng mga
mananaliksik kung ano nga ba ang kasanayang nahuhubog sa
komprehensibong pag-aaral ng mga mag-aaral.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang pagbabasa ay itinuturing na isang makrong kasanayan na


kinakailangang matutunan ng isang tao. Ito ay nakatutulong na makapagbigay
kaalaman sa mga tao, lalo na sa mga estudyante. Sa pamamagitan ng
pagbabasa, natututo ang mga estudyante ng mga aralin, subalit kung ang mga
estudyante ay hindi marunong umunawa ng kanilang binabasa, paano sila
matututo at magkakaroon ng mga bagong kaalaman?

Ayon sa Organization for Economic Cooperation and Development


(OECD), ang Pilipinas ang nakakuha ng pinakamababang marka na 340 na
mas mababa pa sa average na 487 sa pag-unawa sa pagbabasa (reading
comprehension). Sila ay kumuha ng 600,000 na estudyanteng kalahok na
nasa edad 15 mula sa 79 na bansa.

Sa K-12 Program ng pamahalaan, kung saan nadagdagan ng dalawa


pang taon bago makatungtong ng kolehiyo, ay nagkaroon ng tinatawag na
strand na dapat piliin ng estudyante, ito ay ang mga: STEM, HUMSS, ABM,
GAS.

Ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) ay


strand kung saan ang pinakasakop ng mga pinag-aaralan ay kadalasang
tungkol sa mga bagay na may aplikasyon sa mundo. Sa strand na ito, sakop
ang Siyensya na kinapapalooban ng mga konseptong tumatalakay sa
malawak na kaalaman tungkol sa mga aralin sa strand na ito.

Ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay ang strand kung saan
tinatalakay ang pilosopiya, literature, relihiyon, at ang kultura ng mga tao sa
mundo.

Ang Accountancy, Business, and Management (ABM) ay strand na


tumatalakay sa mga aralin na may kinalaman sa pamamahala sa mga
negosyo, korporasyon, at pinansyal.

Ang General Academic Strand (GAS) ay ang strand na inilaan para sa


mga estudyanteng hindi pa rin desidido o sigurado sa strand na kukuhanin.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na magsusuri sa komprehensibong pagbasa ng mga


mag-aaral sa academic strand, naglalayon itong sagutin ang sumusunod na
katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente base sa strand?

2. Ano ang antas ng kaalaman sa komprehensibong pagbasa batay sa


sumusunod na mga strand:

a) STEM

b) HUMSS

c) AMB

d) GAS
3. Anong strand ang may pinakamataas na antas ng kaalaman sa
komprehensibong pagbasa?

4. Ano ang pagkakaiba ng antas ng kaalaman sa bawat strand?

5. Anong mga kasanayan ang nahuhubog sa komprehensibong


pagbabasa ng mga mag-aaral?

TIYAK NA SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na matukoy kung ano ang mga


pagkakaiba ng mga estudyante ng pamantasan ng silangan sa senior high
school na nakapaloob sa akademik strand sa kani-kanilang antas ng
komprehensibong pagbasa.
HAYPOTESIS

Ang bawat detalye ng pag-aaral na ito patungkol sa antas ng


komprehensyong pagbasa ng iba’t-ibang strands ng shs ay inaasahang
mababalangkas ng maayos.

Ipinagpalagay na may mataas na tyansa na iba’t-iba ang lebel o antas ng


komprehensibong pagbasa sa iba’t-ibang strand. May mataas na posibilidad
na ang mga strand na may pinakamataas na antas sa komprehensibong
pagbasa ay ang HUMSS (Humanities and Social Sciences) at GAS (General
Academic Strand) sapagkat mas may kinalaman ang higit na mga asignatura
dito sa pagbasa.

Ang pagkakaiba sa mga antas ng komprehensibong pagbasa ng bawa’t


strand ay maituturing konektado sa uri ng mga paksa at metodolohiyang
tinatalakay at ginagamit sa isang espesipikong strand.

