You are on page 1of 16

Modyul 5:

Tayo’y Sumunod at Makiisa

Week 4 (September 12-16, 2022)


MAIKLING GAWAIN: (Modyul 5)
Panuto: Gamit ang iyong karanasan sa iyong pamayanan, nabasa sa pahayagan, narinig sa radyo, o napanood sa
balita sa TV
Magsulat ka ng dalawang halimbawa ng pangyayari na kung saan nakita mo ang pagtulong na nagawa ng
pamahalaan sa mga mamamayan at dalawang halimbawa ng pangyayari na kung saan tumulong ang mga
mamamayan sa kanilang kapwa mamamayan.

Pagtulong na nagawa ng Pagtulong ang mga mamamayan


pamahalaan sa mga mamamayan sa kanilang kapwa mamamayan

1. 1.

2. 2.
 Hawig sa isang
barkadahan ang
isang pamayanan

 Ang pamayanan:
isang malaking
barkada
KULTURA
 tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.
Ito ang mga tradisyon, nakasanayan,
pamamaraan ng pagpapasiya at mga hangarin
na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng
panahon.

Paano makagagawa at magiging produktibo ang isang lipunan sa harap ng maraming mga kulturang bumubuo nito?
Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at direksiyong gustong tunguhan ng mga
tao?
LIPUNANG
POLITIKAL
 Ang salitang POLITIKA ay tumutukoy sa sistema ng pamamahala ng estado o bansa na
nagmula sa salitang Greek politiká, isang derivation ng mga ”polis”
 PAMPOLITIKA – tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang
bawat isa ay nagkakaroon ng maayos na pamumuhay at ang nangunguna sa gawaing ito
ay ang pamahalaan.
 Ang LIPUNANG POLITIKAL ay binubuo ng mga pinuno at lider ng gobyerno.

 ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan, ang pananagutan ng pinuno na


pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.

 Minsan ang ating lipunang politikal ang nakatutulong sa atin na makamit natin ang mga
pangangailangan gaya ng edukasyon, tahimik na pamayanan at iba pang mahalagang
serbisyo sa komunidad.
PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY
 ang pagkilos ng pamahalaan upang tulungan
ang kanilang nasasakupan na makaranas ng
kahit papaano’y kaginhawaan sa buhay.
 Ang prinsipyo ng subsidiarity ay tinatawag
na secondary importance.
 Nagmula ito sa salitang subsidium (Latin) na
ang kahulugan ay tulong.
 Maaaring pairalin ang prinsipyo ng subsidiarity sa
pamilya kung ang lahat ng miyembro nito ay
makikipagtulungan sa bawat isa.
PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY

Hal. Pantawid Pamilyang Pilipino


Program o 4 P’s

UNIFAST – Unified Student Financial


Assistance System for Tertiary Education

Isa itong batas na naghahandog sa mga Pilipinong mag-aaral ng tulong


pinansyal upang makapag-aral ng libre sa mga piling kolehiyo at Unibersidad.
PRINSIPYO NG SOLIDARITY
 hakbang na ginagawa ng mamamayan upang tulungan ang
kanyang kapwa mamamayan sa abot ng kanyang
makakaya.

 Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding


prinsipyo ng pagkakaisa.

 Ito rin ay tungkol sa responsibilidad kung saan ganap na


tinutugunan ng bawat indibidwal ang gampaning nakaatang sa
kanya. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng mabilis na pag-
unlad ang pamayanang kanyang kinabibilangan.
Modyul 6:
Salamin ng Lipunan

Week 4 (September 12-16, 2022)


PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY
 Ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagbibigay diin sa
katauhan ng isang indibidwal, karapatan, privacy, at
kalayaan. Ito ang mag-aakay sa estado na igalang at
pangalagaan ang mga likas na karapatan ng bawat
indibidwal at ng pamilya na naaayon sa kabutihang
panlahat.
 Mahalagang panatilihin ang balanse ng dalawang
prinsipyo upang higit na mabigyang pansin ang
pagkakamit ng kabutihang panlahat at pagkilala sa
dignidad ng tao.
PRINSIPYO NG SOLIDARITY
 Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay
nagbibigay diin sa kabutihang panlahat,
tungkulin, kooperasyon, at
pagkakapantay-pantay. Ito ang mag-aakay
sa estado upang itaguyod ang kabutihang
panlahat kahit na kung minsan ay
maisasakripisyo ang kapakinabangan ng
ilang indibidwal.
TUNGKULIN NG PAMAHALAAN
1. Isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain
ng mga mamamayan.

2. Pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng pagtatatag


ng iba’t-ibang estruktura upang makamit ng mga
tao ang kanilang pangangailangan.

3. Mag-iingat, mag-iipon at mamamahagi ng yaman sa


pamamagitan ng pagbubuwis.

4. Magpapatupad ng batas upang matiyak ang


soberanya at mapanatili ang seguridad at
kapayapaan ng bansa.
TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
1. Magtulungan at sumunod sa giya ng pinuno.
2. Magtrabaho para sa iyong sarili at sa iyong pamilya para
hindi umaasa sa ibang tao at sa pamahalaan.
3. Iboto ang taong karapat-dapat sa tungkulin.
4. Mapasaiyo ang mga ari-arian sa ligal na paraan at
pangalagaan ang mga ito.
5. Maging mabuting tagasunod ng iyong napiling relihiyon at
igalang ang pananampalataya ng iba.
6. Magsalita nang hindi nakasasakit at nakasisira sa pagkatao
ng kaniyang kapuwa.
7. Magsabi ng totoo.
8. Maging mabuting kasapi ng samahan na iyong sinamahan at
maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
9. Gampanan nang buong husay ang iyong napiling
hanapbuhay o propesyon.
10. Gamitin nang matalino at wasto ang mga likas na yaman.
Pagtapat-tapatin.

Hanay A Hanay B
Sa isang lipunan, sino nga ba talaga ang BOSS?
Takdang Aralin Blg. 3
Basahin ang Self Learning Modules na ating paksa para sa Ikaapat na Linggo ng Unang
Markahan at pagkatapos ay sagutin ang piling bahagi ng modyuls na nasa ibaba.

Paksa: SLM 5:Tayo’y Sumunod at Makiisa


Basahin at sagutan ang bahagi ng Self Learning Module 5.
Modyul 5: Tuklasin Gawain 4 pg. 7

Paksa: SLM 6: Salamin ng Lipunan


Basahin at sagutan ang bahagi ng Self Learning Module 6.
Modyul 6: Tuklasin Gawain 1 pg. 11

Papirmahan ang sinagutang bahagi modyul sa iyong magulang at isend ito sa ESP 9
OUTPUTS BANK bago o sa ika-17 ng Setyembre, 2022 araw ng Sabado.

Maghanda ang susunod na pangkat para sa daily routine.

You might also like