You are on page 1of 8

YUNIT 1: PAPEL NG

LIPUNAN SA TAO
Aralin 1: Lipunan: Binubuo ng Tao Para
Sa Tao
 Pangunahing Tanong: Paano makapagdudulot ng Mabuti ang
Lipunan sa Pagpapaunlad ng Tao tungo sa Kanyang Kaganapan?
 Sa pamamagitan ng Lipunan, nakakamit ng tao ang layunin ng kanyang
PAGKAKALIKHA. Nagagamit niya ang kanyang ISIP upang mag-isip ng
tama at Mabuti sa mga bagay na ikakaunlad ng kanyang sarili, kapwa at
bayan. Nagagamit niya ang kanyang KAMAY sa paglilingkod at
pagmamahal sa kanyang kapwa at bayan. Higit sa lahat, ito ay
nakakapagdudulot ng kaligayahan sa kanyang PUSO dahil siya ay
nagging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanyang kapwa at
bayan.
ARALIN 2: KABUTIHANG PANLAHAT:
DAKILANG LAYUNIN NG LIPUNAN
 Pangunahing Tanong: Paano nagagampanan ng Lipunan ang Layunin
nito para sa Kabutihang Panlahat at pagpapaunlad ng Personal na
Kaganapan?
 ANG LIPUNAN AT ANG TAO AY MAGKAUGNAY. Makakamit lamang
natin ang KABUTIHANG PANLAHAT kapag lahat ng tao ay napaunlad at
nakamit ang kanilang PERSONAL NA KAGANAPAN. Hinihikayat ang
lahat na maging kapaki-pakinabang sa lahat ng pagkakataon. Ialay ang
sariling ORAS, TALENTO O KAKAYAHAN AT KAYAMANAN sa
paglilingkod sa Kapwa sa loob ng PAMILYA, PAARALAN,
PAMAHALAAN, SIMBAHAN AT SOCIAL MEDIA.
Aralin 3: Subsidiarity Bilang
Pananagutan ng Lipunang Politikal
 Pangunahing Tanong: Paano nakakatutulong ang
Subsidiarity sa Kaunlaran ng Bansa?
 Ang Bansang PILIPINAS ay uunlad kung lahat ng tao
ay magtutulungan sa pagpapatupad at pagpapanatili
ng BATAS upang maging PANTAY at PATAS ang mga
mahihirap, mga obrero at mga mayayaman. Iwasan ang
umasa sa Gobyerno bagkus makipagtulungan ditto.
Iwasan ang pagtangkilik sa Political Dynasty, Nepotism
at Laging panatilihin ang PROPESYONALISMO sa lahat
ng oras at pagkakataon.
Aralin 4: Prinsipyo ng Solidarity para sa
Kabutihang Panlahat
 Pangunahing Tanong: Paano mapapanatili ang prinsipyo
ng SOLIDARITY ang dignidad ng bawat tao at kabutihang
panlahat sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahat ng tao?
 Sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga tao, laging isabuhay
ang birtud ng KALAYAAN at RESPETO sa bawat tao.
Laging panatilihin ang pagrespeto sa bawat KARAPATAN
at laging isabuhay ang TUNGKULIN BILANG ANAK,
BILANG KAPATID, BILANG MAG-AARAL O
MANGGAGAWA, BILANG MAMAMAYAN, BILANG
NANAMPALATAYA AT KONSUMER NG SOCIAL MEDIA.

You might also like