TEORETIKAL AT KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ayon sa Schema theory ni Rumelhart (1980), ang mga mambabasa ay


ginagamit ang kani-kanilang kaalaman upang umunawa at matuto mula sa
tekstong kanilang binasa. Ayo sa teoryang ito, ang pag-unawa sa tksto ay
isang interaktibong proseso sa pagitan ng mga mambabasa, kaalaman ng
mga mambabasa, at tesksto. Subalit, mayroong iba’t-ibang uri ng mga
istratehiya ang bawat tao sa pagbabasa. Isa sa mga halimbawa ng istratehiya
sa pagbasa ay ang Constructionism Model ni Graesser (1994) na
pinapaliwanag na nagkakaroon ng sariling paliwanag o interpretasyon ang
mga mambabasa ukol sa tekstong kanilang binasa at naunawaan. Iba pang
halimbawa ay ang Construction-Integration Model ni Kintsch (1998), at
Indexical Hypothesis and Embodiment ni Glenberg at Robertson (1999).

Dahil dito, nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng pag-unawa ang bawat


mambabasa dahil iba-iba rin ang paraan ng kanilang pagkuha o pag-interpreta
ng impormasyon, sapagkat ang bawat academic strand ay iba-iba ang
pinopokus na mga asignatura.

Input Proseso Output


• Nais malaman ng • Magsasagawa ng • Mas mapapadali ang
mga mananaliksik eksperimento sa pag-unawa ng mga
ang pagkakaiba ng mga grupo ng estudyante sa mga
mga antas ng mga estudyante sa bawat gawain ukol sa
mag-aaral sa senior academic strand . pagbasa sapagkat
high school batay sa maaaring lumawak
kanilang academic ang mga estratehiya
strand. sa pagbasa't
pagunawa.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon,


istatistika, at kongkretong datos ukol sa Komparatibong Pagsusuri ng
Komprehensibong Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Academic Strand. Ang
sakop ng aming pag-aaral ay ang ika-labing isang mag-aaral ng University of
the East. Ito ang aming napiling sakop ng pag-aaral na gagawin. Ang
kabuuang bilang na tagatugon ay 100 mag-aaral mula sa ibat-ibang strand, at
may edad na 16-pataas.

Nakabatay din ang mga impormasyon sa mga naunang pag-aaral na


ginawa sa loob at labas ng bansa. Naniniwala ang mga mananaliksik na
napapanahon ang pag-aaral ito upang magkaroon ng kamalayan ang
bawat-isa sa atin kung may malawakan bang pagkakaiba ang bawat strand sa
Senior High School pagdating sa paksa ng Komprehensibong Pagbasa dahil
isa ito sa kasalukuyang kontrobersyal na isyu na kinakaharap ng ating bansa
matapos nito sumali sa kauna-unahang pagkakataon sa internasyonal na
"Komprehensibong Pagbasa" na kinalahukan ng ibat-ibang bansa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral - malaki ang maiaambag ng pag aaral na ito dahil madaragdagan


ang kanilang kaalaman sa kung anong track ang kanilang pipiliin na
nakaangkla sa kanilang hilig, interest o kagustuhan. Mapagsisikapan pa nila
ang kanilang pag aaral at mapagtitibay din ang relasyon ng guro at ng
estudyante.

Pamahalaan - Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag aaral na ito sa


pamahalaan dahil malalaman nila kung ano ang nagiging bunga ng paksa
bukod dito. mapag aaralan din nila ang pamamalakad ng edukasyon at dapat
isaalang-alang sa bawat desisyon na kanilang gagawin at mas lalong
mapaunlad din nila ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Academic Strand

Ang Track o Strand ay isang konsepto na sakop ng programang K-12 ng


DEPED kung saan ito ay kukuhanin o maaaring pagpilian ng mga mag-aaral
na tutuntong ng Senior High School.

DepEd

Department of Education

HUMSS

Humanities and Social Sciences

STEM

Science, Technology, Engineering and Mathematics

GAS

General Academic Strand


ABM

Accounting and Business Management

You might also like