You are on page 1of 1

Jane Rea Mae E. Montajes Grade 10- St.

Jude

Pagbabago, May mga pagbabago nga bang natatamo ang ating


Bansa? Matutulungan nga ba talaga tayo ng Sustainable Development
Goals na ito upang magkaroon ng magandang kinabukasan? Ang mga
pagbabago bang ito ay nais nating mangyari o di kaya naman
napipilitan lang tayo kaya naman walang pagbabagong nagaganap.
Iilan lamang ito sa mga tanong na palaging sumasagabal sa aking
isipan. Ano nga ba ang Sustainable Development Goals?

Ang Sustainable Development Goals ay ipinatupad ng United


Nations upang matamo ang maayos at mas maunlad na Bansa. May
iisang hangarin ang SDG na ito, ang magkaroon ng magandang
kinabukasan ang lahat. Isinakatuparan ang hangaring ito upang
maiwaksi ang mga problemang hinaharap ng ating mundo. Ngunit,
tila walang nagbabago. Walang nagbabago sa kadahilaning tayo ring
mga tao ang hindi umaaksyon. Tila ba’y wala tayong pakialam sa
hangaring ito. Hindi natin naiisip na makatutulong ito sa atin
lalong- lalo sa hinaharap na nag-aantay sa ating pagdating. Ang
pagbabagong ito na nais nating maisakatuparan simulan na natin
upang walang pagsisising mangyayari. Labis na naghihirap na ang
ating mundo, hindi lang ang ating mundo pati na rin tayong mga
tao. Sa bawat paglipas ng oras, araw, buwan, at taon tila
nauubusan na nang pag-asa ang bawat mamamayan na may pagbabago
pang mangyayari. Tulun natin an gating mga sarili upang
maisakatuparan ang Sustainable Development Goals na ito. Para
naman sa aking repleksiyon sa paggawa ng isang ‘‘video’’ na
ginawa ng aking mga miyembro. Maraming problema ang hinarap at
naranasan naming sapagkat hindi madaling matapos ito. Pagod,
pawis, at oras ang sinayang naming para sa proyektong ito. Kaya
naman ako’y nasasayahan sapagkat ito’y nagawa naming ng maayos at
tapos na. Maraming aral ang natutunan namin tulad na lamang ng
pagkakaroon ng kooperasyon, pagtutulungan at taos pusong nais
gawin ang proyektong ito. Bawat miyembro ay naghirap din para
dito kaya naman labis din ang aking pasasalamat sa kan ila. Sa
huli, Masaya kaming makita ang natapos na pryoektong ito.

Iisa lamang ang nais kong sabihin sa inyo, simulan na natin


ngayon ang pagbabago. Tayo rin naman makikinabang dito ngayon at
sa susunod na henerasyon. Subukan din nating baguhin ang mga
bagay na nakasanayan natin upang magkaroon ng pagbabago. Mga
nakasanayang alam mong hindi makabubuti sa buhay mo at ng ibang
tao. Tulungan nating makaahon sa kahirapan ang ating mga sarili.
Upang matamo natin natin ang maayos at maunlad na pamumuhay.
Walang bagay na pinagsisikapan ang hindi makakamtam. Simulan na
natin ngayon ang pagbabago nang sa ganun ay matamo natin isang
matiwasay at mayabong na pamumuhay. Para naman sa aking mga
miyembro huwag lang tayong mawalan ng pag-asa sa buhay. Lahat ng
hirap at problemang daraanan natin ay ating malalampasan basta’t
ang lahat ay magtutulungan. Gawin ang lahat ng makakaya sa lahat
ng proyektong mayroon tayo dahil ang lahat ng tagumpay sa huli
ay matatamasa. Sa buhay ng tao, darating at darating tayo sa
punto na tayo’y mapapagod ngunit hindi iyon dahilan upang
bumitaw. Ang buhay ay nakakapagod ngunit kailangan mo lang
magpaanod at bumangon kung san ka nahulog. Simulan natin ngayon
kaagad ang Pagbabago.

You might also like