You are on page 1of 4

“Barya lang”

Ni: “Alpas”

“Hindi rin masama ang pag-unlad at malayo-layo na rin ang ating narating” Ito ang linya ng
kantang “Masdan ang Kapaligiran” ng Asin . Pagmasdan ang kapaligiran , oo nga `t kay layo na
ng ating narating kaya marami ng pagbabago mula sa ating mga kinagisnan dahil ito sa epekto
ng mga modernong kagamitan na ginagamit ng karamihan.
Ngunit sa minamadaling pagsulong ng modernong dyip ay marami ang nangangamba.
Solusyon nga ba talaga ang intensyon nito ? O mas magdudulot pa ito ng kahirapan?
Ika nga ng isang drayber ng dyip “ Hindi naman masama ang sumabay , okay lang din na
mapalitan nang bago ang luma, pero sa milyon- milyong halaga nito, huwag nalang , malulubog
lang kami lalo sa utang . kawawa kami pag hindi nakasabay, kawawa ang pamilya namin“ . Sa
pahayag nilang ito, sabay sabay nga ba na aangat ang mga Pilipino? O baka naman lalong lalo
lang mapag iiwanan?
Ang “King of the Road” ng Pilipinas ‘o mas kilala ng nakararami bilang “jeepney ” ay
makikita saan mang lupalop ng ating bansa. Ito ang kadalasan nating sinasakyan papunta sa
eskwelahan, opisina, ‘o kahit sa isang simpleng lakad lamang. Ang sasakyang ito ay talagang
maipagmamalaki ng ating bansa sa kadahilanang isang Pinoy ang nakagawa ‘o naka-isip ng
disenyo nito. Ngunit dahil sa epekto ng pandemya ay marami na ang hindi nakabalik na driver
sa pamamasada at mga nalugi dahil sa taas ng presyo ng langis. Ngayon naman gusto nang
tuluyang baguhin ng gobyerno ang sektor sa transportasyon. Ang sasakyang pang masa at
bahagi na ng ating kultura.
Sa kasalukuyan, ay isinusulong na nila ang modernong dyip sa ating bansa “e-jeepney” , at
pilit na pinapabago ang mga kinagisnan . Ngunit anu-ano nga ba ang mga magandang
maidudulot nito ? Ah! Ito ay makatutulong sa pagbabawas ng pagbuga ng mga maiitim na usok
na nanggagaling sa mga lumang dyip. Ito rin ay mayroong mas malaking kapasidad na pwedeng
magsakay ng mas marami pang pasahero. Ito rin ay nilagyan ng mga kamera na nakatutulong sa
pag-monitor sa mga pasahero. Mababawasan din nito ang paggamit ng langis na nagdudulot ng
maruming hangin sa kapaligiran.
Sa kabilang dako bakit hindi nalang ayusin o baguhin ang ilang pyesa ng mga dyip ngayon ?
Bakit kailangang palitan ng buo? Hindi ba nila naisip na mas lalong marami ang mahihirapan?
Barya na ngalang ang ang inaasahan mula sa murang pamasahe sa mga dyip na
pumapasada , mukhang hindi na kakasya pa. Hindi na kaya ng barya kung muling magtataas
ang presyo ng bilihin dahil sa transportasyon at pamasahe. Hindi na kakayanin ng karamihan.
Hindi na kakayanin ng barya lang.
Para sa mga may mataas na kinauukulan pansinin ninyo ang inyong kapaligiran , dinggin
ang sigaw ng taong bayan. Pansinin ninyong hindi lahat ng bagay ay magpapaunlad. Supporta
at hindi dagdag na pahirap ang kailangan. Dahil kung pinipilit niyong magbingibingihan?tiyak
marami ang maiiwan.
“ Para kanino ka bumabangon ?”
Ni : “Alpas”

KRIIIING…KRIIIIING…KRINGGGG… umaga na pala at tunog ng tunog itong bagay na


mahilig mambulahaw, pilit akong pinapabangon kahit ubod ng ginaw. Ayoko pa sanang
bumangon at gusto ko nalang munang umidlip at damhin ang malamig na simoy ng hangin ,
ngunit sa muling pagpikit ng aking mga mata , ay siyang pagka gising na ng aking diwa.
Napapaisip ako kung hindi pa ako babangon , hanggang saan ang kaya kong gawin para sa mga
pangarap ko?Hanggang kailan ko gustong magsakripisyo at magtiis para maabot ito?
Ilan lamang ito sa mga katanungang bumabagabag sa aking isip na nag uudyok sakin
araw - araw upang bumangon,dahil kung hindi ako kikilos,sino ang gagawa ng mga bagay na
gusto at pinapangarap ko para sa hinaharap?
Isang malalim na buntong hininga ang aking binibitawan araw-araw bago magpatuloy sa
aking normal na nakagawian , na aking inuumpisahan sa pag aayos ng aking munting silid ,
upang maging maaliwalas at magaan sa pakiramdam . Pagtapos ay didiretso sa kusina at
maingat na maghahanda ng almusal. Pinipigilang makagawa ng anumang ingay na maaring
maging rason ng pagkagising nila nanay, dahil alam kong tulad ko ay pagod din sila kakatrabaho
upang matustusan at maibigay ang aking mga pangangailangan. Pagkatapos maggayak ay heto
na naman ang panibagong pagsubok , mag aantay ng ilang oras hanggang may dumaang
sasakyan papuntang paaralan. Tik tak… tik tak… sa bawat pagpatak ng oras ay siyang aking
pangamba na baka ako ay mahuli sa aming klase `t mapagalitan lalo na at ilang kilometro pa ang
tatahakin bago makarating.
Sa araw-araw na byahe `y hindi pa d`yan nagtatapos ang rason kung bakit ako
bumabangon, bagkus isa pa lang itong simula upang gawin ang mga nararapat kong gawin
bilang isang mag-aaral.
Sa aking mga karanasan sa pag – aaral ay hindi ganon kadali. Sa sandamakmak palang na
gawain ay talagang kailangang magbanat ng buto upang matapos ito sa nakatakdang oras.
Bukod sa mga gawain ay talagang mabubutas din ang mga bulsa dahil sa maraming mga
bayarin. Pero lagi ko namang itinatatak sa aking isipan na ang mga ito ay mga paraan upang
mahubog ako para sa hinaharap. Ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng proseso.
Pagtakapos ng maghapong klase ay didiretso na naman sa sakayan upang umuwi.
Habang tinatamasa ang daan at dinaramdam ang pag-ihip ng hangin ay sumagi na naman sa
aking isipan kung anong oras ako babangon , babangon para mag-aaral para makamit ang
pangarap.
Pangarap na maging isang mabuti at mahusay na guro sa hinaharap at para magkaroon ng
maginhawang buhay ang aking pamilya .
Gusto kong makamit ang mga ito kaya babangon ako kahit ayoko pa. Babangon ako
bukod sa sigaw nila ate ‘t mama . Babangon ako para sa pangarap ko . Basta magtiwala lamang
ako sa sariling kakayahan at maging determinado, dahil hindi sapat na mayroon lang akong
pangarap kailangan kong bumangon at kumilos upang makamtan ito

You might also like