You are on page 1of 2

"Bitaw na"

Ni: Ruffamae Pabayo

Napahinto ako't bigla kang lumitaw,

Tinignang maigi at ika'y natanaw,

Sa malayo--Naka-upo,

Hawak mo ang mapula't nagdurugo kong puso,

Malayo--Ang agwat sa isat-isa,

Malayo ka man puso ko'y iyong dala-dala,

Wasak--Duguan--

Ba't 'di mo pa bitawan?

Tama na--Tang ina,

Kotang-kota na sa sakit at pagdurusa,

Pero teka!

May naaaninag pa akong isa,

Pusong buo't walang gasgas ni kunting biyak walang nakalapat,

Sa sobrang ingat ng 'yong pag hawak,

Na kabaliktaran sa pag hawak mo sa puso kong tiyak--

Isang galaw mahuhulog at tuloyang mawasak,

Teka alam ko na!

Ang pusong hawak mo ay puso n'ya,

Puso n'yang minahal mo ng sobra,

Taong minahal mo ng una,

Taong minahal mo simula pa no'ng una,

At hanggang ngayon
Mahal mo pa,

At ako?

Heto nag mamakaawa,

Gusto ko nang makawala,

Sa pagkagapos sayo nang mahigpit,

Na dahilan nang aking pamimilipit Sa sakit,

Kaya tama na,

Utang na loob pakawalan mo na,

Taposin na natin to--

Tama na--

Tama na,

Ah teka!

Kakalimutan na kita,

Kasabay nang pag limot ko sa ating masasayang ala-ala,

Meron ba?

Masasakit na nadarama,

Oo ito pwede pa,

Bibitawan na kita't ipapaubaya sa kan'ya,

At sa huling pag-kakataon--

Bitaw na.

You might also like