You are on page 1of 1

Pauline Erykah C.

Villafuerte | CD 11 WXY CD3 | 1st Assignment


Nang magsimula ang pandemya noong 2020, hindi agad ako nakauwi sa probinsiya.
Nagdesisyon ako na magpaiwan sa dormitoryo sa UP sa paga-akala na babalik rin lahat sa
normal matapos ang tatlong buwan. Inabot ng anim na buwan bago ako makauwi sa aming
probinsiya sa Batangas. Masasabi kong maayos naman kahit pa-paano ang pamamalagi ko sa
Quezon City noong doon ako naabutan ng lockdown. Bagamat hindi ako residente ng barangay
Pansol, hindi ako nakaligtaan na maabutan ng kumpletong ayuda mula sa barangay. Ang ayuda
na aking natatanggap ay mga de lata, bigas, sabong panlaba at iba pang panlinis sa katawan.
Sa tulong ng unibersidad, nakatanggap rin ako ng tulong mula sa DSWD. Nabigo lamang akong
tulungan/alalayan ng Barangay tungkol sa proseso ng aking pag-uwi sa probinsya.
Sa pamamalagi ko sa Q.C, aminado ako na hindi ko mapigilang hindi mangamba dahil
kahit noong strikto pa ang lockdown, marami pa rin akong nakikitang tao sa kalsada. Bukod pa
rito, sobrang naging mahirap ang aking sitwasyon dahil sa kawalan/kakulangan ng
pampublikong transportasyon sa mga panahong ‘yun. May mga panahon na kailangan kong
lumabas para kunin ang aking allowance sa isang remittance center at kailangan kong
maglakad ng halos tatlo hanggang apat na kilometro para marating ang aking distinasyon.
Nang nakauwi na ako sa Batangas, saka ko mas naramdaman ang inisyatibo ng local
na pamahalaan para mapababa ang bilang ng kaso ng COVID sa aming nasasakupan. Isang
tao lamang sa kada pamilya ang maaaring lumabas ng Barangay para bumili ng mga
pangangailangan. May mga van at sasakyan na pinapadala rin ang lokal na pamahalaan para
mag-ronda at i-anunsyo ang mga i-pinagbabawal at mga restriksyon. Kada linggo, mayroong
natatanggap na ayuda ang bawat pamilya sa aming barangay at hindi lamang ito basta sardinas
o kung ano mang instant na pagkain. Nagpapadala ang lokal na pamahalaan ng isang buong
manok, gulay, frozen goods at bigas na siya naming pinapamahagi ng Barangay. Para sa
pinansyal na tulong, nakatanggap ang aming pamilya ng labindalawang libong piso bilang
kabuuang ayuda noong panahon ng lockdown sa aming lugar.
Noong nagsimula na ang GCQ, ramdam pa rin ang patnubay ng lokal na pamahalaan at
ng barangay. Mahigpit na ipinapatupad pa rin sa barangay ang striktong pagsuot ng mask at
paggamit ng faceshield sa tuwing lumalabas ng bahay. Bawat tindahan at pamilihan ay
kinakikitaan pa rin ng inisyatibo na ipagpatuloy ang contact tracing. Napapatupad ng matiwasay
ang restriksyon sa mga public gatherings at ang limitasyon sa lamang pasahero ng mga
pampublikong transportasyon. Sa kasalukyan, pinanukala ng lokal na pamahalaan na ang mga
nakatanggap pa lang ng bakuna ang maaaring makapag dine-in sa mga restaurants at
makapunta sa simbahan. Sa aspeto naman ng vaccination masasabi kong natagalan ang
pagtugon ng aming lugar. Ang aking ama na Senior Citizen ay noong Hulyo lamang
nabakunahan dahil sa late procurement ng mga vaccines.
May mga ilang pagkukulang at mga kontrobersiya rin sa pamamalakad na nangyari sa
aming lugar gaya ng minsanang late distribution noon ng mga relief goods dahil sinasabing
“bumabawas” muna ang mga taga Barangay ng mga imported na de lata at pinapalitan ng
sardinas. Bukod pa rito, kailangan rin na ipakita muna ang voters ID para mabigyan ng ayuda at
prioridad sa sa pagpapabakuna. Karaniwan rin sa mga ayudang binibigay ay may mukha o
kaya pangalan ng politiko na nakalakip. Ang pinaka-huli naman ay ang palakasan system kung
saan mas nauunang makatanggap ng tulong ang mga kaanak ng mga nanunungkulan sa
barangay kumpara sa mga talagang nangangailangan.

You might also like