You are on page 1of 3

EsP 5

Activity No. 1

Basahin ang maikling sanaysay tungkol sa pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa Kabutihan
sa Kapuwa. Sagutin ang sumusunod na tanong.

May Pag-asa sa Kabila ng Pandemya

Isinulat ni: Jessica C. Alag

Ibat ibang uri ng kalamidad ang naranasan hindi lang sa ating bansa kundi buong mundo lalo na ang
pandemya. Nariyan ang malalakas na bagyo, baha, lindol at sunog at kamakailan lang nakaranas ang
buong lalawigan ng Davao del Sur partikular ang Lungsod ng Dabaw ang maituturing na isa sa
pinakamatinding pagsubok sa mga mamayan dala ng pandemya.

Ngayong taong ito, buwan ng Marso, nagkaroon ng matinding pangamba ang buong lungsod dulot
ng Covid 19 na pandemya, nag anunsyo ng suspensyon ng klase, pansamantalang nagsara ang mga
trabahoan,tumigil sa pagpasada ang mga pampublikong mga sasakyan at lahat kinakailangan na
manatili sa bahay. Libo-libong mamayan ng lungsod ang naapektuhan ang kabuhayan. Maraming tao
ang nangangailangan ng tulong dahil hindi na sila makalabas sa kanilang tahanan.

Maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay. Nanlumo ang mga tao dahil sa nangyayaring pandemya
sa lugar. Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi ito naging dahilan upang mawalan ng pag-asa ang
mga taga Lungsod ng Dabaw. Madaming dumating na tulong mula sa mga pribadong sektor,mga
kaguroan, at ahensya ng pamahalaan. Dahil ditto nadarama nila ang pagmamalasakit, pagtulong at
higit sa lahat pagmamahal ng kapuwa tao. Ang pamahalaan at ang Departamento ng Edukasyon ng
Lungsod ng Dabaw ay hindi rin nagpahuli sa pagtulong. Sila ay namimigay ng mga pagkain at mga
relief goods sa mga barangay at sa mga frontliners. Inuna nila ang pagtulong sa kapuwa at higit na
nangangailangan bago ang kanilang mga sarili lalo na ang mga Frontliners.

Dahil dito muling napatunayan ng mga tao ang kabutihang dulot ng pagkakaisa na kahit na anong
pandemya ang darating sa ating buhay kung may pagkakaisa at pagtutulongan kayang-kaya lagpasan
ito na may ngiti sa labi.

Naipakita nila ang tunay na pagmamalasakit sa kapuwa lalo na sa panahon ng pandemya.

Sagutin:

1. Ano ang tawag sa pandemyang nararanasan sa ating lungsod ngayon?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Bakit kailangan nating tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan?

______________________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________

______________________________________________________________

3. Ano ang naging epekto ng pandemya sa mga taong naninirahansa Lungsod ng Dabaw?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

4. Bakit hindi nawalan ng pag-asa ang mga taong naninirahan dito?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

5. Anong katangian ang ipinakita ng mga tao lalo na ang mga nasa pamahalaan? Iniisip ba nila ang
kapakanan ng kanilang kapuwa?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Activity No. 2

Anong pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapuwa ang gagawin mo sa


mga sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May nakasalubong ka na isang matandang pulubi,humihingi sa dala mong tinapay kasi gutom na
gutom na daw siya.

a. Di ko siya bibigyan ng tinapay kasi gutom din ako. b. Hayaan ko siyang magutom.

c. Kakainin ko ang pagkain sa harap niya.

d. Ibibigay ko ng kusa ang tinapay at kakain nalang ako pagdating ng bahay.

2. May dumating na ayuda galing sa Barangay. Nagkataon na may kumatok sa inyong pintuan na
isang taong mahirap at humingi ng tulong at makiinom ng tubig.

a. Pagsarahan ko siya ng pinto. b. Sasabihan ko na umalis kasi wala kaming maibigay sa kanya.

c. Tatawag ako ng Barangay Tanud para paalisin siya.

d. Paiinumin ko ng tubig at bibigyan ko ng makakain.


3. Dahil sa pandemya hindi pinapayagan lalo na ang mga kabataan na lumabas sa kanilang bahay,
dahil sa Stay At Home na palisiya.

a. Hihinto nalang muna ako sa pag- aaral.

b. Maghapon akong maglalaro sa aking gadget.

c. Hindi ko susundin ang palisiya lalabas ako ng bahay kasama mga kaibigan ko.

d. Susunod ako sa Stay at Home na palisiya at tutulong ako sa mga gawaing bahay.

4. Umalis ang nanay mo. At tanghali na at pagtingin mo sa kusina wala pang sinaing. Alam mo sa
sarili mo, na marunong kang magsaing. Ano ang iyong gagawin?

a. Hayaan ko na walang sinaing.

b. Matulog na lang ako.

c. Kusa po akong magsaing kahit hindi ako sinabihan ni nanay.

d. Maghihintay ako na dumating si nanay at siya na ang magsaing.

5. Tumawag ang kapamilya ninyo at ikaw ang nakasagot. Pinaalam na marami ang nawalan ng bahay
sa kanilang lugar dahil sa malakas na lindol na naganap sa kanila.

a. Hindi ko ipapaalam sa mga magulang ko na may tumawag.

b. Pagsabihan ko sila na hihingi ng tulong sa iba.

c. Papuntahin ko sila sa kanilang Mayor at doon humingi ng tulong.

d. Ipaalam ko sa aking mga magulang at ibibigay ang konting naipon ko para maidagdag sa tulong sa
kapamilya naming na biktima ng sakuna.

You might also like