You are on page 1of 2

ESSAY IN E.S.

Umiiral pa ba ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa bansa?

Umiiral pa nga aba? Una sa lahat ano nga ba ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity?
At bakit kailangang alamin kung ito ay umiiral pa o nagagamit pa.
Ang Prinsipyo ng Solidarity ay ang pagtulong ng mamamayan sa kanyang kapwa
mamamayan , mga halimbawa nito ay ang pagbibigay ng ulam sa inyong kapitbahay
kung ang iyong ulam ay sobra sobra na at nalaman mong wala na palang ulam ang
inyong kapitbahay.
Ang Prinsipyo ng Sulidarity naman ay ang pagtulong ng pamahalaan sa kanyang
nasasakupan o mamamayan, isa sa mga halimbawa neto ay ang 4ps, DSWD cash
assistance atbp.
Ang bansa naman ay isang pangkat ng mga tao sa isang particular na lokasyon na may
natatanging pamahalaan. Ang kahalagahan ng pag iral ng mga prinsipyong ito sa isang
bansa ay malaki, sapagat ito ang bumubuo sa atin at gumagabay sa atin sa kapayapaan
at mabuting bansa. Ang prinsipyong ito ay nakatutulong sa ating kapwa tao upang tayo
at mag-kaisa, mag-tulungan at maging mabuti sa mata diyos. Hindi lamang ito para sa
ating sarili kundi para sa lahat , ika panga kabutihang panlahat.

Ang pag iral o pagpapanatili sa Prinsipyo ng Solidarity sa bansa ay mahalaga at


kailangan, sa ating bansa ay umiiral pa ang Prinsipyo ng Solidarity sa pamamagitan ng
pagtulong ng mamamayan sa kapwa nya mamamayan sa paraang pagbibigayan. Ang
Community Pantry ay isang rason o halimbawa kung bakit pa umiiral ang prinsipyo ng
solidarity sa ating bansa, nung mag simula na ang pandemyang ito at kumalat ang
virus(COVID-19) nag ka ubusan ng bilihing pagkain o makakain at nag mahal narin ang
mga produkto, kaya’t simula nun maraming pamilya ang naghirap makahanap ng
pagkain o makakain. Ngunit ang kanilang kapwa ay naka isip ng magandang idea o
paraan upang kahit papaano makatulong sila sa kanilang mga kapwa tao, at ito ay
walang iba kundi and Community Pantry ang Community Pantry ay isang proyekto kung
saan ikaw ay mag bibigay at kukuha o give and take kumbaga. Ikaw ay mag bibigay sa
abot ng iyong makakaya at ikaw rin ay kukuha kung ano lamang ang iyong
pangangailangan, ngunit kung ikaw ay walang maibibigay at ang kaya mo lamang gawin
ay kumuha, ito naman ay pwede rin lang. Ito rin naman ang layunin ng proyekto ang
makatulong sa mga nangangailangan. Sa paraang ito nakatulong ang mamamayan sa
kanilang kapwa mamamayan, ito rin ang nagpapatunay na umiiral pa ang prinsipyo ng
Solidarity sa ating bansa.

Sa ating bansa, ang Prinsipyo ng Subsidiarity ay umiiral parin sa paraang pamimigay ng


ayuda ng gobyerno sa kanilang nasasakupan, ito ay malaking tulong sa panahon ng
pandemya sapagkat marami ang nawalan ng trabaho at lalong nag hirap, kung kaya sa
pamamagitan nito nabili ng mamamayan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
Ang “Pantawid Pamilyang Program” o kung tawaging 4ps ay isa rin sa mga rason kung
bakit umiiral pa sa ating bansa ang prinsipyo ng subsidiarity, ito ay nakakatulong upang
mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga pilipinong nasa laylayan o naghihirap sa
bansa. Ang makapag-aral naman ng libre at makapagtapos ang mga kabataan sa
elementary at sekondarya ang naging tulong ng pagkakaroon ng libreng edukasyon.

Sa ating bansa mahalaga ang pag papairal ng mga prinsipyong ito, ito ang nagpapatibay
sa atin sa isang bansa. At oo, sa ating bansa ay umiiral pa ang dalawang prinsipyo at
sana ay panatilihin pa natin ito, upang walang maghihirap at walang gulo. Kapag ito ay
nangyari malaki ang posibilidad na maging mapayapa ang ating bansa at maging
matiwasay.

Ipinasa ni:

Angel J. Anojan Ipinasa kay:

Mrs. Hilda Fiel Palconit Alba


E.S.P Teacher

You might also like