You are on page 1of 1

PAGBABAGO

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ay nanditong sa inyong harap upang magbigay ng isang
talumpati. Sa aking mga kapwa estudyante at sa mga butihing guro magandang umaga sa ating lahat.
Ang tumayo sa harap at magbigay ng isang talumpati sa inyong harap ay isang malaking
karangalan.Hiling ko sana na lahat ng atensyon ay sa akin ituon ng maunawaan ang isang mensahe na
patungkol sa pagbabago. Sa mga pangyayari sa kasalukuyan, ang salitang pagbabago ay para bang sikat
na loveteam na pangalan pa lang ay nakakakilig na. May kakayahan itong gisingin ang ating kamalayan
at ang ating natutulog na damdamin para sa isang mas progresibong bansa.
Marami dito ang sabik, uhaw, at gutom para lang dito ngunit sadya ngang ang iba ay nangangatog
ang mga tuhod at nakakunot ang mga noo kung iisipin pa lang ang mga mangyayaring pagbabago sa
mga sumusunod na pagbabago. ganun nga siguro kung bakit di na lang maalis ang mga agam agam kung
epektibo nga ba ang bago.kung tutuusin ang pagbabago ay mahirap at masakit na proseso kinakailangan
nating bitawan ang nakaraan maging ito ay nakakasulasok o kahit na ito ay matagumpay pa man.
Sobrang hirap kung ang pagbabago ay ilalagay natin sa konsepto ng pagibig, Pagbabago isang salitang
di natin maaalis sa mundo sa dahilang walang permanente sa mundo, walang kasiguraduhan kung ito
nga ba ay makakatulong o makakaperwisyo, Di maitatanggi na ang pagbabago ay kayang gawin ng lahat
ng tao, pero di lahat ng pagbabago ay masasabing epektibo dahil minsan ang pagbabago, ay isang bagay
na pinagsisisihan ng isang tao. kasi minsan ang pagbabago ang syang magiging dahilan ng isang bagay
na pinagsisihan nito. maraming salamat sa inyong pakikinig ng talumpating patungkol sa pagbabago

You might also like